Been there. Done that.


(Might delete this later)

Totoo to, pag hinahayaan mo na lang lagi, pinapalipas, or tinotolerate yung actions niya, yung ilang beses na siyang nagsisinungaling sayo lol, nasasanay na siya na ‘ok lang’ sayo. Umaasa ka na balang araw mababago yung ganung perception niya, pero hindi eh. Sa umpisa syempre mararamdaman mo na ok lang tanggap ko yan, etc. Lagi mo iniisip yung good side pero totoo to, doble yung sakit pag tumagal pa ng tumagal. Siya yung mali pero bat parang kasalanan mo pa rin. It’s been a while. Walang pinagbago. Iniisip ko kung worth it pa ba kaibiganin itong taong ito?

Protected: WC3: Two after-


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: Thought Catalog


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: Thoughts | 1014


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: I like how you


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Panaginip


October 8, 2014.

Kasagsagan ng Hell Week. Ngayong linggo ay sabay sabay ang mga outputs namin. Live TV Prod, Dyaryo, Docu, Debate, at Term Paper. Kailangang tapusin ko na to o ako ang tatapusin ng mga to.

Pauwi na ako ng bahay, yung mga kaklase ko mag oovernight kina Henry, gagawa ng props. Tas ako hindi na naman makakatulong kasi di naman ako pinapayagan mag overnight. Bawi na lang ako bukas ng maaga, puntahan ko sila doon para bitbitin na yung mga props papuntang school. Tutulungan ko pa si Rea maglayout sa corel. Wala din kasi akong laptop na magamit. Nakakahiya, EIC pa naman ako, tas hindi ako maka-execute ng maayos.

So heto na, sa labas ng school ay may naghihintay pala saking lalaki. Wait, sino to? Tall. Dark. And.. Tall ulit. Joke lang. Mukha siyang taga-Paliparan. Yung pormahan niya katulad nung sa mga kaklase ko nung high school. Pero mabango siya, in fairness. Tsaka bat ganun, mukha siyang surprised na parang pinagtatawanan yung hitsura ko. Ewan.

“Shai!” Tinawag ako. Lingon yung mga estudyante besh, kala nila jowa ko tong nagsusundo sakin. So ako nabigla din ako, hala alam niya pangalan ko? So kilala niya ako? E di ayun kinausap ako.

“Yes po?”

“Can we talk? Uhm may mga sasabihin ako sayo. I know a lot about you.”

“Hala teka, sino ka muna? Tsaka sigurado ka bang ako ang kakausapin mo? Baka nagkamali ka lang?” Napaisip ako. Hala may atraso ba ako? Bakit ako kakausapin neto? Hindi kaya iimbitahan na naman ako sa networking? O kaya budol budol? Teka aalis na sana ako.

“Wait wait wait, iinterviewhin lang kita saglit.”

“Sure ka ako talaga ang hinahanap mo?”

“Ikaw nga. Shaira Mae Cabaรฑas. Pamangkin ni Nelvic Borlagdan. Pinsan mo si Anye at Don”

“Hala.” so ibig sabihin kilala niya ang mga kamag-anak ko. Shocks sino to. Baka kamag anak namin?

“I’m Kayven Antonio. You can call me Ebong. From Novaliches… bla bla bla” Wait saan yung Novaliches? Hala ang layo ata nun ah, pano to nakarating dito? TSAKA BAT AKO INI-ENGLISH NETO?

“Maniniwala ka ba pag sinabi ko I’m from the future?” Windang na naman ako. Hala totoo kaya to? Di kaya gumagawa to ng kwento para ma-scam ako?

“Depende kung mapapatunayan mo.”

“Gusto mo bang malaman ang mangyayari sayo 5 years from now?”

“Talaga ba??? Hmmm may pera na ba ako non? Mayaman na ba ako non?”

“Not so really rich but, kaya mo nang bilhin lahat ng gusto mo. Nakakapagtravel ka na. Nakakapunta ng concerts. Kaya mo na ngang bilhin yung pagkatao ko eh.” Hala. Natuwa ako sa sinabi niya, hala ganon na pala ako after 5 years! Medyo mayaman na? Haha

“So ibig sabihin may trabaho ako non? Maganda ba?”

“Yes, you’re a Malacaรฑang girl.”

“Hala shet sa Malacaรฑang ako nagtatrabaho? Ano ako doon? Katulong? O first lady na? Charot.”

“Writer uh not sure, basta you write some shits there.” Hala writer ang naging trabaho ko. Bat ganon. Hindi pala ako sa prod napunta???

“Maganda na ba ako non? Haha”

“Mas ok na tingnan compared ngayon.” Shet, di pa rin pala ako maganda. wow ok.

“Ah so panget pa rin pala ako. Hahahaha.”

“Di naman, pero sobrang payat mo na nun. Grabe ma-laman ka pa pala ngayon” sabay kurot sa pisngi ko.

“Hala bakit ang payat ko?”

“Eh ayaw mo kumain eh.”

“Hala may pera ako pero hindi ako kumakain? Hala? Eh teka, may jowa ako non?”

“Wala na, pero you have one before.”

“Hala talagaaa? OH MAY GAHD SHET MAGKAKAJOWA PA PALA AKO HAHAHAHAAHHA, teka si JD ba?”

“Hindi, asang asa ka pa nga rin sa kanya nun eh pero di siya yung nakatuluyan mo.” Parang gumuho ang mundo ko nun ah. Hindi ko pa rin siya nakatuluyan? Nubayan?

“Ay ganon? So may iba akong jinowa? Hala sino kaya yun. Taga STI ba? Hahahahaha so kilala mo din?”

