Mumsh


Back to zero yung laman ng atm ko haha. Actually binigay ko yung atm ko mismo sa tita ko. Yas. Narealize ko lang din kasi na sa anim na taon niya sa abroad, pag tuwing umuuwi siya, lagi pa ring naasa sa kanya haha. Matagal nang natapos yung pension ko so wala na akong pera non, tapos mahigit isang taon akong nagtrabaho sa ABS, wala man lang akong naiabot sa kanya na legit, lagi lang ako tagabili ng ulam, tagabayad ng ganito, etc. Matagal na akong pabigat sa pamilyang ito kaya now it’s payback time!! So nung birthday ko surprise! Niregaluhan ko ng atm (ay wow), pero kukunin ko din naman yun pag alis niya no. Tinatamad kasi ako magwithdraw hahahahaha.

tenor.gif

So sabi ko sige bahala ka na bumili ng mga needs mo. I got u fam. Hindi ko na rin siya masamahan pag aalis siya, hindi ko mapaglaanan ng oras dahil sa trabaho, so pera pera na lang ba ganon haha charot. Paggising ko sa umaga nireready niya anh breakfast ko, tapos may pinagbabaunan niya ako, tapos siya rin nag iinit ng tubig ko panligo, siya rin nag aalarm at gumigising sa akin haha alam mo naman tamad na tamad ako, very spoiled child ako sa part na yon haha pero sabi niya go lang, ako na kasi ang nagbibigay ng pera eh ✨

Tapos alas sais mantatadtad na yan ng text na, asan ka na asan ka na? Bakit ang tagal mo umuwi? Pag nalate ng uwi tatawagan pa ako haha. Hindi na ako sanay na may naghahanap pa sakin eh.

Kaso minsan naiinis din ako sa kanya haha kasi sabi ko bilhin niya yung needs niya, aba, araw araw kada uwi ko, laging may bagong gamit sa bahay. Bagong drawer, kalan, plato, kaldero, kutson, kubrekama, punda? Sabi ko ano yang mga pinagbibibili mo mumsh????? Hindi naman natin kailangan ng bago niyan, nanghihinayang ako sa pera hahahahaha alam mo naman kuripot kami ni Don2. Kami lagi kontra bulate sa mga desisyon niya pag gusto niya bumili ng mga gamit eh. Jusko, ang gastos niya hahahahahahaha bakit gamit sa bahay ang binibili niya eh hindi naman niya mabibitbit yon pabalik ng Dubai. Jusko.

Pero okay na, nakapagpagupit na, kulay ng buhok, nag loan ng bagong phone, nagpagawa ng salamin. Yun lang naman daw need niya, tas the rest priority niya talaga yung bahay, which is pinapabayaan namin haha kasi hindi naman talaga kailangan nung mga yon? Bat yon ang mga binili niya?????

Tapos gusto niya swimming, so ayan ginastusan ko ng malaki laki ito. Tapos lagi pa rin siyang nainom, o ayun minsan dinadamayan ko naman, yun lang naman mga luho niya haha.

Pero in fairness kay mumsh, SHE KNOWS MY NEEDS. Nagulat na lang ako, binilhan niya ako ng legit na foot sock haha kahit di ko sinasabi sa kanya na kailangan ko non (yung mga nabibili ko sa bangketa madali lumuwag yung garter). Ayun bumili siya ng mga damit, shorts, etc para sa mga pinsan ko. Hayyyh mumsh talaga. Ibang tao pa rin ang inuuna.

O so unsyami lahat ng personal kong plano sa pera haha. Sayang, hindi ako makakabili ng iphone ngayon. Di bale, kayang kaya ko naman yan kitain next cut off bwahahahahaha joke lang. Basta matapos lang yung biyahe ko sa New York, mag iipon na ulit ako, habang magbibigay din ng panggastos dito sa bahay.

Natatawa ako sa mga eksena namin dito sa bahay, pag umaga bago pumasok, iiwanan ko ng 1k ang tita ko, tas magrarant siya sabi ano to? San makakarating to? Hahahahahaha tas sabi ko magtipid ka naman haha, baligtad na ang mundo ngayon.

Di naman ako namomoblema ngayon na wala akong hawak na pera, kasi wala naman na akong pinagkakagastusan. Pag may date, o wala akong inilalabas ni singkong duling (NGAYON KO PA LANG NAEEXPERIENCE TO BESH PARA AKONG NASA LANGIT PRAMIS), sagot niya lagi lahat ng expenses namin 🙂

Posted in HANASH! | Leave a comment

Revolve


One year, or three hundred sixty-five earth days around the sun is called a revolution.

Exactly two revolutions ago, we are in different orbits, yet we met and found each other. We sat under the stars and talked about our feelings without filter. I looked into your eyes and thought they were far more amazing than the stars. Little did I knew that this journey will be full of false hopes. And sweet lies.

One revolution ago, you were still with me. Though I already know that this journey will soon come to end, as you were about to revolve in someone’s universe. The light slowly faded in your eyes. The conversations turned dry. The coldest nights became warmer than the love. My world shattered as it only revolves in you and you alone ever since. You were my world, but I wasn’t yours.

Now, another revolution has passed, I am now in a different galaxy. It was huge, it was bright, it was wonderful. I am free.

Yet you, you were still in the same dark orbit you’ve been through before. How many revolutions would you still need before you learn?

 

There’s always this one person that will come in your life that will change your beliefs on things you once strongly believe on. A person who will make you feel weak again and makes you depend on them, but suddenly will later on leave you broken in the end.

Posted in Categorized, KALANDIAN, LOVE, NOSEBLEED, SHORTS | Leave a comment

Blogger


So bukod sa Tumblr at WordPress ko, nagpapublish na rin ako ng blog sa VK, Reddit, at Plurk (yay!) ✨

De sabi din kasi ng kaibigan ko, baka daw may maka discover ng content ko tas kumita haha, sabi ko paano? Sino naman magkakainteres na magbayad para sa sinusulat ko eh puro hanash at kalandian lang naman ang pinopost ko – consistent since 2012 ah. Kailangan ko daw i-expand yung reach/audience ko, so kung mas maraming makakabasa, e di mas maganda. Since marami naman daw akong followers sa social media (3,007 sa twitter, 1,180 sa instagram, 880 sa tumblr, 491 sa wordpress, 33 sa reddit, 182 sa plurk) – biruin mo ganon karami yung makakabasa at makakaalam na ginagamit mo lang ako HAHAHAHAHA. Gamitin ko na daw ito for promotion. Kaso ang public na masyado ng buhay ko non. Mas dumadami haters ko (wow lakas naman talaga), kung dati walang nakakaalam na nagbblog ako, ngayon nga merong tatlong taong laging nag aabang ng updates sakin bwahaha yabang. Alam mo ba, ilang pagkakaibigan at relasyon na rin ang sinira ng blog na to. HAHAHAHA

Sa office namin, si Attorney pa lang ang nakakaalam na nagbblog ako (kaya ako nahire sa CCC dahil sinabi ko), so pag nalaman pa ng mga katrabaho ko nagsusulat ako, pati sila mawiwindang. Pero di pa ba ako sanay, bawat bagong environment ko eh ganon lagi reaction nila: “Hala parang hindi si Shai yung nagsusulat.”, “Hala hindi yan nagsasalita pero ang daming kuda sa blog.” “Hala si Shai walang maisulat na PR pero ang daming posts.” “Hala sinisiraan lang ako niyan thru social media.” De joke lang yung huli kong sinabi. I-pm nyo ko kung meron akong nasabing negative about sa inyo, marahil hindi ko yun sinasadya, dulot lang yun ng bugso ng damdamin.

Tsaka ayun kailangan ko lang siguro magmature ng kaunti kasi parang bawat rant ko publish ko agad (though nakaprivate naman), tsaka minsan nakakahiya na kasi medyo eskandalosa yung mga updates ko recently. Kailangan lang maging mas makulay yung buhay ko in real life ah para makulay din yung content ko. Kaya nga dinelete ko rin facebook ko para bawas nega eh.

Malapit na rin mag-400 yung posts ko. Sabi sayo eh, bubuo ako ng isang libro. Feeling influencer hahahahahaha masamang impluwensiya naman ang ibinibigay ko. Malay mo naman di ba sana yumaman tayo dito.

follow my blogs!
TUMBLR
REDDIT
VK

Posted in HANASH! | Leave a comment

Protected: Toxic


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in HANASH! | Enter your password to view comments.

North


Travel and tell no one. Live a true love story and tell no one. Live happily and tell no one. People ruin beautiful things.

The best moments of my life are the ones which are not captured by camera. These are safely locked in my mind as ‘memories’,

Next trip: WORLD YOUTH CLIMATE SUMMIT

SEPTEMBER 21

NEW YORK CITY

(sana maaprubahan ang US visa natin huhu)

follow my Tumblr blog!

Posted in ALAALA, LAMYERDA | Leave a comment

072219


I feel bad. Pero naghihiganti lang ba ako?

Dati, sila yung nagchachat ng patago. Nung time na yun iniisip ko kung bakit di ako enough. Yung tipong halos lahat ginagawa ko, lagi siya pinupuntahan sa kanila para hindi siya magkulang sakin. Binibili mga gusto niya, etc. Nung nalaman ko na may mga kausap siya ng palihim, nung nalaman ko na pinapunta niya sa bahay si M.A. na hindi ko alam, nag iiiyak na ako nun, ang sakit pag alam mong nagsisinungaling na sayo yung tao, pero wala akong ginawa. Nanlamig lang ako sa kanya. Yun na yung revenge point ko. Na tipong nagmemessage siya sakin nung anniversary namin pero hindi na ako naniniwala kasi I know may ginagawa siya behind my back. Ginagamit ko pa si Amiel nun para pagselosin siya kasi huy, wag kang pakampante. Gusto ko maramdaman niya yung ginagawa niya sakin nun.

Kaso in the end ipinagpalit pa rin naman ako eh 😦 Ang sakit pa rin. Hanggang ngayon emotionally damaged pa rin ako, dahil sa nangyari.

Ilang buwan akong paralisado non. It wasn’t cheating pero parang ganun din ang kinahantungan nun. Wala na akong gana sa buhay ko kasi, ALAM KONG HINDI AKO ENOUGH. Syempre siya yung first bf ko, ang genuine nung pagmamahal na ibinigay ko (priority ko siya bago sarili ko tbh) tas biglang ganun lang yung outcome. Kahit anong gawin ko, iiwan at iiwan pa rin ako para sa iba.

Now the tables have turned. Ako na ang Julia Barretto sa kwentong ito.

Ang sama ko no. Nasaktan ako tapos heto nananakit na rin ako ng ibang tao. Sorry 😦

Ngayon ko lang narerealize na, ginawa niya na yun sakin, wag niya nang gawin pa yun sa bago niya. Wala nang bearing sakin yung actions niya, alam niya yun eh hindi na ako naniniwala sa kanya. Pag may problema sila lagi kong sinasabi, wag mo na hayaan ulit mangyari sayo yung kinahinatnan natin noon. Pero nanghihina ako everytime maiisip ko siya, sila. Pati ako apektado ngayon.

Tas ang sakit din nung nalaman ko na, “dahil lang sa pera”, “ginagamit lang ako”, etc. Lahat na sila nagsabi sakin, pamilya ko, mga kaibigan ko, pero wala eh, di ko siya matiis. Kasalanan ko to eh, lagi ko na lang siyang tinotolerate sa mga ginagawa niya 😦

Posted in Categorized | Leave a comment

Maliit na bagay


Small things are the best with the right people.

Nakita ko tong post na to – https://www.boredpanda.com/love-is-illustrations-puuung/?utm_source=google&utm_medium=organic&utm_campaign=organic. Ganito lagi mga daydream ko, kaya tuloy parang gusto ko na nga mag-asawa hahahahahaha

Tucking Her Into A Perfect Sleeping Burrito

yung babantayan ka habang natutulog (tas may sushi roll jk)

Getting Take Out Food For Her

yung aantayin mo siyang umuwi galing office, tas ikaw papasok pa lang

Surprising Him With Tickets To A Concert Of His Favorite Band

yung sosorpresahin mo siya ng ticket sa paborito niyang banda

Doing Your Own Work While Being In The Same Room

yung parehas kayong busy sa work nyo pero nagtutulungan pa rin

Listening To Him Talk About Things That Excite Him

atsaka gusto ko lagi makinig sa mga kwento niya

You got the arms I want to be wrapped in.
You got the eyes I want to get lost in.
You got the voice I want to listen for hours.
You got the smile I can never resist.
I decided on you.

Posted in KALANDIAN | 2 Comments

Tuwentitri


Exactly two years ago, naalala ko, fresh graduate ako, isang buwan na akong istambay nun. Inaalagaan ko pa si Isha nung time na yun haha. Pero yun nga, exactly two years ago, eto yung unang beses na nag-apply ako ng trabaho. Sa call center, pero hindi ako makapasa-pasa maski initial interview, dahil sa social anxiety ko. Marami akong inaapplyan na company nun. Puro fail lahat.

Looking back, two years ago, malayong-malayo na sa kalagayan ko ngayon. Dati takot na takot ako sumagot ng telepono, well ngayon pa rin naman hindi ako sumasagot ng tawag lol. Pag nag-eenglish ako naba-blanko ako. Pag nakikipag usap ako sa ibang tao eh natataranta ako. Pero look at me now. Look at me now. Halos araw-araw may meeting ako. Every week may mga meetings outside the office. Ang dami ko nang connections sa mga propesyonal – lawyers, advocates, co-government employees, businessmen, atbp. Ako na yung ipinapadala sa mga conference para irepresent yung department namin, malayong malayo sa pinangarap ko two years ago. Di ko inexpect na mga bigating tao na lagi yung makakasalamuha ko ngayon. Pero joke lang hindi ako nagmamayabang ah, I mean, kung kilala mo ako personally, alam mo kung gaano ako ka-antisocial noon huhu. Nung nag-umpisa ako sa ABS nun, lagi lang talaga ako nasa harap ng PC, di ko kinakausap mga katrabaho ko non eh, no social interaction. May social anxiety pa rin naman ako hanggang ngayon in fairness, pero wala akong choice haha I have to talk to people. May mga araw pa rin na nagngangawa na ako dito kasi di ko na kaya yung trabaho ko. Wala pa rin akong maiambag sa office hanggang ngayon.

Yung unang draft ng post ko na to, similar sa “Kalayaan” post ko. Na, ngayong nag-23 na ako, naging mas reckless at wild ako. Puro party, gala, etc. Ganon, malaki ang ipinagbago ko. Pero sabi niya, masyado ko naman daw ibinaba yung sarili ko, which is hindi dapat. Lagi pa rin daw ako nagddwell sa negative side ng life, why not recounting the opposite? Mas i-higlight ko daw yung magagandang bagay na nangyayari sa akin ngayon, kesa ipamukha ko na naging mas worse ako, kasi hindi naman daw talaga. Bat ko pa raw need magself pity. So okay. Yung mga nangyari last year, when I was 22, was the lowest point so far. Ngayon nakakabangon na ako. Sana hindi na ulit ako lumagpak ng ganun. Ayoko nang mahila pa ulit pababa. Ngayong taon bago na ang lahat – bagong environment, bagong tao, bagong pangarap.

Simple lang naman yung birthday wish ko – sana hindi na ako umiyak haha (or at least mabawasan man lang). Last year ang dami ko na nailuha, tama na. Nakakahiya kay Taylor Swift, nasa Lover era na siya ngayon, tapos ako naiwan pa rin sa reputation. So this year gusto ko puro rainbows and unicorns na ang motif ng buhay ko, ayoko na ng dark drama, kaya binura ko na lahat ng shitposting ko before. Di ko nga alam baka hanggang salita na naman ako, the next day iiyak iyak na naman ako dahil sa walang kwentang dahilan. Eh wala eh, yung buhay ko ngayon parang Fake Happy. Ang bop ng kanta, pero ang sad ng thought. Mukhang masaya ako kasi ang dami kong ganap, ang dami kong karat, pero at the end of the day, nararamdaman ko pa rin yung lamig mula sa loob ng kaluluwa ko. Nararamdaman ko pa rin yung morning anxiety ko. Eto ata yung sakit na habambuhay ko nang bibitbitin, regardless kung ano pa ang maachieve ko.

Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi heto buhay pa rin ako, hindi pa rin nadidisgrasya dahil sa katangahan, hindi pa rin nagkakasakit dahil sa kapabayaan. Heto pa rin ako, stable ang career, stable ang income, stable ang social life, stable ang family affairs, stable ang kalandian, hehe. Yung emotions ko lang naman yung hindi stable hahahahaha bigla bigla na lang ako magdadrama, lalo na pag hindi na naman niya ako kakausapin, kala mo kung sino nang namatayan.

Ayun sana magtuloy tuloy yung improvements ko personally, kasi tumatanda ako ng paurong haha. Sana hindi na ako antukin during work. Sana makapagsulat na ako ng matinong PR. Sana hindi na ako maging marupok. Joke lang. Ayun lang po. Happy birthday to me 🙂

I’m constantly worrying about the next part of my life, without realizing that right now, I am where I used to look forward to.

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | 4 Comments

Protected: Family Hanash


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in HANASH! | Enter your password to view comments.

Past


Wala akong magawa. Hindi ko siya maipagtanggol sa pamilya ko.
Nung kami pa lang, palagi ko na siyang ipinagtatanggol na, di siya ganung klaseng tao.
Sabi nila, o e nagbubulag-bulagan ka pa rin. Kita mo na nga yung ginawa sayo noon. Alam mo na ngang ginamit ka lang noon. Bakit gusto mo pang masaktan ulit.
Sabi ko wala na to ngayon. At saka alam kong totoo yung noon, nagkataon lang na kailangan niyang gawin yun para sa ikabubuti namin pareho.
Ikabubuti? Tingnan mo nga. Kung ano yung ginagawa nung mga naging syota ng tita mo, ganun na ganun din yung ginawa sayo, sinu-sugarcoat ko lang.
Naungkat na naman yung ugali niya na inayawan ng pamilya ko. Mula doon sa birthday cake na bigay niya nung birthday ko, nung unang gabing ipinakilala ko siya, lahat.
Pati yung mas una kong sinabi sa ex ko yung about sa pangmomolestiya sakin kesa sa pamilya ko, ikinasama nila ng loob yun. Bakit nalaman pa nila sa ibang tao at hindi sa akin mismo nanggaling.
Totoo nga. First impression lasts. Kaya ayaw din sakin ng pamilya niya. Di tulad ng jowa niya ngayon 😦
Ngayon mas nagegets ko kung bakit ayaw pa siyang ipakilala ng gf niya sa papa niya.
Ako kasi. Tanggap ko siya na ganun. Minahal ko siya sa ganun. Kaya mas nakikita ko yung good sides niya. Kaya wala ako pakialam non kung kontra lahat ng mga kamag-anak namin saming dalawa haha it’s like you and me against the world. PERO GUESS WHAT, TAMA NGA LAHAT NG ASSUMPTIONS NILA NOON HAHA

Oo nga pala, nasaksihan din nila yung mga araw na iyak ako ng iyak, na hindi ako kumakain, na hindi ako makausap ng matino. Hindi man ako naging open sa kanila masyado unlike kina PJ, Iza, about sa mga hanash ko, pero ramdam din pala nila yung agony ko.

Di ko alam kung bat kailangan ko pa rin masaktan ng ganito ngayon. Tapos nag eexpect ako na hindi siya papayag, na gagawa siya ng paraan para iapela yung sarili niya sakin tulad nung mga araw na may problema sila ng gf niya.
Kaso wala, okay lang sa kanya na nakablock siya. Okay. Okay na eh. Napakinabangan na ako.
Oo nga pala, bat kailangan ko pa rin siyang ipaglaban?

Natapos na ang lahat, nandito pa rin ako haha. Natapos na ang relasyon. Pero hindi pa rin natatapos ang issue. Natapos na silang uminom. Tas ako eto nag iiiyak na naman.

Ang weird kasi nag umpisa lang to lahat nung may kinwento lang ako about sa bago, tas bigla na lang iuungkat yung nakaraan ko na parang kasalanan ko pa.

follow my Tumblr blog!

Posted in Categorized | Leave a comment

Pagod


Ngayon yung uwi ng tita ko. Akala ko makakapag absemt ako haha. Kaso hindi, sayang hindi ko siya masusundo sa airport. So sabi ko sige after shift ko na lang sila kitain. Kaso sobrang dami kong gawain ngayon, 3 PR, Questions, tsaka Congratulatory note. Bukas na ang deadline kaya sana matapos ko ngayong araw. May mga meeting pa akong kailangang puntahan.
Kaso ang problema, wala akong maisulat. Hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko. Sabihin na nating mangmang pa rin ako sa whereabouts ng agency namin. Wala talaga akong alam. Nahihiya na ako kay Ms. Mae Anne kasi ako yung plantilla, ako dapat ang nakakapagprovide ng PRs, YUN YUNG NASA JOB DESCRIPTION KO. And yet, wala akong maisulat. Nakikita ko silang lahat dito, hindi magkandaugaga sa dami ng pending, inaaway pa ng ibang division, tapos ako heto, wala talagang maisulat. Hiyang hiya na ako. Hindi ko deserve ang posisyong ito. Feeling ko sooner bibitawan ko na rin to. Tama nga sila. Ang dapat nilang ihire eh yung may passion talaga sa environment and climate change issues. Mas marami silang maisusulat.

Heto na, late na akong nakarating sa MOA, nakita ko na tita ko. Kakatapos lang nila uminom. Pauwi na sila. Tinatanong niya ako kung ano gusto ko kainin, Sabi ko hindi ko alam. Hindi ako makapagfocus sa kanila kasi kachat ko pa yung boss ko. Nakalimutan kong lagyan ng citation yung mga sinend ko kanina. Well nangopya ako ng information. Again hiyang hiya na naman ako sa boss ko. Tapos nahihiya ako sa tita ko tsaka sa mga kamag anak ko kasi kasama ko nga sila, pero cellphone pa rin ang inaatupag ko (dahil nga sa mga naiwan pang trabaho).

Habang naglalakad na kami papunta sa sakayan, naiyak na ako. Di ko alam kung masyado bang na drain yung utak ko kaya lutang ako? O dahil ba namiss ko yung tita ko? O dahil napagalitan ako ng boss ko? O dahil nahihiya na ako sa mga kasama ko sa trabaho? O dahil wala na akong maisulat? O dahil kasama ng mga pinsan ko yung mga jowa nila tapos ako mag isa lang pumunta? O dahil ba sineen lang ni Ebong yung message ko kahit naiinis ako sa kanya? Mukhang all of the above. Tinatanong nila kung anong nangyayari sakin. Sabi ko okay lang ako! Sabi ko hindi ko alam kung bat ako umiiyak. Pero medyo lutang nga ako ngayon at wala na sa tamang pag iisip.

Nahihiya talaga ako. Imbes na ispend ko tong araw na to para sa pamilya ko, hindi ko sila nakasama ng matagal. Hindi pa ako makakauwi ng bahay dahil sa maaga pa yung meeting ko bukas. Nahihiya ako sa tita ko. Di ko alam kung kailan ako makakabawi sa kanya.

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | 1 Comment

Protected: Awful


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in HANASH! | Enter your password to view comments.

