Presidentiables as Suitors

SINO ang sasagutin mo sa kanila?

Weeks before the elections. I still haven’t decided on who will I vote (President, Vice President esp.) This is a big decision I would make. First time voter here so I should make the most out of it πŸ™‚ These 5 presidentiables are really great in convincing the Filipinos to vote for them. Hmmm but none had yet convinced me that much, haha. They all have flaws which makes me think of not choosing them.

Kung halimbawa man na maging lalaki sila na nanunuyo sa isang babae, ganito ang personalidad nila:

1. Binay – siya yung manliligaw mo na galing sa isang long term relationship. Pero may naririnig ka na sabi-sabi na manloloko daw siya. Eh mukhang gusto mo nang maniwala XD siya yung todo effort sa panliligaw sayo.

2. Duterte – galing din sa long-term ito. Siya naman yung medyo bad boy, pero malakas ang dating. Ipinangako niya sayo ang magandang kinabukasan, pero hindi ka sigurado kung paano niya gagawin yun. Siya rin pala yung bet ng mga kamag-anak at mga kaibigan mo na maging jowa mo.

3. Poe – siya yung kakakilala mo pa lang nung last month eh niligawan ka na agad. Nakikita mo namang sincere siya sayo.

4. Roxas – okay naman siya. Kaugali niya nga lang yung ex mo. Syempre ayaw mo na ng katulad niya di ba. Katulad ni Binay, todo effort din siya.

5. Santiago – sa lahat ng suitors mo, siya yung pinaka-asensado. Mayaman. Mabait. Kayang-kaya ka na niyang buhayin kung tutuusin. Kaso nga lang hindi mo nakikita sa kanya yung effort na hinahanap mo. Busy kasi siya palagi. Nagdadalawang-isip ka tuloy kung sincere ba siya sayo o hindi.

So obviously here I was torned between Du30 and MDS. Hmmm I’m still weighing which one is better. *Research here. Research there*

Oh I have a separate article about Duterte. Wait I’m still working on it.

I’ll try also to make another one. Or two. VP and Senatorial candidates version naman πŸ™‚

Any additional? Comment lang. Charot.

 

Ikaw? Sino ang sasagutin mo? πŸ™‚

Advertisements

103 Replies to “Presidentiables as Suitors”

  1. sa tingin ko, eto ang eleksyon na maraming gusto mag “none of the above”. ibang klaseng eleksyon to. lahat may kani-kanyang flaws, kaya nagiging choice of the lesser evil na lang kuno. sa tindi ng bangayan, minsan nagkakainisan na kahit magbarkada o magkapatid. Yung mar gusto no change. ipagpatuloy ang ‘daang matuwid’ kuno. Yung binay gusto change. pero change horses lang. tuloy pa rin ang dating systema. yung grace, gusto slight change. ‘gubyernong may puso’ kuno. yung digong gusto malaking pagbabago. depende na kung asan kaya ng puso mo yan.

    Liked by 1 person

    1. Tama tama, lahat sila may mga paraan para sa sinasabing ‘pagginhawa ng mga pilipino’, ang pagpipilian na lang natin eh kung kaninong plataporma ang pinaka epektobo ☺

      Like

    1. Pero wala pa ring tatalo sa comment thread nung kay sankage steno. Napagod nako kakabasa di pa rin ako umaabot sa kalahati *.* facts sa facts ang labanan! Di ko kineri hahahaha

      Like

              1. Hahahah paano naman…kahit visible yung about page mo…andaming abubot na nakakadestruct bwahahaha…minsan pa nakalimutan ko ikabit headset sa office…pag open ko ng site mo biglag tumunog yung bruno mars hahahahahha

                Liked by 1 person

  2. si Mar talkshit. sya yung pagkatapo kang maging girlfriend sisiraan kana nya sa bago nyang nililigawan, tingin nya ba cool yun? i can still remember how he curse PGMA in media! hello? seryoso ka? sya naglagay sayo kung nasan ka noon — tama na nga baka malabas ko galit ko sa knya HAHAH

    enjoy voting!

    Liked by 1 person

  3. Santiago. I know she will not win pero tuloy lang. Parang Dick Gordon lang na binoto ko nung last election. VP ko naman si Robredo.

    Since nandito ako sa Davao, napakalakas talaga si Duterte sa Mindanao. Nasa Al-Jazeera siya lately nafeature. I would vote for him as a mayor but not as a President.

    I predict Duterte will win then BBM for VP.

    Liked by 1 person

    1. Bakit pareho tayo ng naiisip? Hahaha πŸ˜€ yung willing akong iboto siya kahit alam kong hinding-hindi siya mananalo. Kasi naniniwala ako sa mga plataporma niya πŸ™‚ Tama tingin ko rin, malaki ang tsansang Du30-BBM ang mananalo ngayon.

      Anyways, since you’re from Davao na rin naman: Is it really true na disiplinado talaga sa siyudad ni Du30?

      Liked by 1 person

      1. Temporary lang naman ako dito. From Marikina talaga ako. Haha! Pero pansin ko implemented talaga yung speed limit within the city. Strikto sa traffic rules at sumusunod ang mga drivers. Tapos kahit saang public places ka magpunta sa city, naka-CCTV na. Before, ayaw naman talaga ng mga tao dito kay Duterte nung bago pa lang siyang mayor. Nung nakita nila yung mga pagbabago, nakuntento naman sila. I heard may presence ng NPA (since napakalaki ng Davao) sa mga gilid and boundary na area pero kontrolado naman sila ng police.

        Liked by 1 person

        1. Ahh I see. Pero yung about sa crime? May balita ka dyan? (Usisera here) yun kasi yung binibida niya eh. Pero okay din naman kung ang strict compliance regarding traffic rules sa Davao eh maipapatupad din sa buong Pilipinas, if ever he wins.

