Nobela


In speaking of libro, nabasa ko yung mga sinusulat ng kaibigan ko. Ang ganda, naka-book style na siya. Pero hindi siya fiction or novel. Mga random thoughts niya lang din. So naisip ko, dapat pala iready ko na din yung book version ng blog ko. Haha.

Dapat gawaan ko na ng word document, tapos sasalain ko na kung ano yung mga ilalagay ko for publishing. Alam mo naman ako bata pa lang ako pangarap kong magkaroon ng sarili kong libro – katulad ng mga likha ni Bob Ong. Iba’t ibang kwento pero lahat ay hango sa totoong buhay, sa buhay niya mismo. Gusto ko ng ganun, hindi siya autobiography or coffee table book pero parang Bob Ong style nga na libro, pero syempre di ko na ilalagay yung mga korni kong content.

Halo-halo. May chapter ng hanash. May chapter ng kalandian. Teka, handa na ba akong ipabasa sa buong bayan ang kwento ng buhay ko?

Dati nagsusulat ako ng parang wattpad story, pero hindi nakapublish, as in nakasulat talaga sa notebook. Yung kwento ng pagka-crush ko kay JD simula first year hanggang sa grumaduate kami. My FALL ang title (My First and Last Love). Ang korni no. Angry birds pa yung cover ng notebook ko non haha, kaso hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon. Di bale na. Naka move on naman na ako eh.

Sabi ko kay P, siya ang mamimili ng mga posts na ipapublish or ilalagay ko sa libro. Siya kasi yung nakakabasa ng lahat, as in bawat isang post ko. Siya yung nakakakilala sa akin ng higit sa sinuman HAHAHAHA kaya I’ll give him the privilege. Char.

Tapos sabi ko naman kay Dwight, siya ang bahala sa illustration, either drawing or photo HAHA lakas kasi maka-celebrity pag puro portrait ko di ba, basta. Sabi ko pa, kuhanan niya ako ng video, or music video ba, yung pwede ipalabas sa araw ng burol at libing ko.

Tapos si Hans at Hajj naman ang ilalagay ko sa visual/creative/pagle-layout ng libro. Haha

Parang mga high school ang magiging market ng libro ko ah. Tipikal na wattpad shit. Kaya kailangan ayusin ko na yung content ko haha

Tapos sa unahan ilalagay ko, IN LOVING MEMORY. Haha char

This entry was posted in HANASH!. Bookmark the permalink.

3 Responses to Nobela

  1. aysabaw says:

    HAHAHAHA madami na tayong time

    Liked by 1 person

  2. @Eca nasan ka na hahahaha marami na akong time ngayon πŸ˜…

    Liked by 1 person

  3. aysabaw says:

    San na ung libro nating 3 ni Erica hahaha

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.