Sabi ko sisipagin na ko e, kaso nung dumami workload ayan wala na ulit. Isa-summarize ko na lang.
What happened in the past few months?
Ang huling update ko ay July, nagkasakit ako ng malala. Hindi yon COVID.
July 18. Nag-dagat kami sa Tanza. Matagal na pala pinlano ng mga chaka magbeach, ako lang ang walang alam. Surprise pala nila para sa aking kaarawan.
July 19. May work ako e, pero umabsent si jowa para sakin :’)
July 21. Dumating yung notice na kami ang nanalo sa bid sa binili naming bahay sa PAGIBIG. So yeah, may bahay na kami :’)
July 26. Nabakunahan na ako ng first dose.
–
August 1. Nag-anniversary lang kami, sa bahay lang. Di ko na maalala kung bakit, wait lang tanong ko sa kanya tas iedit ko itong portion na to.
August 24. Nagkasakit na naman ako. Nagkakasakit mga tao dito. Oh no!
Pero work from home naman ako kaya nakakapagwork pa rin naman ako paonti onti. Ang lala ng lagnat ko, nagkaka hallucinations ako, feeling ko dahil sa gamot e, hindi kasi talaga ako umiinom ng gamot.
August 28. Wala na akong lagnat. Pero nawalan ako ng pang-amoy. Nag-antigen ako. Nagpositive. Qinuarantine ako.
Wala naman akong nararamdaman na malalang sintomas. Pero nakakaiyak talaga yung wala kang maamoy, feeling ko hindi kumpleto ang pagkatao ko nun. Pero ang good side nun e nakaya ko uminom ng turmeric, wala naman lasa e.
August 31. Nag-RT PCR ako. Walang nag-eentertain sakin nung weekend, kung kani-kanino ako nirefer, kaya di ako natest agad. Naka-quarantine pa rin ako.
September 4. Lumabas na ang result. Positive. E di qinuarantine lahat ng tao sa bahay. π¦
Ang tagal ng period mula nung magkasakit ako hanggang sa naging confirmed case ako.
September 13. Cleared na daw ako. Dati kasi di ba 14 days ang quarantine period.
September 20. Sa wakas nakalabas na ako ng bahay. Second dose of vaccine day ko ito.
September 27. Bumalik ng PAGIBIG para bayaran na yung bahay. Dapat nung August pa ito e kaso di ba nacovid ako.
October 3. Sinimulan na yung renovation ng bahay.
October 6. Nagstart na rin ako mag-asikaso sa MERALCO.
October 16. Nagpa-National ID.
October 21. Dumating na sa bahay yung inampon kong tatlong kuting :’) sa wakas bih may pusa na ako
November 21. CCC Week.
December 7. Hoyofest!!
December 15. Umuwi kapatid ko dito samin. Tinatamad ako magkwento pero may post naman ako nun sa facebook at instagram.
January 4. Umuwi na kapatid ko sa kanila.
January 30. Lumipat na kami sa bagong (sariling) bahay.
March 1. Alert level 1. 100% working capacity.