Dorm


I think it’s about time.

Mag-iisang taon na akong nagtatrabaho sa Manila, pero sa QC pa rin ako umuuwi. Isang oras papunta, dalawang oras pauwi, kasi wala ako masakyan.

Kaya hindi pa ako lumilipat kasi mas mura yung binabayaran ko dito ngayon, kumpara doon sa lilipatan ko malapit sa opisina. Alam mo ngayon ko lang narealize, lumalabas na umaabot pa rin sa mahigit tatlong libo yung gastos ko kaya ang nonsense din pala. Tapos kung doon na nga lang ako sa malapit eh hindi na ako makukunsumi sa pagcommute. Mas may oras para sa pahinga.

Kaya hindi pa ako lumilipat kasi nandito pa si Amiel non, tsaka yung iba ko pang mga kaibigan. Kaya minsan after shift bumabalik pa rin ako ng ABS, para sumabay maghapunan. Eh kaso expired na ang ID ko this 2020. Hindi na ako makakapasok doon. Nagresign na si Amiel. Kaunti na lang din ang natira sa DMS so ayun.

Kaya rin hindi ako lumilipat kasi madali ako sumpungin ng kalungkutan. Baka magkulong lang ako sa kwarto at hindi na kumain, o baka naman dahil mas mahaba na ang free time ko eh kung saang impiyerno ako pumunta at kung kani-kanino ako makipag meet up. Kaya kailangan may kasama/kausap ako sa dorm. Hindi ko na pala kayang mag-isa. Sobrang vulnerable ko pa last year eh iyakin. Pero ngayon ok na ata ako. Tsaka dumating na si Ron at KM, may makakasabay naman na ako kumain at umuwi kaya hindi na siguro ako magkukulong. Tapos maraming kainan sa dorm malapit sa office, unlike dito, walang wala.

Kaya rin hindi ako lumilipat kasi may sepanx na ko kina PJ, Venice at Iza. Iwan ko na ba sila? Magkakaiba na ang mga mundo namin. Hindi ko na sila halos nakakausap kasi pag umuuwi sila tulog na ako, paggising ko tulog pa sila. Di ko alam di na ata nila ako ramdam. Di na tulad dati na may late night talks. Minsan out of the loop ako. Tsaka pag umalis ako tataas ang bayad nila sa renta. Hala.

Ewan ko, sobrang boring kasi ng Bohol Mansion life ko nun kaya ayoko lumipat noon. Tingin mo ba pag lumipat na ba ako hindi na ba ako magiging malungkutin nun?

This entry was posted in HANASH!. Bookmark the permalink.

1 Response to Dorm

  1. Pingback: Dormhub – 🌌

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.