Protected: 35. delete.chr


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Advertisements

26. Black and White


July 31, 2017
April 11, 2019

It was almost two years. May nagbago ba? Kung titingnan mo sa mga litrato, parang wala. Panget pa rin ako. Haha.

Pero kung sa point of view mo, sasabihin mo meron. Mas naging optimistic. Hmmm okay

Pero kung sa point of view ko, parang wala. Kung ano yung way of thinking ko noon, parang ganun pa rin naman ngayon.

Dati nung unang beses ako makipagkita, natatakot ako kasi baka hindi niya ako matanggap sa kung ano ako. Nakita niya lang naman ako sa black and white kong profile picture sa facebook. Mapanlinlang. Dati, wala akong kamuwang-muwang sa kung paano ko siya tatratuhin, paano ko siya pagsisilbihan, paano ko siya mamahalin hehe. Ngayon ba, alam ko na nga ba kung paano? O nangangapa pa rin ako? Marami nang nagbago. Nakaka-cope pa ba ako?

Napapaisip ako, nung nakilala niya ako, ganun pa rin ba kaya ang tingin niya sakin? Ako pa rin ba yung innocent little girl? Or bitch na ngayon?

Habang tinitingnan ko itong mga lumang litrato, narealize ko lang na, gustong-gusto niya akong kunan kahit ang panget panget ko, kahit ayoko, kahit bagong gising ako. Lagi niya rin akong sinusulatan, kung saan-saan. Siguro kung may mamimiss ako, eto yun.

Wag kang mag-alala. Lahat ng mga kuha mo sakin na pictures, naka-save pa rin. Lahat ng mga sulat mo, nakatago pa rin.

follow my Tumblr blog!

20. Believe


Continue reading “20. Believe”

Thank u, next


(Wait lang. Pang 300th WordPress post ko pala ito ☺)

2018. It was miserable and magical.

FULFILLMENT

Ang dami ko pa ring hanash ngayong taon, pero di ko narerealize eto na pala yung golden time ko, eto na pala ang pinakamakulay kong taon, ayoko lang i-appreciate. Heto na yung katuparan ng mga pangarap ko eh, yung makaalis sa maliit na mundong ginagalawan ko noon. Simula nung nagtrabaho ako, nagbago yung takbo ng buhay ko. Di tulad noon ang daming bagay ang gusto kong gawin pero di ko magawa kasi pagagalitan lang ako haha. Di naman ilegal yung mga gusto kong gawin. Pero yung kagustuhan ko na makagala kung saan saan, makapunta sa iba’t ibang events, that was the best!! Ang daming nacheckan sa bucketlist ngayong taon.

Nakapunta ako ng 24k Magic Tour, UST Paskuhan, UP Fair, Rakrakan Festival, Myx Music Awards, Freenet concert, at marami pang gigs at music events. Nakakapanood na ko ng mga pelikula sa sinehan, nakakakain na ko sa mga sikat na restaurant, wow I’m living the city life haha. Very different from last year, kung saan di nako makaalis ng bahay kasi nag-aalaga pa ako ng bata.

Now I’ve been into places I’ve never been, I’ve met different kinds of people. Yung dati napaka-antisocial ko, dati puro katrabaho ko lang ang kinakaibigan ko, ngayon ang dami ko nang nakakausap outside work, tapos ipaparealize nila sayo na “There’s more to life than landi”, at “There’s someone who will genuinely support you through everything without being tied into a relationship.” and that’s the tea. To that someone, thank you πŸ™‚

STABILITY

Yung dati nasa laylayan kami. Yung dati nakapamaluktot kami sa maiksing kumot. Dati puro sardinas at gulay ang inuulam namin. Ngayon maginhawa na. Nakapagpundar na kami ng sariling TV, Computer, Refrigerator, Washing Machine. Kung dati walang natitira mula sa sahod ko, at marami akong utang, ngayon nakapag-open na ko ng sariling bank account at nakakapag-ipon na. Di bale nang wala akong nabibili na damit, o sapatos, o anything para sa sarili ko, basta makita ko lang na happy ang mga tao sa bahay, ok na ako. Ngayong pasko, ang dami kong natanggap na blessings! Di ko inasahan yun. At narealize ko na ang sarap pala sa pakiramdam pag nagbibigay ka din ng blessings sa iba, pag nireregaluhan mo tapos sasabihin nila na gustung-gusto nila yung binigay mo. Wow.

