29th of February


Wag ka nang magtaka kung bakit History ang favorite kong subject. I’m so good at looking back through the past! Char!

Heto na naman tayo sa segment na kung saan mapagtatanto ko na naman ang mga bahagi ng aking nakaraan, hey this isn’t bad. Para lang akong share ng share ng on this day sa facebook ganon.

Leap year special tayo ngayon.

PAST.

Wala lang, naisip ko lang kasi, dahil once every 4 years lang to, let’s go back to my last leap year. 29 February 2016. I was 19. Nasaan ako non?

Madali ako makalimot pagdating sa mga pinapagawa sa akin pero pagdating sa mga petsa at alaala, I remember everything so well. I remember every inch of you so well.

Nasa school ako non. Naalala ko nagbabasa lang ako ng philosophy book neto. Tapos nagcocontemplate sa existence ng tao. De joke lang. Yung mga kaklase ko nag uusap usap na kung saan mag-OJT. Tapos di ako makarelate. Tapos nung time na to, nagfi-film kami. Ah yes I remember the days. Habang may magazine pa akong nile-layout. Nung mga panahong to sobra akong hindi magkandaugaga, basta ang gusto ko lang nun mairaos with flying colors yung mga pinapagawa sa amin. And thank God, it did very well.

I wasn’t thinking about my future. I wasn’t even thinking about my OJT. Akala ko nga hindi na ako makakapag OJT noon eh. Hindi pa kasi ako nakakabayad ng tuition pang pre-finals at finals. Nagpapasalamat na rin ako kasi mas kinonsidera ng mga profs ko yung mga outputs ko kahit wala akong ineexam. Kaya super kayod ako non. Kailangan hindi ako lumagpak, at nakadepende lahat yon sa mga project na ginagawa ko. Thankful din ako at nagkaroon ako ng mga kaklaseng kahit wala akong kaambag-ambag, hindi nila ako hinahayaan maiwan sa laylayan. Ayon sabay sabay kami nagbabagsakan! De joke lang. We did it with flying colors!

4 years ago. Walang-wala ako.

PRESENT.

Kung noon lubog pa ako sa utang, ngayon wala na yey. Dati hirap na hirap akong gumapang. Ngayon nag-aapply na ako for masters. Feeling ko gagapang ulit ako.

Hindi ko nakita yung sarili ko noon sa sitwasyon ko ngayon. Sobrang layo na din. Pero alam mo ba. Bakit parang mas masaya ako noon?

This leap year, nasa bahay lang ako. Hindi ako naglamyerda, kasi, idk wala ako sa huwisyo. Nagluto ako ng pangat, tapos champorado. Tapos BTS marathon lang buong araw. Yung mga bagay na wala ako noon, na inaasam ko noon, wala pa rin ngayon wahahaah de joke lang. Meron naman na kahit papaano. But my life wasn’t like before, na may flying colors. Today was grey.

Yung mga taong kasama mo one leap year ago, hindi mo na kasama ngayon. Malay mo ganun din ulit sa susunod. Yung mga kasama mo ngayon, hindi mo na makakasama pa sa susunod na leap year. People come and go. I CAME AND GO.

FUTURE.

In February 29, 2024, I’ll be 27.

Syempre matapos kong pagnilay-nilayan ang nakaraan, iisipin ko naman where will I be in the next leap year. Buhay pa kaya ako non? Hopefully. May pera pa kaya ako non? Hopefully. May trabaho pa kaya ako non? Hopefully. Yun lang naman ang priorities ko for future. Tapos nagpost si kumareng Jessica ng Bucketlist challenge. So ako naengganyo, aba, nakaka-8/25 na ako. Sana in the next 4 years mas marami pa akong mapuntahan. Mas marami pa akong makilala. Mas marami pa akong matutunan.

Kasal na kaya kami ni ano? Char!! May anak na kaya ako? May anak pero hindi pinanagutan ng jowa? Idk, wala rin naman akong pake hahahaha basta ang importante healthy ako. Nakakakain ng maayos na pagkain. Nakakapaglamyerda. Yun lang naman ang life essentials ko. Tsaka sana hindi na ako iyakin non. Yun lang naman. Tsaka sana hindi na maulit na gaya nung dati na kailangan ko pang mangutang para lang makausad sa buhay. I’ve done too much for this s—


Ano bang mas magandang compliment?

Yung sasabihan ka na ang laki ng ipinagbago mo? O yung sasabihan ka na hindi ka pa rin nagbabago?

This entry was posted in HANASH!. Bookmark the permalink.