Bagyo


Habang nanonood ako ng balita, hindi ko maiwasang manlumo sa mga nakikita ko, na mas malala pa kesa sa naramdaman ko nung tumama ang typhoon Rolly. During that time, parang halos lahat ay prepared, magdeclare ba naman ng signal no 5 e, sino ang hindi matatakot.

Pero kahit naman anong paghahanda mo, hindi mo naman maiiwasan lakas ng bugso ng bagyo, may mapipinsala at mapipinsala pa rin, tulad nga ng nangyari sa Catanduanes, sa buong Bicol region, na dinagdagan pa ng pag-agos ng lahar mula sa Mayon.

Nung time ng Rolly, tbh hindi masyadong ramdam dito sa amin yung malalang ulan at hangin. Lumabas pa kami nun para magcash-in sa gcash sa 7/11. Pero naririnig ko yung langit na may tunog na parang magkakaroon ng ipo-ipo.

Buti na lang nung time na yun, ipinagbawal ang pagpunta sa mga sementeryo, bilang pag-iwas sa mga gathering na posibleng maging dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID. So lahat ng tao nasa bahay lang, tapos wala namang pasok nun.

Balik tayo sa Ulysses ngayon. After ni Rolly di ba, sunod sunod pa yung mga bagyong dumating, so hindi kaagad makarecover yung mga nasalanta. Tapos ako personally, hindi ko alam na may bagyo! (Sorry wala na akong alam sa mga nangyayari, sa dami ng work ko ngayon), nalaman ko na lang kahapon nung umuulan na ng malakas.

Heto nga ngayon, kung mapapanood natin sa balita, parang feeling ko nabigla yung mga tao, lalo na ang mga taga-Marikina. Normal na sa kanila yung bumabaha pag malakas ang ulan, pero hindi inexpect siguro yung ganun kabilis na pagtaas ng tubig overnight.

Pano pa kaya yung mga taga-Catanduanes, isipin mo ilang bagyo na ang dumadaan sa kanila, hindi sila makapagrecover.

Dapat mas i-inculcate sa mga tao yung disaster preparedness. Ako inaamin ko ayun nga wala akong alam na may bagyo, which is hindi dapat ganun. Ngayon maswerte kami dito kasi kahit sobrang lakas ng ulan at hangin kagabi, hindi kami binabaha. Hindi nawawalan ng kuryente. Ano na lang ang sasapitin ko kung disaster-prone pa yung lugar namin.

I believe nagpapaalala naman lagi ang mga local government units pagdating sa ganyan. Well, may mga LGUs pa rin naman na kulang sa paghahanda. Pero kung ang lahat ng tao ay may basic knowledge about CCA-DRR (Climate Change Adaptation and Disaster Risk Reduction), mas mababawasan yung mga pinsala na dulot ng mga sakuna.

Awareness talaga yung main factor dito. Nabalitaan ko nga na malaking factor din yung pagsasara ng ABS kung kaya yung ibang lugar ay hindi maabot ng impormasyon tungkol sa bagyo.

Sobrang nanlulumo talaga ako kanina habang pinapanood yung mga tao na nirerescue na nastranded na sa bubong ng kanilang mga bahay. Sa mga ganung sitwasyon, hindi mo na iisipin pa na magsocial distancing, or umiwas sa pagpunta sa evacuation center kasi baka doon makakuha ng sakit. All you have to do is survive.

Sabi ko nga sa speech na dinadraft ko for work kanina, “People only act when there is threat and fear.” Hindi marecognized ng mga tao na may “climate emergency” hangga’t hindi tinatamaan ng mga disasters na epekto nito.

Ayon nga sa pag-aaral ng Harvard Humanitarian Initiative (HHI), maliit na porsyento lang ng mga pilipino ang well-informed pagdating sa climate change at disaster preparedness.

I think it’s about time na.. Hindi lang dahil ito ang work ko kaya sinasabi ko to. Dapat maging priority natin yung pag-adapt at pag-mitigate sa climate change na katulad ng measures na ginagawa natin sa COVID-19.

And hey, hindi lang drugs at NPA ang problema na dapat solusyunan ng gobyerno πŸ˜‰

At hindi dapat ginoglorify ang resiliency! Jusko parang buong pandemic puro yon ang nakikita ko sa balita. Toxic positivity e, ang kailangan ng bayan ay konkretong plano, mapa COVID-19 man o disaster response.

Marami nang nangyaring worst ngayong 2020. Sana mapagtagumpayan at masurvive natin lahat ng mga darating pa.


Ang tagal ko nang hindi nagsusulat sa blog and to be honestly, hindi ko na kaya magsulat ng eager o magana na katulad ng dati. Ganito ata talaga kapag tumatanda na.

3 thoughts on “Bagyo

  1. Totoo po, sobrang tinamad ako magsulat nung nagpandemic kasi wala na ibang ganap sa buhay, tapos yung sa work ko ngayon na puro sulat din ang ginagawa ko… Pabebe pa rin naman ako ngayon πŸ˜… pero lowkey na lang po. Hehe

    Liked by 1 person

  2. Welcome back. Nice to read your posts again. Don’t worry, hindi lang ikaw ang hindi nakakapagsulat. I think the pandemic gave us an excuse to be lazy or to be busier. And yes, I noticed you’re not as upbeat as before. You’ve grown so much. Di ka na pabebe… hehehehe!

    Good to hear that you’re doing well at work. Hope to read more of your posts.

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.