Lord, maraming maraming salamat po sa lahat ng mga ito. Napaka-ungrateful ko lately, pero di mo kami pinababayaan at patuloy pang binibiyayaan. Sorry kung ang toxic ko pa din sa sarili ko, di pa rin nawawala yung negativity.

REALIZATIONS

– We tend to complain about toxic people surrounding us, pero di natin nare-realize na tayo pala talaga yung toxic/tayo yung dahilan kung bakit siya naging toxic. Nakikita natin yung mga pagkakamali ng iba pero yung sarili nating mali di natin mapansin. Yun yung bagay na natutunan ko. At hindi lang ikaw yung may mabigat na dinadalang problema, yung mga tao sa paligid mo may mga pinagdadaanan din yan. Kailangan mo din isipin na nahihirapan din siyang buhatin at intindihin ka, kasi may mga binubuhat din siyang bagahe sa buhay niya. Dapat sa separate na post ko na lang pala to i-elaborate pa haha.

– Isa pa sa mga bagay na gusto ko i-reflect, eh this year, naging PABAYA ako sa mga obligasyon ko. Sa bahay, wala na akong time para sa pamilya ko. Sa work, binabalewala ko yung oras kaya ako napapagalitan. Sa past relationship ko, na hinayaan ko lang na mamatay. Gusto kong baguhin yung mindset ko na maging responsable na hahahaha. Tanda tanda ko na, di pa rin ako nagtatanda.

GOALS/WISHES

Nung mga nakaraang buwan wala talaga akong gana, pero ngayon may mga plano na ako haha sana maipush ko lahat ng ito:

– By January sana makalipat na ako sa bagong trabaho haha yun na yung last step ko para makapag move on sa buhay. I have to work harder, lalo na’t pauwi na ang tita ko. Ako na ang magiging provider ng pamilya so kailangan ko talaga magpush pa.

– Target ko mag-daily, or at least weekly blogs. Kasi yung mga idol kong vlogger ang sisipag gumawa ng content. Sana maibalik ko yung dating ako na ang daming deep thoughts. Ngayon kasi puro kalandian lang ang nasa utak hahahahaha (kahit naman dati yun na ang nasa isip ko).

– Tsaka sana more gala(s) to come. Sana matuloy yung Zambales, Baguio, at Palawan trip natin (kung hindi ako matutuloy sa pag-abroad ha).

– Sana dumating na yung piano keyboard na inorder ko huhu sa wakas matutupad na yung pangarap ko na magpush sa music industry hahahaha jk. De gusto ko mahasa yung skills ko dun. Hopefully masimulan na di ba.

COMEBACK

2019 is the YEAR OF RETRIEVAL. I have to gain back what has been lost. Yep, there’s no turning back.

Kailangan ko pa umangat, to the point na pagsisisihan ni Natalie na nakilala niya pa ako at ginulo niya ang buhay ko. Ngayon masaya siya eh, habang ako nagdurusa pa rin dahil sa kanya. Balang araw gusto ko siyang makitang gumagapang habang nagsisisi sa mga ginagawa niya sakin hahahaha revenge is real. Watch me. #LookWhatYouMadeMeDo

Joke lang. Sana maalis na yung poot sa puso ko para makapag move forward na ako sa buhay. Gusto kong mawala na yung bigat na nararamdaman ko. Acceptance at forgiveness lang ang kailangan. It takes time. It takes time.

“The best lesson I’ve ever learned in my life came from the worst feeling I’ve ever felt in my life.”

STRENGTH

Sana next year magkaroon na ulit ako ng motivation at happiness sa buhay. Ang sakit pa rin eh haha, yung konting ano lang, umiiyak na agad ako. Makikita ko pa lang yung pangalan ng ex ko, nanghihina na naman ako. Ayoko na maging marupok. Hayaan mo magsasawa din naman ako maging malungkot, aahon din ako eventually hahahaha.

Sana maging strong na ako, na everytime pag narinig ko yung mga OPM songs na mapanakit ng damdamin, hindi na ako maaapektuhan pa. Kasi hanggang ngayon ako’y giniginaw at hindi makagalaw. Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw. Charot.

When will I be this happy again?

