long story short


Eto ang mukha ng 2020. Kahit saan man ako lumingon, ikaw ang nakikita ko.

Forty two days na rin pala. Feeling ko eto na ang tamang tiyempo.

Earlier December 2020, kinoconceptualize ko na yung year end hanash blog ko (yes it’s been a tradition since 2015? 2016? na may wrap up summary post for the year, tas kasama na dito yung year end top 20 playlist ko.)

Kaso nagpalit na ang taon. Wala pa rin. Wala akong maisip na isulat. Kung maaalala mo, ang theme ko nung 2019 e “Hindi ako masaya. Kahit saan ako magpunta, kahit ano ang maachieve ko, hindi ko pa rin kayang maging masaya,”

Ngayong 2020 naman e, Wala akong maisulat. Ang daming magagandang nangyari sakin sa taon na to compared nung 2019, despite sa pandemic. Maswerte kung tutuusin dahil hindi gaano naapektuhan ang buhay. Pero hindi ko siya maibida sa blog na to, kaya ang tahimik ko, kasi feeling ko magiging insensitive ako sa iba, na I was doing this and that samantalang yung mga nasa paligid ko, nagsstruggle pa rin. Kaya ang lowkey ko ngayon. Para akong naghiatus sa pag uupdate sa buhay.

Well kumusta ka na nga pala ngayon? Ang huling balita dito sa blog ay yung unang paglabas ko magmula nung mag MGCQ. Ang daming nagtatanong sakin (kasi hindi talaga ako nagpaparamdam kahit sa ibang socmed ko) tapos iniisnob ko pa sila haha nagtatago ka ba. Pag kinakamusta ko sinasabi ko lang na ayun nasa bahay lang, naglilimlim ganun.

Kaya din ako huminto sa pagsusulat, kasi pagod na pagod na akong mag isip para sumulat. Pagsusulat ang ikinabubuhay ko ngayon, na mas lalong naging in demand nung nagka-pandemic, and continuous until now. Araw-araw may kailangan ako isulat for work. Minsan, dalawa or tatlong outputs pa yung dapat kong gawin sa isang araw. Napalaban ako ng bongga ngayong taon at in fairness, nahahasa yung media writing emerot ko, pero napapagod na ako mag-isip tbh. Araw araw kailangan may iintroduce ka na topic, or magresearch about sa ganitong issue, tapos hirap pa ako magconstruct before. Nagsusulat na rin ako ng speech. Kumbaga ako na yung naging source of information. At madalas, inaabot ako ng alas diyes, alas onse, minsan madaling araw pa nga e, para sa pagsusulat.

Dati nung college ako, naiistress ako sa mga ganyan tapos ngayon, times 3 pala yung hanash. Ayon kinakaya ko pa naman. Nagresign last year yung isa kong kasamang writer so dalawa na lang kami, plus naghahandle pa ako ng socmed account namin, plus iba pang mga office hanash. Keri lang. Kaya binabalikan ko yung mga tweets ko lately puro, “Yaw ko naaa,” “Napapagod na ko,” “Nahihirapan na ako,”

Tapos ang naging kapalit non, ayon, nawalan na ako ng gana magsulat ng mga bagay tungkol sa sarili ko. Kasi nasa isip ko puro work-related issues na lang. Buti pa yung iba may mga libangan or way to breathe sa buhay, tas ako ayun wala, nasa bahay lang. haha. Marami rin akong struggles last year, pero nagstruggle din ako paano ko siya isusulat, hanggang sa hindi ko na isinulat.

Tapos heto pa, nasa point na ako ng buhay ko na MATANDA na talaga ako. Though isip bata pa rin, pero parang I was forced to grow old haha. Kung maaalala mo last year, I had the golden time – gala kahit saan, attend attend ng mga concert, magparty, makipagdate kung kani-kanino, tipikal na kabataan ba.

Ngayong taon, I mean nung 2020, wala, napirmi ako sa bahay. Sinalo halos lahat ng expenses sa bahay. Hindi makalabas ng weekend kasi may mga pahabol na draft PR or planning na hindi nagawa ng friday. Magluto at mag gawaing bahay. Tipikal na matanda. Haha.

Parang dati atat ako tumanda kasi yes may pera na ko, yes di na ako hahanapin ng tita ko kung nasaan ako, yes makakapili na ako ng mga gusto ko, yes ikakasal na ko.

Pero hirap pala maging matanda. Naiistress ako bat lagi ako nauubusan ng pera, ayun napupunta sa mga bayarin. Naiistress ako 350 na ang kilo ng baboy. Naiistress ako hindi ako makapagprepare ng lunch kasi may PR akong ginagawa.

