Ang tagal na netong nasa draft.
Diary.
April 13, 2020.
Sabi ko magpopost ako ng blog about sa lockdown na to nung March. Kaso naextend. Tinamad na ako hahahahahah
So ayun nga ano, natigil ang mga buhay natin pansamantala dahil sa pandemic na ito. Ikukuwento ko kung ano ang mga nagaganap sa buhay ko sa loob ng panahong ito.
March 12. Lumabas ang memo na wala kaming pasok kinabukasan, magkakaroon ng disinfection sa office. Tapos kumakalat na ang tsismis na ilalockdown na daw ang metro manila so ako, dali-daling umuwi sa bahay namin. Akala ko nga makakabalik pa ako ng Maynila ng lunes.
March 16. Nag-announce na ng quarantine, pero nung time na to, parang nirerequire pa kami na pumasok ng week na to (skeletal daw ang mangyayari), originally nakaschedule ako na papasok ng lunes, pero pinoproblema ko, hinahanapan na daw ng COE para makalusot sa checkpoint. Nasa Cavite na ako nun, mahihirapan na ako makaluwas o makauwi kaya ayun, buti na lang hindi na ako yung pinapasok. Pero sobrang hirap na ng biyahe nung araw na yun. Parang alas singko pa lang ng hapon sarado na ang terminal. Teka, nung araw ba na ito inannounce na ipatutupad ang ECQ?
Mula nung umuwi ako ng bahay nung March 12. Hindi na ako nakalabas ng bahay after non. So heto na, nag-umpisa na yung curfew eme. Yung paglabas ng bahay (para mamalengke or do other stuff) ay tuwing Lunes, Huwebes, at Linggo lamang. 5AM-10AM tas 4PM-6PM ata. Alam mo ba, kada labas, umaabot yung gastos ko sa limandaang piso huhu pero good for 3 days naman na ulam yon. Buti na lang kamo nagwithdraw ako bago umuwi samin, kasi kung wala haha di ko alam saan kami pupulutin. Walang laman yung atm na malapit dito. Walang tricycle. Bawal ako lumabas. Yung padala ng tita ko pahirapan kuhanin kasi sa bayan pa yon. Yung pera ko hindi ko magalaw kasi pinadisable ko yung mobile fund transfer. So ayon, meron pa naman akong natitirang cash-on-hand at natustusan ko yung pangangailangan namin sa loob ng dalawang buwan. Hayh. Hindi pa ako nakakapagwithdraw hanggang ngayon so hindi ko nagagalaw yung sahod ko mula pa nung Marso hahahahaha.
In speaking of sahod, ayun naka WFH ako. Yung pinsan ko nahinto sa trabaho, so technically ako ang nagsusustain dito sa bahay. Buti na lang suspended din yung singilan ng bills, bukod sa bayad sa dorm (ilang buwan na ako hindi nakakauwi doon ahh, nakakatatlong bayad na kamo ako). In speaking of dorm, umuwi ako ng unprepared haha yung mga labahan ko, nandoon pa, yung mga importanteng gamit ko huhu.
Sa work, nagagawa pa rin naman namin halos lahat ng deliverables namin, so keribels talaga yung ganitong sistema. Mag iin ng 8AM thru viber, then zoom pag meeting, then out ng 5PM (pero madalas 7PM na ako nakakapag out). Oks naman kahit phone lang ang gamit ko pangwork, hindi pa rin maayos yung PC dito sa bahay, tapos yung laptop ko pinagamit ko na kay Hans kasi mas kailangan niya yun. Mas dumami yung gawain namin! Yung 1PR per week naging 1 or 2 PRs per day, kailangan may maisulat tayo at makapagprovide ng topic. Pero ako heto at wala talagang maisip. Kung mapapansin mo, pinapublish ko rito yung mga written work-related drafts ko. Yan po ang trabaho ko. At ang hirap nang WFH, kasi, wala akong mapigang idea. Hirap na hirap ako magsulat kapag bahay ang environment.