Sabi nga ni Cong, ang sitwasyon ko ngayon parang naghihintay lang ako ng masasakyan. Kaso yung mga pinapara ko, di ako hinihintuan, nilalagpasan lang. So instead na magreklamo ako at magmukmok kung bakit walang nagpapasakay sakin, wala akong choice, kundi maghintay pa rin.

Pero ang ginagawa ko ngayon, naglalakad na ako patungo sa destinasyon ko hahahaha. Kahit ako lang mag-isa, kahit malalim na ang gabi, kahit masakit na ang mga paa, okay lang. Basta umuusad tayo.

2017 nawalan ako ng bespren. 2018 nawalan ako ng jowa. Ano naman kaya ang mawawala ngayong taon? Abangan.

Anuna 2019! Handa na akong masaktan, paasahin, paglaruan, gaguhin at pagkaitan ulit ng tadhana hahahahahaha come on fite me!! Let’s go!!!!!

THANK U 2018, NEXT!

I’m sorry, the old Shaira can’t come to the phone right now.

Unang Taon


Continue reading “Unang Taon”

24k Magic Tour: Ang Katuparan ng mga Pangarap


 

Alam naman ata ng lahat na super fan ako ni Bruno ever since. Doo-wops and Hooligans era pa lang, sinusubaybayan ko na siya. Ako pa naman yung tipo na maraming idol, pero eventually nawawala din naman. Pero sa kanya lang talaga ako tumagal hahahaha, na minahal ko lahat ng kanta niya, maski mga unreleased. Yung di ako magsasawa na pakinggan yung mga album niya ng paulit-ulit. Dahil sa kanya naging active ako sa twitter, nagkaroon ng mga kaibigan di lang dito sa Pinas kundi pati mga intl hooligans. Dahil din sa kanya mas naappreciate ko yung iba pang genre (kasi stick lang talaga ako sa American Pop Music nun haha,) So heto na nga, after 8 years!! Finally!! Sa wakas!! Nasaksihan ko na siyang magperform ng live.

DW&H Tour pa lang, gusto ko na siya mapanood. Kaso nag-aaral pa lang ako nun. Di naman kayang suportahan ng pamilya ko yung mga ganun kaya ayan, hanggang Moonshine Jungle Tour, team bahay ako. Isinumpa ko na sa susunod niyang pagbabalik dito sa Pilipinas, I should be there! Buti na lang nung nag-announce na siya ng tour, naka-graduate na ko. Though wala pa akong trabaho nung ticket selling hehe. Salamat sa tita ko!!! Nagrequest ako kung pwede yun na lang graduation gift ko kahit Gen Ad lang, at ayun!! Nung araw ng ticket selling mangiyak-iyak na ko kasi alas onse pa lang, sold out na lahat ng tickets. Alas dos ng hapon nung may mag open na tatlong slot sa Gen Ad, at yun ang nakuha namin! Thank you Lord kasi sa dinami-dami ng pumila para sa ticket, isa ako sa pinagpala na mapagkalooban.

Pero even though na may tix na ko, nagsasasali pa rin ako sa pa-raffle ng mga sponsors. Kahit naiinis ako kasi isa sila sa dahilan kung bakit naubos agad ang tickets, go lang kasi di ba malay mo manalo ako. VIP din yun. Kaso sa pitong sinalihan ko, di ako pinalad haha. Pero nanalo naman ako ng merch, consolation lang.

At heto na, ang mismong araw ng concert!

Nag-half day lang ako sa opisina. Mga 5PM bumiyahe na ako pa-MOA Arena. Inantay ko si Jenina, college friend ko na hooligan din (btw nakilala ko muna siya sa fandom bago ko naging classmate hehe). Pagpasok namin, ikot ikot muna, papicture, etc. Pagdating namin sa mismong arena, ginoosebumps ako (tama ba, basta yung nanindig ang balahibo ko. Una first time ko lang manonood ng legit na concert (kasi puro music festival lang napupuntahan ko). Pangalawa, first time ko talaga makapasok ng MOA Arena haha dati nangangarap lang ako nun sa labas ng MOA, now I’m here!! Pangatlo, ang daming tao as in, na-overwhelm ako kasi ganito na pala ka-famous si kuya mo Bruno. Wow. Wow talaga. Yung dati akala ko konti lang ang fans niya dito sa Pilipinas, madami pala. Di lang talaga kami active sa mga fan-voting at pa-trending sa twitter. Tapos yung market niya, mapa-bata, matanda, lalaki, babae, nakaka-proud. Ang layo na ng narating niya!! Grabe no, ang galing galing niya kasi talaga. Medyo selfish lang ako kasi naisip ko, hala yung iba nakiki-fan lang, tas sila pa yung nasa VIP (lalo na mga artista). Napagkaitan kaming mga legit na hooligan na sumusuporta sa kanya mula pa nung umpisa.

