Alpha type


SKL: Ni-release ni Taylor Swift ang music video para sa “The Man”. I’ve never been so relate to what’s happening, kasi hey, ganon ang realidad, estado ng kababaihan sa lipunan. Hindi ako nagpapaka-feminist or man-hater pero reality lang tayo dito.

May mga bagay na pag ang lalaki ang gumagawa, acceptable. Pero pag babae, ang daming side comment.

A man getting all the credit for women’s success

Tulad neto, kung makabukaka sa mga pampublikong sasakyan akala mo pagmamay-ari nila. Tapos kapag babae ang ganyan, sasabihan ka, “Kababae mong tao ganyan ka bla bla”

Pag ang lalaki nangongolekta ng babae, ok lang, ginagawang trophy. Pag ang babae ganon, nalelabelan naman as pokpok.

Dads doing bare minimum was celebrated, eh it was your responsibility naman talaga hello??

Women are being used as objects for their pleasure

A man is allowed to react. A woman can only overreact.

Pag ang matandang lalaki nag asawa ng mas bata, normal na lang. Tapos yung babae pa ang nale-label-an na gold digger


Lakas-maka Wolf of Wall Street neto.

Pag ang lalaki ganito, wow ang cool. Ang astig. Pero pag babae ang naging ganyan, negative ang dating. Kaya kita mo nung naging matunog yung pangalan ni Taylor Swift nung 2016? Alam mo ano sabi? “Ayyy pabida, ayyy ang daming alam.”


I would be complex, I would be cool
They’d say I played the field before I found someone to commit to

Pag ang lalaki maraming dine-date, normal lang. Wow ang cool naman nito. Aba, nung ako na yung nakikipag-date, malandi daw ako? Hindi mapirmi? Whut?

And that would be okay for me to do
Every conquest I had made would make me more of a boss to you

Parang masyadong threatened ang lalaki pag nao-overpower ko (feeling ko lang, based on experience), kaya wag kayo mag-aasawa na hindi mo kapantay o mas mababa sayo, in terms of mindset haha. Gurl, you deserve better than that.

They’d say I hustled, put in the work They wouldn’t shake their heads and question how much of this I deserve

When a man calls out his ex, nakakatawa tingnan. But when a woman calls out her ex, nakakaawa tingnan.
When a man writes songs about his ex, nakaka-touch. But when a woman writes songs about her ex, sinasabi ano? Di ka maka-move on teh?

What I was wearing, if I was rude
Could all be separated from my good ideas and power moves

Pag ang lalaki nagagalit, ok lang, nadala lang ng pressure sa work. Pag ang babae nagagalit, nag-iinarte??


Ano na naman ang ipinaglalaban mo? Haha ang nasa isip ko lang, what if one day I’ll do the same What’s it like to brag about raking in dollars and getting bitches and models?

Image sources: Tumblr.

This entry was posted in HANASH!, Mga Kwento ng Kanta. Bookmark the permalink.