Kindness.


Dumaan ako ng STI, kinuha ko na yung yearbook ko haha sa wakas after ilang years. Kamusta naman yung school namin? Ayun mukha pa ring STI hahahaha. Wala na palang ABCOMM, MMA na pala. Parang mas kaunti ang enrollees. Yung batch namin ata yung pinakamarami sa history eh ewan idk. Tas hindi na ako makaakyat sa annex, so sa may library na lang ako tumambay. Sarado. Awww. I remember the days, yung araw araw akong sumisilay sa lib tapos yun na yung definition ko ng happiness hahahaha. Kamusta na kaya siya ngayon? Naaalala ko yung ngiti niya eh.

Mukha akong galit na manghahampas na dito oh. Naalala ko beastmode nga ako nung araw na yan.

Natatawa ako sa quote ko hahahaha (Kill people with kindness), super biglaan kasi kami pinag isip ng quote nung time na yon, wala ako sa huwisyo mag isip. Ah sige eto na lang. Tutal plastikada naman ako nung time na to haha jk. Yun yung mantra ko noon (teka hahanapin ko sa mga previous posts ko, nabanggit ko yun eh), di bale nang abusuhin ako, di bale nang ako lagi ang nagpaparaya, di baleng ako ang uto uto, basta magmukha akong mabait sa paningin ng ibang tao hahahahaha wtf. I don’t live by this standard anymore, I did something bad and it feels so good charot lang. De yun nga, sirang-sira na kasi ang reputasyon ko ngayon hahahahahaha so wala na rin akong pake. De joke lang, eto pa rin ako, hindi nagbabago, nagpapauto pa rin. Instead of me killing them, I WAS KILLED BY MY OWN KINDNESS.

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH!, KOLEHIYO | Leave a comment

Neo-colonialism


Pinanood ko yung episode ng KMJS about sa Chinese Invasion. Kaya pala. Kaya pala hindi na pinadadaan yung mga bus sa Baclaran ah. Aba nung isang beses na umuwi ako ng madaling araw, at sumakay ako galing doon, nanibago ako. Akala ko nasa Chinatown na ako hahahahaha. Ang bilis naman, ang dami agad na Chinese establishments doon.

May good side din naman yung pagdagsa nila dito. Bakit daw tayo nagagalit, eh tayo rin naman maraming Filipino communities sa ibang bansa. Maraming trabaho ang binuksan ng mga dayuhan para sa mga Pilipino. Why not we do the same. Ever since naman daw marami nang mga intsik dito sa bansa. But now they’re basically everywhere. Hindi lang sa Baclaran area. Sa MOA. Sa Ortigas, well sa loob mismo ng Malacañang compound, Kaya may mga wechat pay na sa SM (well what do u expect from SM). Atsaka, more business opportunities DAW sa mga pilipino yung pagkakaroon ng maraming Chinese establishments.

Hindi naman ako galit sa mga ito. Nakakatakot lang na ma-overpower nila tayo sa mismong lupain natin. Darating tayo sa point na yon – na mapagkakaitan na tayo ng karapatan at mas ipa-prioritize sila. Sa lupa. Sa trabaho nga lang eh. Maraming Pilipino dito ang walang trabaho, pero bakit sila ang nabibigyan, maski simpleng construction work? Habang sila yumayaman ng yumayaman dito, tayo eh baka lalo maghirap. Bakit tayo pa rin ang nag aadjust para sa kanila? Di ba dapat magpakumbaba naman sila sa mga Pilipino? Bat ganon? Bat ang unfair?

follow my Tumblr blog!

Posted in ARTICLES | Leave a comment

Protected: Abusado


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in HANASH! | Enter your password to view comments.

Protected: July na!


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in HANASH! | Enter your password to view comments.

Hoarder


Wala kaming internet aaaaaaaaaa

Wala ring signal dito sa loob ng bahay.

Wala akong magawa, magdidispatsa na lang ako ng mga gamit dito. Bwahaha

Look what I found:

Mga resibo sa atm yan. Ever since nagstart ako magtrabaho, pag kada sahod/withdraw ko, tinatago ko yung receipt. Kasi dati sabi ko gusto ko mamonitor kung magkano na lahat ng kinita ko, kaso ayan nabubura pala yung print hahahaah pero syempre hindi ko pa rin itatapon yan.

Nung college ako, minomonitor ko lahat ng expenses ko, kasi lagi ako naiistress kung bakit nauubusan agad ako ng allowance, at least nakikita ko kung kanino este saan napupunta. Lakas makaganito eh singkwenta lang naman baon ko noon bwahahahaha tsaka di ko na maalala kung sino yung tinutukoy ko sa note ko dyan?

Lahat ng tickets ng pinuntahan ko last year (sorry panget talaga camera ko huhu)

Surprisingly, pati yung mga ipinadadala kong pera tinatago ko yung resibo bwahahaha. Namomonitor ko kung magkano na lahat ng ibinigay ko. I could use this for future reference 😉😉

Syempre yung mga sulat sakin ni Amiel kinikeep ko rin hahahahahaha 😍

Ano pa ba:

Pati yung ATM slip pag nagdedeposit ako iniipon ko din.

Pati yung mga yellow pad at exams at scratch papers ko nung nag aaral ako andito pa.

Pati mga resibo nung important events tinago ko rin – maski yung resibo nung Jollibee burger na binigay ko sa crush ko nung college andito pa hahahahahahahaha

Pagdating sa kalandian ang galing ko maghoard. Pag nagkasunog talaga dito sa bahay ako ang sisisihin ng mga to hahahahaa

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | Leave a comment

Materialistic Gold Digging Bitch


Bat ganyan naman yung title hahahaha

Gusto kong ma-achieve yung Payaman Goals. Yung sa sobrang dami ng pera mo, ang pinoproblema mo na lang kung saan mo gagastusin, mala-Imelda Marcos. Yung tipong, I can buy you, your friends and this club hahahahahaha,

– Pag mahaba ang pila sa terminal ng bus? Siksikan sa MRT? Magtataxi na lang ako hanggang Cavite.
– Hindi na ako maaatat every 15 or 30 kasi hindi ko na kailangang kuhanin agad ang sahod ko, saka na lang pag naubusan ng laman yung wallet ko.
– Tuwing uwian nasa Vertis North ako, nagshashopping.
– Lunch ko is either Max’s or Kenny Rogers. Kasi yun lang yung malapit sa office namin.
– Pag naumay ako, papa-grab food na lang.
– Every month lumilipad ako (pero hindi dahil sa work, kundi bakasyon)
– Mag-VIP ako sa concert ni Shawn Mendes.
– Hindi na Antonov yung iinumin ng mga katrabaho ko, mamahaling alak na ang ipapainom ko sa kanila.
– Every weekend magrerent ako ng airbnb. Tas netflix and chill lang haha.
– Gagawa ako ng remake ng music video ng Bodak Yellow at 7 rings hahahaha
– At higit sa lahat, yung kaya ko nang bumili ng pagkatao hahahahahaha #SufferingFromSuccess

tenor (10)

Pero syempre dahil kuripot ako. Di ko gagawin yang mga yan, ano nagtatapon ng pera?
Naiistress pa ako ngayon. Wala pa nga akong pamilya, pero feeling ko ang dami ko nang binubuhay.
Sige lang gurl magdaydream ka lang. Ang tagal ng sahod mo. Ang daming naghihintay sa pera mo.
Ngayon mo talaga malalaman kung sino yung mga totoo sayo at kung sino yung nandyan lang kasi may pera ka. 🙃🤔

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | 1 Comment

LATE


May importanteng event ka this day, either gagawa kayo ng project, may pupuntahang meeting, or even yung simpleng makikipagkita sa jowa para makipag-date. Syempre ikaw paghahandaan mo, gigising ng maaga, ihahanda yung mga gamit na dadalhin, magpapaganda, magpapabango, then eto na pumunta ka na sa napagkasunduang lugar. Inagahan mo kasi ayaw mo ma-late di ba. Naiinis ka kapag pahinto-hinto yung jeep. Kapag mahaba yung pila. Or matagal pang dumating yung MRT. Kasi feeling mo male-late ka.

E kaso yung ka-meet up mo. Aba hindi nagrereply. Ah, baka natraffic lang. Limang minuto ang lumipas, nabagot ka na, pumasok ka muna sa 7-11 para magpa-aircon. Hanggang sa inabot ng sampung minuto, hanggang sa inabot ng kalahating oras, hanggang sa inabot na ng sampung milyong taon.

Yun pala, OTW na siya! On the way pa lang sa banyo para maligo. Kakagising lang. WTF. Yung usapan nyong 7PM, aba naging 11PM na! Ang galing! So syempre ikaw, dahil kailangan magmukha kang mabait, sasabihin mo okay lang! No problem! Pero yung totoo kanina ka pa nagmumukhang tanga sa loob ng 7-11, nabilang mo na kung ilang fx na yung dumaan sa harap mo, well karamihan sa fx hanggang LRT at SM North lang, kaunti lang yung dumadaan ng Cubao. Natapos mo na yung 5 album ni Taylor Swift, hindi pa rin dumadating yung ka-meet up mo.

So instead na ang dami nyong magagawa sa project nyo nung araw na yun, aba, mas mahaba pa yung inilaan mong oras sa paghihintay kesa sa mismong duration nung pagpaplano nyo. Ang galing talaga. Tas ang dami pang idadahilan sayo. Isisisi pa kung kani-kanino kung bakit na-late. Tapos ikaw pa magmumukhang masama pag nagalit ka. Wala eh, Filipino time. Filipino time?!?!?! P***!!! Sinasayang mo yung oras ng tao na pwedeng magamit sana sa mas makabuluhang bagay. Marami pa siyang importanteng gagawin sa araw na yan, pero nakonsumo lang kakahintay! Ang tagal tagal matapos nung project kasi puro kayo pahintay!

Syempre sarili mo lang iisipin mo. Pero yung naghihintay sayo, di mo man lang naisip. Paano kung nadisgrasya yan nung hinihintay ka? Paano kung hinarass na yan nung lasing dyan sa kanto? Paano kung na-snatch-an yan? Hindi mangyayari yan kung dumating ka on time. Tapos isisisi mo pa sa kanya na dahil sa katangahan niya kaya nangyayari yung mga ganyan, eh ikaw tong nagdala sa kanya sa kapahamakan. Sasabihin mo pang I care for you, pero yung simpleng oras hindi mapahalagahan. Makikita mo talaga kung sino yung may “care” at hindi hanggang salita lang. Patunay lang yun kung gaano kayo ka-iresponsable.

Nabasa ko lang to sa isang post sa reddit. This whole idea. “Hindi krimen ang pagsunod sa oras ng usapan. Matutong maging disiplinado at responsable. Punctuality is a part of professionalism.”

Basically you’re just the same with ghosters/flakers. Gaano ba kahirap ang magsabi ng “Male-late ako ng ilang oras. Pasensya na.” Ha? Hindi yung “Malapit na ako.” Malapit na. Malapit na akong sumabog. Pag sa ibang bagay, ang bilis! Ang bilis bilis! Pero yung simpleng pagpunta lang on time, yun lang naman hinihingi ko sis! Please naman?

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | 3 Comments

Weekly Chika (1)


1. Last week cinelebrate namin yung birthday ni V. Ang saya. Sa birthday ko gusto ko din ng ganito, pero sa Baguio o La Union naman gaganapin hahahahaha charot. Sana matuloy. Gusto ko lang naman ng karaoke sa kaarawan ko. Tsaka spaghetti. Look! Suot ko na yung Sailor Dress ko hahahahaha

2. Nakuha ko na yung napanalunan kong GC (last month pa to haha, nung Wed kasi natapos agad yung meeting namin ng 12pm kaya naka-eme na ako nung hapon)

3. Tapos nung Sabado gumala na naman ako sa National Museum/Rizal Park/Intramuros. Paborito ko talaga itong lugar na to.

4. Tapos nanggaling din ako last Thursday ng GSIS kasi pinapakuha na naman ako ng UMID, so technically magiging dalawa na yung ID ko dun (magkaiba daw yung sa SSS at GSIS so) Ang laki at ganda ng office nila.

5. Napanood ko na yung Hintayan ng Langit. Grabe ang sakit. Ayokong umabot pa ako sa ganung point (hey it’s not bad, ang romantic nga eh), pero ngayon pa lang naghihintay na ako. Ayoko nang bitbitin yung burden ng paghihintay hanggang sa purgatoryo kasi walang kasiguraduhan na ganun din yung feels niya sakin. Kung may regrets din ba siyang ganon. Ewan ko. Basta. Lesson learned is “You both grow best when you’re apart”

6. Nagkita ulit kami ni Echo. Hindi ko pala nakwento yung last ganap namin, yung nasa MOA kami tapos dinala niya ako sa ferris wheel, tapos binigyan niya ako ng stuff toy (Pikachu. Ang cute cute.). First time ko lang maexperience yung mga ganun (kasi nga di ba hindi naman ako naliligawan noon), hala nakakakilig pala ano. Pero at the same time nahihiya ako sa kanya. He’s been good all along. While me, I’m not as great as what he think. I’m a wolf covered in sheep’s clothing.
So ayun, this time sa megamall naman kami nagpunta. Kumain. Naglaro ng arcade. Tumambay sa labas ng megamall habang tinitingnan ang mga sasakyan sa EDSA. Naglaro ng ML right there. Naghanap ng makakainan ulit. Then deep talks sa kahabaan ng Julia Vargas. Parang paulit ulit ko nga minemention sa kanya yung flaws ko, which is okay lang daw sa kanya. Pero ewan. Hindi pa rin ako ready magsettle, iykwim.

7. Habang nasa bus ako, tumugtog yung Dadalhin. Tapos ayun nag iiiyak na naman ako. Bumabalik na naman lahat ng sakit. Akala ko okay na eh, tapos na yung drama phase ko, di pa rin pala.

8. Di ba na clinic ako nung monday. Ngayon nakakaramdam pa rin ako ng pagkahilo sa umaga, pero tinitiis ko na lang, nakakahiya na kasi sa office eh, hindi ko natatapos agad yung trabaho ko kung lagi na lang ako dadalhin sa clinic.

9. Ang takaw ko this week. Literal na every 3 hours ata kumakain ako. Lalo na madalas ang pakain sa office. Almusal ko kanin. Tanghalian ko kanin. Minsan nagmemeryenda ako ng kanin. Uhm bago matulog kakain ulit ng kanin. Kaso puro fastfood na ang nakakain ko, namimiss ko na yung real food haha
Wait, paglilihi ba ito. Wtf puro isaw ako recently. Well nung makaramdam na naman ako ng Sunday Sickness, nawalan na naman ako ng ganang kumain – at mabuhay.

10. Yung isa sa na meet ko sa reddit noon haha siya pala yung kameeting ng boss ko! Shookdt yung mga katrabaho ko kasi pagdating niya sa office binati niya ako. Ako din shookdt din kasi hala ang liit ng mundo namin, may connection na kami in real life hahahaha. So yung agency namin at yung organization nila may partnership eme, so ayun.

follow my Tumblr blog!

Posted in ALAALA | 3 Comments

Protected: Short time


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in KALANDIAN | Enter your password to view comments.

Protected: Hala


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in HANASH! | Enter your password to view comments.

Mahal kong Maynila


Skl, ang hirap bumiyahe pauwi pag galing maynila haha naiistress ako. Yung jeep hanggang Quiapo lang, so kailangan ko pa daanan yung masikip na palengke (na anytime madudukutan ako doon), tumawid ng footbridge at dumaan sa mismong simbahan, dumaan sa tulay (Quezon Bridge ata yon) bago makarating ng Post Office (Lawton). Mahaba-haba din ang nilalakad ko. Tapos madilim pa sa tulay (bat walang ilaw???)
Tapos pagdating ng bus terminal, maghihintay ka pa ng ilang oras para makasakay. Walang bus. Ang haba ng pila. Madalas tumatayo na lang ako para makauwi agad (from Lawton to Imus), pero dahil nilalagnat ako ngayon haha ayoko tumayo, eh di mas matagal ang hinintay ko. Nakakastress pa pagbaba ko ng Imus, walang jeep na masakyan! Pag sa bayan, wala ring tricycle! Laging mahahaba ang pila. So pag nag-out ako ng alas sais, nakakauwi na ko ng halos 11pm. Mas matagal pa sa ibinabiyahe ko pag galing ABS.
Feeling ko eto talaga abg ikakamatay ko eh hahahahaha.
Pwede naman akong mag taxi eh kuripot lang talaga ako, kaya ayan nagdurusa na naman ako sa commuting problems.
Pwede rin namang magpahatid ako, pero nahihiya ako haha manggagaling pa siya ng Rizal tas maghahatid lang. Huwaw.
O kaya magpaturo na lang ako sa kanya magmaneho? Tas bibili na lang ako ng sarili kong motor?
Ngayon lang ako umuwi ng diretso galing office eh, usually kasi pag friday may landi pa ako, kaya madaking araw ng sabado na ako nauwi. Mas ok pa pala yon kasi at least diri-diretso lang ang biyahe ko pag madaling araw.
Mas masarap pa rin sa QC kesa sa Manila, kasi lagi akong unsure dun sa paligid ko eh feeling ko anytime may papatay sakin kahit wala naman akong atraso.

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | Leave a comment

Protected: Kalayaan


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in HANASH! | Enter your password to view comments.

Protected: Panganib


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in HANASH!, SHORTS | Enter your password to view comments.

100+ Questions


Ang hihirap sagutin ng mga tanong.

Continue reading

Posted in KEME | Leave a comment

Protected: Maybe this time


Pinost ko to nung 2015. Ang consistent ko pala ano. Consistent na humo-hopia hahahahaha

🌑

 photo photogrid_1454738787006_zpsyebb3za9.jpg

– my own quote. Watcha say?

HERE are my thoughts today:

Sabi nila, “First Love Never Dies”. Kahit kailan ay di mawawala yung pagtangi mo sa taong yun. Never ka na yata makakapag move on sa kanya.

Na-fall in love ka for the very first time. Kaso wala naman pala siyang balak na saluhin ka. Di niya intensyon na mahulog ka. Hanggang kaibigan lang ang kaya niyang maibigay sayo. Ang saklap. Kahit na kailan ay hindi tama na ipagpilitan mo sa isang tao na mahalin ka, pero naisip mo na pwede mo rin iparamdam sa kanya na, ‘baka naman pwede tayo’. Pero kung ayaw talaga, eh di tanggapin mo na nga lang.

Again, mahirap sa part mo kasi sa kanya ka lang naging wagas na maligaya, kahit hindi kayo. Yung feeling na alam mong di mo na kailangan ng iba kasi siya na ang bumubuo at nagbibigay saya sa buhay…

View original post 443 more words

Posted in KALANDIAN | Enter your password to view comments.

200 Questions


Question thread 3/9. Marami na naman to.

Continue reading

Posted in KEME | Leave a comment

250 Questions


Eto pa isa. wahahahahaha

Continue reading

Posted in KEME | Leave a comment

350 Questions


Ang dami neto. Ilang buwan din bago natapos. Hahahaha

Continue reading

Posted in KEME | Leave a comment

Sapatos


tumblr_psfvjtXepm1qdvnfp_500

Ako ang sapatos mo – ang kasama mo sa bawat paglalakbay mo, sa paglalakad sa kawalan, sa paghahanap sa kasaganaan at kaligayahan, sa pinakamahihirap na bahagi ng iyong buhay. Ngunit alam ko naman na sa dulo ng biyaheng ito, siya pa rin ang tsinelas na uuwian mo.

follow my Tumblr blog!

Posted in ALAALA, Categorized, KALANDIAN, LOVE, SHORTS | 1 Comment

City of Smiles :)


Joke lang hindi travel blog to. Hanash pa rin.

FIRST TIME KO MAKARATING NG VISAYAS! FIRST TIME KO SUMAKAY NG EROPLANO! FIRST TIME KO MAGING PHOTOGRAPHER?

Part din pala ng trabaho ko ang magpunta sa iba’t ibang lugar para sa mga workshop, conference, summit, meeting, at kung anu-ano pang eme ng gobyerno. Sarap ng buhay ano? Pa-travel travel na lang? Reimbursed pa yan? Payaman!

But no. Nasa ibang lugar ka nga, puro trabaho pa rin huhu. Ganun talaga, gobyerno eh. Naiistress ako kasi habang nagpho-photog ako, nagtetake down notes pa ako para sa Press Release at Back to Office Report na ipapasa ko kinabukasan. Tapos instant PA pa ako kasi pag may demand si Sec tsaka yung mga speakers hehe. Ansaya, bumalik yung college feels ko na nagkakandaugaga at natataranta dahil sa event. OY ETO NA PALA YUNG DREAM JOB KO? bat pa ako nagrereklamo hahahahaha, eto yung gusto ko, puro events. Tapos nakakapunta sa iba’t ibang lugar. Nahihirapan lang ako kasi hindi na ako marunong magsulat, which is yun yung primary duty ko. Tsaka nahihirapan ako kasi hindi ako marunong mag-ayos ng settings ng DSLR hahahahahaha bat nga ba ako nakapasa ng photog noon, ano nga bang natutunan ko? Wala. Wala kasi akong camera noon kaya hirap ako matuto. Lam mo yung minutes bago magstart yung event kinukulit ko sa chat si Adrian, sabi ko pano to hindi magiging blurry? Hala asan ang auto focus mode? Hala paano to ililipat sa video? Ano tong ISO? Eh walang ibang marunong sa camera sa grupo namin (elders nga kasi) tapos kaya nga ako isinama sa Bacolod kasi ako ang ineexpect na marunong magcamera. Daaamn taranta talaga ako nung time na yon kaya kita mo, lahat ng pictures na kuha ko nung event, sabog. Ipopost pa naman sa mga publications/media yun hahahaha feeling ko hindi na ako ang isasama sa susunod. Mangmang.

Gusto kong magkwento ng about sa experience ko sa Bacolod, kaso wala masyado kasi sobrang occupied ko sa loob ng tatlong araw na yun. Wala akong time para gumala. Gustuhin ko man lumabas ng gabi pero patay ako sa mga boss ko pag may mangyari sakin doon. Hindi ko naman maaya yung mga kasama ko kasi lagi na silang nagtatravel for work, so siguro sawa na sila sa mukha ng Bacolod, and pag matatanda hindi na pala-gala. Ni hindi ko sila nakitang namili ng pasalubong so ibig sabihin nga ako lang ang newbie sa industriyang ito. Btw ako lang pala ang teenager sa grupo namin, ang mga kasama ko eh mga nakatataas na opisyal ng ahensya namin, pati mga speakers nung event (so you feel the pressure right away) tapos yung kasama ko sa kwarto, scientist, kilala sa field niya, kagalang-galang huhu sino ba naman ako. Tapos most of the time, pag nag uusap usap yung mga kasama ko, about sa policies, plano, basta mga pormal na diskusyon. Hindi ako makarelate kasi di ba pag kabataan pinag uusapan natin yung mga bagay na nakakapagpasaya o nakakapagpatawa satin. Pero yung sa levels nila, kapakanan ng Pilipinas ang inaatupag nila. Grabe. Nahihiya ako tsaka OP haha. Feeling ko dito ako magmamature, maagang tatanda. Pero okay lang, at least hindi na puro ka-shit-an ang kinukuda ko. Kwentuhan ko nga yung mga kaibigan ko about climate action bwahahahahaha.

