
Feeling hopeless. Nawawalan na naman ako ng gana.
Syempre sino ba naman ang hindi gustong magkaroon ng maalwang kinabukasan. Eh kaso, paano na lang kung yung isa nagsesettle na lang sa ganun? Sabi niya basta masaya siya, okay na siya.

Grabe ang feels ng pelikulang ito. Nakakarelate ako ng very light haha
So ayun nga, sinabi sakin ng pamilya ko na wala akong magiging future sa kanya, paano na daw ako? Hindi sapat na puro love lang. Dapat pareho nyong aabutin ang mga pangarap nyo.
But at this moment, mukhang malabo na.
Isang araw habang nabiyahe din ako pauwi, napapaisip ako, kung totoo nga ba talaga yung feelings ko sa kanya? Or nabobored lang talaga ako sa buhay? Or gusto ko lang maexperience na magkaroon ng bf? Or dala ng awa na walang ibang dadamay at iintindi sa kanya? Kasi parang okay lang sakin na iwan niya ako. Yung tipong ang dali dali ko lang bumitaw sa relationship namin at walang paghihinayangan. Ewan ko ba, pati pagmamahal ko sa kanya may doubts ako. Kaya siguro di ko kayang magsabi ng βI love youβ kasi di ko feel?
Kaso narealize ko din, kung hindi ako totoo sa kanya, bakit hanggang ngayon nagstay pa rin ako? Bakit kahit ako lang ang madalas mageffort samin okay lang? Bakit kahit ilang beses na siya partially βnagcheatβ eh pinalampas ko pa rin?
Is this what love really meant? Na kahit may possibility na ako ang bubuhay sa kanya balang araw, Iβll stay. Na kahit ilang ka-shit-an pa ang gawin niya, Iβll still think heβs the best.