drivers license


Β 

red lights, stop signs…

Back to hanash blogs tayo!

Umalis si Don2 ng alas-dose ng madaling-araw. Pipila daw siya ng ganung oras para sa driver’s license niya. Nakakaloka sabi ko bat ganon kaaga? Hala? Sabi niya 70 lang daw ang ineentertain kada araw. Kaya paunahan makakuha ng slot.

Grabe ano, di ko alam kung dito lang ba sa Cavite, o sa NCR ganun din? Na yung mga government offices e ang hahaba ng pila lagi araw-araw. Tapos ang outdated pa ng system. Bat ganun. Yung mga private industries nag-iinnovate na sila into new systems samantalang yung gobyerno napag-iiwanan ng sistema. (Kung maka-rant ako kala mo hindi taga gobyerno ano.) Or magkaroon ng satellite offices man lang bawat munisipalidad o siyudad, para hindi lahat magsisiluwas pa-Dasma para lang pumila ng ganun kaaga. Yung iba galing pa ng Naic, GMA, etc.

So umuwi na si Don2, pumila nga siya ng alas dose, pang number 25 na siya hahaha. So sabi ko bakit 70 lang ang inaaccomodate? Kasi daw COVID eme eme binabawasan yung taong makakasalamuha para less risk. Mas lalo tuloy tumatagal yung pagproseso ng mga ganyang importanteng dokumento.

Ilalagay ko sana dito pano kumuha ng driver’s license pero marami naman nang guide sa google, search nyo na lang. HAHAHA ang tamad. Tiningnan ko yung license niya, nakaprint lang sa papel. Ganun ba talaga yun.

So kumusta naman? Madali lang daw yung exam. Kung ako daw ang mag-eexam, keri ko raw ma-perfect. Hmmm, I have a bright idea…

red lights, stop signs…..

One thought on “drivers license

  1. I suggest use the LTO website for exam training
    My friend went there last year

    1-40 exam
    30 passing

    driving course
    depends on type of vehicle
    start with motorcycle
    it might be semi automatic
    just dont be an a-hole driver (gta thing)

    -sushiroll

    Like

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.