Real World Hanash


(Sinulat ko to nung nakaraang buwan pa, tas ngayon ko lang maipapublish hehe)

Kalahating taon din akong nagbilang ng poste. Hahahahaha

(Aba nung nakaraan lang nagdadrama ka kasi nakatengga ka lang sa bahay, ngayon may bagong hanash ka na naman)

Sampung kompanya na yung inapplyan ko. Karamihan bagsak agad sa assessment exam. Yung isa naman, nag-exam na ako tas di man lang ako tinext/tinawagan kung bagsak ba o pasado? Tapos yung isang inapplyan ko na chat support, nagtraining na ako ng 2 days, then after nun naligwak na (nung moment na yun, umasa talaga ako na magkakatrabaho na ako), kaya heto, umuwi na naman akong luhaan, sugatan, di mapakinabangan.

At heto na nga, yung huli kong inapplyan, pasado na ako!!! SA WAKAS MAY TRABAHO NA KO HAHAHAHA. Bale nandito ako ngayon sa… sa… teka di pala ako pwedeng magbanggit directly. Pero kung nakikita nyo yung mga post ko sa Twitter, Instagram o Facebook, alam mo na siguro kung saan ako napasok ngayon πŸ˜€

So di ko inakala na dun ako mapupunta! Sabi ko, totoo na ba to? Pasado na ba ako dito?? Kasi final interview agad, tas wala nang emeng exam. Bale ang mangyayari, magte-training ako dun ng 12 days, then ieevaluate, at dun pa lang malalaman kung bagsak or pasado. —

Madali lang yung trabaho. Pramis. Though mas gusto ko yung nasa field talaga kesa sa nakaupo lang maghapon at nakaharap sa computer, okay na rin kasi at least hindi toxic at pressured ang environment. Pero mahigpit sila sa errors, bawal kang magkamali sa pagprocess (eh ako pa naman mali-mali at makakalimutin, kaya nag-iingat din ako)

At lumipas na ang dalawang linggo – dumating na ang araw ng evaluation. Iba yung ineexpect ko sa nangyari. Akala ko ipapademo sakin yung mismong workflow, pero tinanong lang ako ng very very lite tas tapos na. Yun na yun?? Parang kinumusta lang kung na-enjoy ko ba yung training. From that moment, alam ko nang FAILED na ako. Sabi 2-3 days malalaman na yung resulta, pero dalawang linggo na ang lumipas, wala pa ring update. Nawawalan na ko ng pag-asa sa life hahahaha hahanap na naman ako ng bagong trabaho. Kaya ayun na yung post ko (kung nabasa mo man), btw salamat sa mga nagmomotivate sakin kahit napaka-nega ko.

At heto na nga, after 2 wks, tinext na ako na magpasa na ng requirements sa kanila (lol di sinabi directly na pasado) kaya di pa rin ako makapaniwala. Totoo na ba to? Di na ba ako pinapaasa pa?

Hanggang sa eto na, legit akong employee dito πŸ™‚ ganun pa rin, kulang sa tulog araw-araw dahil sa hirap ng biyahe. Napapagod na ko haha pero walang sukuan. I’ve waited for a long time to make this happen.

– – –

The struggle is real – sa pagbiyahe papasok at pauwi. From Cavite to Quezon City, 3-4 oras ang biyahe ko, naka-MRT pa ako niyan ah. At pa-iba iba ang sched ko, may pang-umaga, panggabi. Mas masaya pag midshift (5PM-2AM) kasi mas mabilis ako nakakauwi dahil di na traffic. Tas 4 hours na lang ang tulog ko araw-araw. Wala na ring time for social life (lol wala naman talaga akong social life eh haha)

Sabi ng karamihan magdorm na daw ako dito. Eh kaso ayaw ako payagan ng tita ko eh, kasi daw baka pagbalik ko ng Cavite buntis na daw ako 😭 wala tayo magagawa eh tiis tiis na lang muna sa mahirap na commute araw araw.

May mga araw na hindi na ako nakakauwi sa bahay. Halimbawa 4AM ang out ko ngayon, tas 4PM yung sched ko kinabukasan. E hindi ko na kaya bumiyahe nun kasi uuwi nga ako, tas aalis ulit, di na ko pwedeng matulog pa! Minsan sa opisina ako natutulog (minsan sa harap ng computer, minsan dun sa sofa sa lobby) pero di ako pwede makita nila boss na natutulog dun haha kaya nakakahiga lang ako dun pag wala sila (madaling araw at weekends).

At isa pa sa mga hirap na pinagdaanan ko eh yung pagtitiis sa aircon, di kasi ako sanay sa environment na ganun kalamig. Ilang minuto pa lang akong nasa loob eh nilalamig na agad yung mga kamay ko, kaya during break lumalabas talaga ako ng building, naglalakad-lakad para pagpawisan. Every after shift, nangangatog talaga ako, tas sasakay pa ng aircon bus di ba. Kaya minsan nagji-jeep na lang ako pag pauwi na.

Medyo hirap din akong makipag-socialize sa mga taga-dun nung una hahahaha (dami kong problema di ba), pag napasok ako wala akong kinakausap doon, kahit kapwa ko trainee dedma lang ako. Pero simula nung na-deploy na ko unti-unti nagsasalita na ko hahahaha! At di mawala wala ang tanong na: ‘Bat ang tahimik mo???’ Tas ngingitian ko lang sila. Ganern.

– – –

Milestone na tong moment na to. Ang daming firsts ko. So ayun nga aside sa first sweldo (na nalagas din agad dahil ang laki ng pamasahe ko haha), first time ko magkaroon ng ATM, na di ko alam nung una kung paano gamitin hahahaha! Tsaka may Sodexo Premium Pass na pamigay dito, hindi ko din alam kung paano to gamitin? Pano ba?

So ano, welcome to the real world? #Adulting

Advertisements

8 Replies to “Real World Hanash”

  1. Huy, ako ang nahassle-an sa commute life mo. Nakakaloka te!! Siguro in time, makikita naman ng Tita mo na jusko deserve mo na mag dorm kasi lugi na sa pagod. Anyway, welcome to adulting!! Galingan mo! πŸ™‚

    Liked by 1 person

  2. Wasak, congrats Shai!! In fairness talaga sa build-up nitong adulting life mo, feeling ko invested din ako sa tagumpay mo hahaha. Paghusayan mo sa trabaho! πŸ˜€

    Liked by 2 people

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.