Volleyball



NAG-PRACTICUM kami sa PE.

Kung nandun ka nun, baka napapa-facepalm ka nanaman sa performance ko.

Oo, tanggap ko noon pa man na kahit kailan ay di ako matututo maglaro ng volleyball eh!

Naalala ko noon, second year high school pa lang tayo, nung turuan mo ako maglaro.

Required sa MAPEH yung paglalaro natin.

Kapag magse-serve ako, palaging sumesemplang.

Tuwing ibibigay mo sa akin yung bola palagi akong tumatakbo.

Takot kasi akong tamaan.

Ilang beses na kasi akong tinatamaan ng bola sa ulo, kahit nanonood lang ako.

Sabi mo nun, ‘wag kang matakot na masaktan

At ‘wag kang matakot, dahil hinding-hindi kita sasaktan

Kaso wala. Di pa rin ako marunong.

At kahit anong gawin ko natatamaan pa rin ako ng bola. Nasasaktan.

Sinabi mo nun, “Sayang matalino ka sana, kaso di naman marunong mag-volleyball.”

Hanggang sa napagod ka na rin sa akin.

Sabi ko maglaro tayo. Sabi mo iba na ang gusto mo kalaro.

Ayaw mo na sakin kasi nga di ako marunong.

Okay lang kahit masakit. Nakuntento na lang ako na panoorin ka.

Kapag may laro kayo pagkatapos ng klase, nanonood ako palagi.

Wala akong pakialam kahit hapon na ako umuwi, basta ang importante sabay tayo.

Kapag sumasali ka sa Intrams, todo suporta ako sayo nun!

Pag nakaka-score ka tuwang-tuwa ako. Chini-cheer kaya kita!

Di nga lang halata. Di naman kasi ako tumitili eh.

Palagi akong may dalang tubig, para kapag nauuhaw ka ako ang lalapitan mo.

Madalas ako yung tagahabol ng bola, wag ka lang masyadong mapagod.

Minsan sinabihan kita, “Sugapa ka sa bola, aba patirahin mo naman minsan yung mga kasama mo.”

Sabi mo, “E di kasi sila marunong eh.”

Oo na, ikaw na ang magaling.

Ako naman ang tanga.

At kanina, nung naglalaro na ako ng volleyball, naaalala kita.

Oo di pa rin ako marunong.

Malamang niyan pagtatawanan mo nanaman ako.

Pero sabi ko nga, ayoko na mag-volleyball.

Naaalala nga kasi kita.

At eto pa, may kaklase ako na tulad mo, magaling din siyang maglaro ng volleyball.

Alam mo ba, kung paano kita sinusuportahan noon, medyo ganun din ako ka-supportive sa kaklase ko ngayon.

Pero iba naman kasi yung ngayon at noon.

Ang tanga ko lang talaga kasi noon.

Di na ngayon ๐Ÿ™‚

Pero hanggang ngayon, naaalala pa rin kita, dahil din sa kanya.

–ย Akala ko sa bola ng volleyball lang ako nasasaktan. Masakit din pala kapag naaalala ko yung mga bagay na may kaugnayan sayo sa volleyball.

(image source)

COMMENT?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.