011320


“Tumataba ka ah.”

Di ko alam kung anong trip neto, magpaparamdam lang naman to lagi pag kailangan ng pera haha (salbahe). Pero bat ganon, sesermunan niya ako sa mga ginagawa kong desisyon sa buhay (aka paglalandi) na parang mali ako? Pero ok naman yung buhay ko in general? Normal na yung malungkot pero I’m on the right track pa rin naman kahit ang dami kong kabulastugan hahahaha. Ganon yan, pag nalalaman na may bago akong nilalandi, sasabihan ako na ganito ganun etc, ang damot, ano ikaw na lang may lovelife? Ano ayaw mo kong mag move on sayo hahahaha gusto mo attached pa rin ako sayo? Haha ang damot char.

Oo sa loob ng dalawang taon ang dami ko nang naka-date hahahaha, pero tinatanong niya bat daw di pa rin ako magfocus sa isang relasyon ganern, eh ayoko eh? Mas priority ko yung career ko char (ang showbiz ng sagot), wala lang di ko lang feel na ‘magsettle’ na katulad nung sa lovelife niya ngayon, parang pag nakikita ko pa lang yung sarili ko na ganun katulad sa sitwasyon niya, naaasiwa ako (tama ba yung term), basta, hindi ako para sa ganung path.

Ayun ewan ko ba basta, pag nakikita niya ako na masaya di ko alam naba-bother ako?

Kaya pag lagi niya ako tinatanong anong balak mo? Wala ako sinasagot kasi nga bukod sa wala akong plano, parang hindi na rin appropriate pa na ikwento ko sa kanya yung mga kaganapan sa buhay ko. Feeling ko nadedemotivate siya, pati yung jowa niya pag binabasa yung blog ko nadedemotivate din kaya sinasabi ko tigilan na nila yung pagtingin tingin sa blog, kahit about sa kanya/kanila yung post eh it doesn’t make sense anymore.

Alam mo ang gusto ko na lang talaga eh matapos na yung utang hanash na to kasi nanggigigil pa rin ako pag nalalaman ko na ang gastos niya sa ganito, sa ganon, tas yung utang niya sakin wala pa ring balak bayaran? Nakakasama kaya ng loob, tumulong ka para makapagprocess siya sa trabaho tas nung sumahod na aba wala man lang balik. Tapos pag kinulang na naman siya kanino pa rin siya lumalapit? Hmmmmmmmmmm.

If I bleed, you’ll be the last to know.

Ilang taon na rin ang nakalilipas.

From that moment I have to ‘revamp’ myself.

Kailangan ko baguhin ang lahat-lahat, para makaahon.

Kailangan kong hanapin ang sagot sa tanong na, “Why am I not enough?”

Kailangan ko maging salbahe ng konti towards you.

Kailangan ko maging mayabang, ungrateful, maarte.

Kailangan ko maging malandi sa kung sino sino para isipin mong naglalaro na lang ako pagdating sa relationship.

Kailangan ko burahin lahat ng bagay na nagustuhan mo sakin.

Kailnagan kong mag iba, para wala ka nang pagsisisihan at wala ka nang lilingunin sa nakaraan. Kasi wala na ako doon.

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.