Yung Bacolod parang QC lang din. Ang daming mall. Ang daming China Mart. Ang daming ihawan (Inasal is life). Kaya siguro di ko feel na bakasyon ito haha. Pero ang ganda dun sa Silay, sa may paliparan banda, kasi ang lawak ng taniman ng tubo, yun ang makikita mo paglapag doon. Unlike pag sa NAIA, oo puro bahay.

Tapos sobrang takot ko nung unang pagsakay ko sa eroplano kasi bumabalik yung Space Shuttle feels ko, yung pag pataas at palanding, buti na lang pala nauna muna ako magspace shuttle bago mag eroplano. Nagpapawis mga kamay at paa ko nun tapos nalulula ako ng sobra. Medyo nahihilo at masakit sa tenga pero ayan, nakauwi naman ako ng buhay.

Di ko alam kung gugustuhin ko pang sumama sa mga business trip sa susunod haha ngayon nagegets ko na kung bakit tinatanggihan ng mga tao dito.

Tapos wala pa akong masyadong picture dito sa Bacolod, paano ako ang tagakuha eh, sino ang kukuha sakin??

tumblr_ps5awt2Eow1qdvnfp_640tumblr_ps5awsmiva1qdvnfp_640

follow my Tumblr blog!

Posted in ALAALA, HANASH!, LAMYERDA | 1 Comment

Bobo


Oy kailangan ko na mag-aral ulit.

Habang tumatanda, papurol ng papurol ang utak ko. Alam mo ba, everytime na nasa office ako, feeling ko ang bobo ko talaga. Kasi yung everything about our agency, hirap ako i-absorb, like pag pinag-uusapan nila yung Risk Management, NCCAP, atbp., hindi aio makarelate? Eh dapat bago ako magsulat ng PR, dapat alam ko lahat ng info. Eh wala akong alam? Binabasa ko naman yung binibigay sakin na resource materials pero hindi ko maintindihan? Masyadong technical yung mga nakasulat. Pero sa intelligence level ko bakit hirap na ako umintindi?

Bumaba kaya self esteem ko. Nung nag-aaral ako, amazebels lahat ng kaklase ko pati mga prof ko kasi ako ang pinakamagaling magcompose ng articles, magsulat ng balita. Ang dami kong naisusulat na essay noon. Pero bakit nung nasa real world na ako, hirap ako magsulat?

Asan na yung Shaira na Best in Journ? Yung 1st place sa Tagisan ng Talino? Yung isa sa may highest rating sa Civil Service Exam? Anong nangyari sayo??

Siguri kasi napuno yung utak ko ng mga unnecessary at inappropriate thoughts kaya hindi na makapag process ng bagong information. Masyado akong nagfocus sa emotion, eh hindi naman ako ganung klaseng tao noon. Siguro kasi natengga rin ako sa paulit-ulit na work routine sa ABS kaya natuyo na ang creative juices ko.

Attracted ako sa mga taong malakas ang apoy ng passion (skills), pero di ko napapansin na yung sarili kong apoy, unti-unti na palang namamatay. (Kakasindi mo kasi yan sa passion ng iba)

“Kakadikit mo yan sa bobo. Pati tuloy ikaw nahawaan.”

Totoo nga yon. Malakas maka-impluwensya yung taong nasa paligid mo. Pag siya pababa, pati ikaw pababa din. Kaya mas ok na mapalibutan ka ng mga taong iniisip ang kapakanan ng bayan, ng kalikasan, wow, totoo, mag-iiba ang mindset mo sa buhay.

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | Leave a comment

Divi


Pumunta akong Divi after shift, aba dati nalulungkot ako kasi walang mall na malapit sa office, pero narealize ko one jeep away lang pala yung Divi dito so tingin ko mukhang linggo-linggo ako nandito HAHAHAHA. Mag-isa lang ako btw. Parang hindi takot ah. Ganito, nung first time ko sa Divi, last year lang, nasnatchan ako,ng wallet hahahahaha tas yung pangalawang punta ko dito memorable din, kasi yun ang una at tanging absent ko sa ABS hahaha

De eto na, naistress ako papunta pa lang. Yung mga sasakyan at tao, hindi na sinusunod yung traffic lights? Ke go ke naka stop nakabalandra sila? Kaya nagkakanda buhol buhol ang traffic dun sa Recto. Shet araw araw sila ganito? Nagbubusinahan, nagmumurahan. This is Manila y’all. Ayoko magstay ng matagal sa ganitong environment haha, yung anytime na alam mo kukuhaan ka ng gamit mo.

Wala pa akong isang oras doon, kasi hanggang 7:30 lang pala yung 168 eh, pero nabili ko naman yung mga kailangan ko. Mura lang! Isandaan yung dress. Pang aura ko to sa Bacolod.

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH!, SHORTS | Leave a comment

Protected: Best Part


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in KALANDIAN | Enter your password to view comments.

051919


Ok na last na to. After neto, hindi na ulit ako magsusulat sa blog na to.

We have to end this yet you keep on giving me the best memories.

You’re wasting my time yet my time is precious, and freezes whenever I’m with you.

You’re giving me pain but hey, it’s okay, as long as there was you.

This story was ended a long time ago but I keep on writing the happiest parts, and that was with you.

I know you’re gone, but I just want to let you know that I’ll gonna miss you for the rest of my life.

Paalam 😊✨

Thank u for using me again. Haha.

“Ang manatili sa iyong tabi ay nasa pagitan ng isang kahilingan at isang kasalanan.”

follow my Tumblr blog!

Posted in ALAALA, Categorized | 1 Comment

051819


It was finally done.

Pero puro regrets na naman ako.

Like, kung hindi ko ba pinost dito sa blog yung letter, ititigil niya pa rin ba to?
Kung hindi ba ako nagsuot ng see through na labas ang utong, ititigil niya pa rin ba to?
Kung hindi ko pinilit na sumabay sa kanya hanggang sa pauwi sa kanila, ititigil niya pa rin ba to?
Kung hindi ba ako naattach ulit sa kanya, ititigil niya pa rin ba to?

Well, the answer is still yes. It was meant to happen.

On the bright side, finally he made a mature decision. Sana matupad yung request ko sa kanya, na maging ok na yung well-being niya. Kahit hindi ko na makikita pa. (See, sabi sayo eh, kahit naman anong gawin mo, iba pa rin ang makikinabang ng good deeds mo.)

Heto na naman tayo.
Yung anxiety na pinagdaanan ko 7 months ago, nararanasan ko na naman.
I can’t stop crying again. For the same reason.

follow my Tumblr blog!

Posted in Categorized | Leave a comment

Lipat-bahay


So ayun palipat na ako ng dorm. Malapit lang to sa office. Maayos. Maliit pero ok lang. Mainit pero ok lang lamigin naman ako.

Heto na, sa linggong to iba na ang magiging takbo ng buhay ko. Kaso, kaya ko na ba?

Nasanay na ako na laging may kasama, may kausap paggising sa umaga, may kasabay kumain, kasabay umuwi. Pero ngayon, iba na. I’m on my own. Kaya ko na nga bang mag-isa?

Habang pinagmamasdan ko itong kwartong to, nalulungkot ako lalo. Tuluyan na akong mamumuhay mag-isa. Malungkot ako. Wala akong ibang makakausap sa lugar na ito. Wala akong kilala. Wala akong kasama sa kwartong ito. Feeling ko sa mga susunod na gabi, wala akong ibang gagawin dito kundi ang mag-iiiyak.

Hanggang alas-singko lang ng hapon ang trabaho ko. Wala akong ibang mapupuntahan. Walang mall na malapit. Walang pasyalan na malapit. Delikado sa labas ng compound, delikado sa maynila. Saan ako pipirmi? Dito lang sa kwartong ito.

Sino na ang makakasabay ko kumain ng hapunan? Kung hapon pa lang nagsisiuwian na ang mga katrabaho ko? Wala. Ako lang ang mag-isa dito sa kwartong ito.

Mahaba ang oras ko sa gabi. Anong gagawin ko? Sino ang kakausapin ko? Wala. Wala nga akong ibang gagawin dito kundi ang umiyak.

Feeling ko habang tumatagal ako sa kwartong ito, palungkot lang ako ng palungkot.

Hayaan mo na, at least kung ano man ang mangyari sa akin, walang ibang makakaalam. Ano man ang isulat ko dito, walang ibang makakaalam. Anuman ang kahinatnan ng buhay ko sa lugar na ito, walang ibang makakaalam.

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | 3 Comments

Election Hanash (at iba pang problema sa buhay)


Huyyy seryoso, nalungkot ako lalo nung lumabas na yung resulta ng halalan. Alam ko hindi pa tapos pero talaga ba? Talaga ba? Ang dami kong nababasa sa social media na huwag iboto itong mga taong to, kilala nyo na yung tinutukoy ko, pero bakit mga pangalan pa rin nila yung nangunguna? Akala ko ba aware na tayo sa mga ginawa nila noon. Parang binaril nila tayo tapos ibibigay ulit natin sa kanila yung baril, at umaasang huwag na tayong patayin ulit. Reklamo tayo ng reklamo dahil sa mga suliranin ng bansa but we keep on electing the same old trapos. Huyyyyy, bakit? Bakit?

Sobrang lungkot ko ngayon dahil sa personal issues ko tas dadagdagan pa neto, mas lalo akong nawalan ng gana sa buhay (as in, tinatamad na akong pumasok sa trabaho). Nung isang araw pa ako hindi nakakaramdam ng gutom, kaya hindi ako kumakain. Dahil dito nagiging imbalance na naman yung brain hormones ko kaya nakakaramdam ako ng sobrang kalungkutan. Wait. Ako pala ang gumagawa ng sarili kong problema.

Kaya heto, gusto ko ulit gumising isang umaga na inspired. Magtrabaho. Magsilbi sa pamahalaan at sa bayan. Pero kailan? Unti-unti na akong nanghihina.

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | Leave a comment

Sulat


I can barely recall but it’s all coming back to me now –

Wala akong magawa. Kaya babasahin ko na lang itong mga sulat na andito. Apat din to lahat.

“Kahit panget ang ugali ko, minahal mo pa rin ako ng buo.”

“Gusto ko ituloy yung mga pangarap mo kasama ko. Sabay nating tutuparin one step at a time.”

“Di rin ako mananawa sayo na mahalin ka at iparamdam ang pagmamahal na ipinagkait sayo.”

Oh. Shit. Tears are running down again.

Na-aappreciate ko lahat ng sulat na ito, pati mga natuyong bulaklak andun sa garapon, hindi ko pa rin maitapon. Yung mga pinagbalutan ng tsokolate, nakatabi pa rin. Yung singsing, nakabaon sa buhangin. Di ko maisangla.

Kaya lang ayoko nang maniwala sa mga salitang ito. At sa mga salitang ipapangako pa sa akin ng ibang tao pagdating ng araw, ayoko nang maniwala.

Binibilang ko kung ilang sulat ang ginawa ko noon. Wala daw eh. Nasa blog na kasi lahat. Never akong gumawa ng hand written letter. Pero alam mo kung anong maganda doon? Di mo siya maitatapon. Di mo siya maitatago sa kung saan at aalikabukin na lang pagdating ng panahon. Immortal na yang mga sulat ko, na kahit na pumanaw na ako, andyan pa rin yan, hindi na mabubura pa. At alam mo, padagdag pa ng padagdag etong mga isinusulat ko sa iyo.

Pero katulad ng mga salita mo, wala na rin palang saysay lahat ng mga sulat ko. Balewala na lang iyon sa iyo. Wag mo na basahin at balikan. Malulungkot ka lang din katulad ko.

Unti-unti nang nauubos ang oras ko. Hindi ko na yata masisilayan pang matupad yung kahilingan ko sayo.

follow my Tumblr blog!

Posted in Categorized | Leave a comment

051019


Actually paulit ulit na lang ata yung topic ng mga posts ko, pero kasi, bat ako nalulungkot ng ganito :((((( despite sa success na nakakamit ko ngayon. Kumbaga malayo na ako sa “Ang bukod na pinagkaitan sa babaeng lahat”. But still hindi ko pa rin ma-manage na maging masaya.

Bakit yung means of happiness ko eh yung taong nagpapahirap din sakin? Bakit sa dinami-dami ng mga ginagawa ko sa araw-araw eh siya ang ginagawa kong pahinga?

Akala ko dati bored lang ako kaya ako malungkot. Pero in the middle of the significant event, right before ako tumayo sa harap at magsalita sa mga tao, nakaramdam ako ng matinding kalungkutan?

Dati sabi sanay na ako na ganun siya, pero bakit feeling ko lagi first time siya nagpapaalam?

Just the thought of him. With her. It kills me. Everyday.

Akala ko kaya ko na, di na masakit, kasi may pinaglalaanan na ako ng atensyon na ibang tao eh. Iba na yung nasa isip ko na kasama ko sa pagtupad ng mga pangarap ko. Iba na yung taong bumubuo ng araw ko. Kaso, wala burado lahat yun, dahil lang sa isang statement.

Ang weird ko. Sinabi ko na sa kanya na wala na akong tiwala sa kanya (kaya hindi ko rin siya kayang balikan), na kilala ko siya at alam na alam ko kung kailan siya nagsasabi ng totoo at hindi, pero bakit mas nahihirapan ako pag wala siya? Ni hindi ko mapakinabangan yung sarili ko. Nawawalan ako ng ganang kumain, kumilos. Na dapat eh matuwa ako kasi wala akong pinoproblema.

Nasa isip ko lang lagi eh, gusto ko siya mapasaya, kahit wala kami. Pero alam mo, hindi ko maibigay yung happiness na kayang ibigay ng gf niya, kahit ano pang gawin ko, idk. Mas minahal niya talaga yun kesa sakin. Efforts pa lang. Actions. Mababaw lang yung sakin noon.

Ayan, bini-build up ko siya. Pero in the end, yung gf pa rin naman niya ang makikinabang. Pero ok lang. Ok lang.

Bakit ganito :((((( mas gusto na ata ng katawan ko na nagiging malungkot kesa maging masaya sa iba.

follow my Tumblr blog!

Posted in Categorized | Leave a comment

Pamilya


30 Day Blog Challenge

Day 8: TALK ABOUT FAMILY

Late na ako ng ilang araw sa blog challenge, sobrang busy ko talaga ngayon legit.

Nababanggit ko na sa mga posts ko yung about sa family ko, pero bihira nga lang. Mostly kasi mga rants ang sinasabi ko haha (pero wala naman akong sama ng loob ha, normal teenager issues lang)

So here’s what everyone doesn’t know. Ako po ay naulilang lubos sa murang edad. (Insert natin dito yung OST ng MMK). Though ang tragic ng story ko, hindi ko siya dinadamdam masyado, marahil ay nasanay na ako na wala akong magulang. Heto ang back story. Masaya kaming namumuhay na isang pamilya, Daddy, Mommy, at si Luisa, ang nakababata kong kapatid. Hanggang sa nagkaroon ng Lung Cancer ang tatay ko, which is mahirap kasi una, hindi naman siya naninigarilyo? Delivery boy lang ang papa ko kaya hirap siyang magpagamot. Ilang buwan lang ang lumipas, binawian na siya ng buhay. 29 years old siya. Ako ay tatlong taong gulang pa lang. Ang kapatid ko ay mag-iisang taon pa lang. Iniuwi ang mga labi ni daddy sa kanyang bayan, sa Sta. Rita, Samar. Si mommy naman ay patuloy pa ring naghahanap buhay para sa amin. Kaya naiwan kami sa lola ko sa Paranaque. Habang siya ay nasa Tondo. Naalala ko nun, sinabi ko sa kanya, “Pwede bang mama na lang ang itawag ko sayo? Pang-mayaman yung mommy eh.”

Years later, kinuha ng isa kong lola ang kapatid ko. Sila na ang mag-aalaga sa kanya. So bale ako nasa side ni mama, si Luisa naman nasa side ni Papa. Limang taon pa lang ako nun. Tatlong taon pa lang ata siya. Yun na ang huli naming pagkikita. Ngayon 22 na ako. 20 siya. Hindi ko alam kung kailan kami ulit magkikita.

Nag-asawa ulit si mama. Nagkaroon sila ng anak. Ilang buwan pagkapanganak niya, bigla na lang bumagsak ang katawan niya. Na-diagnose siya ng Hypokalemia. Wala akong kamuwang-muwang nun kasi nasa Cavite na ako, sa lola ko. Sila naman nasa Makati. After 7 days sa ICU, sumama na rin siya kay Papa. Sa edad na walong taon, naulila na ako. Anim na taon pa lang ang kapatid ko. Nasa Samar siya, at wala rin siyang kaalam-alam sa kinahinatnan ni mama. Dalawang buwan pa lang ang bunso namin.

Pagkatapos nun, wala na akong balita sa stepfather ko. Tutol ang pamilya namin sa kanya. Wala na rin akong balita sa bunsong kapatid ko. Ang alam ko ay kinuha din siya ng lola niya (nanay ng tatay niya), na nasa Zamboanga. So technically, naghiwa-hiwalay kaming tatlo. Ngayon, wala pa rin akong balita sa kanya, though friend ko pala siya sa facebook.

Ikukuwento ko naman ang buhay ko sa side ng lola ko. Ang kasama kong lumaki, mga pinsan ko, na itinuring ko nang mga kapatid, si Don2 at si Anye. Nung bata ako, nasa laylayan kami ng time na yun. Walang trabaho mga tita’t tito ko. Magkakasunod na taon kaming namatayan – si Papa nung 1999, si Mama nung 2004, lolo ko nung 2006, at lola ko nung 2009. Sobrang close ako sa lola ko, na siya rin eh tinatawag kong mama. Tapos yung mga tita’t tito ko eh Ate Kuya ang tawag ko (which is wrong???), nung nagkasakit yung lola ko, naging bedridden siya, napakahirap ng pinagdaanan namin. Kailangan na kailangan namin ng pera pambili ng gamot, tapos hindi pa sapat yung para sa pagkain namin. Hindi ko alam paano kami naka-survive sa ganung sitwasyon. Pension lang ng mama’t papa ko ang bumubuhay sa’ming lahat, salamat SSS. Yun na din ang tumustos ng pag-aaral ko, buti na lang at nasa public lang ako. Though may mga araw na wala akong binabaon, minsan nag-123 ako para lang makapasok, pero pag walang-wala talaga, umaabsent ako ng ilang araw dahil walang pamasahe. Isa to sa regrets ko eh, kaya kong mag-honor student, kaya kong makakuha ng scholarship, kaya kong mag-aral sa magandang unibersidad, pero hindi ko maasikaso kasi wala kaming pera, wala akong panggawa ng project, umaabsent ako kahit may exam.

Nung high school ako, nakipagsapalaran sa abroad ang tita ko – sa Syria. Tapos ay sumiklab ang digmaan doon, naipit siya. Ilang taon din kaming walang komunikasyon sa kanya. Ilang taon ding walang tumutustos samin, pero andyan yung asawa ng tito ko para suportahan kami financially. Nung ok na, nakauwi na ang tita ko, pero ganito pa rin ang buhay namin, nasa laylayan.

After ko magfirst year sa kolehiyo, napagdesisyunan ng tita ko na mangibang bansa ulit. So yung pang tuition ko sana ng second year, ipinanggastos na lang pang-asikaso ng requirements, kaya napilitan akong huminto sa pag-aaral. Hindi naman labag sa loob ko, pero sobrang lungkot ko nun, kasi may opportunity ako, pero wala akong magawa. Natengga din ako sa bahay ng matagal, kaya sabi ko sa sarili ko nun, balang araw aangat din kami sa laylayan. I don’t want to suffer again in the future (naks.) Gusto ko nang makaalis at makalaya sa mundong ito.

Hanggang sa eto, naka-graduate na ako, isang taon nang nagtatrabaho, pero wala pa rin akong naibabalik sa pamilyang kinalakihan ko. Pasensya na.

We were once a big family. Hanggang sa unti-unti kaming nababawasan. Nagkakaroon ng family issues, etc. From 8, tatlo na lang kaming nasa bahay ngayon. Actually weekends na nga lang ako nasa bahay namin, so dalawa na lang pala silang andoon.

Ayun lang, this is my family. Wala pala kaming family picture.

Alam mo. narealize ko, akala ko walang effect sa akin psychologically yung absence of parents. Meron din pala, kaya siguro ganito ako, hirap makihalubilo sa matatanda, sa ibang pamilya, kasi hindi ako sinanay ng pamilya ko. Tahimik lang ako sa bahay, hindi ako nakakapag voice out ng feelings ko. Ewan ko. Kaya rin siguro hindi ako sweet na tao kasi walang nagpapakita sa akin ng pagiging sweet sa family or sa ibang tao. Kaya kung mapapansin mo, sanay ako na mag-isa lang ako.

Isa sa mga pangarap ko, ang magkaroon ng matinong pamilya. Seryoso. Though natatakot din ako ng magkaroon ng sariling pamilya kasi feeling ko, mamamatay din ako ng maaga (seryoso, inaanticipate ko to), pero kung papalarin akong mabuhay ng matagal, sana maranasan ko rin ang magkaroon ng complete family, may asawa ako na mamahalin at susuportahan ako unconditionally, yung pareho kami ang magbibitbit at hindi ako lang (mostly kasi sa mga kamag-anak ko, babae ang bumubuhay samin, so yeah it runs in the family), yung tita ko single mother, and hopefully sana ako hindi ako maging single mother.

Hindi ko naranasan yung may magulang na sasabitan ako ng ribbon tuwing recognition, na aattend tuwing PTA, na magsusundo kapag umuulan, na magpapa-Jollibee pag mataas ang grades, Sana maranasan ng magiging anak ko yun. Ayokong maranasan niya yung buhay na pinagdaanan ko.

Well hindi ko nga alam kung magkaka-normal family pa ako kasi ngayon pa lang, fucked up na yung sitwasyon ko, pero sana kung makakapag-asawa pa ako, sana tulungan niya akong bumuo ng masayang pamilya. Yung paggising sa umaga hahainan ko sila ng sunog na kanin, HAHAHAHA, de joke, basta paglulutuan ko, pagsisilbihan ko, hatid ko sa school. Tas yung pagmamahal na hindi naiparamdam sakin ng papa ko, gusto ko maramdaman ko yun sa magiging asawa ko haha, sige na, I could be a good wife too. Bigyan mo naman ako ng magandang future pls? (wait lang, bat nga ba napunta dito ang usapan)

Basta ayun, kailangan ko pa magsikap sa trabaho ngayon para makaipon para masuportahan yung pamilyang bubuuin ko balang araw, kahit inaanticipate kong mamamatay din ako agad. wat.

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH!, KEME | Tagged | Leave a comment

Third party


Sobrang nalulungkot ako, kapag nakakarinig ako ng mga ganyang balita, about sa mga third party, etc, lalo na kapag matagal na silang nasa relationship, yung kasal na lang yung inaantay. Kasi akala mo ok na kayo eh, na ikaw na yung mamahalin habambuhay, tapos biglang mawawalan na lang siya ng interes sayo kasi napunta na sa iba.

