anniversary


“I think I’ve seen this film before,”

Nung nasadlak tayo sa ECQ last year, maraming plano ang napostponed, kung hindi man tuluyang nakansela. Tapos sa loob ng ating mga tahanan nangangarap tayo na “After lockdown/COVID, we can do this and that, makakapagparty na tayo sa BGC, makakapagtravel na, we can finally hug our loved ones, etc.” mga ganong drama. Pero exactly one year after lockdown, bakit wala pa ring pagbabago sa estado natin? Bakit ang layo pa rin sa katotohanan ng mga pangarap natin?

For the past 365 days, araw-araw na lang may binibigay na disappointment ang pamahalaan (instead of, proper management ano) pero i won’t dwell na sa paghahanash sa gobyerno, kasi puro yun na din ang nakikita nyo sa facebook at twitter, at reddit.

Yung lockdown, katulad ng COVID-19, ay meron na ring iba’t-ibang variants (ECQ, MECQ, GCQ, MGCQ, hard and soft, granular, and so on and so forth.) So kami dito sa Cavite, umabot na before ng MGCQ, mas maluwag na kasi ang dami na nagpaparty dito (kapitbahay levels), nakakakain na sa labas, nakakapasok na sa office, nakapag-tom’s world na ako, nakapanood na ng sine, okay. Pero disclaimer lang, kahit nakakapaggala at leisure na ko, di ibig sabihin non na nagpapahawa ako o nagkakalat ng virus. Habang ginagawa ko yan o habang naggagala ako, naka-social distancing pa rin, face mask, and unfortunately, face shield (ang hirap maglaro ng basketball sa arcade na naka faceshield pero tiis tiis lang)

Pero heto na nga, binalik ulit sa mahigpit. Di naman ako nagrarant na ayan kasi bakit ganyan eme eme. Pero ang point ko, halos karamihan ata ng COVID cases ay hindi sa leisure/travel/non-essentials nakuha. Karamihan sa workplace pa din o sa lugar na hindi maiiwasang hindi puntahan (essentials). Hindi naman lahat ng worker ay kayang magwork from home. Karamihan pa sa mga worker na ito ay lumuluwas ng Maynila, at karamihan dito ay minimum wage earner pa. Wala silang choice kundi magtrabaho para sa pamilya nila, and yet, sila yung deprived sa prevention measures ng gobyerno (vaccine, etc.) Again, kahit ipasara ulit yung mga non-essentials o maglockdown ulit, hindi bababa ang COVID cases kung hindi mismo ma-aaddress o matutugunan ng pamahalaan (national at local) kung saan nagmumula ang surge o kung saan galing yung mga COVID cases.

Last year di ba may contract tracing pang nagaganap, pero dahil ang lala na ng community transmission, hindi na nata-trace kung kanino ka nahawa, etc. Kaya naniniwala ako na wala na silbi yung mga contract tracing na fini-fill up-an natin sa MRT, establishments, atbp. kasi hindi naman na nagagamit yung data non after fill-up-an, instead nagiging prone ka pa sa pagkahawa dahil sa paggamit ng ballpen na hindi naman lagi dinidisinfect (kaya essential talaga na magdala ka ng sarili mong ballpen o mag alcohol after mo magsulat, or mag install ng stay safe app or mag-QR na lang kesa magsulat)

Ayun suggestion ko sana sa kinauukulan na dapat magkaroon tayo ng centralized database/analytics/statistics/di ko sure kung ano ang tawag don basta yung katulad ng ginagawa ng PSA, pero COVID cases-focused siya. Like yung every new case ay tina-track yung data non, kung saan nakuha, kung anong age nung nakakuha, kung ilang linggo bago gumaling, mga basic data ba. Responsibility yun ng ospital or ng LGU pero I know sobrang hirap na ang mga frontliners natin sa dami ng bagong cases at hirap na mag-occupy, pero sana magkaroon ng data analyst? (di ko sure kung yun ang tawag) ang bawat barangay tapos isesend siya sa central database, at sila ang magcoconsolidate non at gagawa ng conclusion. Kasi ngayon hinahanap ko sa google kung tama ba ako na sa workplace karamihan nanggagaling ang COVID cases? o sa pagmamananita? Wala akong basis.

So from there, mas madali maaaksyunan ng gobyerno ang pagkontrol sa COVID cases. So kung halimbawa lumabas sa collected data na karamihan ng mga nagpositive sa COVID e sa mall nila nakuha, e di mas paiigtingin natin yung mall operations. O kung sa pagcocommute nakuha, e di ibalik natin sa one seat apart capacity. Kung sa pag-iinuman ng mga magkakapitbahay karamihan nakuha, e di mag-liquor ban. Ayon, basis lang naman ang hinahanap ko. Ngayon kung meron nang ganito si DOH na data (kung saan galing ang COVID cases), pakicomment na lang dito tapos pag-aaralan ko tapos ieedit ko na itong post na to at pupurihin ang gobyerno. Char.

And lastly, actually malaking factor ang population/density ng lugar sa pagkontrol ng COVID cases, directly proportional nga e. Pag mas marami tao sa isang area, mas mataas ang risk ng COVID. Kaya sa New Zealand e madali nila nakontrol. At hindi natin pwede iblame na yung mga taga-Quezon City o Manila pasaway kasi sila may pinakamarami COVID cases, e malamang yun ang mga cities with biggest population/most dense. Dapat pag nag-aanalyze ng data e dinidivide sa total population ng lugar, para matingnan din kung high risk ba itong lugar na to? Ayon sana magets mo yung explanation ko. Marami tayong sagot na makukuha kung meron tayong basis o data ng mga COVID cases.

Di ko sinasabi na hindi effective ang lockdown at dapat di na ulit nagpapatupad ng mga ganon. Pero kung puro yun lang ang gagawin, kung walang science-based solutions, naku, every year na ata tayong magla-lockdown.

Hindi naman ito pambabatikos, instead uhm I’m writing suggestions, kasi na-stuck na naman ako sa bahay at wala akong magawa, kundi hintaying dumating ang araw na magkaroon ng permanenteng solusyon sa krisis na ito. Wag mo ko hanapan ng ambag.

One thought on “anniversary

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.