Nga pala, bago ako umuwi ng bahay. Nakakaramdam ako ng sobrang pananakit ng katawan. Nag-14 days eme quarantine ako kasi baka mamaya nag uwi ako ng sakit. Galing pa naman kami House of Representatives ilang araw bago mag ECQ. Tapos isang araw nabalitaan namin may namatay na staff doon. So ako kabado bente hahahahahaha paano kung nakakuha ako. Awa ng Diyos. Buhay pa naman ako ngayon at nagsusulat dito.
Dahil sa ECQ, lahat ng pinangarap ko ngayong summer 2020 ay naglahong parang bula. Yung hot air balloon festival, yung Jomalig getaway nung holy week, yung Rakrakan festival, yung biyaheng norte, yung mga planong date at landian. Hahahahahaa. Sayang. Tapos mukhang hindi ko na magagamit yung napanalunan kong 20k na travel package. Gusto ko pa naman makapag abroad ngayong taon huhu. Hindi ko alam kung matutuloy pa ba yan within this year? O sa 2022 na??
Maraming nangangamusta sakin (lol dahil bored) kasi alam nilang hindi ako mapakali sa bahay, tinatanong kung buhay pa ba ako ganyan, paano nakakasurvive. So ano-anong ginawa ko dito sa bahay during quarantine? Netflix? ML? Tiktok????? He he. NOPE.
Sabi nga nila buhay baboy daw ako ngayon haha di pa rin naman ako tumataba. So ang mga inaatupag ko syempre, bukod sa work, nagluluto, naglilinis (very important ang mag-disinfect ng bahay more often para maiwasan ang virus) kaya super effort linis talaga ako. Tapos, ang daming nagkalat na online courses/webinars, mapa-COVID-19 related man yan o hindi, maganda na habang mahaba at marami tayong panahon eh hindi tayo huminto na mag aral o magdiscover ng iba pang bagay na makakadagdag sa learnings natin. Marami dyan nasa facebook lang kung tutuusin. Manonood ka lang ng live. Tapos ano pa ba, tinuloy ko yung ginagawa ko dati na pagtututor (pero walang bayad, more on public service lang lol) para maexercise din yung utak ko paminsan-minsan. Pumupurol na eh. So at the same time tinutulungan ko tong mga bagets na to na kahit hinto yung school days nyo, natututo pa rin kayo. (Baka may gusto pa magpaturo o tutor diyan, I would gladly do it for free hahahahaha.)
Tapos alam mo ba, bumalik na yung body clock ko sa normal. During first weeks of ECQ sa gabi ako nagtatrabaho. Kasi 4AM dilat pa mata ko. Pero ngayon, 10PM lang, sobrang antok na ako. Tapos sakto yon sa 8AM kong gising sa umaga.
Ano pa ba, ayun, kahit na nahinto yung takbo ng oras ng buhay natin, dapat hindi tayo huminto na matuto at iimprove o ienhance ang mga sarili natin. Alam mo ba, during my first days of quarantine, nakararamdam na naman ako ng matinding kalungkutan, yung nagigising ako tuwing 3 or 4AM na may anxiety, well dalawang taon ko na tong pinagdadaanan, nawawala tas bumabalik lang. Syempre alam mo naman ako, ayaw ko nang napipirmi kaya dinapuan na naman ako ng extreme sadness, tapos may mga tao sa buhay mo na nagmumulto muntanga hahahahaha, sumusulpot para lang mas lalo ka palungkutin. Ang hirap non kasi ang way to cope ko noon, lumabas, pumunta sa kung saan, idistract ang sarili. So in this time of lockdown, paano mo ididistract ang sarili mo?
Ang late na masyado ng post na to, pero I want to remind na huwag tayo tumigil, learn something new everyday. Oo ramdam ko yung araw-araw tayo gigising tas uh, same old shit routine na naman. Always look at the brighter side.