          Liked by 2 people

          1. Sa ordinary citizens, solb sila e. Businessmen, okay din. Kung mahirap na ina na may pasaway na mga anak or nasa neighborhood na mga may pasaway, baka magkaroon ng mistaken identity at mapatay lahat ng anak. May mga power tripping talaga na pulis na kahit ba strikto lang ang mayor, pwede na rin silang maghari-harian. Try mo hanapin sa YouTube yung Al-Jazeera feature ni Duterte. Balanse yung report.

            Liked by 1 person

              1. ha ha ha ha….ayan, pag natanong ka sa job interview na “What is the most important decision that you made in your life and how did you come up with your decision?” ayan may isasagot ka na hahahahahahha

                Liked by 1 person

                1. Hahahahahaha yung sakin parang sobrang big deal na ng pagboto ko, pero kung iisipin 1 out of 56 million lang naman ako. Kung tutuusin maliit ang epekto sino man ang iboto ko πŸ˜‚

                  Liked by 1 person

  4. PS: Ayaw ko yung commercial ni Duterte and Cayetano. Na sinasabi ni Duterte na kailangan daw natin iboto si Cayetano kasi si Cayetano daw ang magsasabi, magpipigil etc sa kanya. Something like that. Oo vp niya si Cayetano. Pero let’s say, pres na si du30, so it means, hindi niya kayang kontrolin sarili niya?

    PPS: para silang bata ni Roxas at Duterte. Bangayan ng bangayan eh. Parang sa mga bata na.. “Pupunta kami sa sm ng mama ko! Bibilhan ako ng bagong laruan! Eh ikaw? Bibilhan ka ba?” Hahahaha asar eh!

    Liked by 1 person

    1. I think that’s the responsibility of a VP in the first place, to help the president in his duties πŸ™‚ but whoever wins, they should act together, hindi yung tulad ni PNoy & Binay na walang ibang ginawa kundi magsisihan. And if ever Du30 wins, matuto siyang mag-adjust sa kung sino mang mananalong VP. Same as VP, mag-adjust din siya para sa pangulo.

      Hahaha totoo yan, nagsisiraan sila ng nagsisiraan, yun yata yung mindset nila eh once na magbato sila ng putik sa kalaban, magiging maganda ang tingin na sa kanila ng mga tao. Tapos ayaw pa magpatalo kailangan gumaganti at bumabawi din sa paninira. Crab mentality na itu hahaha

      May sasabihin pa ako kaso nakalimutan ko na. Next time na lang haha πŸ™‚

      Liked by 1 person

      1. Si PNoy at Binay kasi hindi vibes. Diba dapat si Roxas ang VP ni PNoy kung sakali. Kaya sa tingin ko hindi makakilos si Binay dahil kay PNoy. Dati may commercial si PNoy na sinisiraan si Binay eh. Nung hnd pa sila Pres and VP. Sige alalahanin mo muna yun. Lol

        Liked by 1 person

        1. Pero may naalala rin ako nun na maka-administrasyon si Binay noon. Until PNoy endorses Mar πŸ˜‚ saka bigla bigla siniraan niya na ng bongga sila PNoy hahaha

          Ever since naman etong si PNoy, kahit hindi pa siya nagiging pangulo, panay sisi na siya sa ibang tao eh hahahahaha

          Liked by 1 person

          1. Hindi naman kasi ako ma-politics kaya hindi ko alam lol. Nag bebase lang ako sa nakikita at nababasa ko. Ang issue ko lang sa politics (madalas) yung political dynasty. Hahaha

            Liked by 1 person

            1. Pareho tayo hahahaha. Okay lang yan malaya naman tayong iexpress ang mga opinyon natin haha. Grabe kamo yung mga comments dun sa blog ni Sankage Steno, sa sobrang haba ng thread tinamad na ako magbasa πŸ˜‚ facts laban sa facts talaga. Matindi haha

              Liked by 1 person

                    1. Tsaka naisip ko if di kinaya ni MDS at mag resign agad, si BBM sasalo sa kanya. Same with Du30, pag napatalsik man siya if ever, si Leni naman gusto ko ipalit hahahahahahaha

                      Liked by 1 person

                    2. Yun din nababasa ko pero ewan ko kung sinabi niya talaga yun. Di pwedeng mangyari yun haha yung mananalong VP talaga ang papalit sa pangulo if ever.

                      Liked by 1 person

                    3. Nung nabasa ko yon, naalala ko nung bata pa ako na, “Erap resign!” Hahahaha! Tapos si GMA ata ang pumalit nun?

                      PS: akala ko non, si GMA may ari ng GMA 7. Then Erap, ABS-CBN loooooool!

                      Liked by 1 person

      1. Ay na comment agad. Hahaha ako kasi, kaya si Santiago, mas nakilala ko siya dahil sa libro niya. Hahaha lahat naman kasi ng platform nila is maganda. Hindi lang natin alam if masusunod. Pabango lang naman nila yun eh.

        Liked by 1 person

  5. Mar Roxas. I cannot imagine people even contemplating voting for a so corrupt like Binay, and a self-proclaimed lady killer and man-killer, like Duterte In a civilized society, Duterte should not be President. He’s an embarrassment to all Filipinos abroad.

    Liked by 1 person

    1. That’s true. But almost everyone here in the Philippines (based on what I see on social media) sees Duterte as the savior of our country. They believed he’ll make a great change in the government. I think he has the biggest chance of winning the presidency.

      Pero may doubt pa rin ako sa kanya. I dont know. He’s still a man-killer. But everyone’s trusting him that much.

      Like

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s