“Nagiging โtapatโ ka lang ba sa tuwing pagkakamali โyung inaamin? Ang unfair naman nito sa mga gumagawa nang tama. โPagmamayabangโ na kasi ang tawag kapag sinasabi mo ‘yung huli.”
“Bakit tinatakasan mo? Bakit nilalayuan mo? Alam mo naman kung ano ang gagawin eh. Hindi mo lang ginagawa. Ang taas kasi ng pride mo. Naniniwala ka kasi na dapat siya ang mauna, na siya ang may kasalanan kaya dapat siya ang maunang lumapit.”
“Hanggang kailan ka magiging ganyan? Tandaan mo, sa huli, ikaw lang din ang mahihirapan. Huminto ka na sa pagtakbo. Harapin mo ang problema para hindi na lumalim pa ang sugat.”