Dati, nung nag-aaral ako, sabi ko, pag nagkatrabaho na ako, gusto ko sa NCR. Gusto kong maranasan ang buhay-Maynila eh. Office works sa umaga, starbucks sa gabi. Hayyy buhay mayaman. Hahahaha. Di kasi, yung career opportunities para sa aming mga masscomm, halos nasa Maynila lahat (TV, Radyo, Dyaryo, Advertising, Production, atbp.) Atsaka gusto kong lumayo naman sa’min, para lumaki yung zone ko, hindi tulad dati na school-bahay lang ang ganap ko araw-araw. Atleast pag nasa Maynila na ako, pag out ko sa trabaho, pwede pa ako makagala sa kung saan ko man gustuhing pumunta. At yung mga kakilala ko, hindi lang puro malalapit sa bahay namin. Hays.
Pero ngayon, kinakain ko na lahat ng sinabi ko hahahahaha!
Di pa ako nag-uumpisa sa trabaho. Nung nag-aapply pa lang ako, at saka kapag pumupunta ako sa balwarte ng bf ko (Novaliches), dito ko napagtanto na – ANG HIRAP BUMIYAHE! AS IN!
The struggle is real na real, lalo na pag rush hour 5-9AM at 5-9PM. Ang hirap sumakay! Mapa-bus, tren, dahil sa ang bilis mapuno, madalas tayuan, siksikan. At ang tagal ng biyahe, dahil sa traffic, na lumang problema na rin. Kahit yung pagpasok ko pa lang ng MRT station, ang tagal kasi ang dami-daming tao. Ganun din sa bus terminal, ang haba haba ng pila. Ganun din dito pag-uwi ko sa Imus. Walang jeep na masakyan, kung meron man, 1/4 na lang ng pwet ko yung nakaupo. Kapit na kapit sa handrail para hindi sumalpak sa sahig. Ayyy buti pa yung mga mayayaman, traffic lang ang problema. Ang hirap talaga maging mahirap. Hays.
Once a week kung pagdaanan ko yung ganun, pero pagod na pagod yung katawan ko, dahil sa ilang oras na pagpila at nakatayo pa sa buong biyahe. Paano na lang yung libo-libong commuter na kasabay ko? Yung mga nagtatrabaho sa Maynila at uwian pa rin sa Cavite? Araw araw nilang tinitiis yung ganun? Di ko kaya yun besh. Mamamatay agad ako nun pramis.
Oo nga pramis. Iniisip ko yun kanina. Pinili nilang magtrabaho sa Maynila para sa malaking sweldo (compared sa provincial rate), at mas maraming trabahong mahahanap doon. Pero ang kapalit nun, pagod ka na sa hirap ng biyahe, at mas mahabang oras ang nakalaan para lang sa pagcocommute. Mas maiksi na lang yung time para sa pamilya at sa pagpapahinga. Hays.
At mahirap din para sa aming mga LDR. Charot! Limang oras ang biyahe ko para lang magkita kami. Sabi nung kaibigan ko hindi daw kami long distance, kasi di naman magkaiba ang time zone namin. Pero kahit na!! Malayo pa rin kami. Hays.
Balik tayo sa hanash ko. Tinitingnan ko rin yung mga kalsada. So bukod sa hindi umuusad ang mga sasakyan, eh yung mismong structure, kung paano inilagay yung mga flyover, expressways, o kung ano mang tawag dun, buhul-buhol! Di naman sa nagmamarunong, pero yun ang naging resulta ng hindi konkretong plano para sa mga imprastraktura ng Metro Manila. Ang daming ipinatayo na lang ng basta-basta, ang dami pang ipapatayo. At ang dami pang hanggang ngayon ay plano pa rin kasi mahirap mag-umpisa ng construction sa main roads na siyang magiging dahilan ng mas malala pang traffic. Pero, aside po sa karagdagang expressways at train stations sa Metro Manila, heto ang mga naisip kong solusyon kanina (na medyo malabo pang mangyari ngayon):
#2. Magdagdag ng bagon ng tren/pati bus. Kaso nga lang mas lalong magiging traffic kung mas darami ang mga bus.
#3. Ilipat ang ibang public and private offices/businesses and corporations sa mga karatig-probinsya. Para mas magkaroon ng job opportunities sa lugar nila. Para di na mahirapan sa pagbiyahe.
#4. Changing of office hours. Dumarami ang tao kapag oras na ng pasok at uwian. Kung pwede lang na hindi lang 8AM-5PM ang transactions sa mga opisina, yung kahit gabi o madaling-araw, may opisina pa rin, at least hindi dagsa at magsasabay-sabay ang mga uuwi after 5PM.
#5. Alternate day-off. Parang 4 days a week lang ang pasok. Monday meron. Tuesday day off. Wednesday back to work. Para di rin sabay sabay ang mga tao.
