Ako yung tipo ng tao na mahirap magalit (oo di talaga ako nagagalit pramis), mahaba ang pasensya at matiisin. Pero simula nung nagkatrabaho na ko, naiistress na ako sa maliliit na bagay.
Hindi naman stressful ang work environment ko kung tutuusin. Super chill lang ako dun, yung tipong in 1 hour lang tapos ko na lahat ng gawain ko (luh yabang talaga oh), oo pramis madalas nakatunganga lang ako sa opisina.
Madalas ako maistress pag bumibiyahe haha layo kasi. Pero di naman ako galit na nagkukuda, nakangiti pa rin ako pero deep inside naiinis nako haha.
*Pag ako ang huling pasaherong sasakay ng jeep tapos 1/4 ng pwet ko na lang yung nakakaupo.
*Pag tipong 2 minuto na ang nakakalipas pero di ako sinusuklian (pero yung ibang pasahero nasusuklian naman. Di naman malaki yung pera ko)
*Pag papara yung mga pasahero sa hindi tamang babaan tapos magrarant sa driver kasi lumagpas na daw.
*Pag nasa MRT ako tapos nakaharang lahat ng pasahero sa may pintuan eh pwede namang pumwesto sa gitna.
*Pag sasakay ako ng bus tapos tayuan, yung tipong mas nauna pa nakaupo sayo yung mga huling sumakay ng bus (mga taga Imus, Bacoor) kaya mula District hanggang MRT, nakatayo lang ako!!!
*Pag isang oras ka nang nakapila tas wala pa ring bus sa terminal.
*At naiistress talaga ako ng malala pag may nagkakasagutan sa harap ko (halimbawa mga katrabaho ko, or yung mga kapwa ko pasahero na nagrarant, basta kahit anong argumento), disturbing talaga sakin yun kaya pag mag aaway kayo, pls lang huwag sa harap ko. Ang dali kong maapektuhan na feeling ko ako yung inaaway, medyo sensitive ako these past few days ewan ko ba.
Same with jowa, pag nag aaway kami, isa din sa dahilan kung bakit ayokong magsalita kasi nattrigger yung anxiety ko, na masyado kong dinidibdib pag may nagagalit sakin, kaya as much as possible sana maayos agad kasi nag ooverthink ako pag may taong masama ang loob sakin.
Wait lang ang layo na pala ng sinasabi ko sa topic natin. Ayun nga, Mabilis na akong maapektuhan ng external factors kaya ako naiistress.