Kung magiging pelikula, or libro, or teleserye ang buhay ko, eto yung chapter o episode na lalaktawan mo. Eto siguro yung bahagi na makakatulugan mo. Haha.
Isipin mo yun, ang ganda ng simula! Isang batang maagang naulila, nawalan din ng lolo at lola, nahiwalay sa mga kapatid, hikahos sa buhay, pension ng sss lang ang bumubuhay, panget na binu-bully ng mga panget din na kaklase, hirap makapagtapos ng pag-aaral, walang pambayad ng tuition kaya hindi nakakapag-exam, nabaon sa utang, nawalan ng bespren.
Tapos grumaduate, hirap maghanap ng trabaho. Ilang beses hindi natatanggap. Ilang buwan naging palamunin. Tapos nakipagsapalaran sa maynila. Naging minimum wage earner. Pumapasok from 6PM-5AM. Bumibiyahe from Cavite to Quezon City araw-araw. 3 oras lang natutulog sa isang araw.
Hanggang sa nag-apply ulit sa kung saan-saan. Jail officer. Factory worker sa Taiwan. Casino dealer sa Malaysia. Hanggang sa ngayon, eto, alipin na ni DSL.
Nagmahal sa unang pagkakataon sa loob ng pitong taon. Hinihintay kahit nasa Palawan na. Tapos nagka-jowa. Nagamit. Naiwang luhaan, sugatan, hindi mapakinabangan. Ginagamit pa rin.. Tapos natutong makipagkilala at makipagkita sa kung sino-sinong lalaki.
Sumusulat mula noong 2012. Nahinto. At sumusulat ulit.
O ngayon? Parang ilang buwan nang character development sa buhay ko HAHAHAHAHA Wala man lang kapupulutan ng aral yung mga pinaggagagawa ko lately. Puro pagkabroken lang, nakakaumay sa mga manonood/magbabasa. Ang panget naman ilagay tong chapter na to ng buhay ko sa libro haha.
O kaya instead na maexcite ka sa susunod na episode eh maiirita ka lang sakin kasi, “Ay ano ba yan si Shaira patanga-tanga na naman.”
Kasalanan ko din kasi eh wala din akong ginagawang makabuluhan lately.
Β