weakshit


May COVID na ata ako. Charot.

Hindi pa rin ako navavaccine-an. Dapat nung lunes e kaso ang biglaan magtext ng Manila LGU, di keri na pumila ako ng lumuwas ako ng maaga.

Anyway ayon lately madalas ako magkasakit. Work from home naman ako lagi, pero sakitin ako hahaha.

Pre-pandemic pangmalakasan ako e, nakikipagbardagulan sa MRT, pumipila ng isa’t kalahating oras sa Pasay Terminal para makasakay ng bus, naglalakad mula bahay hanggang labas ng subdivision kahit madaling araw, willing to wait sa 7-eleven ng more than 3 hours, natutulog ng 4 hours araw-araw kasi panggabi ako at uwian from QC, pag bagyo napasok pa rin ako kasi #imortal ang mga empleyado.

E ngayon, konting environment changes lang e nagkaka-body pain na ako T_T feeling ko tumanda ako ng 20 years. Ang taba ko pa.

May be a cartoon of text that says 'US BEFORE LOCKDOWN US NOW COMMUTES LONG DISTANCES, WALKS UNDER HEAT, SPRINTS ΀Ο CATCH JEEP MY BACK HURTS FROM SITTING WE THE PVBLIC'

Epekto ba ito ng lockdown?

Madalas iniisip ko, pag nag back to normal na, I will never be the same. Di ko na kaya maglakad ng matagal, di ko na kaya maghintay ng matagal, masyado ako naspoonfed ng WFH setup ko hahahaha.

Pero di rin, lam mo ba, kahit sabihin nating 8 hours per day ang work, nakabukas yung laptop ko ng mahigit dose oras, kasi di naman straight na 8-5 nagwowork ka, ang daming hanash sa bahay, tapos dadagdag pa yung mga biglaang work na “nasa bahay lang naman kayo e, marami kayong time, gawin nyo yan” tas wala akong excuse para magdisappear hehe

Aside sa physical health, ang lala din ng mental block ko lately. Kaya kahit ang dami kong gustong ipost dito, wala akong mapost kasi wala ako masabi 😦 di na ako madaldal sa blog na tulad dati, tas nalulungkot ako kasi ayaw ko maging ganon 😦

The good news naman is, I can drink meds na! Ayoko uminom ng tablet kasi sinusuka ko lang. Dati pangmalakasan ako e, pag nilalagnat tinutulog ko lang, pag sinisipon at inuubo iniinuman ko lang ng maraming tubig tapos ok na gagaling na ako, mga after 4 days nga lang. hehe

O ngayon nadiscover ko itong mga soft gel capsule. Aba ilang oras lang, nawawala na yung mga sakit ng aking kasu-kasuan! Need ko to lalo na ngayon na kahit may sakit ako e need ko pa rin gawin yung mga deliverables ko sa work.

Hindi to sponsored pero sana soon di ba, sponsoran nyo ko T_T

May alam pa ba kayong mga gamot para sa tulad kong maarte sa gamot?

2 thoughts on “weakshit

  1. kwek kwek lang yan sa tapat ng opis nyo gagaling ka talaga diyan. Lol
    stay safe lang

    Like

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.