The New Normal Diaries #1: COMMUTE (Di ka lang cute, mas lalo ka pang…..)
June 12, 2020.
Araw ng kalayaan.
Araw ng paglaya.
After 3 months ng pagkakakulong ko sa bahay. Sa wakas. Nakalabas na rin ako βΊ
Sinakto ko today kasi una long weekend, wala akong pasok, plus holiday kaya hindi naman siguro matao sa labas. Ang inaasahan ko eh maghihintay ako ng matagal kasi matumal ang bus, or punuan na agad kasi limited ang capacity, pero alam mo ba, sobrang smooth ng biyahe ko!
Pero syempre bago ang lahat, this is a reminder to maintain safety and always do physical distancing measures. Magsuot ng mask pag lalabas. At ayun nga, kung hindi naman importante ang ganap eh wag na kayong lumabas, vc na lang ganern. Wag nyo kong tularan.
Naglakad ako palabas ng subdivision namin (as I always do), tsaka mahal pamasahe ng tricycle kasi special. Then nag-jeep ako pa-open canal. Nagulat ako kasi may jeep nga dito samin! Pero kailangan talaga, kasi di naman magkakasya yung bus dito sa looban no, feel ko pinayagan na sila mag-operate ng LGU, pero within the city lang. So ayan may mga plastik nang pang-separate. Konti lang ang pasahero most of the time. Uh normal pa rin na mabigat ang daloy ng trapiko pero oks lang.
Tapos sumakay ulit ako ng tricycle pa-highway, bago umandar, pinag-fill up ako ng contract tracing form. SOBRANG IMPORTANTE NA MAGDALA KAYO NG SARILI NYONG BALLPEN!!! Kasi syempre sobrang dami nang nakakahawak ng ballpen na ginagamit pang fill out, so mas safe kung meron kang sarili mo di ba? So sa buong biyahe ko, naka-lima o anim na beses ata ako nagsulat sa form.
Nakasakay naman ako ng bus. This week lang ata sila pinayagan na magkaroon na ng biyahe (Dasmarinas-PITX), sakto talaga huhu. Maluwag naman. Tapos nahihilo ako kasi hindi na ako sanay bumiyahe. Tapos alam mo ba, isang oras pa lang, nasa PITX na ako!!! Ang bilis ng biyahe sis.
Then sumakay naman ako ng shuttle pa-MRT. Buti na lang meron din. Heto yung kagandahan sa pagbiyahe ko kasi hindi na hassle na lakad ng lakad kung saan saan. Pagbaba ko ay doon na rin ang susunod kong sasakyan. Then sumakay ako ng LRT. Ganon din, wala masyadong tao. Perfect talaga ang araw na to.
At ayun, pagdating ng Munoz, nagkita na kami ni eme. Yey. Char. (Sorry naaaa tatlong buwan ko siyang hindi nakita huhu)
Ang mahirap lang sa ganitong panahon eh wala kaming mapuntahan hahahaha. Wala pang dine-in. Hindi naman ako makapasok ng mall kasi hindi ako quarantine pass holder ng Quezon City. So wala akong choice. Sa labas ko lang siya makakausap π₯
Hindi ko rin siya gaano malapitan kasi baka sitahin kami na mag-social distancing :(( ang sad no. Hahahahahahha
So ayon, wala ako gaano makwento sa naging ganap namin. Kasi wala talaga kaming kaganap-ganap. Kinuwento ko lang yung pagbiyahe ko. Skl.
Nung pag-uwi ko, sa Monumento na ako sumakay ng bus pabalik ng PITX. Tapos ayon, balik na naman tayo sa same old routine.
Breather ko talaga yung paglabas labas, kaso nahinto magmula nung naglockdown. Mukha man akong pasaway at sumasagap ng virus huhu sorryyyy, pero pramis nag-iingat naman ako. As much as possible hindi ako lumalapit sa mga tao.
Tapos ang pinakamasayang bahagi ng araw na to, bukod sa nasilayan ko siya, sa wakas nakabili na rin ako ng Jollibee Spaghetti yeyyyyy
Alam mo yun gusto ko ulit lumuwas next weekend hahahaha kaso awat muna girl.
Jollibee kid!! π
LikeLiked by 1 person