Tulog na, mahal ko


February 10, 2020. UP Fair Hiwaga.

Pang-ilang UP Fair ko na nga ba to? Ngayon kasama ko sila Lester. I always see performers, such as Reese Lansangan, Bita and the Bottflies, etc. Parang bawat music fest na naoorganize, I was there.

And there was Ebe Dancel. Kinanta niya yung “Tulog na”.

It suddenly hits me. It just comes back, in flashes.

I remember the very first time I was in UP Fair. Though nasa labas lang ako non, wala kasing ticket haha. Si Ebe Dancel din ang tumutugtog. “Tulog na” ang kinakanta niya nun.

I’m there. He was there. Nakaupo sa malaking puno. Nakatingin sa mga bituin sa langit. Magkasamang nangangarap. Kinakantahan niya ako non, then he kissed me on the forehead.

Assurance ba. Na despite sa mga pinagdadaanan namin nung time na yun, everything will be alright. Yun yung mga simpleng bagay na mahirap alisin sa sistema ko. Kaya pag bumabalik. Sumasakit ulit.

That song that used to be sweet, now becomes a bitter memory.

“Sabay nating haharapin ang mundo”, di ba? Tapos biglang, magkaibang mundo pala ang haharapin natin.

“Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan.” Tapos, sayo pala ako masasaktan.

May mga kantang magpapaalala sayo na di ka pa pala okay. Do these songs haunt you too? May mga pagkakataon ba na iba ang kasama mo tapos tutugtog yung mga ganung kanta tas sasagi ako sa isip mo? Feelingera ko lang.

So this time, nandito ulit ako sa UP Fair, ako na lang pala ang nakabalik.

Tapos sabi ni Lester, “Bat ka umiiyak?”

Sabi ko, “Inaantok ako sa kanta. Ayoko niyan. Tagal naman ng SB19.”

As of this writing, hindi na naman ako makatulog. Gusto ko kumain ng spaghetti 😦

This entry was posted in Categorized, Mga Kwento ng Kanta. Bookmark the permalink.

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.