Nung nagbreak kami, dun ako nagkaroon ng trauma, na ayoko na ulit maranasan na iwanan para sa iba. Kaya sobrang taas ng trust issues ko. Kahit sobrang pure ng intention ng tao, kahit sincere sakin, nakatatak na sa utak ko na balang araw mawawalan din to ng interes sakin pag nakakita ng someone better than me. Kaya ako naging pessimistic din sa relationship. Naranasan ko rin yung sayo siya pero feeling mo anytime maaagawan ka. Inaassure niya na mali yung hinala mo or wala kang reason para maparanoid pero yung instinct mo, alam na alam mong tama. Alam mong may something. Hindi yun nagkakamali.

Di naman natin mapipilit yung tao na mahalin tayo kung di na nila nararamdaman yun. Pero, sana man lang sabihin nila, na nawawalan na sila ng interes, bago man lang umalis sa relationship. Hindi yung mababaw na dahilan lang, bigla bigla kang bibitawan. Nanawa lang ganon. Ang dami pang isasampal sayo na dahilan. Ang dami pang ipopoint out na pagkukulang. Hindi na lang diretso sabihin na, mas mahal ko na siya kesa sayo eh. Ganun lang yun. Kahit ano pang reason yan, lahat yan masakit! At least man lang maging honest sa feelings. Natatakot na ako magkaroon ng long term relationship, kasi pag feeling ko kampante na ako, dun siya biglang maglalaho. Ayoko na.

Pero alam mo, mas worse nga ako eh. Kasi partially third party din ako. Ayokong mangyari sakin yun pero ginagawa ko yun sa iba. Ironic. May mga ginagawa akong mali and alam kong makakasakit sa damdamin ng iba. My intentions are pure din, I just really want to help, without asking love for return. Pero may mga nagagawa ako na nagccross na sa line.

follow my Tumblr blog!

Posted in Categorized | Leave a comment

Aklat


30 Day Blog Challenge

Day 7: RECOMMEND FAVORITE BOOK

Best-animated-gifs-about-books-a-growing-stack-of-books.gif

Alam mo ba, mahilig ako magbasa ng libro, pero hindi yung mga novel/fiction books ha. Pag ganon kasi tinatamad ako magbasa, lalo na pag english. Pero ang mga madalas kong binabasa eh yung mga nakikita mo sa library, literal na educational materials, lalung-lalo na pag History, Science, or Philippine Literature yan. Tsaka mga non-fiction, about love (tips kung paano magugustuhan ni crush ganern) hahahahaha di ba uso yon nung high school? Ah basta.

Ang nabasa ko pa lang ng full length, yung Sophie’s World, about different Philosophies siya, basahin mo kasi after nun mapapatanong ka ng mga bagay na hindi na dapat tinatanong hahahaha. Tsaka Fifty Shades of Grey, pero di ko rin natapos kasi hirap akong intindihin. Hays.

Tsaka pala pocketbook lang mga nababasa ko dati, kasi yun lang yung madaling mahiram haha, kaso naiinis lang ako pagtapos basahin, unrealistic naman ng mga kwento (bitter eh.) Tapos sa e-books, wala wattpad lang din binabasa ko dati.

Wala akong favorite na libro, pero ang mairerecommend ko eh yung mga libro ni Bob Ong. MacArthur, Si, ABNKKBSNPLAko, Ang Paboritong Libro ni Hudas, atbp. Dun ako unang na-expose haha kaya eto yung naging memorable sakin. Tsaka yung Dekada ’70 ni Lualhati Bautista.

Ang hirap i-explain, pero siguro may idea ka na kung anu-anong genre ng mga libro ang binabasa ko. May maire-recommend ka ba sakin na similar sa mga nabanggit ko sa taas?

Sa panahon ngayon, ang hirap na makahiram ng mga ganyang libro haha hirap din ako bumili kasi wala pa akong panggastos para sa mga ganyan, pero kung may murang bilihan ng mga libro, malamang magiging library na rin yung kwarto ko.

Animated-gif-bookcase-a-door-to-a-secret-room.gif

follow my Tumblr blog!

Posted in KEME | 2 Comments

Nakakainis


Nakakainis ka.
Paulit-ulit na lang ako nag-aadvice sayo.
Paulit-ulit ka lang din na humahanash sakin.
Paulit-ulit na lang din ang problema nyo.
Di nyo naman ina-apply yung mga sinasabi ko.

Nakakainis ka.
I keep on wondering bakit hindi mo ko ipinaglaban noon.
Bakit ang dali mong nagsawa.
Bakit ang dali mo akong bitawan.
Mas mababaw lang yung pinagdaanan mo noon sakin,
kumpara sa nararanasan mo ngayon.
Pero bakit ipinagpapatuloy mo pa rin?
Sinasabi mo na hindi kayo magwo-workout,
sinasabi mo na mas nakikita mo yung future mo na kasama ako kesa siya.
Pero bakit pinagpipilitan mo pa rin yung sarili mo sa kanya?

Nakakainis ako.
Bakit kahit gustung-gusto kitang kunin pabalik,
Mas inuudyok pa kita na ipaglaban siya?
Bakit kahit sobrang sakit ng ginawa mo sakin,
Tinutulungan pa rin kita?
Bakit kahit sawang-sawa na ako makinig sa problema mo,
Iniintindi pa rin kita?
Bakit ba di na lang ulit tayo hahahaha
Pero bakit mas pinipili ko na maayos ang issue nyo.

Nakakainis ka, pero mas nakakainis pala ako.

follow my Tumblr blog!

Posted in Categorized, SHORTS | Leave a comment

Pet Peeves


30 Day Blog Challenge

Day 6: YOUR TOP 5 PET PEEVES

Top 5 lang to, pero sa sobrang dami kong kinamumuhian sa mundo, isusulat ko na lahat. Bahala kayo dyan. *drops mic*

  1. Youtube Ads
  2. Mabagal na internet
  3. Dutertards, keyboard warriors
  4. Mga kapitbahay ko na nagsusugal, na ayaw magpadaan ng tao sa sidewalk
  5. Mababagal maglakad or biglang hihinto tapos nasa likod ka.
  6. Nagmamadali ka na tapos yung driver naghahakot pa ng pasahero or nakipagkwentuhan pa sa mga tambay.
  7. Mga nagyoyosi in inappropiate places (sa daanan ng mga tao?!)
  8. Mga biglang dumudura sa harap mo.
  9. Mga sumisingit sa pila.
  10. Mga nagtitinda ng damit na pinipilit kang bumili kahit tumitingin ka lang naman.
  11. Mga headhunters sa BPO at iba pang manghaharang sayo habang naglalakad ka at aalukin ng kung ano ano.
  12. Mga badjao na mapilit humingi ng pera
  13. Mga batang pulubi na kinukuha yung inumin mo ng bigla-bigla.
  14. Mga bigla-biglang magtatapon ng basura sa bintana ng sasakyan.
  15. Mga nakabukaka sa jeep
  16. Sampuan daw yung jeep pero pito lang talaga ang kasya
  17. Maiingay na motor
  18. Walang pedestrian lane.
  19. Mga sasakyan na hindi humihinto kapag tumatawid ako sa pedestrian lane.
  20. Biyahe from ABS to Ortigas na inaabot ng isang oras.
  21. Sa CR sa office, yung may makikita ka pang ihi sa paligid ng bowl, tapos may tissue naman kada cubicle. Tf.
  22. Nung nag-aaral ako, kinukulit ako ng katabi ko kung anong sagot sa tinatanong ng titser, tapos nun siya yung sasagot sa teacher.
  23. Mga taong reklamo ng reklamo haha cause of delay tong mga to eh.
  24. Pag nakatapak ka ng bubblegum/dumi
  25. Pag tinitipid ako.
  26. Immature friends – yung mga sobrang mahaharot nasasaktan ka na physically
  27. Pag naiwan nilang bukas yung gripo/ilaw tas ikaw ang pagpapatayin.
  28. Humingi ng pagkain mo na mas marami pa yung nakain kesa sayo. Tapos ikaw pa pagliligpitin at paghuhugasin ng pinggan.
  29. Nanghihiram ng gamit mo tapos hindi maibalik sa pinagkuhanan.
  30. Manghihiram lang ng gamit mo pero inangkin na.
  31. Mga taong umuubos ng pagkain ko sa drawer/pantry without my consent.
  32. Pag may nanghihiram sakin, mapapahiram ko naman, tapos pag ako na ang manghihiram ng gamit, nagdadamot!
  33. Pag ginagamit ko pa yung isang bagay tapos bigla na lang kukunin sakin.
  34. Or pagkalapag na pagkalapag pa lang ng gamit pagkatapos kong gamitin, kukunin agad (yun pala inaabangan akong matapos).
  35. Pag paulit-ulit yung tanong. Pag paulit-ulit nagkkwento. Tapos yung lahat na lang tinanong na sakin (lalo na sa school lol). Kaya mo namang gawin yan, bakit tinatanong mo pa?
  36. Ginugulo ako habang natutulog.
  37. Invasion of personal space at privacy ko.
  38. Nangingialam ng settings ko.
  39. Mga taong pinagtatawanan ako kasi hindi na ako virgin. Eh ano?
  40. Pag may naglilihim sakin tapos nalaman ko.
  41. May tanong ka sa chat tapos hindi niya sinagot.
  42. Magkasama kayo pero cellphone siya ng cellphone.
  43. Pag sumasagot ng “Edi wow” at “Ulo mo”
  44. Mga taong pinaghihintay ka ng dalawang oras.
  45. Mga taong nagsasabing darating pero hindi naman dumarating. And never ka na in-update about it.
  46. Nagbibitaw ng salita pero di naman pinaninindigan
  47. Pag pinipressure ako
  48. Mga taong naghe-hate sa mga bagay na bago sa kanila.
  49. Mga nagmamagaling kahit di naman talaga nila alam.
  50. Mga taong bida bida, yung ang dami nang kinukuwento na puro pabida lang sa sarili, mayabang ang dating ganun. Di naman ako interesado sa buhay niya, bwahahahaha
  51. Pag paulit-ulit yung sinasabi ko, either di niya mag-gets or paulit-ulit siyang humahanash pero di naman ina-absorb ang advice ko.
  52. Pag pinipilit saking gawin yung isang bagay na hindi ko naman responsibilidad.
  53. Lakas maka-judge ng ibang tao pero pag sila na yung pinag-uusapan, pikon.
  54. Mga taong lagi na lang bumi-big deal. Feeling offended lagi.
  55. Mga feeling righteous!!!!! Parang kada usapan lagi silang nakikipag-argumento kahit wala namang dapat pag-awayan.
  56. Mga pa-victim, na kala mo sila yung nasaktan eh sila tong may kasalanan kung bakit nangyari yun. Lakas magdrama.
  57. Short-tempered na tao. Idadahilan pa na dahil sa hormones.
  58. Attention-seeking bitches

Na-realize ko, yung mga bagay na ayaw ko, ganun din yung traits ko eh hahahahaha

tumblr_inline_ms3j5cPh2M1qz4rgp.gif

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH!, KEME | Leave a comment

Protected: If


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in Categorized, KALANDIAN | Enter your password to view comments.

To my 16-year old self


30 Day Blog Challenge

Day 5: LETTER TO 16 YEAR OLD YOU

Alam mo sana nga may time travel machine na katulad nung sa Orange, baka maisalba ko rin ang sarili ko dito.

Eto lang yung sasabihin ko sayo. Mahalin mo ang sarili mo. Yung 22 years old na ikaw, hirap na hirap ngayon. Kasi mas iniintindi niya yung kapakanan ng ibang tao, nag-aadvice siya, nag-eeffort, kahit sobrang nasasaktan na siya. Alam ko obsessed ka pa kay Jun Pyo sa time na to. Okay lang yan. Walang-wala yan compared sa lalaking kahuhumalingan ng 22 year old self mo. Sagad, naubos niya ang sarili niya para doon, she’s not expecting anything in return, at yun ang pumapatay sa kanya ngayon. Please, kung kaya mong pigilan. Huwag mo na hayaang mangyari ulit yun sayo. Yung mindset mo ngayon alam ko easy go lucky ka lang, hindi pa mature yung feelings mo. Pero sinasabi ko sayo, mas ok pa yan compared sa magiging sitwasyon mo six years after. Mas ok nang umiyak ka kasi pinagsasalitaan ka ng masama ni kuya kapag nalalasing, kesa yung gabi-gabi kang umiiyak ng dahil sa pag-ibig. 4 years after neto, may darating na lalaki na makakapagpabago ng buhay mo, in a positive and negative way. Tingin ko mas ok na iwasan mo na lang siya, mas ok nang nakatago ka lang sa comfort zone mo, mas ok nang wala kang kamuwang-muwang sa realidad ng pag-ibig, mas ok nang naiinggit ka lang sa mga kaklase mong may jowa, mas ok nang hintayin mo si Jun Pyo nang sampung taon kahit wala kang chance at all. Mas ok yun pramis, mas maginhawa ang buhay mo. Huwag ka nang pumasok sa relationship. It will be the burden you’ll bring for so long. Pagdating ng taong 2018, tuluyan nang mawawala yung self-worth mo. Alam ko focus ka pa sa pag-aaral ngayon. Pero relationship ang hinahanash ko sayo ngayon. Kasi ang laki ng impact nito sa buhay mo. Matalino ka. Sasabihin mo na kaya mong i-handle, pero pramis gurl, mawawala ka sa sarili at magiging tanga eventually. Kaya hangga’t maaari, huwag mo na gawin. You’re doing good academically. Keep it up. Mataas ang pangarap mo. Aim high at wag na magsettle sa temporary means of satisfaction. Save yourself. 🙂

follow my Tumblr blog!

Posted in Categorized, KALANDIAN, KEME | Leave a comment

Love Language


30 Day Blog Challenge

Day 3: YOUR LOVE LANGUAGE

Naalala ko nung mga unang araw after ako hiwalayan, hahahahaha, inexplain sa akin ni Ate Jen yung about sa love language. Tapos pinagsagot ako ng LOVE LANGUAGE TEST (try nyo rin kung di nyo pa alam ang Love Language nyo), so ako napa-wow nun na, hala oo nga this is me, this is how I express love, ganern.

My Scores

11 Quality Time
8 Acts of Service
6 Physical Touch
3 Words of Affirmation
2 Receiving Gifts

Receiving Gifts

Magsimula tayo sa pinakamababa, hindi big deal sa akin yung receiving gifts, hindi dahil sa wala siyang maibigay nun, kung tutuusin sobrang special ng mga regalo niya sa akin noon, irrepleaceable po. Madalas mga handwritten letters yun. Di ba ang saya, kapag nagbibigay sayo yung isang tao, ibig sabihin nun naa-appreciate ka, naaalala ka ganern.

Words of Affirmation

Sobrang appreciated ko naman yung compliments niya, like ang ganda mo kahit flat ka ganern hahahahahaha. Kaso, ako kasi yung taong sobrang taas ng trust issues na yung i love you niya, ayokong paniwalaan, feeling ko di siya sincere sa words niya. Tapos ang dami niyang plano and everything pero hanggang ngayon wala pa ring nafu-fulfill, so sabi ko hanggang salita lang talaga to. Yun yung dahilan din kung bat ako iniwan HAHAHAHA eh kasi sa kanya eto yung love language niya, tapos sakin mababa lang, so hindi nagkasundo, ayan.

Physical Touch

Hindi ako clingy. Minsan naiirita ako pag niyayakap ako in public haha ewan ko. Pero yung simpleng pag-pat lang sa noo ko, yung paghawak sa kamay pag naglalakad, sobrang naa-appreciate ko rin yun.

Acts of Service

Akala ko ito yung number one ko, eh gusto ko yung natutulungan niya ko sa mga gawain ko. Pero na-realize ko rin na ayaw ko na iasa na lang lahat sa ibang tao, masyado akong spoonfed non (hindi ba)

Quality Time

Heto lang naman dine-demand ko huhuhu, wala akong pake kung wala kang pera, basta gusto kita makita, kaya every off ko nun nag-eeffort ako na pumunta sa kanila, at least once a week gusto ko to makita. Kahit nagcocomputer lang siya pag magkasama kami most of the time, kahit nakatengga lang kami sa bahay, kahit hindi kami nagde-date ng legit sa labas, okay lang haha basta nakikita siya ng mata ko.

//

THEN AND NOW

So ayun nga chika ako ng chika ng about sa past ko, which is lesson learned kasi nga magkaiba kami ng love language. Big factor talaga to sa compatibility nyong dalawa. Like siya nagdedemand na maging sweet ako tapos ako nagdedemand na maging sincere sa words at gumawa ng mas maraming actions. Lol kahit ano pang pag-aadjust ang gawin, hiwalayan pa rin ang ending.

Ngayon, dito sa bago kong kalandian HAHAHAHA, feeling ko pareho kami ng love language kaya wala kaming masyadong issues sa isa’t isa. Parehong hindi sweet, hindi clingy, parehong mahilig gumala sa kung saan-saan, parehong tinutulungan ang isa’t-isa, parehong gusto ang quality time.

Para lang akong nagkaroon ng cellphone, for the first time, kahit second hand siya at marami nang issues, ginagamit ko pa rin kasi yun lang yung phone na meron ako eh! And then nanakaw sakin, so ako hinayang na hinayang, pero narealize ko na kaya ko naman palang bumili ng brand new na cellphone, walang problema, madaling gamitin, so bakit pa ako magsasayang ng panahon na mag-iiiyak sa lumang cellphone?

follow my Tumblr blog!

Posted in Categorized, KALANDIAN, KEME | Leave a comment

Bucketlist


30 Day Blog Challenge

Day 2: YOUR BUCKET LIST

Nagpost na ako ng tungkol dito nung nakaraang buwan. I-reblog ko na lang 🙂

Spoiler Alert: Maisasakatuparan ko na yung trip to Palawan sa September at Japan sa December!!!!!

follow my Tumblr blog!

🌑

Is it too late to create one for this year?
Ngayon lang ako ginanahan ulit maglista ng mga bagay na gusto kong gawin ngayong taon. Yung iba nagawa ko na in the first three months, yung iba naka-plot na. Yung iba plano pa lang. Yung iba hanggang pangarap na lang talaga.

– Gusto ko ulit magbundok at magdagat (done!! pero sana meron ulit)
– Gusto ko magkaroon ng piano (done!)
– Gusto ko magroadtrip sabay kakanta ng Style (done!)
– Gusto ko pa manood ng mas maraming concerts
– Museums.
– Libraries.
– Art Fair
– Film Festival.
– More historical places.
– Gusto ko matuto mag-ice skating
– Gusto ko matuto magbike. This time.
– Gusto ko mag-laser gun shooting
– Gusto ko mag-archery. huwaw.
– Gusto ko tumakbo sa marathon
– Gusto ko mag club at bar hopping sa BGC
– Gusto kong pumunta ng Venice Grand Canal

View original post 239 more words

Posted in KEME | Leave a comment

Facts


30 Day Blog Challenge

Day 1: 20 WEIRD FACTS ABOUT YOU

Puro weird ba tong mga facts ko, well here it goes:

  1. Karamihan sa mga damit ko ay kulay pula. Nauto ako ng sabi-sabi na mas sexy daw kasi tingnan pag nakapula. Eh kahit naman anong kulay ang isuot ko, mukha pa rin akong tindera. So nung nakaraang linggo na nag-ayos ako ng wardrobe (naks, lakas maka-mayaman ah), napansin kong mas marami pa rin pala akong damit na kulay itim, at puti.
  2. Mahilig akong bumili ng tupperware (or yung mga container na lagayan ng mga chenes), kasi lagi akong nagbabaon, nagtitira, o nagtatago ng pagkain. May mga nangunguha ng tupperware ko sa office at sa bahay kaya lagi akong bumibili. May great fascination na ko sa containers na gusto ko lahat ng ilalagay sa ref, naka-tupperware, pati mga medyas at underwear ko, nakalagay din sa container. Ako siguro yung nanay na magtatakwil ng anak pag naiwanan sa school yung tupperware.
  3. Favorite subject ko talaga history, and I’m proud na kaya kong irecite yung mga pangulo ng Pilipinas ng sunud-sunod, mula kay Aguinaldo hanggang kay Duterte, pati term years nila. Kaya ko rin irecite yung acronym ng mga government agencies at GOCCs. Since elementary at high school, sinanay na kami sa mahahabang monthly test at periodical test (na umaabot ng 300+ items), tapos puro enumeration.
  4. Hindi ako mahilig manood ng movies at series, ewan ko kung bakit, pero maiksi lang ang attention span ko pagdating doon. Kaya karamihan sa mga pelikulang napapanood ko eh hindi ko natatapos, kasi tinutulugan ko hehe. Tapos hindi ko na rin maalala pagkatapos kung anong nangyari sa movie. Alam mo ba yung Avengers? Halos lahat sila hook na hook tapos ako hindi ako maka-relate, wala akong alam na kahit ano about MCU.
  5. Karamihan sa mga favorite songs ko ay about sex at explicit content. Di siya halata sa personality ko. Sabi nung kaklase ko nun, baka naman may hidden desires kasa mga ganung bagay. Eh mukhang wala naman eh, baka dahil hindi talaga ako sa lyrics nagbabase, kundi sa tunog. Eto nga pala sample ng fave songs ko: The Hills, Drunk in Love, GUY, marami pa yan, andun sa spotify playlist ko.
  6. Kumakanta ako palagi. Like habang nagtatrabaho, habang nakasakay sa bus, pag mag-isa ako sa bahay, or pag naliligo, yun lang trip kong gawin. Eh hindi naman maganda boses ko. Gustong-gusto ko din kumanta sa videoke.
  7. Takot ako sa malalim na tubig (dagat, swimming pool), tinitingnan ko pa lang, pakiramdam ko nalulunod na ako. Tsaka pag nagsha-shower ako di ko binabasa yung mukha ko, kasi nga nalulunod ako. Siguro nung past life ko nalunod talaga ako.
  8. Mas mabilis akong lamigin kesa sa normal na tao. Matagal akong makaramdam ng init, kaya kahit tirik ang araw naka-jacket pa rin ako, kasi feeling ko nilalamig ako. Tsaka alam mo ba, pag may anxiety ako, ramdam ko talaga yung lamig mula sa kaluluwa. Feeling ko mamamatay ako pag tumira ako sa malamig na lugar. Hindi ko kaya.
  9. Namamahay ako, pagdating sa pagtulog. Hindi ako makatulog pag nasa ibang lugar ako bukod sa bahay. Pero, habang nagtatrabaho ako, mabilis akong antukin, kaya madalas ay nakakatulog ako habang naka-duty.
  10. Di ako nagmumura. Shit at WTF lang kaya kong sabihin.
  11. Nag-ABCOMM ako kahit mas magaling ako sa math, isa sa mga padalus-dalos na desisyon ko sa buhay haha tulad niyan hanggang ngayon, mahina pa rin ako sa communication skills (verbal), utal utal pa rin ako magsalita.
  12. Nung bata ako, hindi ako pinapayagang lumabas ng bahay. Kaya lumaki akong weak haha. Hindi marunong sa sports. Hindi marunong magbisikleta. Hindi marunong magdrawing.
  13. Toxic trait ko siguro yung hirap akong mag-express ng feelings ko sa ibang tao. Atsaka mas pinipili ko pa ring tingnan yung good side ng isang tao kahit sobrang taken for granted na ako. Hirap akong mag let go ng tao. May crush ako for 8 years haha kahit wala akong napapala sa kanya, siya pa rin yung iniisip ko araw-araw. Submissive ako pagdating sa lovelife.
  14. Hindi ako sanay umuwi ng may araw pa, I mean pag galing sa labas, gusto ko umuwi na ng 6pm onwards.
  15. Sobrang tahimik ko in person, pero ang dami kong posts sa social media sites ko. Dun ko ata mas nailalabas yung feels ko.
  16. Di ba si Dora may backpack, ako din may ganun haha, marami akong weird shits sa bag ko. Like pag may kailangan na something yung katrabaho ko, I got u fam.
  17. Nakadeactivate yung facebook ko, kasi, nakakadagdag siya sa anxiety ko.
  18. Feeling ko pinagkaitan ako sa lahat ng bagay, na lahat ng nangyayari sakin eh hindi pabor sakin. Malas ganern. Kaya inaanticipate ko na mamamatay ako ng maaga (before I turned 30) dahil sa mga kamalasan ko.
  19. Ang madalas na negative comment sakin ng mga teachers/boss ko eh wala daw akong initiative.
  20. May pinost ako dito sa blog na 200+ FACTS ABOUT ME, inipon ko lahat ng bagay na alam ko about sa sarili ko. So kung may plano kang patayin ako at magpanggap na ako, or kung maging super obsessed ka sakin (wow kung may magka-interes), heto ang starter pack ng lahat-lahat.

follow my Tumblr blog!

