Isa na naman sa maiinit na paksa ngayon ang tungkol sa nakakabahalang teenage pregnancy sa Pilipinas. Base sa ulat ng Commission on Population and Development na ang hawak na datos nila mula sa Philippine Statistics Office ay tumaas na naman ang batang ina ng 7% nung 2019. Ito na ang pinaka siyam na taon kung saan ay patuloy na tumataas ang mga kabataan na nanganganak ng maaga.
Nakakabahala ang balita na ito, dahil hindi lamang sa lumulobo ang populasyon ng Pilipinas pero alam naman natin na nasa gitna tayo ng pandemya na nagbunga na maraming nawalan ng trabaho sa ibaβt ibang industriya at nag resulta sa paghihirap ng mga tao na nakakapanlumo.
At kani-kanilang lang ay napabalita din Civil Registry Office ng Philippine Statistics Office na mayroon dalawang batang ina na ang edad ay 10 taon na nakatira sa NCR at CALABARZON.
Nung mabasa ko ito ay mas lalo ako nanlumo na ako na isang nagtratrabaho sa pamilya ay madalas stress sa panggastos dito sa bahay, lalo na sa tumataas na presyo ng bilihin. (pero may pang shopee ka GURL). Kung iisipin natin, paano sila nabuntis sa murang edad. Kahit saan angulo natin tignan ay nakakalungkot na balita ito. Kung sila ay bunga ng rape ay mag-iiwan ito ng malaking trauma para sa bata at kanyang anak, at kung pre-marital sex ito, kawawa ang bata na naligaw sa landas na namulat sa maagang pagsisid sa kaalaman hindi nabigyan ng gabay.
Pero kung iisipin, sino ba ang may kasalanan kung bakit nakaka alarma ang lagay ng ating bansa. Sa totoo lang, madami at hindi natin pwede sisihin ang mga kabataan na ayan, sige pa, malandi ka kasi kaya ka nabuntis at kundenahin sila sa kanilang nagawa. Andyan na yan, nangyari na, kung magmamataas tayo na para ba walang maling ginawa ay hindi naman tama yun sapagkat sila din ang biktima ng lipunan ito.
Oo, pati ikaw na nagbabasa nito ay may ambag kung bakit ganito ang kalagayan ng bansa natin. Aba, kung sasabihin mo,dumaan ka sa ganyan pero hindi ka nabuntis o nakabuntis, hindi ibig sabihin na abswelto ka na dahil ikaw mismo ay parte ng lipunan na ito. Alam mo kung bakit? Sa simpleng makakita ka lang na bumibili ng condom, ano ang nagiging tingin o reaksyon mo? Ah, may eme yan, malandi kasi eh, kabata bata pero nag-eeme na. Sabihin mo na hindi? Sa simpleng bagay na yan, minamaliit mo at inaalisan ng respeto ang tao na sa gayon ay dapat matuwa ka kasi sila ay responsable at alam ang limitasyon.
Ayan, ayan mismo ang problema sa lipunan na ito. Masyado tayo sarado ang isipan pagdating sa usapin sex. Kapag nagbigay ng konting patungkol dyan, hahalakhak ang mga tao, mula eskwelahan hanggang bahay at kahit sa kalsada, meron pa na mandidiri na akala isang masamang talakayan ito. Pero kung tutuusin ang simpleng reaksyon na yan ay siya ang nagiging ugat kung bakit madaming kabataan ang mas lalo na engganyo para sumabak sa ganyang kalakaran sa buhay.
Isama pa natin ang mga palabas na puro pag-ibig, pero susunod ang patungkol dyan. Madami nauudyukan na ito ay importanteng bagay para sa ating buhay. Walang masama dito, pero gabay sana. Isa pa na laganap na ang mobile phones na kahit murang edad ay mayroon na, isama pa natin ang internet na dumadami ang access at mas madami na paraan para kumonekta. Sa ganyang paraan pa lang, madali na makasagap ng malalaswang bagay kahit nasa loob lamang ng bahay. Ano pa ba? Ang mga institusyon tumututol dito. Pagkakaalam ko matagal na mayroon Reproductive Health Bill na naipasa pero hanggang ngayon, bakit wala ata epekto at hindi maayos ang pagsasagawa? Hindi ba dahil sa mga humaharang dito.
Oras na, tama na, panahon na para maging bukas ang isipan ng bansang ito at mga tao ukol sa pre-marital sex. Turuan ang kabataan tungkol sa salitang pilit ibinabaon at tinatago, ngunit hahanap-hanapin hanggang mapunta sa landas na hindi na kayang ibalik ang ating mga kabataan. Bakit hindi pa ituro ng tuluyan ang pre-marital sex. Mapipigilan mo ba ang mga kabataan patungkol dyan? Oo, siguro, pero sa susunod na talakayan ko na sasabihin yan. Dapat umpisahan sa bahay na turuan ang mga bata na kung saan siya nanggaling at paano ginawa nang sa gayon ay lumaki ito na may kaalaman upang mapangalagaan ang kanyang katawan kung ito ay sasabak na sa ganitong bagay.
May magagawa ka, may magagawa sila, may magagawa ang pamayanan, may magagawa ang matataas na organisasyon, pamahalaan at kahit sino upang ito ay mapababa at maisaya ayos. Umpisahan mo ito sa tigilan ang nakakadiri tingin sa mga tao bumibili ng condom o ano man contraceptives sa mga tindahan dahil walang nakakahiya o masama sa kanilang ginagawa.
Sang-ayon ako sa iyo tungkol sa usapin na ito. Nawa ay mapalawak pa ang isipin ng mga tao rito.
LikeLike