Graduate na si Anye!!!!!


Hindi maganda ang kapalaran ng Batch 2020 ngayon dahil sa COVID-19. Isipin mo yun, kalagitnaan ng 4th quarter. Nagkakandaugaga ka sa mga final projects, thesis, theater play, at iba pa. Tas isang araw hindi na lang kayo papapasukin dahil sa lockdown. At natapos ang school year ng ganun ganun lang? Walang periodical exams. Walang clearance. Walang graduation march. Ang sad.

Ngunit sa kabilang banda, guess what, mah boi, Anye (pinsan ko), napakaswerte niya, sinalba siya ng COVID-19 – sa pabagsak niyang grades haha. Dahil nga sabi ni Du29+1 na ipasa na ang lahat ng estudyante, aba, nakaligtas siya hahahahahaha.

Ilang buwan na kaming nag-iisip kung gagraduate ba ang batang ito o magrerepeater ng Grade 10, na posible pang ma-delay dahil may chance pa rin ata na hindi ituloy ang school year ngayong taon. Tinatanong namin siya kung anong balita. Hindi niya daw alam. Sabi ko ichat niya yung teacher niya. Aba sabi sa kanya, “Awa ng Diyos.”

Tapos ayan pumunta na ako sa school kanina, at ibinigay na sakin ng teacher niya yung diploma, certificate of good moral character, graduation photos, form-138 or card, so confirmed!! Graduate na si Anye!!!!!

Tapos ang tanging remarks lang sakin ng teacher niya, “Lagi siyang tulog sa classroom.” wtf bui hahahahaha pano laging laro ang inaatupag sa madaling-araw. Tas magdadahilan yan, “nakakatamad kasi (magturo)”

So ayun nga ang tinutukoy niyang awa ng Diyos. Kahit puro line of 7 ang grades niya, naitawid niya ang Grade 10 yey.

Sayang, looking forward pa naman ako na ilakad siya sa stage ngayong taon kahit napakatamad niyan. Lam mo ba, ako din ang naglakad sa kanya nung grumaduate siya ng elementarya.

Bilang selebrasyon, naggawa siya ng pizza. Congrats Nyeeeee.

At good luck sa akin. Magse-senior high na siya hahahahaha may babayaran nang tuition ehem ehem

Eto ang OST namin ngayon.

Bagong gising daw siya nung kinuhanan siya ng gradpic.

Moving up lang pala yung tawag pag nagtatapos ng Grade 10. After Grade 12 pala yung mismong graduation proper sksksksksksk

This entry was posted in HANASH!. Bookmark the permalink.

4 Responses to Graduate na si Anye!!!!!

  1. RheaAngeline says:

    Congrats pala more on you. Grabe nakakaproud ka for sending a family/relative to school. Sobrang nakakabilib.

    Liked by 1 person

  2. Yes po lalo na ngayon, online class na din ata sila, baka tamarin siya, pero feeling ko nakikita niya naman yung mga pinagdaanan namin nung nagkokolehiyo kami, sana matuto siya doon

    Liked by 1 person

  3. RheaAngeline says:

    Congrats sa kanya! Hehehe. Pero parang serious matter na kailangang ma-break ang bad habit niya ano? It will impact his future, def. Umasa tayong babawi siya at sisipagin, especially pag college na. πŸ™‚

    Liked by 1 person

  4. Meg says:

    congratulations sa graduation!

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.