At kung hindi mo na kayang pasanin ang sakit na dulot ng aking paglisanβ hayaan mong sagipin ka minsan ng ating mga alaala. Hindi ko sila iniwan sa iyo para lang parusahan ka.
Ngunit saan man sa pagitan nitong ilang milyang kalungkutan, balang araw, mapupulot mo rin ang mga kasagutan.
Sa ngayon, hayaan mo akong humingi ng tawad. Patawad, kung hindi ko binasa ang iyong istorya ng dahan-dahan, pati ang tinig mong hindi ko napakinggan; ang iyong obrang hindi ko natanto ang kahulugan, maging ang iyong mga sugat na nabigo kong hagkan.
Huwag mong isipin na huwad na pagmamahal ang ating pinagsaluhan.
Sadyang tinatanaw lang natin ang pag-ibig sa magkaibang bintana, at kapwa nagsusulat ng ating istorya sa magkabilang pahina.
Walang araw na hindi ko hiniling na sana ngaβy narating natin ang walang hanggan.
Dahil hanggang ngayon, hindi ko maisip ang salitang pag-ibigβ nang hindi naaalala ang iyong pangalan.