Balik tayo sa mismong concert, nagstart na yung Jabbawockeez, ang galing galing din nila huhu. #Blessed din kasi nakita ko sila magperform live. Then after an hour, tumaas na ang kurtina. Pop pop it’s showtime!!! Sunod-sunod niya nang pinerform yung mga hits niya. Yung feeling na ang saya saya ng environment, pero iyak ka ng iyak hahahaha! Sobrang tuwa ko lang kasi natupad na yung pangarap ko. Yung tipong pwede na ko mamatay kasi nakita ko na si Bruno. Hehe charot lang. So ayun nga, nagsasasayaw at kanta lang ako nung time na yun, parang nasa isang party lang kayong 20,000 na tao dun. Nakatayo lang ako the whole concert. At hinawakan ko lang ulit yung phone ko nung When I Was Your Man kasi yun lang yung pahinga ko sa pagsayaw haha. Di ako nagpicture/video kasi una, sumasayaw ako at tumitili, panget lang yung quality ng magiging kuha ko. Pangalawa, Gen Ad lang ako, malabo si Bruno sa phone ko, pero pramis kahit nasa dulo ako, kitang-kita ko siya ng malinaw. Salamat sa mga mata ko na malinaw pa rin hahahaha. Pangatlo, ayaw na ayaw ni Bruno na lam mo yun, kumakanta ka, sumasayaw ka dapat, pero nagvivideo ka lang the whole time?? Kasi feeling niya di mo naeenjoy yung show niya. Yun nga yung purpose ng tour niya eh, yung mapasaya tayo, magbigay ng entertainment. Tsaka sayang naman na nagbayad ka ng 23k para lang magcameraman? Sulitin mo bayad mo huyyy. Hahahaha.

Grabe pa rin yung goosebumps ko, lalo na nung Calling All My Lovelies (maygahd yun talaga ang pinakafavorite ko sa album niya), dati kilig na kilig ako pag nagpipiano siya, ngayon maa kinikilig na ko pag electric guitar ang gamit niya. Yung umpisang tunog pa lang, nagtititili na ko kasi sa wakas, makikita ko na ng live yung CAML. Sayang nga lang wala si Phil, kulang talaga yung tunog pag wala siya eh. Pero napahanga ako ni Jimmy, kasi dati tumutugtog lang siya, ngayon nagsesecond voice na siya wow. Tsaka si Kam din di ba grabe improvements nila. At sobrang galing talaga ng band!!! Pramis!!! Mas magagaling pa sila sa mga sikat na performers ngayon. Di biro yung tinutugtog mo yung instrument mo, habang sumasayaw (sabay sabay sila non galing talaga), tas nagsesecond voice pa. Matataas pa naman yung mga part na kinakanta nila (yung What the Hell!!) o yun na nga balik tayo sa CAML, di ko inasahan yung pagtatagalog ni Bruno. Kumakanta na ko nun ng “I’d rather be with youuu, yeah” Nung biglang nagsalita at kinanta niya, “Miss na kita mahal” shet shet shet kahit slang siya kinilig ako. First time niya lang ata gumamit ng endearment na “mahal” kasi baby talaga tawag niya sakin eh charot. Ang sweet kaya, mahal OMG miss na din kita mahal!!
Ang haba na ng kwento ko no hahahaha basta ayun, kahit ilang beses ko nang napapanood mga performance niya at tours sa ibang bansa, parang first time feels pa rin na makita ko iperform niya dito yung mga kanta niya.

(Calling All My Lovelies live version.. this is what I’m talkin’ about haha!)

 

Ang downside lang eh una, bitin na bitin ako mamsh, parang ang bilis nung mga pangyayari haha hala tapos na agad? I need more of Bruno. Pero wala eh ganun talaga. Yun nga mas better pa rin MJT dahil din siguro mas marami yung interaction niya with the fans. Tas inaabangan ko yung Grenade, Gorilla, Straight Up and Down. Bakit wala? Yung Too Good to Say Goodbye din fave ko kaso di niya na pineperform yun.