Pero paano yung mga nawalan ng trabaho? Paano yung mga walang makain during lockdown? Mas lalo pang nakakapanggigil kasi araw-araw tayo binibigyan ng disappointment ng pamahalaan. Yung parang kahit anong diskarte ang gawin natin sa buhay, hindi pa rin tayo makausad dahil sa mga palpak na desisyon ng mga nasa itaas.
Maswerte ako kasi nasa government sector ako. Pero dahil sa pandemic na to, ang daming trabahador ang apektado, lalung-lalo na ang turismo. Yung mga sporting events/concerts/gatherings. Maraming negosyo ang paralisado. Maski yung mga pangkaraniwang tao apektado dahil walang transportasyon. Pabor lang sa mga mayayaman/may sasakyan lang. Kung mahirap ka, bahala ka maglakad. Kung di ka papasok, wala kang sasahurin.
Sorry nagiging political na naman to. Peeo ayun, habang ini-aim natin na may ma-achieve each day, sana huwag din natin kalimutan na tunulong sa mga mas nangangailangan natin, maski sa simpleng paraan.
Tapos ichika ko na rin pala, NAKAPASA AKO SA ENTRANCE EXAM FOR MASTERS’ SA PUP!!!!! Tapos mukhang gagawin ding online class etong summer semester. Kaya naghahanda na din ako. Pero tbh tinatamad na ako hahahahah (syempre dahil sa environment), so habang work from home, tapos housewife duties (char), tapos mag oonline class pa, parang di ko na ata kaya huhu. Kailangan ko talaga ng proper time management.
So lahat tayo umaasa na matapos na ang hanash na to. Pero looking back, from March 15, ano ang nabago sa buhay mo? Ano yung mga narealize at natutunan mo?
Ako, parang wala ata huhu. Ewan, di ko alam kung may nabago sakin, pero napaisip ako yung mga bagay na lagi kong pinagpapabukas, dapat gawin na ngayon. Wag na itake for granted ang oras. Kasi may mga pangyayaring hindi inaasahan sa buhay natin na nagaganap tulad netong ECQ. Bawat araw gusto ko may nagagawa ako para sa iba.
Tsaka lam mo ba, etong time na to yung makakapagtesting sa inyo (hindi mass testing, kundi patience).
So that ends our blog for the lockdown recap. Bakit parang vlogger na ako magsalita hahahaha. Sa susunod ay ikukuwento ko naman ang aking buhay paglabas ng bahay ni kuya.
Yung most recent posts ko ay yung mga sinusulat ko pala sa work. Sana basahin nyo huhu.
Tapos tinatamad na akong magkwento ng ibang bahagi ng lockdown life ko. May sinusulat akong recipe blog tapos hindi pala nasave. So ayon. Saka ko na lang isusulat kapag sinipag na ulit ako.
Tapos yung mga updates sa kalandian life ko, dahil eto lang naman ang inaabangan mo di ba, he he bahala ka dyan. Di na ko magkukuwento ng kahit ano. Char.
Joke lang, may niluluto akong bagong album, ipopost ko na soon. #ComeWhatMay
Kaya pala bilanggo ang title neto kasi nakakarelate ako doon sa lolo sa commercial ng boysen. Wala lang share ko lang.
June 12, 2020.
Araw ng Kalayaan. Matapos ang tatlong buwan. Bibiyahe na ulit ako pa-QC. Abangan sa susunod na blog!!!!!
Ikaw rin at ng mga mahal mo haha
LikeLiked by 1 person
Salamat!!! Ingat lagi βΊ
LikeLike
Congratulations sa pagpasa. Sanaol. β₯οΈβ₯οΈβ₯οΈ
Makakaraos rin tayos sa pandemyang iton. Kapit lang kapatid! β₯οΈ
LikeLiked by 1 person