Sitio Pariahan.
Actually kaya ako napadako ng Bulacan ay dahil isinama ako ni Ron sa pagshu-shoot ng documentary nila (Siya yung director neto btw), tungkol sa innovation at technologies, etc. at ang focus niya ay yung sinking cities. Kung napanood mo yung IWitness, itinampok doon ang Sitio Pariahan bilang isang “Isla na Walang Lupa”. Sinasabing lumubog sa tubig ang komunidad dahil sa: 1) Sea Level Rise; 2) Reclamation sa Manila Bay kaya sa lugar nila napunta ang tubig; at 3) Paglubog ng lupa dahil sa sobra-sobrang pagkuha ng underground water. Alas tres ng madaling araw ay bumiyahe na ako pa-Malolos, tapos ay sumakay na pa-Bulakan, Bulacan, na medyo malayo-layo din. Then mula doon ay nagjeep naman kami pa-Taliptip, tapos ay sumakay ng bangka papunta sa Sitio. Sa unang tingin ay para sila yung mga residente na nakatira sa dagat sa Sulu (?) basta yung mga tahanan nila ay nakatirik sa gitna ng dagat. Actually bahagi pa rin pala ng Manila Bay yung tubig na yun. So ang backstory, ang Sitio Pariahan ay isang komunidad na malaki talaga ang lupa noon, ngunit nung taong 2011, nang masalanta ng bagyo ang kanilang lugar ay nasira ang mga pilapil (dike) o yung daanan sa mga fishpond kaya nalubog sa tubig ang buong pamayanan. Napalilibutan na pala talaga sila noon ng maraming palaisdaan, hanggang sa ayun nga ngayon nagkagulo-gulo hanggang sa ang buong sitio ay naging isang malaking palaisdaan na. Hindi sila naniniwala na Land Subsidence ang dahilan, tanggap nilang napabayaan na ang lugar at hindi na inayos pa ang mga fishpond. Bakit daw. Binili ng San Miguel Corporation ang lupain na iyon para pagtayuan ng paliparan (akala ko tsismis/on the process pa pero yes tuloy na tuloy na ata). Kaya wala nang punto para ayusin pa di ba. Hindi pa rin sila umaalis doon kasi nga andun ang kinabubuhay nila, ang pangingisda. Mayaman sa yamang-dagat ang Sitio Pariahan, maraming alimasag, hipon, atbp. At pag sa itaas (town proper) na daw sila manirahan ay mahihirapan sila sa taas ng gastusin, standard of living ba. Kaya sanay na sila na kailangan lagi mamamangka, na wala silang lupang tinatapakan. Karamihan sa kanila ay doon na ipinanganak kaya mahirap para sa kanila na iwanan ang buhay doon. Hindi mo rin masasabi na ‘deprived’ sila eh. Kuntento sila. Kasi may solar panel na rin doon kaya nakakatipid sila sa kuryente at okay na kahit walang linya doon sa kanila. Yung tubig kinukuha sa poso. Yung pagkain ayan sa dagat lang. May tv at smartphones din ang mga tao doon. Pero ngayon ay may palugit na ang pananatili nila doon dahil nga sa gagawing paliparan, pero nangako naman ang San Miguel na bibigyan ng magandang relokasyon ang mga residente, pati trabaho meron na din, magte-training daw sila sa TESDA para pwede ipasok sa San Miguel. Habang papunta kami sa Sitio ay nadaanan namin ang daan-daang bakawan (mangrove trees) na pinutol, dahil nga sa airport. Ito ang masamang epekto ng komersiyalisasyon eh. Wala namang magagawa ang mga tao. Pero kung pagmamasdan mo ang lugar ay manlulumo ka dahil dati ay buhay na buhay ang komunidad na ito, ngayon ay lumubog na.
Basahin ang artikulong ito:
https://www.gmanetwork.com/news/specials/content/26/ang-islang-walang-lupa/
Malolos Side Trip.
Sinulit ko na ang palalamyerda. Para lang din akong nasa Cavite, ang daming lumang bahay, tapos puro simbahan. Tapos nagpunta kami sa Casa Real (Museum of Political History) YOU KNOW WHAT. I LOVE THIS PLACE. KASAYSAYAN IS LIFE HAHA. From Pre-colonial to Post-EDSA Revolution meron dito.
Tapos eto na nga, alam mo ba puro kasalan ang nakikita namin haha tatlong kasal sa Malolos Cathedral at Barasoain Church plus may Bridal Fair sa Robinsons Malolos hahahaha anong meron? IS THIS A SIGN?! SABI KO NA EH MUKHANG IKAKASAL NA ATA AKO THIS YEAR HAHAHAHAHAHAHA WEYYYYYT
good luck π
LikeLiked by 1 person
omg wait lang hahahahahahaha
LikeLike
Kaso ayun ilang buwan na lang ang palugit sa kanila, tuluyan na silang irerelocate ng San Miguel
LikeLike
hindi pa po, hanggang January 27 pa ang deadline of submission tas ngayon nag-eedit pa rin kami haha
LikeLiked by 1 person
Ay wow. Tapos na yung competition?
LikeLiked by 1 person
PS Hintayin natin ‘yang kasalan post na ‘yan wahahaha
LikeLiked by 1 person
Nakakatuwa naman ‘yung mga tao dun sa Sitio. Masasabi mong kahit ganoon ang buhay ay parang kontento na sila sa kung anong meron sila.
LikeLiked by 1 person
Ayy hindi ate haha, bale hindi na to work related, may sinalihan kaming film competition sa DOST kaya kami napunta doon. Kailangan pa namin mag isip ng ibang innovation/technology para sa kanila since meron na silang solar panel na nagagamit
LikeLike
Napanood ko to dati. Sa GMA ka ba nagwowork? hehe. SP sa Brigada yung friend ko hehe.
LikeLike