Gumamit tayo ng mahabang title para appealing tingnan. Charot.
Dahil sa lockdown hanash na yan ay nagpaparamdam na naman sakin ang nakaraan kalungkutang itatago na lang natin sa pangalang depression kaartehan.
So ayun super creative block na naman si ako. Nahihirapan akong magtrabaho. Haha. Sabi ko after ECQ parang ang sarap mag-resign. Well saka ko na ipapaliwanag yung sistema ko sa work from home sa susunod kong post (Coronavirus Hanash) kasi isang bagsakan na yon lahat lahat ng mga hinahanash ko mula March 15 hanggang sa matapos itong ECQ at makabalik ako sa normal kong pamumuhay.
Sinabi sakin ng tita ko na idisplay daw namin sa bahay yung mga graduation pictures at diploma namin. Ayaw ko. Kasi. Wala lang. Feeling ko lang yun ang magpapaalala sa akin ng kinahantungan ng buhay ko ngayon.
Ni hindi ko na nga alam kung saan nakalagay yung diploma ko hahahaha nakalimutan ko na. Kaya kinalkal ko ang buong bahay. Nasaan na ba yon.
Dahil sa marami akong oras para libutin ang aming bahay, nakita kong muli ang mga luma kong gamit – na karamihan ay puro papel. Ah. Mga alaala nung nag-aaral pa ako.
Lingid sa kaalaman ng lahat ay tinago ko lahat lahat ng handouts, quizes, test papers ko – mula elementarya hanggang sa makapagtapos ako. Pero bat yung iba nawawala. Ah baka ginawa nang pang-ningas.
Yun ang magpapaalala sa akin kung gaano kaganda ang reputasyon ko noon. Tapos anong ginawa mo pagkagraduate mo? Bat nagsettle ka sa ganung tao? Char.
So balik nga tayo sa mga nahalungkat ko. Look what I’ve found. Gusto ko picturan lahat ng gamit ko tapos ilagay ko dito kaso, ang haba masyado haha. So heto na lang muna:
Report card ko noong Grade 3. 2004.
Report card ko noong 4th year high school. Dito nagboom yung career ko, kasi, konti lang ang kalaban ko sa honor ranking HAHA LAKAS
Mga journals/essays/projects ko na inilagay ko din dito sa wordpress. Kung babalikan mo yung mga unang taon ko dito.
Resulta ng National Achievement Test ko.
Ngayon ko lang narealize kung gaano ako kapalpak sa buhay haha bakit ngayon ko lang to tiningnan? 80 lang ako sa English. 98 yung Math, Filipino, at Araling Panlipunan. Sabi ko noon gusto ko mag-history degree sa college. Anong nangyari? Bakit ako nag-ABCOMM? Bakit writer ang trabaho ko ngayon? Kaya pala hirap na hirap ako magsulat ng Ingles. Kaya pala bibo bibo ako pag nagtuturo ng math sa katrabaho ko na magte-take ng civil service exam. Kaya pala muntik-muntikan na akong kumuha ng BS Civil Engineering nun. Kaya pala kapag nagsusulat ako ng PR ay nagiging commentary at lumalabas ang dugong dilawan ko. Kaya pala nanghihina ako at walang maicontribute na maganda sa opisina. Kaya pala gusto kong kumuha ng Masters in History sa UP. Kasi. Hindi pala dapat ito ang daang tinahak ko noon. It’s all coming back to me now HAHA THE REGRETS. Pwede ba ako bumalik sa nakaraan? Tapos magsimula muli?
So balik na tayo sa present, iniisip ko din, kung sinunod ko yung nasa NAT ko, makakarating ba ako ng ABS? ng MalacaΓ±ang? or baka.. mas malayo pa pala dun yung mararating ko hahahaha pero look what you’ve done. Hindi siguro ako ganun ka-unsatisfied sa buhay ko. Kahit nakaangat na ako sa laylayan ngayon.
Mas lalo ako nahihirapan magsulat ngayon. Mas nadagdagan yung trabaho namin magmula nung ECQ. Okay lang naman. Ang problema ko lang eh hindi ko siya macompose ng maayos. Hinahanap ko yung old self ko, yung taong nagsulat at gumawa ng mga papel na hinahawakan ko ngayon. Gamay niya to eh. Alam niya kung paano magsulat. Matiyaga siya sa mga ganitong bagay. Nasaan na siya? Pinatay na ng mobile legends, netflix, tiktok? Pinatay ng maling pag-ibig?
But look at the brighter side kasi.
Today marks my first year in public service. April 15, 2019 ako na-hire sa trabahong ito. Gusto ko pa naman magcelebrate. Isang taon na akong nangangamkam ng kaban ng bayan. HAHAHAHA JOKE LANG. Wala nga akong naipundar sa loob ng isang taon.
Akalain mo yun, iniiyakan ko to nung mga unang buwan. Hirap ako mag-adjust. Well hanggang ngayon pala feeling ko naninibago pa rin ako. So the urge to resign was there. Pero mahirap lang tayo teh. Hindi ganon kadali maghanap ng trabaho. Kailangan ko lang isacrifice yung maliit na bahagi ng sarili ko.
The brighter side.
Yung mga sinusulat ko, pinipick-up ng iba’t ibang media. Binabasa naman siguro siya ng mga tao. This is why you write di ba? Heto na yung direct proof na may pinatutunguhan yung mga sinusulat ko.
Ay joke lang. Thursday na pala ito na-post. Valid na siguro eto.
Don’t act as if you’ve been a part of my success. You weren’t here even before I began my journey. Don’t start caring about me now. Charot.
would be glad to read more of your posts π
LikeLike
Thank you π
LikeLiked by 1 person
I love the honesty in this entry. π
LikeLiked by 1 person