12.31.20 – 11:59:59


pics

Wari mapaglaro ang tadhana sa ating pagtatagpo, ngunit sino ang mag-aakala na ito pala ang umpisa ng ating storya na puno ng halo halong emosyon na ang bumubulusok nang walang pakundangan habang lumilipas ang mga panahon. Ininda ang mapait na nakaraan at ito’y ating nalagpasan, na ito pala ang magiging daan patungo sa’yo piling na magiging sandalan ng ating mga pusong sugatan mula sa bangungot na dinanas buhat sa taong marikit ang trato. Lingid sa ating kaalaman, ang inaasahang mala paraiso storya ay siyang magmumulat sa munting kaisipan na ang tunay na buhay ay isang imahe na ating iguguhit na malayo sa nakagisnan na mga kwenton na mula sa pagkabata. Lingid sa masaklap na pinagdaan, ang mga bagay na ito ay ang magiging sandalan upang maging matatag at matuto ng mga importanteng aral sa buhay na ating mapapagtibay pa ng magkasama.

Yakap mo aking hinahanap-hanap nang mula ng ikaw ay aking makilala, ang mga yapos na tila ba sabik sa isa’t-isa sa matagal na pagkakawalay na tumatagal lamang ng ilang araw, ngunit ang pakiramdam na para ba taon na ang lumipas simula ng ika’y mahagkan. O aking sinta, ako’y wala na balak pa na ikaw ay pakawalan, sapagkat sigurado na sa isat’ isa, hindi pa man tanaw ano man ang panlabas na anyo. Upang matupad ang mga pangakong binitawan sa isa’t isa, parehas na pagsisikap ang kailangan, ano man ang lunos na datnan, sa hirap at sa ginhawa, sa yaman at kahirapan, tayo’y magsasama.

Mula noon na mamataan hanggang sa ngayon, buwan man ang lumipas, pag-ibig ay mas lalong lumalalim pa sa mga nagdadaang oras. Ano man ang mga pagsubok na dumating, ito’y ating haharapin na magkahawak ang kamay at mapagtatagumpayan ng magkasama na walang iwanan. Reyna na ika’y ituturing sa ating palasyo bubuuin ng magkasama at magkahawak na magiging realidad sa tulong ng ating mga pusong nagmamahalan.

12.31.21 – 11:59:59

This entry was posted in LOVE. Bookmark the permalink.

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.