Makiling, UPLB


Kung naalala mo, nagshu-shoot kami nung nakaraan para sa sasalihan naming docu fest (ehem KFF char)

Kaso mali pala kami ng entry hahahaha nagkaroon ng confusion sa tema, so we have to make a new concept (wow kala mo talaga, kahit si Ron lang naman talaga ang nagcoconceptualize hahahaha wala akong ambag)

Pumunta kaming Laguna kasi taga-doon yung kakapanayamin namin, isang entomologist. Kinakabahan nga kami kasi malapit na yung deadline tas back to zero kami (late kasi clinarify yung concept), mahirap na maghanap ng expert, matatagalan kasi syempre kailangan mo pa sumulat sa kanila, tapos yung iba naming tinext hindi nagrereply, so ayun buti na lang at bagets pa si Sir na nakuha namin, kahit wala kaming nakahandang mga tanong eh sobrang dami niyang insights na naibahagi, salamat talaga Sir!!

Tapos after non ay tinour kami ni KM, kasama ang kapwa forester niyang kaibigan ni si Camilla, ang gagaling nila haha parang kada turo ng puno o halaman eh babanggitin nila ang scientific name, tas mga facts about doon. Natutuhan ko naman yung mga yon back in my school days pero tumatanda na ako, hindi ko na naaalala. Naaamaze ako sa kanila kasi naretain sa mga utak nila yung mga ganun kakomplikadong pangalan haha, ang gagaling nila! Wait lang nabanggit ko na ba na UPLB alumni sila?

So ayon nga inikot namin buong Makiling Biodiversity Garden, para na rin akong namundok, umakyat ng trail, tumawid ng sapa, malayong lakaran, tas nilakad lang namin pabalik ng UP grounds haha isipin mo yon nakaboots ako #ParaSaAura

May ongoing UP Fair din doon. Hindi na namin naikot yung university proper pero ang ganda talaga doon, eto yung mga lugar na ang sarap balik-balikan.

 

 

 

 

Ang problema na lang namin eh kung paano namin mapa-polish yung docu since interview lang ang meron kami tapos wala talagang actual shots or footage ng mga cocolisap. Kailangan ko pa magresearch and at the same time eh mabuo yung buong flow ng docu.

So now I’m proud to tell you all na as of today, meron akong ongoing na dalawang documentary (not work related), isang film festival, bubuuin yung newsletter ng aming ahensya, magkakaroon ng press briefing sa March, ano pa ba. Pangatlong film fest ko na to tas balik-dyaryo ulit ako sa naeexcite ako.

Yung mga bagay na ginagawa ko noong college ako ay nabibigyang buhay na rin sa current work ko ngayon. Ngayon ko pa lang natututunang mahalin yung trabaho ko as IO haha (grabe ka Shaira) wala akong gaanong ambag di tulad noon na ako talaga ang nagsusulat, lumalakad, nagpoproseso ng mga eme, kasi feeling ko ang incompetent ko pa rin 😭, so sa ngayon assist assist muna ako.

Sana maging successful ang outcome netong mga pinaggagagawa namin, kasi pang national levels na to, kinakabahan ako hahahaha parang may maliligwak this coming months, kaya I HAVE TO KEEP MY SHIT TOGETHER.

Kasi nga nitong mga nakaraang taon, pumurol ang utak ko. Nawala yung apoy ng passion ko dahil din sa unang work ko na stagnant lang haha. Kaya heto sa current work ko ngayon pabigat ako. Unti-unti bumabalik ang kagalingan ko well sana di ba maging consistent tayo.

So ayon habang busy ang iba magpabida sa mga jowa nila, ako heto nagpapakabusy para sa bayan (luh bitter ka lang eh). Pero alam mo, somehow nafufulfill yung self-actualization needs ko. Heto na yung pinapangarap ko, gumawa ng bagay na makakapag-impluwensiya hindi man sa buong Pilipinas, pero at least, para sa iba. Ayoko na maging pabigat sa bayan at kung kanino man. Feeling ko one step closer na ko sa pagiging first lady hahahaha charot!!!!!

Ayan boots ka pa eh sige panindigan mo yan

ABANGAN ANG KLIMA FILM FESTIVAL! THIS COMING APRIL 2020.

Abangan nyo din ang dalawang documentary na ilalaban naman namin sa ibang filmfest. Sana manalo kami.


You’re not nowhere to be found. You’re always there. In my mind. All the damn time.