3AM Thoughts


Dati, pag sumasapit ang oras na to, nakahiga lang ako, nakatingin sa kisame, malalim ang iniisip.

Ngayon, alas tres ng madaling-araw, eto na ako nakaharap sa computer, nasa opisina. Nagmumuni-muni pa rin (pero tapos na ang mga gawain ko dito ha).

Masasabi ko bang mabilis ang mga pangyayari? Na sa loob ng ilang linggo ay malaki na ang ipinagbago ng buhay ko.

Mabilis nga ba? Gayong ilang buwan din akong natengga sa bahay, naghihintay na sana isang araw ay makaangat na kami sa laylayan.

Parang nung nakaraan lang, isa lamang akong hamak na estudyante na walang ibang hanash sa buhay kundi ang mga assignments at crush.

Pero ngayon, isa na akong ganap na manggagawa. Nung una pinanghihinaan na talaga ako ng loob kasi akala ko wala nang tatanggap sakin eh, sa dami ng inapplyan ko at bumagsak karamihan.

Kumbaga nakahakbang na ako sa hagdan patungo sa katuparan ng mga pangarap ko. Well alam kong malayo-layo pa ang kailangan kong tahakin.

Ang dami ko pang gustong mangyari, at gawin pagdating ng araw.

Di ko alam kung ano ang kahihinatnan ng post na ito, pero…

Ngayong alas tres ng madaling araw, ang gusto kong mangyari, ay makasama ang taong mahal ko.

Nalalapit na ang kanyang pag-alis dito sa Pilipinas. Di naman sa ayaw ko, suportado ko siya sa kahit anong gusto niyang gawin eh.

Kaso, mamimiss ko talaga siya ng bongga. Ngayon ay naiisip ko pa lang na lalayo na siya, nalulungkot na agad ako.

Ako yung tipo ng tao na kayang mabuhay ng walang kilig o sparks, pero ewan ko, masyado na akong attached sa kanya.

Na gusto ko na kasama ko siya sa araw-araw, na kahit di ko siya gaanong kinakausap kapag magkasama kami eh gusto ko lang nasa tabi ko siya, yung kahit di ako natatawa sa mga jokes at banat niya, kahit puro crossfire ang bukambibig niya, na kahit minsan ang nonsense ng mga hanash niya, gusto ko ako lang ang titingnan at kausapin niya.

Di siya yung ideal na boyfriend, may mga bagay siyang ginagawa na hindi ko gusto. Pero di ko na ginagawang big deal yun, mahal ko siya eh.

Though minsan parang may doubts siya sakin kung committed ba talaga ako sa kanya, kasi di ako showy. Minsan may doubts din ako sa kanya, na baka isang araw eh makahanap na siya ng mas maganda, mas matino, mas ideal na gf. Baka magsawa na siya sa pag-intindi sa mga kashitan ko sa buhay, at iwan na ko.

Nilalamon na ako ng pag-ibig hahahaha.

To the point na gusto ko na magsettle down na kasama siya, yung kung pwede lang eh magsama na kami. Hahahaha

Gusto ko paggising ko sa umaga, siya ang unang makikita ko. Gusto ko pagtulog ko sa gabi, yakap yakap niya ako. I’m desperately wanted to be sith him. Hahahaha

Which is hindi pwede kasi kailangan ko muna tuparin ang mga pangarap sakin ng tita ko. At ganun din siya, tutuparin niya muna yung goals niya para sa pamilya niya, na magkaroon ng bahay, sasakyan, at negosyo.

Okay lang yon, at least unti-unti binubuo na namin ang kastilyo, ang magiging kaharian namin. Hehe

Hanggang ngayon nawiwindang talaga ako kasi gustung-gusto niya ako hahahaha.

I mean kahit ganito ka-chaka ang ugali ko, tsaka mukha ko, eh mahal niya ako haha, di ko alam kung ano ba talaga ang nakita niya sakin? na di nila makita? at di ko rin makita??

Di ko talaga maexpress ng narrow yung hanash ko ngayon.

Pero pwede naman yun di ba? Yung umaangat ang career mo, habang nag-iimprove din yung relationship nyong dalawa ng jowa mo.

Gusto kong ma-achieve yun.

Tumatanda na nga talaga ako. I never thought this day would come.

Lord, thank you for giving me a job, and love life at the same time. I’m so damn grateful πŸ™‚

Tsaka Lord, sana po hindi lang to pansamantala, sana panghabambuhay na πŸ˜₯

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.