
Nasa Sta. Mesa ako nung mabalitaan ko to. Akala ko normal na activity lang yung nangyayari, hanggang sa nagchat na si Don na umuulan na rin ng abo samin. Syempre kinabahan ako, bakit umabot hanggang doon yung abo? So malala na pala yung nangyayari sa Taal? Alas kwatro pa lang pero ang dilim dilim na ng langit. Tapos lumilindol na daw. Kinakabahan na talaga ako na as in iniisip ko na saan kami lilipat if worst case scenario happens tapos paano kung matrap sila, kung may uuwian pa ba akong pamilya ganern. Bumabalik sa gunita ko ang mga pangyayari noong Pinatubo (hindi pa ako buhay nung 1991, pero marami akong napanood na docu tungkol sa aftermath nun), kaya natatakot ako what if today I’ll be experiencing the same. Tapos ayun nag-aantabay na ako sa mga kaganapan.
Then 7pm bumiyahe na ako pauwi ng bahay. Pagbaba ko pa lang ng bus napuwing na agad ako. Grabe para akong nasa disyerto, maalikabok, mabuhangin, maalinsangan, amoy paputok. Kitang kita mo sa ilaw ng sasakyan yung pag-ulan ng buhangin. Hala. Sa entire lifetime ko ngayon lang ako nakaranas ng ganitong kalamidad, kaya natataranta din ako at di ko alam what’s next. Ramdam ko yung pagbagsak ng abo sa balat ko. Nagkakaubusan na ng face masks. Yung mga sasakyan puro putik.

Kinabukasan hindi na gaano ramdam yung ashfall, pero nakakatakot. Kasi inaanticipate nang meron pang mas malalang mangyayari. Paano na tayo niyan?
Buti at sinuspinde ang pasok kasi hindi talaga ako makatulog. Paano kung mahimbing ako tas biglang doon lumindol, at magkaroon ng malaking pagsabog di ba?
—–
Pero pano kaya yun, hindi naman to isang araw lang, matagal pa yan bago mawala yung ashfall. Mabubuhay tayo ng ganito, ng ilang linggo/buwan pa?
Pero paano yung mga walang tirahan at sa kalsada na natutulog? Paano yung mga pagala-galang hayop? Kung nasa worse situation na kami, paano pa sila?