At narealize ko lang din, pagod na pagod na si Bruno. Pero di mo yun makikita sa kanya kasi parang bibong bata siya sa stage eh hataw pa rin ng hataw, tas nabirit pa, ibang klase talaga ang energy niya. Pero kasi isang araw lang yung pagitan ng mga concert niya sa ibat ibang bansa. May 1 sa Thailand. May 3 and 4 Pilipinas. May 6 and 7 Hongkong. See? Isang taon na din siyang nasa tour. After neto balik America ulit ang tour. Yung feeling na gusto mo na siya pagpahingahin, kaso mamimiss mo siya kasi magiging inactive na naman siya sa industry, ilang buwan na namang walang balita sa kanya.

After ng tour, di natin alam kung kailan ulit siya maglalabas ng bagong album. Mahaba-haba na naman ang break niya. Nagjoke nga siya eh sabi 10 years daw siya pahinga. Kaya yung moment na yun nung concert, ninanamnam ko na. Kasi di ko alam kung kailan ulit ang susunod.

Grabe no, parang sa iba normal na lang na makanood ng concert. Pero sakin malaking bagay na to haha kasi tagal ko talaga hinangad yung ganitong pagkakataon. Lol kaya ganyan title ng post ko. May na-check-an na sa bucket list ko sa wakas! Yung feeling na, after all the hardwork I’ve done throughout my life, okay lang kahit yun lang yung sukli hahahaha. Finally! I’m proud that I stan someone who is very talented!!!

Ang haba na ng hanash ko haha, pero thank you talaga Bruno, for being my happy pill 😍 miss na kita mahal. Hahahaha.

 

DcQWdPiUQAARzA9
Di ko kuha yan. Galing sa SMART yan haha
IMG_20180503_201839
Jabbawockeez!
IMG_20180503_204137
Yan yung view mula sa pwesto ko
IMG_20180503_221411
During When I Was Your Man
IMG_20180503_195418
Happy Kiddo!!

IMG_20180503_201029

 

Tagpayat


 

Everyone wants to achieve a summer body, meanwhile, me:

“Hala anyare sayo Shai? Bat ang payat mo?”

Yep. Mas lalo akong pumayat nung nagkatrabaho na ko 😰

Eto yung peak ng katabaan ko. January 2014. Nagstop kasi ako magschool niyan kaya puro kain/tulog lang ginagawa ko.
January 2018.

Wala na kasi akong time kumain haha. Paggising ko sa umaga, di ako nakakakain ng madami, nagmamadali eh. Pero nagbabaon pa rin naman ako ng kanin at ulam sa opisina (nauubos ko yung nasa 500ml container na kanin). Tapos magmemeryenda lang ako pag niyaya ako ng mga katrabaho ko. Sa gabi naman, since 7pm/9pm ang out ko, wala pa rin akong time kumain, diretso na ko sakay nun pauwi. Tapos pagdating sa bahay matutulog na agad ako (Sleep is lifer). Bumibili lang ako ng boiled egg sa Lawton, yun na hapunan ko. Mukha akong nagda-diet pero di ko rin ginusto yung ganitong buhay hahahaha! Ang unhealthy ng lifestyle ko, wag gagayahin. Yung feeling na anytime pwede akong magkasakit, pero buti na lang medyo strong pa yung lagay ko ngayon (partida di ako nagvavitamins).

BMI atm. Last last week 45.5 kg na lang ako. Dati di ako bumababa ng 50 kilos. Hays
Ano yan hahahahaha

Ano kaya mo pa ba girl? Oo naman. Kahit mukhang zombie ako lagi sa opisina namin, keri lang πŸ™‚ Laban pa!!

OUT OF THE BLUE


Continue reading “OUT OF THE BLUE”

Huling hanash, para kay crush.


Continue reading “Huling hanash, para kay crush.”

#FirstTimer: NOGNOG


Continue reading “#FirstTimer: NOGNOG”

MMK


Continue reading “MMK”

Huling Sayaw


Continue reading “Huling Sayaw”

Lost in Tagaytay


Continue reading “Lost in Tagaytay”