Posted in KEME | 1 Comment

30 Day Blog Challenge


Screenshot_20190428_215813.jpg

Ang tagal na nung huli akong nag-ganito. Sige, try natin ulit. Pamparami ng content.

This Blog Challenge is made by The Dani Chronicles

Posted in KEME | 17 Comments

Chapped lips


Nabo-bored ako dito sa office. Wala akong ibang mapagkaabalahan kundi ang kutkutin ang nanunuyo kong labi.

Lagi ko namang pinapahiran ng lip balm at petroleum jelly, pero bat ganito pa rin. Naisip ko baka ngayon na lumalabas yung mga side effects ng paggamit ko ng mga mumurahin ngunit pekeng lipstick noon (like yah, 10 pesos each)

Kumusta na nga pala ako ngayon? Heto, napagsasabay ko naman yung dalawang trabaho ko. Nakakapagtranslate na ako ng official documents ng CCC, and at the same time nagpapublish pa rin ako ng mga ads sa TFC.

Kailan nga ba ako maglalast day sa ABS? Sabi pwede na ng May 2. Or May 15. Pero ewan ko, hindi pa yata ako handang iwan ang trabahong ito. Need ko pa mag-grind para mas marami akong sasahurin sa mga susunod na cut off, mas marami akong pera, mas marami akong magagawa in life.

Atsaka, kahit may mga moments na nafe-fed up ako sa mga katrabaho ko, hindi ko pa sila maiwanan. Isa sila sa nagpapasaya sa araw ko eh haha. Mababait naman yung mga bagong katrabaho ko, kwela din, pero tingin ko medyo matagal pa bago ko sila maging close. Hindi ko pa inoopen masyado yung sarili ko eh.

At isa pa sa mga dahilan, gusto ko hangga’t maaari occupied ako. Ayoko na ng walang ginagawa. Ayoko nang ma-bored, kasi magiging clingy na naman ako sa memories ng nakaraan tapos malulungkot na naman ako. Which is contradicting kasi, it’s either nalulungkot pa rin ako kahit super busy ako, or nabobored pa rin ako sa dalawang trabaho ko kaya naghahanap pa rin ako ng attention, gusto ko pang madagdagan mga gawain ko. So sabi ko, sige, hangga’t wala pang kapalit yung papalit sakin, magrerender pa rin ako.

Overwork ata ang papatay sa akin, okay lang, at least hindi na heartbreak. Gusto ko lang naman eh malunasan na yung kalungkutang nararamdaman ko, pero ang hirap, paano? Nasosolusyunan ba ng pera ang kalungkutan? Dati sabi ko, pag marami na akong pera, magiging ok na ako, pero bakit ngayon hindi pa rin sapat yun. Money doesn’t matter after all. Tao pa rin pala ang kasagutan. Yung taong feeling mong siya ang sagot sa problema mo, siya pala ang gumagawa ng problema mo. Gusto kong maging masaya, pero hindi yung temporary lang, na after ng ilang oras bored na naman ako. Satisfied ganern.

Ayoko namang i-claim na depressed ako. Kasi di naman talaga. Sobrang melancholy lang. Siguro magfocus na nga lang talaga ako sa goal ko na makapag-ipon hanggang sa pwede na akong mag-abroad. Siguro pag nagawa ko na yun, maiiwan ko na yung mga bagahe ng kalungkutan ko.

May nabasa ako na, bakit nga ba kinukutkot mo pa rin yung labi mo kahit alam mong masakit at magsusugat? Ewan, pero nakaka-satisfy di ba? Once na umpisahan mo, di mo na matigilan. Ganun din siguro ako towards sa kanya, hahahaha. Pasaway.

Napapakanta na lang ako dito ng, “My loneliness is killing me, and I-”

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH!, KALANDIAN | 1 Comment

Binyag


Bihira lang ako makapunta sa mga ganitong kaganapan. Binyag. Kasal. Lamay pati haha. Bukod sa bihira lang na may ganito sa pamilya namin, wala akong masyadong friends in real life kaya walang nag-iimbita sakin hahahahahahaha. Wala pang nag-aalok sakin na maging ninang, bukod sa kailangan kong magpaka-ninang sa mga pinsan ko at dapat palaging magbigay tuwing pasko. Ugh perks ng pagiging panganay sa generation namin. Pero ok lang din naman na wala akong inaanak, may kuripot tendency ako haha madamot ako kaya di palaging nagbibigay.

So heto nagde-daydream na naman ako. Paano pag ako naman ang nagpaganap ng binyag. Una, pag ako nagkaanak, ang gusto kong magiging pangalan niya eh Chio, Chantal, o Millicent pag babae, or any name na nag-uumpisa sa Ch-. Tas Nigel or Amiel pag lalaki (ang cute kaya ng Amiel hehe) or any name na -iel or -el ang dulo. Kasi. Ang. Cute. Talaga.

Tapos gusto ko dun sa parish sa kanila ipagdiriwang, pero yung officiating priest eh yung paborito kong pari. Ewan ko kung pwede yun na bumiyahe siya at sa ibang simbahan mag officiate ng binyag. Yung pari dito sa inattend-an kong binyag, parang tamad na tamad haha bat ganun. Di ko makita yung enthusiasm.

Tapos yung reception, hmmm, wala pa ako maisip, basta gusto kong ihanda yung hindi common na hinahanda sa handaan. Tapos tulad nung sa kasal, gusto ko may banda ulit hahahahahaha or dance floor, or karaoke. Basta yung walang ma-o-op na bisita.

Tapos yung souvenir gusto ko nakagarapon din instead of plastic. Di ko pa gaanong ma-visualize, basta gusto ko yung mapapakinabangan nila ng matagal-tagal.

Tapos yung mga magiging ninong at ninang, again, tulad ng sinabi ko noon, wala pa akong maalok at the moment na maging ninong at ninang, kasi wala akong friends in real life 😭😭 I mean sobrang close na kaibigan na pwede kong alukin gawing ninong at ninang.

Pero wait lang, bat nagpaplano ako ng binyag eh dapat kasal muna. Naku mahirap na mauna ang binyag sa kasal!! Teka, di pa nga ako sigurado kung maikakasal pa ba ako. May mag-aalok pa ba sakin neto, eh mukhang tatanda ako mag-isa. Or baka maging mistress na lang din (sa hitsura mong yan, lakas mo gurl).

Tsaka wait lang, magastos lahat ng to, kailangan ko muna mag-ipon para maitawid ko tong mga kaganapan na to.

Nga pala ginanap yung binyag sa Paliparan. Ilang taon na rin mula nung huli akong mapadpad dito. Nung college ako, madalas ako dito haha. Taga dito si Patrick, yung crush ko nun. Tapos dito kami nagpapractice ng mga sayaw. Ang nostalgic lang.

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | Leave a comment

Kampanya


Isang hapon, napagdesisyunan kong magluto ng adobo. Ilang beses na rin akong binubulyawan ng pinsan ko na, “Minsan ka na nga lang umuwi dito sa bahay, magluto ka naman ng ulam.” They miss my cooking hahahaha charot. So heto na, nakabili na ng rekado, kaso kulang pala ng dahon ng laurel. Lumabas ulit ako para bumili. Nagkataon na dadaan pala yung motorcade nila Congressman, Mayor and team dito. Oh nice. Malayo yung subdivision namin sa kabihasnan (town proper) kaya bihira lang din na pupunta sila dito. Eh di inabangan ko din. Pagdaan nila, nagtapon, este nagpamigay sila ng kung ano-ano. Mga kendi, Oishi shrimp crackers, leaflets, pamaypay, shirts, atbp. Yung mga tao, parang mga fangirls nung dumaan na sila, nagtititili, sa ganung edad nila, haha wow. Tapos hindi magkandaugaga nung nagpamigay na ng mga chenes. Willing magpasagasa makakuha lang ng kendi, ganern. So ako andun lang, ayoko na makipag-agawan. Pero yung isang patrol dun inabutan ako ng pamaypay. Thank you.

Wala naman akong napansin na abutan ng sobre dito. I’m proud to say na matino ang mga pulitiko dito haha (talaga ba). Yung mga campaign jingle? Merong okay, merong sobrang cringy. Malamang sa malamang ay sila ang maiboboto ko ngayong halalan, kasi wala akong ibang choice. Sila ang ruling party dito sa amin (mula pa ata nung lumipat kaming Cavite nung 2001), wala akong makitang poster ng kalaban. Eh baka nga wala silang kalaban. Ok naman, naalala ko nung elementary ako, tuwing pasukan eh palaging namimigay noon si mayor ng mga school supplies. Napakinabangan ko naman ang mga iyon. Bukod doon eh talagang nagprogress yung bayan namin mula sa dating puro bukid lang, ngayon city na, ngayon ang dami nang manufacturing factories dito. Okay naman sila.

Sa provincial government, 60-40 ako kay Remulla/Maliksi. Nararamdaman ko noon mga proyekto ni Maliksi, kasi sa Imus ako naghayskul. Kay Remulla hindi masyado, pero ang cool niya haha. Ewan ko kung siya ba talaga yung nagpopost tuwing walang pasok, o baka ang PR team niya ang nag-iisip ng mga witty lines niya. Ewan ko. Basta pag si Remulla ang gov, mas madalas na walang pasok.

Sa senatorial, hindi pa ako desidido. Malapit na pala ano, pero wala akong tiwala sa karamihan sa pagpipilian haha kahit dilawan ako ayoko kay Mar. And please, huwag nang iboto yung mga nakulong. Sabi nga nung HR namin, hindi ka pinanganak kahapon. Hindi ka nag-aral ng apat na taon sa kolehiyo para bumoto ng mga maling tao.

Wait lang, magluluto pa pala ako ng adobo. Ang dami kong hanash.

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | 3 Comments

Mirror


 

 

 

Nagde-daydream na naman ako. 5 years ago, nung unang beses ko tong marinig, nangarap din ako, sana pag ikinasal ako eto ang tugtog. Lahat naman tayo nangangarap na sana matagpuan natin yung other half natin, yung reflection mo. Hindi naman sa kapareho mo ng attitude o personality, pero nagbeblend or complement kayo pareho. Para walang maging conflict, para magstay kayo hanggang sa pagtanda. Sabi nga ni JT –

“One of the most valuable things in a relationship is being able to constantly change and be individual, but look to the other side to the person that you’re with and know that they’re changing as well individually, but somehow you two can mirror each other and be the other half of that world that you both create.”

Kumbaga hindi yung isa lang ang nagbabago, pareho kayong nag-eevolve. Ipinapakita sa music video nito hindi lang yung happy moments ng relationship, pati na rin yung downside – yung mga panahong miserable ka then hinahayaan ka lang niya, which made you think to stay or to leave? Someone can still be your other half, but that doesn’t mean you’ll be happy or in a good place all the time. Bahagi na ng relationship yung mistakes at regrets. May mga tanong tayo na hindi mahanapan ng kasagutan, pero di natin nare-realize nasa harap na pala natin ang solusyon. 

“It was easy coming back into you once I figured it out, you were right here all along.”

Umasa ako sa mga naging lovelife ko na sana yun na yung the one. Hindi yung puro pakilig lang at magaling lang sa umpisa. 22 years old pa lang ako pero nasa phase na ako ng buhay ko na kung saan ready na ako mag settle down hahahaha. Gusto ko yung habang bini-build up ko yung career ko, andyan lang siya, bini-build up niya rin sarili niya at hindi masyadong pinaiikot ang mundo sakin alone. Navi-visualize ko na lahat to haha kaya sana this time hindi na ako mabigo. Please.

 

 

Posted in Categorized, KALANDIAN, Mga Kwento ng Kanta, SHORTS | 1 Comment

Nightmare


Grabe yung panaginip ko, nakita ko na naman siya na may kasamang bagong babae.
Dati tinanong ako, “Pano pag nalaman mong nagbreak sila, pero malalaman mo na may iba na pala ulit siya?”
Sabi ko, Wala, buhay niya yan, bahala na siya.

Kaso nung nanaginip ako, ah shit, di ko pala kaya.
I hardly ever survived the first time, the moment I knew he was with someone new. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung misery. Eh paano kaya kung maulit ulit yung ganun? Baka di ko na kayanin. Nanlalamig na naman buong katawan ko. Nagkaka-anxiety na naman ako. It might happen again. And that fucking hurts.

Gustung-gusto ko umiyak sa kanya at sabihin na, wag niya na akong iwan ulit, di ko na kaya. Pwede ba yun? Pwede bang ako na lang ang mag-alaga sa kanya hanggang sa pagtanda namin? Hala heto na naman tayo sa obsession ko. Oo nga pala, hindi nga pala tayo. Di ko naman siya pagmamay-ari, bat ang selfish ko.

Posted in Categorized | Leave a comment

Rejected


Re:Zero. Episode 18. I just realized. This is happening to me now,

“Come and escape with me.”

Dahil sa mga nangyayari sa kanya, ang naisip niyang solusyon ay umalis na lang at mag-umpisa ng panibagong buhay sa Kararagi. Ang dami niya nang failures at paulit-ulit na lang siyang namamatay pati na ang mga kasama niya. So heto na, nagpaplano na sila ng future nila.

“The only path I see is to give up.”

Same sentiments with Rem, siya yung taong hindi ko nakikita na sumusuko agad sa gitna ng laban kaya lagi ko rin sinasabi na keep going. Marami siyang pangarap para sa future niya, at alam kong mafufulfill niya rin yun soon. Kahit sinasabi niya ngayon na heto wala siyang magawa, na ang hopeless niya. He had his time, his freedom, yet walang nangyayari. He hated himself for that.

“If you said you hate yourself, I hope you will know that I know a lot of good things about you.”

Heto na ata yung kasagutan ko sa mga tanong ko sa sarili ko, na bakit kahit na mali, bakit kahit ilang beses niya na akong tinalikuran eh hindi ko siya mabitiwan. So nakikita ko rin ba siya as hero? For melting my frozen heart before?

“That is why I believe no matter how tough life is, even if there is a possibility that you will lose, I will trust you more than anyone in this world. Even if you don’t believe in yourself. I will still believe in you.”

Kahit na talikuran siya ng mundo, ng lahat ng tao, kahit na ang hopeless niya, I still look up to him.

“I want to be able to see her smile. I want to help to build her future. Even if she said that I’m a burden to her, or asked me not to be near her, I still wishes to be by her side. If the future is too hard on her, I want to give her a future where everyone is happy.”

Ngayon ko lang narealize na oh shit, ganito rin pala pinagdadaanan ko ngayon haha (maka-Emilia pa naman ako), ang sakit pala ano. But guess what, tutulungan ko pa rin siya na ma-build yung future niya with her, kasi pinangako ko yun na susuportahan ko lang siya all the way, kahit hindi na ako part ng future niya. Kahit na mas magiging peaceful yung buhay niya na kasama ako, alam kong pipiliin pa rin niya yung path na kasama si Emilia. Di ba. Pero ok lang. I knew it.

Alam ko na ang kahihinatnan ng kwentong ito, pero ayan pinagpapatuloy ko pa rin. Alam kong masasaktan na naman ako ng malala balang araw, pero eto pa rin ang pipiliin kong path – ang alalayan si Subaru at samahan hanggang sa huli.

Posted in Categorized, KALANDIAN | Leave a comment

New Beginnings


So heto na nga, after 1 year, 4 months and 17 days, sa wakas, lilipat na ako ng trabaho!! (Pero hindi to sa Taiwan ha)

Tinatamad na ako magkwento kung paano ako nahire haha basta ayon, di ba nakwento ko na dati na since november pa lang, active na ako sa pagpapasa ng applications online. Ang dami ko nang pinag-exam-an, pero after nun di na nila ako ina-update for the next process. Ewan ko, mas malakas lang talaga mga competitors ko kaya di ako mapili pili.

Hanggang sa etong inapplyan kong government agency, ang bilis ng proseso, natanggap agad ako huhu di ako makapaniwala. Hala sa wakas. Bale yung sa Taiwan, aabandonahin ko na. Wala eh change of plans. I mean, wala naman talaga akong konkretong plano para sa buhay ko. Laging go with the flow.

So heto, umpisa na ko ngayong lunes sa bago kong work, but at the same time magrerender pa ako ng 30 days sa ABS so techinically dalawa ang trabaho ko ngayon haha. 8-5. 7-4. Keri?

Ang problema ko lang naman sa bago kong work eh 8AM ang pasok huhu di na ako sanay gumising ng maaga. Feeling ko aantukin ako neto sa tanghali at makakaidlip habang nagtatrabaho. Paano ko ito makokontrol?

Nung una excited pa ako kasi sa wakas makakaalis na ako sa paulit ulit at nakakabored na routine na ginagawa ko. Pero narealize ko, maraming mawawala. Una, hindi na ako makakapag-ML at telebabad during working hours haha. Hindi na pwedeng overbreak. Hindi na pwedeng pumunta ng Trinoma (during working hours din to). Di naman sa tamad at talaga ako magtrabaho ah haha, syempre kailangan mas mag mature na ko at hindi puchu puchu na lang ang ginagawa ko. Ayun siguro yung minahal ko dito sa first job ko, kasi feeling ko estudyante pa rin ako. I get all the perks. Kumbaga chill chill lang kami dito, mga pasarap sa buhay ganern. De, yung mga taong nakakasalamuha ko araw araw. Kahit may mga panahon na nakakainis sila, pero mami-miss mo din yung mga pangungulit nila eh. Dati nung unang buwan ko sa trabaho, sobrang antisocial ko talaga. Nasa upuan lang ako palagi. Pero ngayon halos open book na yung kwento ng buhay ko sa buong office. Kumbaga may nadevelop akong personality dahil sa kanila. Yung sa lilipatan ko, alam ko mas seryoso na ang mga tao dun. Mahihirapan na naman ako makisama sa umpisa pero it takes time naman. Ang hiling ko lang eh una sana ok ako sa lahat, yung walang makukunsumi sa mga katangahan ko sa office, at pangalawa sana hindi na ako ma-stagnant sa paulit ulit na gawain. Yun lang naman.

So ayun malungkot ako kasi iiwanan ko na ang masaya kong buhay sa ABS, pero at the same time atat na atat na akong umalis kasi nauumay na ko sa office. Labo no.

With this new work I hope I could achieve my personal growth in career. But might as well pursue my dreams (which I will tell you eventually)

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | 2 Comments

Black and White


July 31, 2017

April 11, 2019

It was almost two years. May nagbago ba? Kung titingnan mo sa mga litrato, parang wala. Panget pa rin ako. Haha.

Pero kung sa point of view mo, sasabihin mo meron. Mas naging optimistic. Hmmm okay

Pero kung sa point of view ko, parang wala. Kung ano yung way of thinking ko noon, parang ganun pa rin naman ngayon.

Dati nung unang beses ako makipagkita, natatakot ako kasi baka hindi niya ako matanggap sa kung ano ako. Nakita niya lang naman ako sa black and white kong profile picture sa facebook. Mapanlinlang. Dati, wala akong kamuwang-muwang sa kung paano ko siya tatratuhin, paano ko siya pagsisilbihan, paano ko siya mamahalin hehe. Ngayon ba, alam ko na nga ba kung paano? O nangangapa pa rin ako? Marami nang nagbago. Nakaka-cope pa ba ako?

Napapaisip ako, nung nakilala niya ako, ganun pa rin ba kaya ang tingin niya sakin? Ako pa rin ba yung innocent little girl? Or bitch na ngayon?

Habang tinitingnan ko itong mga lumang litrato, narealize ko lang na, gustong-gusto niya akong kunan kahit ang panget panget ko, kahit ayoko, kahit bagong gising ako. Lagi niya rin akong sinusulatan, kung saan-saan. Siguro kung may mamimiss ako, eto yun.

Wag kang mag-alala. Lahat ng mga kuha mo sakin na pictures, naka-save pa rin. Lahat ng mga sulat mo, nakatago pa rin.

follow my Tumblr blog!

Posted in ALAALA, Categorized | Leave a comment

Ewan


Minsan ba may mga mood kayo na hindi mo maintindihan? Like may mga panahon na nalulungkot ka, pero hindi mo alam kung ano ang dahilan. Naiinis ka, pero di mo alam kung saan nanggagaling. Heto kasi yung nararamdaman ko na naman netong mga huling araw. Di dahil sa hormones to ah. Halimbawa, sa opisina namin, may times na yung mga kasama ko nagtatawanan, pero hindi ako maka-relate. Resting bitch face lang ako. Hindi dahil sa ako ang inaasar o hindi ko sila magets, pero wala eh di ako makatawa. May mga times na iritang irita ako sa mga katrabaho ko (medyo aware naman sila) dahil lang sa mababaw na dahilan.

Naalala ko, dumaan na rin ako sa ganitong phase noon. August last year, nung kasagsagan nang patapos kong relasyon. Lagi niya akong tinatanong kung anong problema. Wala akong maisagot kasi hindi ko alam kung saan nagmumula yung ganitong feeling ko. Bakit nga ba ako naiinis? Bakit wala akong masabi? Yun yung time na sabi ko, nananawa na ako sa routine ko nun. Gising, trabaho, tulog, repeat. Walang bagong kaganapan kaya pakiramdam ko ang stagnant ng buhay ko. Wala siyang kasalanan dun, ako lang talaga may topak. Kaso wala na sinukuan na ako eh hehe.

Pero ayun nga, ganito ulit yung nafifeel ko ngayon. Habang nasa opisina ako eh gustong gusto ko na umuwi agad. Paggising ko sabi ko sana matapos na agad ang araw na to. Feeling ko same old shit routine na naman tong ginagawa ko ngayon. Though sa susunod na linggo eh magbabago na ang takbo ng buhay ko,

Sabi nila magpasalamat na lang ako kasi magaan lang ang trabaho ko, na wala ako masyadong kunsumisyon unlike last year, na makakalipat na ako soon. Pero maarte lang talaga yung utak ko hahahahaha ang daming demand.

