February 25, 2019 nung napagdesisyunan namin ng mga katrabaho ko sa ABS na magsama sama at umupa ng isang kwarto.
July 26, 2020. Mahigit isang taon din. Kinailangan na naming iwan ang buhay dorm.Actually dapat matagal na ako umalis, nung lumipat pa lang ako ng work eh. Pero attached ako sa mga tao sa dorm kaya hindi ko maiwan-iwan.
Wala pa talaga akong balak umalis. Kaso.Hindi dahil sa COVID. Nasurvive namin yon sa loob ng apat na buwan. Lalo na si PJ, siya ang naiwan doon eh. Halos lahat kami umuwi sa kanya-kanya naming bahay.
Pero, dahil sa pagwawalang-bisa ng prangkisa ng ABS-CBN, kung saan ako nag-umpisa, at ang pangalawang tahanan ng mga ka-dorm ko, wala kaming choice kundi bitiwan ang buhay dorm.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sigurado ang kahihinatnan nila. Kung may mga trabaho pa ba sila pagkatapos ng August 31?Kung tutuusin, mapalad ako. Pero heto ako, wala akong magawa para sa kanila. Nagla-lie low ako dahil ako’y taga gobyerno rin.
Heto na, nung sabado naghakot na kami. Nag-umpisa ako ng buhay dorm na isang maleta lang ang bitbit ko. Limang pirasong damit. Ngayon ay uuwi ako na may tatlong maleta, dalawang eco-bag.Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sa may-ari ng dorm. Ayoko umiyak haha.
Ang dami kong alaala sa bahay na to. Maraming tsismis na narinig ang kwartong ito. Saksi ang dorm na to sa buhay ko mula sa ibaba, na umiiyak ako every often, na nagigising ako tuwing madaling-araw dahil inaatake ng anxiety. Pati yung mga kalokohan ko. Hetong bahay na to ang sasalubong at sasalo sakin sa bawat “illegal” moments ko.
No. I wasn’t talking about the house alone, but it’s with the people I’ve been with for the past 3 years. Hindi ko alam kung kailan kami magkikita ulit, o kung magkaka-bonding pa ba kami ng ganon? As in with deep talks tuwing alas dose ng hatinggabi, contemplating about our life choices?

Hanggang sa muli nating pagkikita-kita at pagsasama, Dormhub π