Iba’t-ibang Hanash


Sinisiguro ko lagi na ma-laman yung bawat sinusulat ko. Parang burger lang yan. Ayokong pag kumagat ka puro tinapay lang ang nakakain mo.

Ang dami kong pinagsususulat recently (kaya pasensya na kung flooded kayo masyado) tapos napagdesisyunan ko na i-compile na lang sa iisang post lahat, since maiiksi lang naman yung iba.


1

Alam mo natutuwa ako sa sarili ko kasi normal na yung sleeping routine ko. Nakakatulog na ako ng 9 or 10pm tas automatic magigising na ako ng 7:30am.

Pero ngayong 3am nagising ako, nananaginip ako na sumisipsip ako ng jellyace stick /frostee ba tawag dun, basta yung hindi pa malamig. Tapos nagcrave ako bigla sa softdrinks. So isipin mo yon, madaling araw umiinom ka ng Mirinda. Sarap. Gumuguhit sa lalamunan.

Ngayon lang ulit ako nagigising ng ganitong oras. Bakit kaya?

Tapos hindi na ulit ako makatulog. Nabasa ko yung chat niya. Ah. Mas malamig pa sa binubugang hangin ng electric fan dito. Ah. Okay.

At dito na ako muling napaisip ng malalim.


2

Alam mo ba, araw araw ako bumibili ng Spaghetti at Beer. Basta, pag mga gabing-gabi (11PM-2AM) nagccrave ako ng bongga, kahit natutulog na ako. Nagtetext pa ako kay PJ na dalhan niya ako ng Spaghetti pag uwi niya. Heto na ata ang tinatawag nilang paglilihi. Haha. Mahigit dalawang linggo na akong ganito.


3

May mga araw na natetempt ako manigarilyo. Di ko alam. Wala naman sa mga tao sa paligid ko ang nagyoyosi na. Masyado na ba akong bored sa buhay? Hindi ko alam. Habang tinitingnan ko yung mga nagyoyosi, iniisip ko, gumagaan nga ba talaga ang pakiramdam nila? What’s in it for me? Does it really give sparks?

Syempre hindi. Everytime na matetempt ako ay iisipin ko ang mama ko. One of my vivid memories of her, ay nagyoyosi siya sa taas. Well siguro impluwensiya ng napangasawa niya. Magpapa-impluwensiya din ba ako katulad niya? Lagi ako sinasabihan ng tita ko na, nagiging kagaya ka na ng nanay mo. I don’t want to, pero mukhang doon din pala ang patungo ko. She had that chance before na maging successful sa buhay (she was way smarter and more intelligent than me). But she missed that chance. Mas lalo siya nalubog. Dahil saan? Sa pag-ibig? Di ko alam. Pero baka yun nga. Well at least she had me, and my two siblings. I’m not really asking questions about my mother. Baka pag nagyosi ako ay mamatay din ako ng maaga (high prone pa naman ako sa lung cancer).

Yung pagkakataon na yun na nasayang ay ayokong mangyari ulit sa akin. Inuumpisahan ko nang buuin ang aking imahe. Ayoko nang lumubog.


4

Paulit-ulit ulit ka niyang dini-disappoint. Sa bawat araw na magpaparamdam siya. Nadidismaya ka lang.


5

“Be happy” they said. “Be free” they said. Pero kung makitid pa rin ang utak ng tao, walang magiging masaya at malaya sa bayan na ito.


6

Naiistress ako sa mga taong napakababa ng reading comprehension tapos ang lalakas ng loob magpaka-keyboard warrior at makipag-away. Ano? Wala ka namang naiaambag sa lipunan hahahaha wait lang bat nagiging KW na rin ako?


7

May mga tao/kaibigan na bigla na lang susulpot sa buhay mo kasi may kailangan sayo, tapos umaasta na parang ang laki ng ambag nila sa katauhan mo, kung makapangialam at magdikta sa mga desisyon mo sa buhay.

Tapos after neto magsosorry na as if ganon lang kadali ang lahat, pero wala namang ginagawa para makabawi sa mga pagkakamali nila, they just get away with it easily, na parang walang nangyari.

Ang dali dali kang kalimutan. Ang dali dali kang talikuran. Ang dali dali kang pabayaan.

Tapos pag fucked up ulit sila, ikaw ang unang papasok sa utak nila.

Let me say it louder for those at the back: You owe them nothing. Yes they owe you a lot, but you don’t have to be kind with them para magstay sila sa buhay mo. Wala silang karapatang magdecide, maski magreact o magsabi ng opinion about sa mga ginagawa mo. Wala silang pakinabang sa buhay mo. Low life peasants. Parasites.

I don’t regret it one bit because they had it coming.


8

May mga bagay na pinanghihinayangan ka, na kung hindi mo hinayaan na magtapos eh di sana mas maganda o mas masaya ang buhay mo ngayon ganun. Tapos nakikita mo siya ngayon as something better than it ever was.

Pero syempre, may mga bagay na ang sarap balikan, but no, it doesn’t make your life any better. So ano kung hindi ka naging inhinyera? So ano kung mas worse yung kinahantungan mong trabaho ngayon? May mga bagay na ang sarap balikan at baguhin pero wala na. Wala ka nang magagawa. Eto ang pinili mong tadhana. Suffer from it.

Kaya heto ako ngayon, hirap na hirap magsulat ng PR. Haha


9

Kusa nang inilalayo sayo ng Diyos yung mga taong hindi kayang sabayan ang pag-angat mo.

Nung una ayoko pa maniwala. Ako ang namimili ng mga taong darating at aalis sa buhay ko. Pero sa lahat ng mga taong dumaan, naging kaibigan ko. Ganun ang nangyari. Not in a negative way ha. Pero you’re both at your best when you’re growing apart. Tbh I don’t know anything about her. Kung manager na ba siya sa work niya. Idk if she knows anything about me. Kung nakukuwento ba ako ng mga dati naming kaklase. Pero sana ganun din yung mindset niya. Na mas makabubuti nga para sa amin na hindi na magkasama.


 

This entry was posted in Categorized, HANASH!, KALANDIAN. Bookmark the permalink.