Or kaya lang siguro ako nagkakaganito kasi hindi kami magkausap :((((( hays

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | Leave a comment

041019


“Alam mo na ngang mali, eh bat tinotolerate mo pa.”

Right now I’m in the state of mind — na kung saan mali na talaga etong ginagawa ko.

Kahit wala akong napapala. Di ko alam bat di ko maiwasang tumingin sa’yong liwanag. Nadarang na naman sa’yong apoy, handang masaktan kung kinakailangan hahahahahaha

Dahil ba mas komportable at kuntento ako sa kanya? Idk. Maraming mas better pero yung worse pa rin ang pipiliin ko.
Dahil ba mas pinipili ko pa ring tingnan yung good side niya?
Lahat sila nakikita to as past, pero bakit nakikita ko to as future?

Bakit ba ganito huhu, gusto ko lang naman maging maayos at masaya ang buhay ko. Kahit pansamantala lang.

Kumbaga gusto lang naman namin maging maayos ang sari-sarili naming buhay, pero bat ganun, gusto ko pa rin ng maayos na buhay.

Ang drama ng buhay ko. Pag nakaalis na talaga ako sa chapter na to, buburahin ko na lahat ng drama shits ko dito sa wordpress.

Posted in Categorized, KALANDIAN | Leave a comment

Cancer


Ayan, nagpapapaniwala na naman ako sa mga zodiac signs, kung compatible ba ako kay ganito, ganon. Hahahahaha #SignsOfBeingHopelessRomantic. De eto, ayon sa shinare samin ni Iza about sa mga zodiac signs at personalities namin, eto yung sa cancer:

The Cancer zodiac sign is represented by the crab for a few reasons. Just like a crab they have a tight hold on what they love and often have trouble letting go. Crabs also move sideways, and those born under this zodiac sign tend to do this in their lives too.

See, obvious na obvious na ako eto haha. Kaya pala tagilid ako sa buhay.

Those born under the zodiac sign Cancer need to be needed. In all aspects of their lives, they have an overwhelming desire to feel loved and appreciated in order to develop a sense of security and identity. To the crab, their sense of home is incredibly important to their feeling of safety. They find it hard to achieve anything unless they feel safe and comfortable in their home lives. As such, they tend to be great at creating home environments for those that they love – both emotionally and physically. You’ll often find the home of the crab to be welcoming, cozy and secure.

Medyo contradicting sa part na to kasi ayoko nang napipirmi sa bahay, pero when I’m with my loved one naman nakokontento naman ako. Pero totoo na once I’m in the comfort zone, ayoko na umalis.

They are incredibly sensitive, meaning like the crab, they can have developed some very thick armor to help them deal with the changes in the world. Cancer can be quite deep and mysterious, their outer appearances hiding the depth of their feelings. They don’t like revealing too much of themselves, and are rather indirect in the way that they communicate.

Normally protective and courageous, Cancer signed people can however become very brooding and moody if they feel that their emotional needs are not being met. Because of their rather clingy natures they tend to be sensitive to the needs of others. In life people who fall under the zodiac sign of Cancer can be quite successful with their ability to understand intuitively what others desire or seek.

Dati sabi ko, nyek, di naman ako clingy eh. Pero at some time nagiging moody ako kapag hindi umaayon sakin yung mga bagay bagay, pag halimbawa nade-deadma ako, nawawalan ako ng gana magtrabaho hahahaha. De tsaka yun nga, mas madali ako umintindi ng ibang tao.

Strengths: Nurturing, Supportive, Healing, Compassionate, Unconditionally Loving

Those born under the zodiac sign Cancer are deeply loving people. They are considered one of the most nurturing signs of the zodiac.Their love of security leads them to take friendships and relationships very seriously. They are compassionate and almost unconditional in the love that they give to those in their lives. They have a great sense of loyalty to friends and family, and will leave everything in the drop of a hat in order to help their loved ones. They find happiness in sharing what they have – both in their home and the sense of security that they can provide in the form of advice, and care. They can suffer deeply when relationships, romantic or otherwise, don’t work out.
Many tend to have an odd sense of humor, and can sometimes find humor in situations where others don’t see it. This means they are great to have around when things are not going great – they will bring with them their innate understanding of how to care for people alongside that humor. They are very understanding people, and work well as friends. They are quick to share and trust, despite their cool exterior, and value honesty in others. They are the one sign in the zodiac that other signs gravitate towards during moments of grief, because of their willingness to listen and ability to understand.

Weaknesses: Dependent, Indirect, Moody, Passive Aggressive, Unable To Let Go

The zodiac sign Cancer tends to be quite needy in terms of affection. This can lead to the being clingy and overbearing, and can also lead to some dishonesty. People who fall under the sign of Cancer have been known to lie in situations where they believe if will stop someone, either a friend or a partner, from leaving. They have a rather strong fear of abandonment, and they can go to extremes to avoid being left alone.
They can also have issues letting go of the past. Being deeply sensitive, they forgive, but they never forget. Suffering from long ago leaves them with a scar. They can linger and return to that scar time and time again, remembering that pain and reopening the wound. When they suffer, they tend to do so alone – searching for safety again in the comfort of their own solitude. Anything that is hurtful, insulting, or just reminds them of their insecurities tend to push them back into their shell again.
They are sometimes also quite moody – and work hard to avoid letting others know just how sensitive they are. They often have a thick armor to penetrate before revealing their true feelings, all in order to protect themselves. They can lash out when in this state, and though it seemingly may come from nowhere, it is usually due to them feeling hurt.

Friends and family can be a fickle issue with those in the Cancer zodiac sign, simply because they care so much. On the one hand they are loyal and ready to help whenever they are needed, but on the other, they do not like to be overlooked by parents, siblings, or friends. They can feel very wounded by friends moving on naturally or by siblings not wanting to spend time with them. But most of their relationships will work out just fine. In order to keep their relationships going, they need to be tended to quite regularly, and Cancer signed people do not deal well with large periods of time left alone or ignored.

In their careers those born under the zodiac sign Cancer can have trouble finding the right work environment. They may even move from job to job because of their tendency to change their minds and their desire for creativity. They are very hard workers however, and when they are in a job, they tend to be one of the hardest and most reliable workers there. They don’t work so well in leadership positions, but as part of a team they do become a great asset, so long as there is no micromanagement. Because their strengths lie in caring for others, they may be well suited to work in service oriented or nonprofit careers.

follow my Tumblr blog!

Posted in KALANDIAN | Leave a comment

040419


Ginagawa ko ba to para sa kanya, o para sakin din?

Dahil sa pag-care ko sa isang tao, natututo na akong gumawa ng bagay na mali.

Ang gulo, di ko na talaga alam kung anong gusto kong mangyari. Lagi na lang ako go with the flow.

Half of me says, SETTLE DOWN. Kasi nung moment na kasama ko siya, sabi ko, I want this feeling every day, every night. Gusto ko siya ang una kong makikita pagdilat ng mga mata ko sa umaga. Gusto ko siya ang huli kong makikita bago ako matulog sa gabi. Gusto ko lang siyang katabi at kayakap buong magdamag.. Gusto ko nang bumuo ng pamilya kasama siya. Gusto kong tuparin yung mga pangarap ko na kasama siya, kaso… Malabong mangyari yun. Lahat to pansamantala lang. Kahit nagplano pa siya ng ganito ganun, di na ko aasa na matutupad pa yun. Masasaktan lang ako haha.

Ang pera babalik pa yan, pero yung mga ganung moments, hindi na.

Everytime na wala siya, di talaga ako mapakali. Ginugusto ko na naman na nasakin ang atensyon niya, kahit part lang. Ganun din siya, kaso sa iba. Napapakanta na lang ako dito ng You Belong With Me. Kaso sino nga ba ulit ako? Ah. Mukha na nga pala akong mistress. Naalala ko yung panaginip ko kagabi, di ko nakita kung sino pero tinanong ako, “Kamusta naman ang pagiging kabit?” Kaya hindi na ako nakatulog eh. Ang sakit pala ano hahaha, kahit walang something samin, ganun pa rin pala ang labas nun. Iniisip ko na lang de, gamitan lang to. Pero in the end, hindi pa rin ako kayang mahalin at panindigan. Sad. No matter how bad where he is right now, dun pa rin siya. Same for me. I’m still in the worst part. Pero yun nga, kahit option niya lang ako, siya pa rin ang priority ko.

———-

While half of me says, STEP OUT. Conquer the world. Mag-iipon ako para makapagtravel kasama si ano. Gusto ko pang matuto ng maraming bagay mula sa kanya. Gusto ko pang mag-grow at madevelop ang sarili ko. Gusto ko pang umangat at yumaman haha, Gusto kong magkaroon ng secured na future. Kaso, hindi ko pa siya kayang suklian ng kapareho ng binibigay niya sakin. Bat ganon. Wala akong tiwala. I mean, iniisip ko kaagad kung paano din ako nito tatalikuran balang araw. Kaya hindi ako makapagcommit. Masasaktan ko lang to sa mga pinaggagagawa ko ngayon eh. Kaya sabi ko sa kanya dapat mas madalas ko siyang kasama para ma-build yung interest at trust ko. Ayoko naman yung parang ginagamit ko lang siya haha pero ganon na nga ata yung dating non.

Ano ba talaga gusto kong gawin 😦 Ang gusto ko lang naman eh maging masaya habang di pa ako nagkakasakit ng malala. Seryoso. Life is short.

follow my Tumblr blog!

Posted in Categorized | 5 Comments

Your Article Is One Of The Best – TNC Other News Awards 2019


TweetNewscaster

Hello, dear readers! As promised, we will award articles that give different side of the news. This is TNC Other News Awards 2019.

From unlimited articles being published by 97 awesome bloggers who follow this site (as of this writing), the author picked Top 100 Articles for 2019. Out of 100 articles, the author picked the best articles that embody the ideals of the site.

This is to also express apologies for delaying this so many times. But now, here it is.

This is exclusively for TweetNewscaster’s followers, but other articles from non-followers are also accepted with qualifications (which as of now, none submitted). Any or all of the following criteria are used in selecting the articles:

  1. Is it funny?
  2. Will it push everybody to do something good?
  3. Does it show the other side of the news?
  4. Does it lift the mood of his/her readers?

I’ll give the reasons…

View original post 6,051 more words

Posted in KEME | Leave a comment

Buwan


Lumulubog na ang araw.
Dumidilim na ang kalangitan.
Anong nakikita mo?

Ayan, yung buwan. Yan yung nagbibigay ng liwanag sa bawat gabi mo. Ang ganda niyang pagmasdan.
Meron ding mga bituin. Kaso hindi gaanong makita kasi masyadong maliwanag ang buwan.

Pero alam mo kung anong maganda sa mga bituin? Andyan lang yan kahit hindi mo napapansin, natatakpan lang yan ng kinang. Di tulad ng buwan, minsan mo lang makita ng buo. Minsan naman kalahati lang. Minsan hindi talaga magpapakita, wala.

CanineIncomparableAngelfish-small

Andyan lang yung mga bituin. Pinagmamasdan ka mula sa malayo. Hindi ka iiwanan.

follow my Tumblr blog!

Posted in Categorized, LOVE, SHORTS | Leave a comment

Lasing moments


Hindi pa ako natutulog since Thursday. Haha.
After shift ko, dumiretso nako sa training ko for Taiwan. 3AM yun, tapos napasabak agad ako ng bongga kasi pinagbuhat na kami ng parang equipment, tapos chini-check na yung LCD para sa mga depekto. Struggle sakin yung astigmatism ko kaya medyo hirap ako tumingin, pero syempre di ko sinabi, kasi ibabagsak ako malamang. Basta ang importante hindi ako color blinded. Then ininterview na kami ng employer after. Ang dami naming trainee, pang #1213 ako haha, inabot ako ng alas dose doon sa agency. Shet, papasok pa ako sa office haha, walang ligo, walang kain, walang tulog. Tapos heto, after shift, nag-inom at nagparty.

Ngayong time na to, napapaisip na naman ako kung itutuloy ko ba to, o katulad lang nung sa BJMP na isa sa mga biglaan desisyon sa buhay. Sobrang saya ko kanina, nagsasayaw. Pagdating ko ba sa Taiwan, mararanasan ko pa ba ito? Magiging ganito pa ba ako kasaya doon? Or magiging katulad pa rin ngayon na iiyak na lang ako ng bigla bigla?

Sabi ko, kaya ko to gagawin is for transition, being me as the new provider of the family. Gusto ko pag uwi ng tita ko stable na kami, ayoko na ulit na bumalik sa dati na gutom at naghihirap. Kailangan kong isakripisyo yung passion ko para rito. Ang tanong, kaya ko na nga ba?

Kanina habang nag-iinom, tinanong ako ng mga katrabaho ko, bakit gusto mo nang mag-abroad? Out of nowhere sinabi ko, gusto ko nang lumayo nang tuluyan. Saan? Emotionally stable na nga ba talaga ako? O ginagawa ko lang tong alibi sa lahat ng kasawian ko haha.

Gusto ko nang lumayo, but at the same time napaisip ako, paano na lang yung ibang maiiwanan ko rito? Makakalimutan din naman nila ako eventually, haha. Naisip ko rin si Uriel, uy bagong magkakilala pa lang kami, tapos gusto niya ako isama sa mga explorations niya, tapos iiwanan ko lang siya agad ng ganun ganun? I feel bad. Ang selfish ko naman nun.

Kanina habang nagtetraining ako, may malaking salamin dun di ba, nung nakita ko yung sarili ko, naalaala ko yung mama ko haha. Kamukha ko nga nung kabataan niya. Wala lang naisip ko lang, ganito rin ba kaya yung nangyayari sa kanya noon during her time? Paano kaya siya nakaka-cope sa mga ganung hanash? Nakikita niya kaya ako ngayon haha, ano kaya reaction niya sa mga desisyon ko sa buhay? Haha.

Ano, eto na nga ba ang purpose ko? Eto na ba ang direksyon na tatahakin ko? Lasing lang ako haha, matutulog muna ako. Ay wait, uuwi pala muna ako sa bahay haha, kailangan ko tong pag isipan.

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | 7 Comments

Bucketlist


Is it too late to create one for this year?
Ngayon lang ako ginanahan ulit maglista ng mga bagay na gusto kong gawin ngayong taon. Yung iba nagawa ko na in the first three months, yung iba naka-plot na. Yung iba plano pa lang. Yung iba hanggang pangarap na lang talaga.

– Gusto ko ulit magbundok at magdagat (done!! pero sana meron ulit)
– Gusto ko magkaroon ng piano (done!)
– Gusto ko magroadtrip sabay kakanta ng Style (done!)
– Gusto ko pa manood ng mas maraming concerts
– Museums.
– Libraries.
– Art Fair
– Film Festival.
– More historical places.
– Gusto ko matuto mag-ice skating
– Gusto ko mag-laser gun shooting
– Gusto ko mag-archery. huwaw.
– Gusto ko tumakbo sa marathon
– Gusto ko mag club at bar hopping sa BGC
– Gusto kong pumunta ng Venice Grand Canal
– Gusto ko malibot ang buong Cavite
– Gusto ko pa ma-explore yung ibang lugar
– Gusto ko manood ng concerts (wait nasabi ko na ba to noon)
– Gusto kong umuwi ng Samar para sa graduation ng kapatid ko
– Gusto ko na bumili ng sarili kong kama
– Gusto kong bumili ng bagong piyesa para sa PC
– Gusto kong bumili ng mga gamit sa kusina
– Gusto kong magbake ng cake or any dessert
– Gusto kong magsulat at bumuo ng kanta
– Gusto kong kumanta sa harap ng maraming tao, tapos mantitrip lang.
– Gusto kong makalipat sa mas stable na trabaho
– Gusto ko talaga mag abroad!
– Ang dami kong gusto ano, pero di naman sapat ang kinikita ko haha

Depende yan ah, kasi may pending application pa ako for Taiwan. Syempre pag natuloy ako dun, hindi ko na magagawa yung nasa bucketlist ko, saka na lang pag may panahon na ako. *wish me luck*

Nung bagong taon pala, pinagawa kami ng dream board. Big time agad ako mangarap, sabi ko sana makarating ako ng Japan this year. Pero tatlong buwan na ang nakakalipas at di pa rin sapat ang ipon ko HAHAHAHAHA

Gusto ko to gawin habang bata pa ako at hindi pa nakatali sa relationship o sa family responsibikities

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | 1 Comment

Amazing Fingers


Di ko na pala nakukuwento kung anong mga pinagkakaabalahan ko lately. Sabi sayo eh, wala talaga akong presence of mind ngayon haha.

So heto na nga, nung bagong taon, bumili ako ng piano. O di ba tapos ngayon ko lang ib-blog. Nasabi ko na, nung bata ako pangarap kong maging gifted child hahahahahaha, tsaka kaya ko minahal si Bruno kasi ang galing galing niya sa piano, tsaka si Taylor Swift, gusto ko ganun din ako kaangas tumugtog ng All Too Well.

Related image

Tsaka naalala mo tong eksena na ito? Pinangarap ko yun noon haha sabi ko tutugtug din ako ng ganun sa harap ng maraming tao, kahit di ako marunong.

Related image

O kaya maging Armi Millare na tutugtugin yung Oo tas kakantahin ko sa harap ng crush ko.

Related image

O kaya maging katulad ni Mugi ♥ tas tutugtugin ko yung Fuwa Fuwa Time!!

Image result for mugi gif piano

Nangangarap ako nun na magkaroon ng banda tas kakanta ng Lost Stars tas iiyak sa ending ng kanta hahaha charot, pero di, trip ko talaga magbanda at makipagcollab sa mga musikero nating friends.

Naalala ko, ang unang kantang pinag-aralan kong tugtugin eh yung ‘Love U‘ ng Howl, (yun yung theme song ko kay Jun Pyo hahahahaha). Sabi ko after 5 years, tutugtugin ko yan sa harap niya. And, hindi ko na siya nagawa haha, di ko na nga to kabisado ngayon eh.

Kaya sabi ko pag nagkatrabaho ako piano ang una kong ibibili sa sahod ko (tsaka bisikleta), kaso isang taon na akong andito wala pa rin pala akong naipundar hahahaha, so heto na, ngayon ko lang naisipan na i-push ang pangarap ko.

Kaso dahil sa adulting, at sa dami ng commitments ko sa buhay (naks kala mo talaga!!) wala na akong time i-push yung passion ko. Tuwing off lang ako nakakapag-practice. Tapos hirap pa ako i-sync yung left and right hands ko hahaha kaya yung pagtugtog ko puchu puchu lang. Tsaka di ko pa kayang tumugtog tas isasabay yung pagkanta huhu nalilito pa rin ako.

Pinopost ko sa instagram yung mga sample ko haha napapanood nyo naman. Kaso puro intro lang ang vinivideo ko. Di ko pa kayang tuloy tuloy hanggang chorus eh, hirap na rin ako magkabisa ng nota. Tsaka yung timing. Kailangan ko na talaga magpayaman para magpapaturo na lang ako haha.

Tapos kung may gusto kayong isuggest na tugtugin ko, go lang comment nyo lang. Titingnan natin kung magagawa ko haha dami na nagrequest sakin pero di ko pa mapag-aralan yung chords. Let’s see.

Ayan siya 😍

Eto nga pala yung mga walang kwenta kong covers HAHAHAHAHA makikita nyo yan sa IG stories ko (Shaira’s Amazing Fingers)

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | Leave a comment

Backread


Someone gave me the thought to read some of my previous posts, years ago. Marami na bang pinagbago?

Ewan ko. Siguro. Dati ang babaw lang ng problema ko ano. Ngayon, mas complicated na, ganun pala talaga pag tumatanda ano.

Dati, lagi kong sinasabi sa mga posts ko na, kailangan kong baguhin yung sarili ko para mas maging better na ko para sa kanya. May nabago nga ba? O yun din ang dahilan kung bakit natapos ang lahat? Yun ang bumago sakin. Nagbago nga ba? O mas nakilala lang namin ng malalim ang isa’t isa, at dun napagtanto na hindi pwede?

Dati, puro mga masasayang araw sa buhay ko ang nakapost. Nung matagumpay kong nagawa yung mga projects ko, nung may bagong lugar akong napuntahan, nung nasilayan ko yung crush ko nung araw na yun. Ngayon, ano na ba ang content ko. Wala, kinukuwento ko na lang kung bakit ako umiyak sa araw na ito (like uhuh ginawa ko nang hobby yan)

May mga happy moments pa ba ako ngayon? Matumal na ata, wala na akong naisusulat eh. Ngayon, ginagamit ko na lang ata itong blog ko para dalhin sa kanya yung mga mensaheng hindi ko masabi. Ang lungkot ano, yung mga panahong kailangan ko siya, di ko siya ma-reach out.

Bakit nga ba ako nagkaganito? Bakit ba masyado ko nang ibinaba ang sarili ko? Bakit hindi ko kayang tigilan ang bisyong ito? Bakit despite sa maganda lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon, hinahanap ko yung ‘problema’ ko? Bakit nung nagpaalam na naman siya, nawalan na naman ako ng gana sa lahat? Bakit feeling ko incomplete na naman ako?

Isa lang ang hindi nagbago. Nangungulila ako noon. Nangungulila pa rin pala ako hanggang ngayon.

Sa ngayon, isusulat ko na lang kung paano ako binago ng tadhana.

 

follow my Tumblr blog!

Posted in Categorized | 1 Comment

030919


Anong mas mahirap? Ang matulog sa gabi o ang bumangon sa umaga? Ang hirap matulog dahil di ka tinatantanan ng mga thoughts mo. Ang hirap bumangon kasi nararamdaman mo na naman yung matinding kalungkutan.

Ganun talaga yata ako eh, default mood ko pagkagising eh malungkot, no matter how happy I am the moment I sleep. Paglipas ng mga oras, nawawala naman yung mabigat na pakiramdam. Kaso paggising ko ulit, back to zero yung anxiety ko eh.

Di na ako yung tulad ng dati na konting galaw niya lang, iiyakan ko na (Pero joke lang, umiyak na naman ako nung linggo sa Tagaytay, kasi na-fed up ako sa sinabi niya hahahahahaha pero bakit ba pati yon iniiyakan ko? Eh di naman ako yung priority niya eh, syempre si ano pa rin yung kinomfort niya na umiyak din pala. Sino ba ako sa kanya. HAHAHAHAHA). Pero bukod doon, wala na akong masyadong drama sa life. Ok na ko eh.

Tapos ok na ko ulit eh, wala na akong pake kung anong ganap niya sa buhay, kaso eto araw-araw ko halos siyang napapanaginipan. Ok na ako eh! Ang nangyayari eh it’s either bumalik, at muli ring aalis. Pinaparamdam niya yung love niya sakin thru my dreams. Yung feeling na may bago na akong pinagkakainteresan, kaso nararamdaman ko na naman yung pain feels ko from half a year ago, yung umaasa ka na naman ng very light kaso panaginip lang yon! Hindi yan realidad girl!! Gising! Pesteng mga panaginip to lagi na lang ako binibigyan ng false hopes. At broken promises. Wow. Pinapatay niya ako ng paulit-ulit sa panaginip hahahahaha

Everytime I gave a fuck. That fuck. Fucked me over.
Last night, my dreams turned into reality. Pero what’s worse? Iniisip ko na isa lang yun sa mga panaginip ko. Kasi the reality hits you hard, na kahit ikaw ang nasa harap niya, kung iba pa rin ang laman ng puso niya, wala lang yon lahat sa kanya. Wala lang din naman yon sakin, pero bakit nararamdaman ko pa rin tong anxiety at pain? Akala ko ba wala na akong pake?

