module


Kahapon, nagpatulong yung kapatid ni jowa sa module, kasi ngayon na yung submission. Tapos tiningnan ko, ABA NAWINDANG AKO. BAKIT GANITO NA YUNG PINAG-AARALAN NG MGA ESTUDYANTE NGAYON. Sabi ko, writer yung profession ko pero nahihirapan ako sa mga tanong na ito. Grade 10 pa lang yun, pero bakit ganito yung mga topics?

Di ba nung school days ako nag-eexcel ako. Naisip ko, kung sa ngayong panahon ako nag-aaral, feeling ko mapapag-iwanan ako. Lalo na hindi face to face ang klase, ang hirap matuto ngayon sa pagbabasa lang (since modular nga, hindi naman nagzu-zoom para mag online classes). Ngayon ko pa lang fully nagegets kung bakit ang daming estudyante ang nagwawala sa twitter, or nagpopost na hirap na hirap na sila sa pag-aaral kahit nasa bahay lang.

Ang point of view nating matatanda kasi e, “Nasa bahay ka lang naman, so mas marami kang time para makapag-aral,” pero hindi naman dapat 16 hours a day ay gugulin mo sa pagsasagot ng module di ba. Marami pang obligasyon ang estudyante sa bahay. Well yung iba kasi naman ay nag-grind sa ML everyday, nagbababad sa kdrama sa netflix, so bakit hindi ibigay yung ganong same attention sa pagmo-module? Yung iba kay mama pinapagawa yung module. Yung iba kunwari nakikinig sa google meet pero yun pala e tulog na, parang ako jok.

Isa pang sabi nating matatanda, “May internet na kayo ngayon, nung panahon namin kailangan pa magbuklat ng maraming libro sa library para makakuha ng impormasyon,” totoo nga na mas madali ang access sa internet ngayon. Pero dahil doon ay nagbukas ito sa mas maraming impormasyon, kaya tuloy ay mas marami ang kailangang pag-aralan ng estudyante ngayon, hindi na tulad dati na magkakabisa ka lang ng date kung kailan pinatay si Bonifacio, kung ano ang powerhouse of the cell, at kung ano ang quadratic formula.

Kaya alam mo ba itong argumentative essay chuchu, di ko alam kung iba lang yung term dati, kasi ngayon ko lang to narinig hahahahaha. Well, uso naman na dati yung nagawa ng essay ng mga opinion tungkol sa death penalty, same sex marriage, pero ewan ko feeling ko ang complex complex na ngayon, dahil na rin sa ang daming issue na ang nangyayari sa paligid natin.

Tapos may part ng module nila na gumawa ng design ng dress gamit ang app, or gumawa ng product na makakatulong sa paghinto ng pagkalat ng COVID-19, magdrawing ng iba’t ibang slice ng manok, atbp. Yan yung mahirap sa walang face to face na klase. Kaya ang dami nagagalit sa twitter. Sabi nila, mas tipid nga sa oras at pera pag online, pero ang daming bagay na mas matututunan actually kapag face to face, lalo na yung mga subject na application or through practice talaga, halimbawa yung TLE (idk kung yun pa rin ang tawag ngayon), MAPEH, atbp. Kaya nung nag-aaral ako ay mababa grades ko sa mga yan kasi di ako marunong magtahi, di ko kaya magpush-up at sit-up, hehe. And lastly, hindi lahat ng bagay ay natututunan sa apat na sulok ng classroom. Extra-curricular activity is part of a person’s self esteem formation. Well nung nag-aaral ako hindi ko naranasan yan, di ako pinapayagan na nasa labas lagi e. Sayang. Pero bukod doon, marami akong natutunan mula sa mga buhay ng mga kaklase ko, pati sa mga nagtitinda sa labas, sa pagbibiyahe ko, at yun yung isa sa mga bagay na kailanman ay hindi maibibigay ng online/modular learning.

Ang gobyerno ay yung tipo ng magulang na prinessure ka na mag-aral ng matindi para iangat ang pamilya nyo sa kahirapan. Feeling ko ganon, dahil goal ng DepEd na maitaas yung antas ng mga Pilipino pagdating sa literacy at kailangang makipagsabayan sa mga edukasyon sa ibang bansa. Yun din yung gusto ko dati, kasi habang lumalaki ako, nakikita ko ring marami ang lumalaking hindi sapat ang kaalaman, lalo na sa siyensya, kaya napag-iiwanan tayo kumpara sa ibang bansa. Pero ngayong matanda na ako, napagtanto ko, ang hirap pala isiksik lahat ng ganong impormasyon sa ganong edad. Lalo na hindi naman lahat ay may ganoong capacity para matuto ng marami, at hindi natin mapipilit na ang lahat ng kabataan ay maging woke este matuto na makisangkot o magkaroon ng stance sa mga issue sa ating lipunan (Kaya nalulungkot ako na si anye ay ayaw bumoto, I advocate pa naman for meaningful participation of youth sa elections kasi ang daming malalakas magreklamo sa government/administration, pero wala naman silang ginagawa para mabago ang sistema, kasi they already lose hope na.)

Nalulungkot ako na isa sa mga hindi magandang aftermath ng pandemya is dumadami ng dumadami yung impormasyon na kailangang ma-sink in sa utak ng mga estudyante, and yet, pahirap ng pahirap para sa kanila na matuto, at nawawalan na ng gana at hindi na nakikita yung sense kung bakit nga ba tayo nag-aaral. Malaking burden din ito para sa mga teachers at educators kasi mas mahirap tutukan ang mga estudyante na hindi natin nakikita in person. Susulat sulat ako ng blog na ito na parang nagrarant lang in behalf of the students pero wala ring mai-suggest na possible solution, parang yung sa argumentative essay lang na kailangang sagutan. Wala, we just have to adjust more, and have more patience, at maniwala na someday ay gaganda din ang kalidad ng ating edukasyon at ma-mobilize karamihan, kung hindi man lahat ng kabataan, na maging agents of change para sa kapakanan ng ating bayan balang araw πŸ˜€ (ay taray bat naging PR na ito)

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.