Shopee


Ayan na malapit na naman mag 3.3.

Kilala ako ng lahat bilang shopee queen hahahahaha heto kasi yung form of relaxation ko (char), pag naiistress ako sa buhay ko ganon, pag nabobored, ioopen ko lang yung shopee wow hahahaha lakas naman po.

Pero alam mo, hindi ako sumasabay sa mga sale kasi ang tatagal magdeliver ng mga ganyan, unlike pag mga normal days (weekdays specifically)

Heto yung listahan ng mga binili ko sa Shopee (mula 2017 pa) and the list goes on.

Memory Card ang pinakauna kong binili. 32gb. Tapos eventually nag upgrade din ako sa 64gb. Hanggang ngayon buhay pa siya nagagamit ko pa! Eh eto ubos na rin space ko. Mukhang kailangan ko na ng 1TB hahahahaha

Water bag. P129.00. Sobrang lamigin kasi talaga ako nun sa ABS kaya kinailangan ko neto. aba ngayon jusko mas malamig pala sa Malacaรฑang!

Plantsa ng buhok. P89.00. Pero pang bangs lang yan.

Portable Blender. P199.00. Di naman nakakadurog ng mangga. Smh.

– Bluetooth Microphone. P166.00. Kung nakikita mo yung mga vlogs ko haha lagi kong ginagamit yan.


– Dress. P69.00

Swimsuit. P160.00

Sailor Dress. P649.00. Eto yung pinakamahal sa lahat lahat ng mga damit ko hahaahahah i don’t even use this shit

– Chum chum shirt. Di ko alam kung magkano. Regalo lang to sakin eh. Basta shopee din daw yan galing


Bruno Mars merch. P250 each. Dalawang shirt yan, yung isa grey na may mukha ni Bruno, di ko lang mapicturan


Taylor Swift merch!!

Marami pa yan pero maliliit na chenelyn lang kaya di ko na nailagay. Tapos meron din mga drawer, kawali, mga gamit sa bahay haha mga galing shopee din pero mga pina order lang sakin ng tita ko.

Except for the merch, iba yung expectation vs reality ng mga binebenta online haha kaya minsan minamalas din ako. Pero ano hirap kasi humanap ng mga ganitong specific product sa real market.

Ayon. Ang dami kong kuda. Hahaba pa yang listahan na yan.

This entry was posted in KEME. Bookmark the permalink.