Kaya siguro hinayaan ko na lang din na maging ganito kami, we’re using each other. Pero sa larong ito, ako pa rin naman ang talo eh. Kasi once na maging ok na ulit siya at maglaho, ako na naman ang luluha. Reserba lang ako. Di niya lang talaga kaya mag-isa. I always save him. But he will never do the same for me. Hay. Ano ba tong ginagawa ko. Masakit na naman.

I don’t know if it gets better? or am I just used to the pain? I thought I’m finally over with it. I just realize that I just learn to live with it. No matter how much progress I’ve been made, I always feel like I’m back to square one.

follow my Tumblr blog!

Posted in Categorized, HANASH! | Leave a comment

030819


Ginusto mo yan.

Yan yung bukambibig ko recently. May mga bagay lang akong na-realize, na sana siya rin ano mapagtanto niya.
Iniwan niya ako kasi iniiwasan niya yung mga hanash sa relationships – panlalamig, pagkawalang gana, etc. Tapos malalaman ko mas worse pa pala yung kinahinatnan niya ngayon. Sa kakaiwas mo dun ka din pala patungo ano. Pero ang unfair, kasi nung sakin ang dali niyang sinukuan. Pero yung ngayon, pilit niyang pinapaglaban. Well ganun talaga, di naman ako worth i-keep eh.
Lagi ko lang sinasabi, sus, maaayos din yan, normal lang yan. Pero kung paulit-ulit na lang din yung issue, baka naman ano? Wala ba kayong balak na i-settle talaga? Pagtiisan mo yan. Ginusto mo yan eh.
Ang weird kasi ako yung nakokonsensya, ako yung naba-bother sa tuwing nagkakaganyan siya. Eh sino nga ba ulit ako sa kanya? Wala. Naaalala niya lang ako kapag wala siyang ibang malapitan. Pero pag ok na sila, di na ulit ako maaalala (Ayaw mo pa aminin pero ganun ang ginagawa mo sakin, okay lang nu ka ba).
Sabi niya ginagawa niya to para sakin, para tulungan akong makarecover sa kanya, which is somehow good kasi mas lalo lang akong natuturn off. Siya talaga ang may kailangan sakin, ayaw niya lang din tanggapin.
Pero bat pati ako nadadamay pag namomroblema siya? Sino nga ba ulit ako? Bakit pag naging ok na sila ako naman ang hindi ok? Sino nga ba ulit ako? Bakit sakin ka lumalapit tapos pag tutulungan na kita bigla mo na lang ulit itataboy? Anu yun? Nakakababa pa rin pala ng sarili no pag ginagamit ka, akala ko kasi wala lang sakin yon eh.
Akala ko kasi naaawa lang ako sayo. Alam mo yun, wala nakong problema as of the moment, tas bigla kang susulpot. Ikaw na lang ang nagbibigay ng negativity sa buhay ko. Sorry. Defense mechanism ko tong pagrararant ko ngayon pero masyado mo na akong inaabuso ha. Porke di kita matanggihan.
Basta sinabihan na kita. Sorry, nakikita ko talaga sa kanya si Emily. Mauulit at mauulit lang din ang kasaysayang isinulat para sayo. Hindi mo pa mararamdaman yan ngayon, kasi bulag ka pa sa pag-ibig eh. Hindi sa bitter ako sa inyo ah, pero mukhang ganun pa rin ang kahihinatnan mo. At isa lang ang masasabi ko: Ginusto mo yan.
Alam mo, kahit ilang masasakit na salita pa ang ibato ko sayo. Kahit ilang beses mo pa ako saktan. Di ko pa rin pala kayang magalit ano. Awa lang siguro tong nararamdaman ko ngayon. Sabihin mo nang nagbago ako, pero may sense of fulfillment akong nararamdaman pag nakikita kong nahihirapan ka dahil sa pag-ibig na yan. Kasi yun yung pinamukha mo sakin noon. At yan pa rin ang pinagdadaanan mo ngayon. Lahat ng sinabi mo sakin, naging void na.
Wala na akong pake, pero bakit paggising ko sa umaga ikaw ang una kong naiisip? Bakit bago matulog sa gabi inaalala ko pa rin ang sitwasyon mo? Bakit hanggang ngayon pinoproblema ko yung bagay na dapat labas na ako? Bakit hindi ako mapakali? Bakit nagsusulat pa rin ako tungkol sayo? Sana nga awa na lang to.

follow my Tumblr blog!

Posted in Categorized, HANASH! | 1 Comment

Protected: Pagbabago


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in HANASH! | Enter your password to view comments.

Plano


Sabi nila, if Plan A doesn’t work out, there’s still 25 letters in the alphabet. Pero na-realize ko din, pano kung hindi ka kaagad umayaw sa Plan A? Kasi nung nag-quit ka, gumawa ka ulit ng bagong plano, tas nung nahirapan ka na naman, sinukuan mo na naman. Nagiging cycle lang yan kung hindi mo kayang tapusin yung inumpisahan mo eh. Pag madali kang bumitaw at hindi committed sa bagay na ginagawa mo, mahirapan ka lang ng konti, susuko ka agad. Wala ka nang progress kung paulit-ulit ka lang nagsisimula.

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH!, SHORTS | Leave a comment

Protected: Kaba


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in HANASH! | Enter your password to view comments.

Pangarap


Wag kang papigil, wag kang magduda, Diyos ang iyong kalasag patnubay, nasayo na ang gawa.

Isa sa mga inaabangan ko sa Rakrakan Festival sila Cong. Grabe, goosebumps ako nung time na yun, tapos nung nagfireworks na naiyak na ko haha, ang magical nung moment na yun!! Di naman ako fan ng ganung genre, wala lang haha. Pero yung journey niya, bago sumalang sa entabladong yun. Grabe. Ang layo na ng narating niya. Mula sa walang-wala. Mula sa isang simpleng pangarap. Dati sa taas ng bubong lang siya kumakanta. Dati nagrerecord lang siya sa lumang phone ng mga videos at paggigitara niya. Dati nung nasa mall show siya, sabi niya nga nun magpapa-pawer lang siya dun kasi wala daw siyang talent. Well, look at him now. Sa panahon ngayon parang ang hirap nga naman magpush ng career sa pagbabanda, kasi anong kikitain mo? Puro practice ng gitara, wala namang nangyayari, sayang lang ang oras, masakit sa tenga. Sabi niya nga nung rakrakan, “Ipagpatuloy nyo lang. Kahit maraming nagsasabi na di mo kaya, na imposible, na mahirap… Marami na nagsabi samin na di namin kaya pero ngayon andito kami.” Panoorin nyo yung vlogs ni Viy at Junjun, jusko naiyak din ako hahahaha.

Habang tumutugtog ang COLN, may naaalala akong tao hehe. Katulad ni Cong, na nangangarap rin ng ganun. Mukhang malabo pa ngayon, mukhang walang patutunguhan, pero alam kong darating rin ang right moment para sa kanya. Lagi siyang tumutugtog, sa kwarto nga lang nila. Lagi akong nakikinig ng mga tunog niya. Naiisip ko na sana balang araw, yung mga awit na ipinaririnig niya sa akin eh marinig din ng maraming tao, yung makapagperform din siya sa Rakrakan. Sana masilayan ko yung moment na yun. I’ll always look up to him. I’ll always be a fan of his music. Naks. Kahit hindi ako maka-metal at rakista. Kahit pinagtatawanan ko yung taste niya sa music haha. Kahit magkaiba kami ng genre. Kahit hindi ko maintindihan yung lyrics ng mga japanese songs na hilig niya. Kahit tapos na ang kabanata ko sa libro ng buhay niya. I’ll support all the way, even from a distance.

Dream big. Aim for the sky. Make it happen.

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | 2 Comments

Ulan


Noon, siya yung ulan na inaantay ko. Siya yung bumuhay sa natuyo kong puso. Siya yung bahaghari na nagbigay ng kulay sa buhay ko. Pero kinalaunan, siya rin yung bagyong sumira sa akin. Iniwang luhaan, sugatan, di mapakinabangan. Pero alam mo? Nung mga panahong nagpaulan ako, kahit nagkakasakit na ako sa sobrang lamig, yun yung isa sa mga pinakamasayang alaala ng buhay ko.

Image result for rain gif tumblr

Pagkatapos ng ulan, dun na ulit uusbong at magkakaroon ng bagong buhay ang mga nasira.

Posted in Categorized, KALANDIAN, LOVE, SHORTS | Leave a comment

030119


Heto na naman tayo.

Nararamdaman ko na naman yung lamig mula sa loob ng kaluluwa ko.
Mainit dito. Masikip. Maraming tao. Pero bakit ganito?
Nakita ko kayong dalawa, nanghina na naman ako. Akala ko ok na ako eh. You’re hurting me again.

Bat ganon ano, katabi ko yung taong gusto ko ngayon, pero ikaw ang hinahanap ng mata ko?
Bat instead na i-enjoy ko itong moment na to, mga alaala nung nakaraang taon ang naiisip ko?
Bat sa lahat ng kantang naririnig ko ngayon, ikaw ang unang pumapasok sa isip ko?

Pero hindi, ayoko na masadlak ulit. I have to pretend again. Kailangan ko ulit magpanggap na wala akong nararamdaman.

Sabi mo nga di ba I don’t have to explain myself. Yah. Ginagawa ko lang to for my own sake. Kailangan kong bumuo ng wall, ng barrier na magpoprotekta sakin mula sa emotional radiation mula sa nakaraan. Naks. Okay na yan, para maturn off na tayo sa isa’t isa.

Huy, wag mo na akong saktan, tama na pls.

Nanghingi ako ng sign, pero hindi ko nakita eh. Ibig sabihin talaga dapat ituloy-tuloy ko na to 🙂

Posted in Categorized | Leave a comment

Talunan


Nung mga nakaraang araw bukambibig ko yung word na ‘competitors’. Haha. Recently kasi may interview ako sa isang government agency. 55 na ahensya ang pinasahan ko ng application letter (thru e-mail). Anim na ahensya ang nagpaunlak ng imbitasyon para makapa-exam ako. Pangalawa pa lang etong tinutukoy ko na umabot ako sa interview. Hindi ko alam kung bakit walang nagtetext sa akin kung bumagsak ba ako? o pumasa? Confident naman ako na pasado ko lahat ng exams. Proven na ang record ko sa Math, English, at PoliGov ah, pero bat ganon? O sadyang matagal lang magproseso pag sa gobyerno? Ewan ko. Tatlong buwan na akong naghahanap ng malilipatan haha bakit wala pa rin.

So eto, walo kaming naririto sa conference room para sa interview, iisang posisyon lang ang ina-applyan namin. 12% lang ang chance na ako ang mapili. Well, ano ang laban ko? I give my all to have….. Charot. Confident naman ako sa mga sinagot ko during the interview (kasi yung mga tanong tungkol lang naman sa current occupation ko ngayon at kung paano ko siya mai-aapply sa susunod kong magiging trabaho). Pero bat ganon, feeling ko hindi pa rin ako ang pipiliin sa huli. Meron at meron pa ring mas magaling sakin. Haha. Ano bang meron sakin na hindi mo na makikita sa iba? Ano bang kulang sakin? Charot ulit. Anong qualitites ang dapat kong makuha para sa susunod na aapplyan ko, ako naman ang piliin? Paano ako mananalo sa competitors ko? Alam mo, yung dalawang katrabaho ko, natanggap na sa inaaplyan nilang government agency, kaya lalo akong nalungkot, kasi ako ang unang naghanap ng trabaho, akala ko ako ang unang aalis.

Parang sa lahat ng aspeto ng buhay, talunan ako haha. Dati, hindi ako napipili na isali sa mga quiz bee, kasi merong mas magaling sakin. Tsaka hanggang assistant lang ako, never naging leader. Sa Mobile Legends at Cross Fire, hindi ako nananalo kung hindi malakas ang kakampi ko. Sa pag-ibig, mas mabait naman ako, mas ma-effort, pero talunan pa rin sa puso niya hahahahahahaha charot. Maski sa tindahan/karinderya kapag bumibili ako, ako ang huling pinagsisilbihan ng tindera, kahit ako yung naunang bumili, wtf. Parang in all terms merong mas pipiliin kesa sakin, someone is better than me, option 2 lang ako HAHAHAHAHA RESERBA.

Pero joke lang, inaantay ko lang yung right time ko. Darating din yan. Sa ngayon, magpapakalunod muna ako sa negative thoughts –

tumblr_m8p8mzCZTn1qarl5z

follow my Tumblr blog!

“Every single step you take is one step closer to where you’re supposed to end up. Remember that when you’re feeling like you’re giving up.”

Posted in HANASH! | 4 Comments

Sepanx


“Ganun talaga, they come and go.”
– Shaira Mae Cabañas. 2017.
Kung yung mga kaklase ko noon nami-miss ko kasi maghihiwa-hiwalay na kami ng landas after graduation. Iba pa rin pala yung feeling ngayon. Yun kasi sabay-sabay kayong aalis. Pero ngayon, sa work ko, mas nakakalungkot pala ano – kapag isa-isang nagreresign na yung mga katrabaho mo. Dati sinasabi ko lang, ako ang unang aalis, pero as you watched them one by one going, ang lungkot. Feeling ako ako na lang ang naiwang mag-isa. Charot. Kasing lungkot na feels nung sinabi niya nang iiwan niya na ako, hehe.
De, syempre di ba first job ko to, tapos sila yung una kong naging kaibigan dito. Araw-araw nakikita mo yung pagmumukha nila, araw-araw silang nagshe-share ng hanash sa buhay sayo, sila yung andyan during my darkest times, sila rin yung nagbibigay ngiti sakin, minsan. Di ko masyadong ramdam yung burden ng isang minimum wage worker dahil sa kanila, haha. Itinuring ko nang kapamilya 🙂 kaso yun nga, may hangganan.
They come and go, and eventually they’ll forget about my existence, just like how my past friends and lovers had done before. Naks. Pero sila, di ko sila makakalimutan. Yung bawat words of wisdom na nakapagpabago ng takbo ng araw ko, ng buhay ko, habambuhay kong aalalahanin yun. Uy, sana may ganon din akong impact sa buhay nyo. Haha.

follow my Tumblr blog!

Posted in HANASH! | 3 Comments

022219


Kailangan ko na itype to kasi after netong araw na to, makakalimutan ko na ang mga nangyari.

I know titigilan mo na yung pagtingin sa mga accounts ko, sa blogs ko, so hindi mo na makikita to. Pero if ever man na makita mo ulit to after ilang years? Months? Weeks? Or days? This is how I feel right now.

Totoo yun, wala na talaga akong nararamdaman. Finally I can say, I can look directly into your eyes without feeling the pain. Sa wakas. Matagal ko nang inasam to. Finally I’m free. Thank you for setting me free.

Sakto no, habang kumakain tayo ng noodles, tumugtog yung All I Ask ni Bruno. Mula nung naghiwalay tayo, ayoko nang marinig yun. Masakit eh, umiiyak lang ako. Pero that time, wala na akong nararamdamang pain. Ok na talaga ako.

Ngayon mo lang naramdaman yung pain na pinagdaanan ko ng ilang buwan. Masakit no? Well at least I’m done with that part. Happy na ako sa current ko kahit medyo one-sided din to.

Pero right after pagbalik ko dito sa office, nakita ko yung message ng girlfriend mo, saying how much she misses you. Shet, bumalik na naman yung sakit. Binasa ko yung convo nyo. Sorry. Pero ni-log out ko na din agad. Ayoko na masaktan pa lalo. Ok na ako eh.

Ngayon pinipilit ko lang isipin na, bored ka lang, gusto mo lang ng kasama kasi malayo siya sayo, kinakausap mo lang ako kapag may kailangan ka, so on and so forth. I have to think of these things para maputol na ng tuluyan to.

I don’t have feelings anymore. Pero pagtalikod ko kanina medyo nag-expect ako na tatawagin mo pa ako ulit.

Ibblock na kita. Kaso nag-dadalawang isip pa rin ako. You have to see all of this. You have to get through this too.

Tsaka sabi mo kalimutan ko na yung existence mo. No, sana di mo ko makalimutan. We’re both strangers before. Hindi tayo pagtatagpuin ng Diyos kung walang purpose. Binago mo yung buhay ko in a good and bad way. Sana may ganun din akong impact sayo. Sana maikwento mo ako sa anak at apo mo haha, kahit as a former friend lang. Na sana sabihin mo, you met someone from facebook, that changed you a little bit. Little nga lang.

Alam mo, ilang beses ka nang nagpaalam sakin. Ilang beses mo na ako tinatalikuran. Pero lumilingon ka pa rin. Bat ka ganyan? Kung dati pag nag-gu-goodbye ka sakin, pag ibblock mo ko, iniiyakan ko talaga eh. Pero ngayon? Wala nang epekto sakin, di naman sa wala na akong pake. Pero sanay na akong naglalaho ka eh. Sanay na akong naaalala mo lang ako kapag may kailangan ka.

Pero alam mo, kahit ilang beses mo pang sabihing paalam, once na mag hello ka ulit sakin, once na mangailangan ka ulit ng tulong, sasagipin pa rin kita. Alam mo naman di kita matitiis eh.

Pag nakita mo to, iplay mo yung CALLING YOUR NAME AGAIN. ok?

And hopefully, this will be the last time I’ll write and post something about you. Mamimiss mo rin to haha.

Posted in Categorized | 6 Comments

Spoliarium


lizquenmovie-alonetogether1

Sometimes, the good memories that turn into regrets are best left behind.

So heto na nga, pinanood ko yung Alone/Together. Napuwing lang ako ng very light. Hahahaha. Nakikita ko yung sarili ko sa mga katangahan ni Tin (Liza Soberano). Yung nangyayari sa kanya dun, medyo nangyayari na sakin in real life. Di to about sa love, pero yung mismong life choices niya, dun ako naka-relate.

Bihira lang ako manood ng pelikula. Di ako madaling ma-hook up or makuha ang atensyon. Ewan ko. May mga romance movies na nababagot ako pag pinapanood kaya di ko natatapos. Pero etong Alone/Together, and the rest ng Black Sheep films, gusto ko, dahil sa realistic approach nila. Dati lagi lang natin sinasabi na, may mga bagay na imposible, na sa pelikula lang nangyayari, pero etong mga pelikula ngayon, may mga ganung scenario talaga sa buhay natin, may mga ganun din tayong chapter, kaya nakakarelate tayo. At di lang puro pag-ibig, kasi tinatalakay nito yung about sa career, pangarap, pamilya, pati social issues.

(SPOILER ALERT)

“At ngayon, di pa rin alam kung ba’t tayo nandito..”

Pagkatapos ko mapanood yung film, napa-reflect ako ng bonggang-bongga sa buhay ko. Dun na pumasok yung sari-saring what ifs. Nasabi ko na yung major life regrets ko sa previous post ko, pero yun yun eh. Paano kung naging matapang ako? Paano kung hindi ako natakot noon? Eh di sana unti-unti ko na naaabot yung mga pangarap ko. Eh di sana kapaki-pakinabang ako sa lipunan ngayon. Nakikita ko yung sarili ko kay Tin na sa school lang magaling, pero pagkagraduate at nandito na sa mundo ng realidad, wala na. Yung sobrang pursigido ka sa pangarap mo, but something happened and you fucked up. Then after nun, wala na, nag-stay ka na lang sa comfort zone mo. Minsan din akong nangarap na baguhin ang mundo, pero nung pagka-graduate, sinampal na tayo ng realidad. Di na natin magawa kasi may sarili rin tayong problema na hindi masolusyonan. Gusto kong gawin yung passion ko, kaso dahil sa kahirapan ng buhay, iba ang napuntahan kong landas. Pero masaya naman ako sa kung nasaan ako ngayon. Kaso nga lang, hindi ko nagagamit yung skills ko. Pareho kami ng mindset ni Tin na, the old me is already gone. Hindi na ako yung batang mataas ang pangarap, I just go with the flow.

Minsan ba naiisip mo na bakit ganun? Paulit-ulit lang ang nangyayari? Parang laro siguro yun. Hangga’t hindi mo nagagawa yung tama, paulit-ulit kang mag-uumpisa. Hindi ka uusad. Wala kang matatapos. Uulit ka lang din ng uulit.

Pero alam mo, it’s never too late to start again. Sabi nga sa movie, di porke hindi mo naabot yung mga pangarap mo eh isa ka nang failure. Abutin ka man ng 3, or 5 years bago umpisahang tuparin ang mga pangarap mo? Ok lang yan!! Malay mo, after ilang years, makakapagwork na ko sa mga events/concerts. After ilang years, makakapagtravel na ko sa iba’t ibang bansa para magsaliksik at pag-aralan ang history. Ang saya mangarap! Ginanahan ulit ako haha. Itong movie na to ang nagpamukha sakin na, bakit ka nga ba nandito ngayon? I deserve better. Di dapat ako nagsesettle sa kababawan.

Basahin ang “An open letter to the 20-something who wants to change the world” ni Antoinette Jadaone

“Cause time may pass, and everything won’t last, but I’ll be by your side..”

The people who are meant to be in your life will always gravitate back towards you, no matter how far they wander. Kung para sayo, babalik at babalik yan. Be with someone na ipupush ka na tuparin ang mga pangarap mo, na susuportahan ka sa goals mo, at hindi ka ikukulong sa sariling mundo. Sabay nyong babaguhin ang mundo. Haha eto na naman ako, may trauma talaga ako sa mga magjowang sabay na nangangarap, tapos magbebreak din during the worst case scenario. Kasi sabay nga yun eh, pag nasira ang mga pangarap mo, bibitiwan mo din ba ang relationship mo? Pag nawala ang relationship mo, titigil ka na din ba sa pag-abot ng pangarap mo? Vice versa. Ang hirap mangarap na magkasama, tapos ikaw na lang mag-isa ang magfufulfill nun. Habang siya bumubuo na naman ng pangarap na kasama ang iba. Damn.

Isa pa sa mga na-absorb ko dun, eh i-keep mo yung mga taong nandyan pa rin, even at your worst moments. Bakit habang inaayos mo yung sarili mo, kailangan mo isantabi yung taong unang naniwala sayo? Wag mong itaboy dahil lang ayaw mo nang madamay siya sa problema mo, ayaw mo maging pabigat. I-appreciate mo yung mga taong handang makinig at laging nakikinig sayo. Bihira lang na may ganun. Yung taong kasama mo sa tagumpay, sana siya pa rin yung kasama mo sa pagkabigo, at sa muling pagtatagumpay.

Sabi nga ni Raf dun, “Mahalin mo siya dahil mahal mo siya, hindi dahil nakasanayan mo lang.” Namimis-interpret natin yung love at utang na loob. Di dahil tinulungan ka niya eh mahal na. Di dahil wala kang dahilan para mag-NO eh magye-YES ka na.

Never forget.

