Molino at Zapote: Ang Dalawang Mukha ng Pilipinas

MAY DALAWANG daan akong pagpipilian kapag papunta/pauwi ako galing sa trabaho:


Image from Wikipedia
1. Daang Hari Road
– Van ang sinasakyan ko, may aircon, komportable ang upuan, pwedeng-pwede kang mag-emote.
– Hindi gaanong mabigat ang daloy ng trapiko, expressway kasi.
– Puro private vehicles ang madalas na dumadaan dito.
– Madadaanan mo ang mga executive villages (Camella, etc.), mga commercial centers (Starmall Prima, Vista City, tapos may itinatayo pa dun na magandng istruktura)
– Basta, smooth lang, mabilis kang makararating sa paroroonan mo.
Maraming pasikot-sikot, pero tuloy-tuloy lang ang biyahe.

Image from Wikipedia
2. Alabang – Zapote Road; Aguinaldo Highway
– Jeep, plus unahan pa sa pagsakay, tapos kalahati lang ng pwet ko yung nakakaupo -.-
– Sobrang traffic, bukod sa andaming intersection, kabi-kabila din yung proyekto ng Maynilad.
– Madadaanan mo yung palengke ng Zapote, na ayun hindi maganda ang amoy (Palengke nga kasi)
– Madadaanan din dun yung slums area malapit sa Zapote, at alam nyo ba may bahagi dun na punung-punung-puno ng basura. Ewan ko ba kung dun ba nagtatapon yung mga nakatira don? O baka dun na dinidispatsa ng Garbage Trucks yung mga basura nila (Sa highway? Really?)
– Maraming malls na madadaanan πŸ™‚
– Mura lang ang pamasahe πŸ™‚
Diretso nga ang daan, mabagal naman ang pag-usad.

—–

Yung dalawang daan na yan ay parang Pilipinas lang: may daan na para sa mayayaman, at may daan para sa mahihirap. Bakit feeling ko eh mas pinapaboran ang daan para sa mayayaman?

Isa ako sa naniniwalang hindi na maiaalis pa sa lipunan ang kahirapan. Nag-eexist na kasi yung mayaman at mahirap bago pa man dumating ang mga mananakop. Kaya wag na tayong umasa sa pamahalaan na iaangat tayo sa laylayan (lol), tayo mismo ang dapat na mag-angat sa sarili natin. Sapat na trabaho tsaka de-kalidad na edukasyon lang ang maitutulong ng pamahalaan na siyang mag-aahon sa atin sa kahirapan πŸ™‚

Pero sana ay mabigyan na ng solusyon ang sobrang laking problema sa traffic system ng Pilipinas.

(Nadaanan ko kasi kanina yung slums area sa may Bacoor, at naalala ko yung ‘Dalawang Mukha ng Makati’ na pinagdidiskusyunan noon ni Binay at Roxas)

Advertisements

18 Replies to “Molino at Zapote: Ang Dalawang Mukha ng Pilipinas”

    1. Meron akong nadaanan na may toll gate dun sa MCX nung galing ako ng Alabang πŸ™‚

      Oo medyo matagal πŸ™‚ nakadepende yung sasakyan ko kung saang mall ako manggagaling eh haha

      Liked by 1 person

    1. Kahit sa jeep sobrang lalim na ng mga iniisip ko, ang tagal kasi umusad eh. Minsan nga nagtatype nako ng ipopost ko sa sasakyan. Hahahaha

      Pag sa van naman minsan tulog ako, minsan nakatulala sa may bintana, nagsesenti

      Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s