Klima Film Festival


Mga kabataang Pinoy!

Meron ba kayong maipapakitang husay at galing sa paggawa ng pelikula? Gusto nyo bang magbigay-inspirasyon sa mas marami pang kabataan?

Inihahandog sa inyo ng Climate Change Commission at Oscar M. Lopez Center ang Klima Film Festival o KFF!

Layunin ng KFF na ipaalam ang suliranin at mga solusyon ng climate change sa mas marami nating kababayan sa pamamagitan ng mga malikhaing pelikula na isinulat at binuo ng kabataang Pinoy!

Ang KFF ay bukas sa lahat ng mga kabataang edad 16-22 na interesado sa sining ng paggawa ng pelikula.

Ang mga sasaling grupo, na may hanggang sampung (10) miyembro, ay maaring mag-register online mula June 30 hanggang July 31, gamit ang link na ito: bit.ly/KFFSignUpSheet

Ang lahat ng mga kalahok ay inaanyayahang sumali sa mga climate change seminar-workshop at climate film labs upang tulungan silang magkaroon ng mas malalim na kaalaman sa climate change at mapaghusay pa ang kanilang mga likha sa tulong ng mga dalubhasa sa larangan ng klima at pelikula. Ang mga workshops na ito ay LIBRE!

Sampu ang pwedeng mag-qualify sa finals kung saan magmumula ang tatanghaling Best Film na magkakamit ng premyong Php50,000; 1st runner up na tatanggap ng Php30,000; at ang 2nd runner up naman na mananalo ng Php20,000.

May consolation prizes rin para sa mga finalist.

Para sa ibang detalye, bisitahin ang aming website o i-message kami gamit ang Facebook.

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.