Ang ganda na na-incorporate nila yung Arts at History sa pelikula. Ipinapabatid nila na – alalahanin natin ang nakaraan. Kasi yung ang magpapaalala sa atin kung sino tayo ngayon. Yan ang magtuturo satin kung ano yung tama, at kung ano yung mali na hindi na dapat ulit gawin sa kinabukasan. Dahil sa past natin, lahat ng desisyon natin sa present, apektado. Lagi ko rin tong sinasabi, kahit gaano pa kalayo ang marating mo, wag na wag mong kalilimutang lumingon sa kung saan ka nanggaling. O di ba, iisa ang mindset namin.

Ang saya magtrabaho sa museum. Kung ako din bibigyan ng pagkakataon, gusto ko dun magwork. Para ma-enhance pa yung knowledge ko about Philippine History. Ang saya mag-aral sa UP. Kahit sabihin nyo pang masyado kaming pa-woke. Hindi eh, mag-iiba talaga ang mindset mo sa buhay pag nandun ka.

Cons: Ang hindi ko lang nagustuhan, hmmm, may part dun na cheating na yung ginagawa nila. Oo di naman nila ginusto yung kinahinatnan nila, pero kahit na, cheating pa rin yon.

At some point you’ll realize, buti na lang pala nangyari yung worst thing ano?

lizquen-at2

Traydor ang mga alaala.
Magpapaalam sa’yo
hanggang makalimot ka.
Pero eksakto. Sa puntong
sinabi mo na sa sarili mong
wala ka nang isasaya pa,
lilitaw siyang muli.
Na mula sa malayo pa lang
ay kilalang-kilala mo na.
At paglapit nito sa’yong harapan,
babalik ka sa pamilyar na lugar.
At ikaw ay mamamatay na naman.
Tuloy, takot ka nang maging masaya.
‘Pagkat traydor ang mga alaala.

– Antoinette Jadaone


April 6, 2020

Reflections one year after:

Nandito na nga ba ako sa landas na dapat kong tahakin?

Katulad ng mga sinasabi ko sa mga dati kong posts, noong nag-aaral ako, heto yung inimagine kong buhay na gusto kong mangyari pagkatapos: Regular sa trabaho, tuloy-tuloy ang income, nakakapagprovide sa pamilya, pagsusulat ang ikinabubuhay, pumupunta sa iba’t-ibang lugar, nakakapagbakasyon once in a while, nakakaattend ng iba’t ibang events, at heto, unti

Ngayong nandito na ako, bakit hindi ko to gusto? Is this really what I wanted to do? Is this my passion?

Posted in ARTICLES, Categorized, KALANDIAN, LOVE | Tagged | 3 Comments

Planner


Kinikilig ako ng very light hahahahahaha

Last year bumili ako ng notebook, sa folded and hung, singkwenta lang kamo haha. Sabi ko gagawin ko tong planner for 2019, kahit nung time na yon walang wala akong pangarap at motivation sa buhay.

So ang laman nito, yung first and second picture, sana nababasa ano. Tapos mga chords ko sa piano, tapos konting kadramahan shits. O di ba, asan ang goals? Asan ang plano? Wala. Puro negativity naman ang content.

Nakatago lang to dito sa bahay, pero kanina ko lang napansin na may sinulat pala dito si Amiel. Jusko, kahit hindi to love letter, abot langit ang ngiti ko.

Pag sobrang down ko talaga, lagi niya kong binibigyan ng mga notes. Sobrang naa-appreciate ko yung mga ganitong maliliit na bagay. Thank you!!

follow my Tumblr blog!

Posted in KALANDIAN | 2 Comments

Dark


Everytime he can’t look at the bright side,
I always sit with him in the dark.
But it turns out it was me, who was left alone in his shadows.

gif girl Black and White depressed depression sad anime pain alone black dark hoodie sadness darkness misaki

Posted in Categorized, LOVE, SHORTS | 1 Comment

Protected: Alak


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in KALANDIAN | Enter your password to view comments.

Protected: 020519


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in HANASH! | Enter your password to view comments.

Payat


Nahihiya na akong magpakita sa mga kaibigan at dati kong mga kaklase haha. Kasi sa tuwing makikita nila ako lagi nilang sinasabi, “Anyare sayo? Bat ang payat mo? May sakit ka na ba?”

From 50 kilos nung nagpamedical ako last November 2017, bumaba na ng bumaba yung timbang ko. Naging 49, 48, 47, 46, 45 – nung nagtitimbang kami nun linggo-linggo (kasi goal namin nila Amiel na tumaba nung 2018). Tas syempre nung na-broken ako, nawalan ng motivation kumain at maglalalabas, ngayong January 2019, 42 kilos na lang ako.

First meal of the day ko laging 2PM na, nakakatamad kumain hahahaha. Kaya siguro ang dami ko ring ipon ngayon, tinatamad na kong gumastos at mamili ng kakainin ko. Tapos yung ulam ko sa lunch, lagi akong may tira para may pang-hapunan ako, kanin na lang ang bibilhin ko sa gabi. Bat ba nakakatamad?

Sinubukan ko mag-vitamins, kaso ang gastos HAHAHAHA. De tsaka parang wala pa ring epekto, wala pa rin akong ganang kumain. Tsaka may side effect siya na nakakapagpalala ng anxiety ko. Ewan ko, ang lakas lagi ng tibok ng puso ko na naiirita na ako, dahil ata yan sa gamot eh.

Tinigilan ko na din magkape, kasi mas lalo akong di nakakakain kasi feeling ko busog ako. At nakakadagdag din yon ng anxiety feels. Inayawan ko na rin yung red horse. Bakit ang pangit na ng lasa non ngayon.

Pag lumalabas naman kaming dalawa, kumakain naman ako haha, pero hindi na tulad nung dati na ang dami kong inoorder. Weird. Ang bilis ko mabusog.

Ayos ano, nagcocomplain ako na sobrang payat ko na, yet di pa rin ako kumakain ng maayos. Inaantay ko na lang ata na magkasakit ako eh hahahaha, sira.

Sana matapos na tong depression phase churut ko ano, para bumalik na ko sa dati.

Posted in HANASH! | 5 Comments

Kutsi


May bago akong motivation ngayon sa buhay hahahahaha!
Gusto ko matutong magdrive, at makabili ng sariling sasakyan.
Tuwang-tuwa ako pag nagro-roadtrip kami. Kasi super spontaneous lang, tara BGC, tara Antipolo, or tara Tagaytay, ganern.
Yung mga lugar na gustong-gusto kong magalaan, mas mabilis kong napupuntahan, tsaka mas safe pag gabi, syempre di ko na kailangan pang maglakad kung saan-saan para maghanap ng masasakyang bus or jeep di ba. Madali na lang.
Tapos the best yung hihinto lang kami sa kung saan, pagmamasdan ang mga bituin sa langit kahit na wala ka nang makitang stars dahil sa air pollution, o kaya sa may seaside, kahit ang bantot ng tubig ng Manila Bay haha.

Pero at the same time natatakot din ako na matutong magdrive, kasi paano pag dumating yung araw na shushunga-shunga ako sa kalsada, at madisgrasya? Naku. Mag-hire na lang kaya ako ng driver. Haha kala mo talaga mayaman eh. Or mag-aasawa na lang ako ng marunong magmaneho, para di nako mamomroblema hahahahaha. Ang user ko di ba.

De pero ang saya lang na after a long, tiring day, pupunta lang kaming dalawa kung saan man, tapos pagmamasdan ang kalangitan habang umiinom ng smirnoff at pinapatugtog ang Yellow. Tapos dun na naman kami sabay na bubuo ng mga pangarap. Tapos iiwanan lang din naman ako balang araw. Ops.

Eto yung mga moments na gusto kong hindi na matapos. Eto na ata yung blessing in disguise na sinasabi nila, I’m lovin’ the life I have right now, and the people who are with me right now.

Long drive, could end in burning flames or paradise 💕

Posted in HANASH! | Leave a comment

Regrets


Ang sagot sa tanong na – What is your biggest regret in life?

Yung life choices ko lately puro sablay eh, nakakainis. Sana pala hindi ako nag ABCOMM. Haha dati nung nag-aaral ako ang saya ko, kasi gusto ko naman yung mga ginagawa ko noon. Puro prod, puro shoot, puro sulat, etc. Pero di ko na siya mapakinabangan ngayon in real life haha. Hirap na hirap pa rin ako mag-apply dahil sa poor english skills ko. Hirap din ako magpush sa PR/Advertising Industry dahil sa social anxiety ko. Hindi ako makapag apply sa prod dahil sa emotional state ko ngayon. Jusko.

Sana pala hindi na ako umatras nung nag Civil Engineering ako. Eh di sana lisensyado na ako ngayon, tas bumibiyahe na ako kung saan saan for work.
Sana pala nag-accountancy na lang ako, eh di sana baka may jowa na akong CPA ngayon. Haha.
Sana pala nag-history major na lang ako. Para ok lang kahit panget ako at work kasi utak ko lang naman ang gagamitin ko.

Ngayon napepressure tuloy ako. Di ko kayang makipagsabayan sa skills ng mga katrabaho ko, magaling maghost, magaling mag-edit ng video, magaling umarte sa harap ng camera, eh ako? Umiiyak lang naman ako pag broken ako HAHAHAHAHA, wala akong kwenta irl.

Sana di ba napapakinabangan ko yung skills ko ngayon, sana mas maganda yung naging career ko, eh di sana mas mataas ang sinasahod ko ngayon at di ako namomroblema ng ganito hahahaha very wrong.

Posted in HANASH! | 2 Comments

Fed up


Favorite word natin yan ngayong week hahahaha.
Ewan ko, bat ganito ang mood ko lately. Mababaw na bagay lang, kinaiinisan ko na. Sana nga dahil lang sa hormones to hahahaha kala mo talaga regular eh. Anyway, ayun nga, sabi lang nung mga katrabaho ko, uma-attitude daw ako. Dati mahaba yung pasensya ko pagdating sa mga bagay-bagay, di ba nga, pati problema ng iba pinoproblema ko? Tas pag naayos na, ako pa rin ang lugi sa huli? HAHA charot. Ayun nga, may mga moment na nakukunsumi na naman ako. Lord give me strength to surpass this haha

De, pero alam mo sabi niya, dapat daw mas malalim yung understanding natin sa ibang tao. Kasi iba-iba tayo ng problemang hinaharap. Pwedeng ikaw nahihirapan sa part na to, pero para sa kanya madali lang. Pwedeng sa kanya mahirap, pero sayo ang dali lang. Gets mo?
Kaya nga lodi ko yun eh, despite sa nangyayari sa kanya, sa sitwasyon nila ni papa niya, di siya nagpapaapekto ng sobra, he still managed to be a gift to other people ♥

Posted in HANASH! | 1 Comment

365


Continue reading

Posted in Categorized, KALANDIAN | Leave a comment

Backup


Maayos na yung PC namin sa bahay. Pero mabagal pa rin haha di pa rin ako makapaglaro. Tapos nandito pa pala yung mga files ko nung post-college days. Nung mga panahong hirap pa ako maghanap ng trabaho hahahahaha. Hala tinitingnan ko, ang nostalgic. This was the greatest days of my life, kung saan I still have it all wow. Look.

Consistent honorable student. Yabang.

I cut this short then regret it afterwards.

Nung mga panahong malakas pa ako kumain.

Nung mga panahong malusog pa ako. At healthy ang relationship namin.

When I was on the top of the world.

Life motivation ko nung 2017.

Iniisip ko, yung buhay na pinapangarap ko nung time na yan. 2017. Eto na eh nandito na ako ngayon. Pero nasa akin na pala lahat non. I was always on the top of everything. Ang dami kong achievements sa school. Walang araw na nababakante yung utak ko. Focus sa life goals. Kaso ngayon. Sumasahod nga ako. Pero parang nasa rock bottom pa rin ako. Bawat araw na lumilipas, wala akong naaaccomplish na kahit ano sa buhay ko, unlike before.

Parang gusto ko na tuloy mag aral ulit. Baka bumalik yung passion ko haha.

Posted in ALAALA | 2 Comments

Sun


“She was the sun. But it was too much for him. To save himself from melting, he had to leave. But what he doesn’t know was that – he was the reason why she was too bright. That’s why when he left, she lost her spark.”

To burn for someone is to melt in the process.

“She was the sunrise. Unfortunately, he loves the sunset.”

(Artwork from The Forbidden Love Story by Gabriel Picolo)

follow my Tumblr blog!

Posted in Categorized, KALANDIAN, LOVE, SHORTS | Leave a comment

011619


Nung nakita kita ulit, walang pinagbago. Kung paano tayo nagkita for the very first time sa MOA nung July 31, ganun pa rin tayo.

… And I know it’s long gone, and that magic’s not here no more,
And I might be okay, but I’m not fine at all …

Nung nakita kita ulit, nakita kong mas masaya ka ngayon sa kanya. Naalala mo ba yung sinulat ko sayo nung birthday mo? Andyan sa frame, nakasabit sa kwarto mo, tingnan mo, di ba sinabi ko nun gusto ko na maging successful at happy ka? Even if it doesn’t include me. Nakikita ko na, mukhang mas ok ka na.

… And I know it’s long gone, and there was nothing else I could do
And I forget about you long enough to forget why I needed to …

Nung nakita kita ulit, nararamdaman ko pa rin yung sakit, hindi ko pa rin pala kayang maging masaya na meron ka nang iba. Bawat galaw nyo, iniiyakan ko pa rin hanggang ngayon. Bawat salitang binitiwan mo noon, paulit-ulit pa ring bumabalik sa alaala ko.

… Maybe we got lost in translation, maybe I asked for too much,
And maybe this thing was a masterpiece ’til you tore it all up.
Running scared, I was there, I remember it all too well …

Nung nakita kita ulit, mas nakita ko yung mga dahilan at rason para hindi na bumalik pa sayo. Mas malinaw na sakin na wala nang magbabago. Insensitive ka pa rin. Ang cold ko pa rin. Yung mga bagay na ayaw ko sayo, andyan pa rin. Hindi na kita masasagip pa. Hindi rin ako makakaahon pag kasama kita. Pasensya na, mahal kita pero hindi ko na ulit kayang ipagkatiwala ang puso ko.

… Hey, you call me up again just to break me like a promise.
So casually cruel in the name of being honest.
I’m a crumpled up piece of paper lying here,
Cause I remember it all, all, all too well …

Nung nakita kita ulit, pinaramdam mo na naman sakin na mahal mo ako. Alam kong pagkatapos ng araw na to, magpapaalam ka na ulit. Bakit ako pa rin ang sumasalo sayo? Bakit pag sa kanya ginagawa mo ang best mo, pero pag sakin, sinasabi mo na ‘you deserve better’?

… Time won’t fly, it’s like I’m paralyzed by it.
I’d like to be my old self again, but I’m still trying to find it …

Kapag nakita kita ulit, sana huwag ka nang umalis pa. Sana marealize mo na ako yung diamond na naiwala mo. Sana ako yung TOTGA mo. Kahit ilang beses mo pa akong talikuran ulit, kahit ilang babae pa ang ipalit mo, kahit ilang beses mo pa akong saktan, once na magreach out ka sakin, andito pa rin ako. I still care for you kahit option mo lang ako. What’s worse? Hinihintay pa rin kita, kahit abutin ulit ako ng walong taon.

… Cause there we are again, when I loved you so,
Back before you lost the one real thing you’ve ever known,
It was rare, I was there, I remember it all too well …

Posted in Categorized | Leave a comment

Mosaic


When I met you, I knew in some way, you would hold significance to my life. I knew you were going to be a constant. I knew you would change me.
Yes, we had our disagreements, but we always made our way back to each other. I always felt you in my heart, there’s nothing you could do to make me that upset for long. I already needed you.

You have issues. Internal struggles with yourself, external issues with your family and others around you and it weighs you down. But the struggles you faced made it impossible for you to love me the way you wanted to, the way I needed you to. Still, for a year I held on, praying you would stay with me, praying you would get better. Through all the fights, the petty disagreements, I stayed.

I loved you without restrictions and caution. I knew you could be better. I wanted to see that happen for you. I wanted to help you get to where you should be. I believed in you. I would do, anything for you.
My expectations and whatever other struggles you faced were too much for you, and the pressure you put on yourself suffocated you. Your eyes began to wander. You wanted something easier, someone who wouldn’t push you to be better.

You found what you were looking for, right after you actually ended it with me, which still hurts me more than you could ever know.
Fast forward a few months from the day you told me someone else had more to offer, you tell everyone that you’re happy. You’ve come in and out of my life so frequently, breaking bits and pieces of me more and more every time. You tell me you’re happy.

As I watched it happen, I felt pieces of myself, my soul, disintegrate and disappear. I grew colder, I put a wall up around myself. Letting myself feel soft for you only hurt me worse.

I didn’t want to move on from you. I hoped that you would come back and sweep me up and make things better. But eventually, I have to move on. I have to heal myself. I have to fix what you shattered. It didn’t come easily, and nearly everyday is a struggle… but I have to.

I knew that the love you had to give me had already run out and it hurts. I remember feeling as though I was the person you cared most about in this world. I remember feeling so lost as to where I stood with you. Realizing you had fallen out of love with me is one of the worst experiences I’ve ever had.

But at the same time, it thrills me that I’ve experienced someone – because you were an experience, not just a person to be met – that has made such an impact on me. I think I’m having one of those lucky days. Although, it might just be me missing you yet again.

Sometimes, I wonder what kind of direction my life would’ve taken if I had never met you. I can’t decide if it would be better or worse, and that’s what scares me most about all of this. I still can’t decide if I actually wish I had never met you. I think there’s a part of me, no matter how badly we hurt each other, that will always be so grateful to have had the chance to know you. For as much as you broke me, you made me whole in different ways.

I’m glad you were what broke me, so I can be better. I was given the chance to become that much more whole. I got to see the risks in which you can love someone, the ways in which love can change you. You were a beautiful destroyer, but the beauty doesn’t have a hold on me anymore. For all that you got from me, for all of the ways you ruined me, and the ways you so hurt me, I have to learn from them.

Maybe our love’s purpose was designed to break, after all. We were meant to be a love that ruined and wrecked, that will lead us to grow and change, though we fought it every step of the way. Our love went with pain. It is the greatest teacher, as it instructs us what not to do in the future, so as to avoid that harsh experience in another, similar instance.

Even though it hurts, I will still keep those memories. They break me, but that pain of remembering it both hurts and heals. If you’ve taught me anything, it’s that loving you was both my destruction, and my salvation. You might have broken me into pieces, and you may have destroyed a part of who I used to be. In all the times that you left me shattered by myself, I made a mosaic of our broken memories. This mosaic of love and hatred is how I love you now.

Posted in Categorized, LOVE, NOSEBLEED | 1 Comment

011119


Nung araw na pinost ko yung about sa pain, yun yung araw na umiyak na naman ako, for that same reason.
Sabi ko iiwasan ko nang umiyak ngayong taon, pero di pa rin pala kaya ano, masakit pa rin eh.
Lam mo ba awang-awa na rin ako sa sarili ko, kasi ako lang din ang nagbubuhat ng sarili kong bangko.
Papost post pa ako ng, “You’ll get through it, soon you’ll be better than you ever was”, etc. Pero I still feel the worst.
Iniisip ko, eh ako lang din ang nagpapababa sa sarili ko. I don’t like drama, but it loves me. It was all in my head. Overthinking ko lang din ang nananakit sakin.
Kasi ganun naman talaga eh, it’s none of my business anymore. I’m already out of their league.
I don’t want to hate them for being happy. But at the same time, I can’t be happy, seeing them happy, gets?
Kumbaga nakapagreformat na siya ng buhay niya, bago na lahat ng tao sa paligid niya.
Eh ako, marami na ring nagbago, pero bat ganun, di pa rin naaalis yung patalim na nakatarak sa puso ko. Jusko.
Ang sakit ano, lahat na lang ng bagay pinipilit ko. Pag nakita ko siyang masaya, hahanap din ako ng paraan para maging masaya din ako, kahit kunwari lang. Gusto ko yung may sasalo ng lahat ng sakit na nararamdaman ko, kasi sobrang bigat na.
Ayoko na mag back to zero. Pls, help me get through it.

Posted in Categorized | Leave a comment

Career


Ang plano ko lang talaga, isang taon lang ako mag-stay sa current work ko. Then after nun maghahanap na ulit ako ng panibagong trabaho. Masaya sa office namin pramis, nakikita mo naman sa mga posts/tweets ko. Kaso nga lang yung sahod talaga ang problema eh. Di kayang bumuhay ng pamilya. Uuwi na yung tita ko next year, kaya ako na ang bubuhay sa pamilya namin. Kahit love na love ko ang work ko eh kailangan ko maghanap ng mas magandang opportunity.

Eh kaso heto, pahirapan na naman. Maghahanash na naman ako na, “Bagsak ako sa interview eh”, “Ayy di ako qualified sa position na to”. Ang hirap maghanap ng bagong trabaho pramis. Feeling ko wala na namang tatanggap sakin. Babagsak na naman ako sa initial interview pa lang.

Nung October, nag-apply ako sa BJMP, bilang Jail Officer. Bakit? Una, mataas ang sahod hahahaha. Pangalawa, para magkaroon ng thrill ang buhay ko. Baka pag nakapasa ako dito, maging matino na ako, physically, mentally, emotionally. Tsaka baka makapagmoveon ako ng mas mabilis kung mag-iiba ng bongga ang environment ko. Eh di ayun na nga nagpasa ako ng requirements. Kaso after medical na.. Di ko na tinuloy pa. Bakit?? Eh kasi narealize ko, pag nakapasok na ako sa mundong iyon, mahihirapan na akong makalabas. Part ng freedom ko ang mawawala – sa time. Halimbawa, pag may concert si ganito, tas nasakto eh nasa BJMP na ko. Di ko na maeenjoy yung mga ganung leisure time. Kaya sabi ko, sige wag na, ibang career na lang.

May inapplyan din pala ako for CSR, sa isang online gaming company, sa Ortigas, pasado na ko ng initial, kaso di na ko tumuloy nung final, kasi yung company at nature of work, related sa ex ko hahahahaha eh di pa ako ok nung time na yun, kaya binitiwan ko rin.

Tapos nag-apply na ko sa workabroad.ph, na-interview ako sa dalawang agency, yung isa sa Malaysia. Yung isa naman sa Dubai. Kaso di pa rin pala ako qualified. Haha handang-handa pa naman na ako na mag-abroad, kahit ayaw akong payagan ni tita ko. Bahala na.

Hanggang ngayon nagpapasa pa rin ako ng resume ko sa mga agency. Sana naman palarin na ako this year. I need to step up my game. Di ba nga sabi ko sa last post ko, yung bagong career na yung last step ko para makapag move on.

Pero tingin mo, kaya ko na ba? Iniisip ko, pano kung nasa ibang bansa na ako, tas magbreakdown na naman ako? Pano kung andun na ako, tas nasasaktan pa rin ako? Ang hirap ata, ako lang mag-isa doon, wala akong iiyakan. Dapat talaga iwanan ko na yung emotional baggage ko dito, pagdating ko doon dapat emotionally stable na ko, charot.

So ayun, baka naman pwede nyo ko irefer sa mga agency, kahit tagapag-alaga lang ng baka, tatanggapin ko 🙂