Mañanita


Akala ko ordinaryong araw lang to para sakin.

Paano ko ba uumpisahan, haha

Kasabay ng pagdiriwang ng aking ika-24 na taong kaarawan, ay ganap ko nang ipinakilala si Maverick sa bahay. (Yey)

Nung una nag-aalangan pa ako kasi safe na kaya bumiyahe? Handa na ba ako? Handa na ba siya?

Pero tinupad niya yung pangako niya. Dumating siya sa araw na ito.

Tapos kinakabahan pa ako kasi baka may side comments na naman yung mga kamag-anak ko.

Pero grabe sobrang warm ng welcome nila 😭 yung tipong dati todo paalala sila, “Wag ka muna mag-aasawa” ngayon eh “Kailan kasal?” Wait lang mumsh?????????

Tapos nahihiya ako hindi ko siya maintroduce ng maayos haha, tapos iniisip ko baka ma-bored siya dito sa bahay. Baka di niya maka-get along mga pinsan ko. But everything was perfect! 😍 Ang cute talaga ng moment na to. I’m out of words to describe???

Tapos sabi ni ate wen magkamukha daw kami hahahahaha

May pa-surprise siya hahahaha di ko inexpect yun! Thank you.

Wait lang wala ako gaanong masabi, para pa rin akong nasa alapaap haha (char landi)

Nalusaw siya kasi di ko nalagay agad sa ref.

So nung nakaraan tinanong niya ako kung anong flavor daw ng cake yung paborito ko. Sabi ko wala akong specific na favorite, pero gustong-gusto ko yung Mango cake (sa Contis pala yon haha) kasi sa hotel lang ako nakakakain non.

Tapos nagulat ako kanina may dumating na nagdedeliver ng cake? Sa akin?? Hala?? Tapos sa kanya pala galing (nauna pa siyang dumating bago yung nagdedeliver)

Niregaluhan niya ako nito. Alam niyang mababa yung self esteem at confidence ko ever since (binabasa niya yung blog ko mula umpisa, di ko inaasahan yung ganong effort para makilala niya pa ako lalo), so bukod sa advices na binibigay niya, etong librong to ay (sana) makatulong sa akin para mag improve pa sa buhay. Salamat!

May binigay din siya na journal, sabi niya ay doon ko daw isulat yung mga thoughts ko, kung anong nafifeel ko sa mga nangyayari sa buhay ko, about work, social life, about him. Meron din siyang katulad ng journal na kung saan ay isinusulat niya rin yung mga thoughts niya, at sabi niya mag exchange kami ng journals once in a while to discuss these matters.

At ang pinakapaborito ko sa lahat, the letter that left me speechless. Nakakatunaw ng puso. Thank you ☺️ tulad nga ng sinabi ko sayo kanina, iingatan ko ang sulat na ito panghabambuhay, at ganun din ang gagawin ko sayo.

So yung response ko sa letter doon mo na mababasa sa journal na yon.

Tapos ano pa ba, maraming salamat talaga!! Sobra!! Iniisip ko kung deserve ko ba lahat ng ito. Hindi ako maganda para paglaanan ng ganitong ka-espesyal na atensyon.


Dalawampu’t apat na taon na ako. Tulad ng lagi kong jino-joke sa tita ko, dahil 24 years old nag-asawa ang nanay ko, I’ll follow the same path wahahahaha

Dati hindi ko nararanasan yung mga ganitong eme, yung may pa-blowing of candle, yung kakantahan ka, yung isusurprise ka.

Sobrang grateful ako sa sobrang daming dumarating na biyaya sa kabila ng pandemyang ito. Nakakapag work from home ako. Successful yung mga projects at programs namin sa CCC. Nakapagpundar na kami sa bahay ng oven, baking pan, turbo broiler, at blender. Nakapag-ipon na ako ng 6 digits. May bago akong cellphone. Malulusog kaming lahat at COVID-free. Tapos dumating na yung taong handa akong samahan through ups and downs, through thick and thin ng buhay (yes sure na ako).

Ito yung buhay na pinangarap ko 5 years ago. Na sana makaangat na kami sa laylayan. Na sana malagpasan ko yung mga struggles na pinagdaanan ko noon.

Wala na po akong mahihiling pa para sa sarili ko. Ang hiling ko po ay para sa mga humaharap sa matinding pagsubok sa panahon ng krisis na ito. Sana ay malagpasan din nila ito.

Sana ay bumaba na ang COVID cases sa bansa. Sana ay maliwanagan na ang isip ng mga taong nakaupo. Ay wait lang, ang gara naman ng request ko. Is it too much to ask?

This entry was posted in HANASH!, KALANDIAN. Bookmark the permalink.

2 Responses to Mañanita

  1. sh- ✨🌌 says:

    Thank you 🥰🥰

    Like

  2. 🐝 says:

    Masaya po ako para sa’yo, Ms. Shai! Belated Happy Birthday po! God Bless you 💛

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.