Desidido.


Desidido na akong manatili,
pero hindi pa ako handang ibalita sa’yo.

Marami akong gabing hindi tinulugan bago ko napagtantong gusto ko nang matulog sa yakap mo. Marami akong umagang pinalampas dahil ayaw ko nang kumawala sa mga bisig mo. Naisulat ko na nang paulit-ulit kung paano ka ngingiti kapag sinabi ko na sa’yo. Yayapusin mo ‘ko. Magpapasalamat ka sa lahat ng diyos na mayroon ang mundo. May habangbuhay ako para alamin kung paano ka magalit. May sapat na oras ako para tuklasin kung gaano mo talaga kamahal ang kape. May munting panahon pa ako para kabisaduhin kung paano mo isuot ang paborito mong sapatos.
May panahon pa ako para sabihin sa’yo na sapat na ang ngiti mo para hindi na ako umalis.

Sinta,
desidido na akong manatili.

Kung mababasa mo na ito, malamang, ito na ang itinakdang araw ng langit para sa ating dalawa.

This entry was posted in KALANDIAN, LOVE, SHORTS. Bookmark the permalink.

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.