“Malamang kilala ko.”

“Anong pangalan?” Kinakabahan ako hahaha.

“Ako.”

“Wait waht wtf. Ikaw? Naging jowa ko?”

“Yup.” tiningnan ko siya mula ulo hanggang talampakan. Oh may gahd. Hala totoo ba to.

“Grabe ka naman Shai, kala mo ang ganda mo.”

“Hoy hindi kita jina-judge!! Tsaka hoy!! napapangitan ka pala sakin bakit jinowa mo ako hahahahaha”

“Kasi ang witty mo. Yung mindset mo, nagustuhan ko. Tapos sobrang minahal ko yung pagiging understanding mo.”

“Totoo ba? E awkward kaya ako kausap in real life. Hindi ako palasalita. Paano ako nagkajowa? How? Hahahaha” Tapos nagkwento siya kung paano kami nagkakilala, kung paanong naging kami in an instant.

Shet di ako makapaniwala. Na sa hitsura at ugali kong ito. May ibang nagkagusto sakin. Shet ganun lang kabilis akong nagkajowa? Isang linggo ko lang siya nakilala tas na-inlove na agad ako? Pero nalungkot ako. Bakit si JD hindi pa rin ako magustuhan hahahahahahaha, bakit di ko siya naging jowa. Sad.

“Eh sabi mo wala na akong jowa, so ibig sabihin naghiwalay tayo?”

“Oo. Sorry.”

“Ay hala naghiwalay din pala agad haha sayang naman, ano nagsisi ka na jinowa mo ako no.”

“Shunga hinde”

“Eh bakit tayo naghiwalay?”

“Well yeah dahil din sa ugali mo, insensitive, walang pake minsan, hindi sweet”

“Ay ganun pala ako pag nagkajowa? Kala ko magiging obsessed at submissive ako, ganon ako sa crush ko eh. hihi.”

“Naging ganun ka rin naman minsan. Nung naghiwalay na tayo.”

“Aw that’s worst pala ano. Pero teka, PARA YUN LANG INIWAN MO NA AKO?”

“Well I see the relationship isn’t good for us anymore. And I’ve done a lot of bad things. I always hurt you. Naging depressed ka nun dahil sakin.” At kinuwento niya yung mga nangyari sa buhay ko at sa buhay niya after namin, na siya eh nagkaroon agad ng girlfriend after ko, tapos ako ayun, basta haha.

“Jinowa mo ko tas lagi mo pala ako nasasaktan, ano kaya yun?”

“Sorry. Pasensya ka na kung nasira ko future mo.” Di ko na alam ang sasabihin ko after nun. Medyo naguguluhan pa rin ako. Nagbreak pala kami ng lalaking nasa harap ko, eh bat andito siya ngayon? Aayusin ba neto yung relasyon namin sa future?????

“Alam mo, salamat sa pag-inform sakin haha, atleast alam ko nang pag nakilala kita in the future iiwasan na kita agad.”

“Pero malaki ang nabago ko nun sa buhay mo. You’ve stepped out of your comfort zone, naging mas sociable ka, mas confident, tsaka.. Mas gumanda yung buhay mo nung nagbreak na tayo. Unlike me, I’m still in the loophole.”

“So teka, bakit ka nandito? Anong gusto mong mangyari?”

“Sobrang fucked up ng future ko. Hindi ko rin alam kung bakit nandito ako sa past, but maybe may kailangan akong baguhin para mabago din ang future ko.”

โ€œAh eh. Sana di mo ko pinuntahan dito sa past.โ€ Kasi kung naghiwalay na pala tayo, wala na akong kinalaman pa sa mga issues mo sa sarili mo. Kung totoo man na nagbalik ka sa nakaraan, hindi ko na kontrolado yung mga magiging desisyon mo sa future. Sana di mo na lang ginulo yung buhay ko.

โ€œNag balik ako sa nakaraan para sakaling maitama yung maling nagawa ko, pero sadyang tadhana na mismo ang nagsasabi na wala na talagang pag asa.โ€ Umiiyak na siya nun. Tapos ako hindi ko siya magets. Ibig sabihin ba nun ganun ka-intense yung nangyari sa future namin?

โ€œBakit hindi mo na lang itama sarili mo kesa baguhin yung path ng iba.โ€ Kahit ano pang gawin mo sa past, same pa rin ang magiging outcome nun. Bakit hindi yung present at future mo ang baguhin mo. Wala sa akin ang solusyon. Nasa iyo pa rin yan.

โ€œKung may gusto ka sabihin sa future self mo, ano?โ€

โ€œPakisabi sa future self ko mag paganda sya para makahanap ako ng matinong jowa. Hahahahaโ€

“One last thing, may ibibigay ako sayo. Sobrang importante to sa future mo.” Tapos inabot niya sakin yung plastic ng mercury drug. Tinignan ko. PH Care. Naguguluhan na naman ako. Ano to? Anong konek neto sa future ko? Paano magbabago ang buhay ko neto? Hindi kaya…. ๐Ÿ˜ฎ

“Wag sabon ang gamitin mo. Simulan mo nang gumamit niyan.”

๐Ÿ˜ฎ


July 21, 2017.

May nag-add sakin sa facebook. Ah, eto yung nagreply sa comment ko sa isang post sa group ng Paramore. Teka, pamilyar ang pangalan neto ah.

Kayven Antonio?” parang narinig ko na to noon. I-aaccept ko ba?

The end.

Lies. Lies. Lies.


It’s all fun and games ’til somebody loses their mind.