Namimiss ko lang yung younger years ko. Yung jolly pa ako mag update ng buhay ko dito sa blog kahit wala namang may pake. Yung ang daming naiisip na pwede icontent about sa buhay ko. Ngayon wala e matumal.

Siguro nagmature ako sa part na, hindi na lahat ng nararamdaman or naiisip ko, pinopost ko HAHAHAH. Dati, pag pinapaiyak ako ng prof ko, magrarant kaagad ako sa twitter. Ngayon, pag pinapaiyak ako ng boss ko, wala lang HAHAHA RESILIENT NA. charot.

Dati pag di ako pinapansin ng crush ko, may 1000 word blog post siya sakin haha. Ngayon, pag di ako pinapansin ng bebe ko, e di bahala ka dyan di rin kita papansinin. Jok lang, di niya naman ginagawa yon sakin. Kasi ako yung di namamansin haha. Pero ayun nga, wala ako maikwento about sa amin, kasi saks lang kami. I mean, sakto lang. Nag aaway lagi (emphasize sa lagi), pero hindi na ako tulad ng dati na ihahanash o ipapadaan sa blog yung mga problema ko sa kanya. Ayan gorl mature ka na. haha.

Ang problema nga lang, ngayong taon din, mas lalo pumupurol ang utak ko. Ganito na talaga ata pag tumatanda, bukod sa ma-teknikal masyado yung trabaho ko kaya napapagod ang utak ko, lumalabo ang mata ko. umiiksi ang memory span ko. AS IN. Wala na akong gaanong maalalang pangyayari kahit kanina or kahapon lang siya nangyari. Ganon kabilis magfade sa utak ko.

Lagi ko ring bukambibig na, Hala, hindi ko naalala yan, Naaalala ko na lang yung mga nangyari sa nakaraan ko dahil sa blog na ito. So lahat ng mga hindi ko naisulat noon, hindi ko na marerecall. At yung mga hindi ko naisusulat ngayon, malamang hindi ko na marerecall balang araw kasi, hindi siya recorded 😦

Maghire na ba ako ng writer? CHAR CHAR Wala na akong time sa mga shitposting, sa mga drama. Tho namimiss ko yun drama. Para na akong naging robot or autobot ba yon. Basta. Analytical lang. Kaya maghahire na lang ako, subaybayan niya lang buhay ko tas siya magsulat dito. haha.

Buti pa si ate mo Taylor Swift, nakapagsulat ng 31 songs during the pandemic. Tas ako uhm, heto, tinatamad gumawa ng 2020 Accomplishment Report blog. Hayh.

Nga pala, last week of November, back to office na kami. Pero hindi naman daily, mga isa o dalawang beses lang sa isang linggo. Tapos nag uuwian na ako, ayon struggle pa rin sa commute.

Ano pa bang sasabihin ko? Pag naliligo ako saka ko lang naaalala yung mga pang year end blog kong linyahan e, kaso pagtapos ko, nawawala na sa isip ko. So ayun please, don’t ask me how I’ve been. Don’t make me play pretend. char. Gusto ko pa magkwento ng tungkol sa sarili ko, how do I feel about things now, or if I’m doing better than I ever was? Kaso wala ako maisip. Wala akong maramdaman. Pero mas ok na to, at hindi na tulad dati na lahat ng bagay sa mundo dinadamdam ko.

Pero tumatanda na talaga ako. And I don’t like it.

Namimiss ko yung shitposting days ko. Yung tumatawa ako ng walang dahilan.

ACTUAL ACCOMPLISHMENTS

Wala naman akong ibang na-accomplish sa buhay, bukod sa mga work-related works.

For this year, nakapagsulat ako ng 189 press releases/speeches/messages/script/narrative, at nakakatuwa kasi nakikita ko lumalabas sa major news agencies yung mga ginagawa ko ❀

Yung iba sa mga sinulat ko, inilalagay ko dito sa blog (backread ka na lang) for portfolio ko din yan in case na alam mo na, topakin ako. HAHA.

At ni-launch namin ang Klima Film Festival, pangatlong filmfest na to na hahandle ko. Struggle yung mag organize ng ganito in the midst of pandemic, lalo na youth ang participants namin (nung mga panahon na to, bawal pa sila lumabas tbh), pero nakakatuwa at nakapagproduce sila ng de-kalidad na pelikula ❀

WAYS FORWARD

Ano nga bang ineexpect ko ngayong taon. Season 2 ng ECQ? Last year, sinabi ko sa year end blog ko na wala akong ilulookforward pero binanggit ko sana mas marsming ganap, so naglook forward pa rin ako. HAHA. Tapos di ba unexpected things happened. So ngayong taon, wala na akong babanggitin. Bahala na kung ano yung mangyari.

 

This entry was posted in HANASH!. Bookmark the permalink.

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.