Di ko rin alam kung bakit hinahanash ko to eh. Hahahaha. Pero yun nga, ang hirap lumuwas ng Maynila. Ayoko na magtrabaho dun. π¦
hahaha i feel you besh! haha ako nga puro pang-umaga pasok ko last sem, 2hrs. ako stuck sa traffic everyday. kaya tuwing umaga, di pa nakakapagklase e mainit na ulo ko dahil natraffic ako tapos madalas ma-late haha. at papasok palang ako mukhang pauwi na ko, tapos pag uwian na sobrang pagod sa pila sa terminal at haba ng biyahe haha. 2hrs. palang yun nirereklamo ko na haha
LikeLiked by 1 person
ayoko narin lumuwas! haha minsan byahe ko pauwi sa valenzuela inabot ako ng 5 hours, buti di ako napaanak
LikeLiked by 1 person
O di ba (45 lang ata pag sa UV express eh) tas from Novaliches-Dasma 1k mahigit haha. Sulit lang siya pag marami kayong sasakay π
LikeLike
300+ dito galing samin to Alabang. hahahaha
LikeLiked by 1 person
Ayyy, kaso mahal pa rin ata yung bayad dun eh π¦
LikeLike
May grab na sa Cavite (or Uber yun?) Hahahaha
LikeLike
Sana abot sila hanggang Cavite hahahaha
LikeLiked by 1 person
Hahahaha huuuy grabe ‘no, oras oras talaga ang ginugugol sa traffic pa lang. Parang imbis na makagala pa kayo pagkakita n’yo, parang mas gugustuhin n’yo nalang na tumigil nalang sa bahay at magpahinga.
Kasumpa sumpa talaga traffic sa Pinas.
LikeLiked by 1 person
Isa sa dahilan kung bakit di umuunlad ang Pilipinas ay dahil sa mga oras na nasasayang dahil lang sa traffic. Kahit saan ka sumuot ngayon sa Metro Manila traffic talaga. Di ka pa pumapasok ng work/school haggard ka na agad lol. Dapat talaga dagdagan ang tren, palawakin yung kalsada at i-regulate yung dami ng public vehicles.
LikeLiked by 1 person
Kaya malaki ang tulong ng Uber, Grab at Angkas sa pang araw-araw. Hahaha!
LikeLiked by 1 person
Dati natutuwa pa ako nung mga gala days natin sa maynila, kasi nakakasakay agad tayo sa bus pauwi nun, kaso ngayon ko lang nakita ang realidad ng buhay, hahahaha, ganito pala kahirap sumakay, kailangan makipagsiksikan π₯
LikeLiked by 1 person
Ahh okay lang din pala. Minsan kaya masayang bumyahe ng mahaba. Pero mahirap lang yung napila or naghihintay huhu
LikeLiked by 1 person
#1 yung magdagdag pa ng mga expressway at train stations π
LikeLike
Uu. fave ko sila eh huhu
LikeLiked by 1 person
Sige sige βΊ honne talaga ha haha ππ
LikeLiked by 1 person
Oo ngaaaa. Pakinggan mo yung good together ng honne. pang ldr hahahaha
LikeLiked by 1 person
Hala oo nga, medyo lugi pa rin po yung taga-Maynila. Pero para sa love, push lang π
LikeLiked by 1 person
Pero kami kasi pag magkikita, it’s either siya ang pupunta samin o ako ang pupunta sa kanila. Quits lang din haha
LikeLiked by 1 person
Ha ha ha bakit nalito ako? Asan ang #1? Pero dapat talaga maglipat ng mga offices sa mga kalapit probinsya para mabawasan ang gulo sa Maynila
LikeLiked by 1 person
Tbh medyo nahihirapan ako sa sitwasyon namin, pero keribels lang. Napapawi lahat ng pagod pag kasama na siya π charot! Ganun daw talaga pag nagmamahal, gagawin lahat hahahaha
LikeLiked by 1 person
Yes po, lalo na sa inyo na may mga sariling pamilya na, ang hirap din sa oras.
LikeLiked by 1 person
Ahhh kayaaaa. May baby na pala. Parang ang layo lang kasi sayo eh? La lang. Hahaha
LikeLike
Hahahaha. Di pwede eh. Baby kasi namin asa Pangasinan. Sooooo, by default dun ang half way namin.
LikeLike
Agree ako dito. Dapat halfway hahaha.
Saka hmm. Hindi ba ang halfway niyo ay Tarlac?? or Pampanga?? Hahaha
LikeLike
Okay lang na south x north ang love affair niyo atleast nararanasan mo yan ΓΌ kulang lang talaga sa disiplina ang mga tao kaya ganyan.
LikeLiked by 1 person
Haahahaha. LDR dahil sa commute. Technically, malapit pa ang Novaliches. At saka dapat meet halfway kayo. Meet kayo sa Ortigas ganun. Malapit ka pa nga, ung akin Manila to Baguio. Ang meet half way namin, Pangasinan. Malayo parin. Hahahahaha.
LikeLiked by 1 person
Isa ang pagcocommute sa mga dahilan kung bakit gusto kong mag home-based job. Pagod ka na sa work, bbyahe pa paguwi. Pag papasok ka at haggard, muka ka ng pauwi. Jusko talaga.
LikeLiked by 1 person