112619


Umiiyak na naman siya sa harap ko.

Sa akin pa rin siya komportable na ipakita ang totoong nararamdaman niya.

Nalulungkot ako dahil sa sitwasyon niya ngayon. Pero tahimik lang akong pinagmamasdan siya. My pride speaks at the back, “de ginusto niya yan, yaan mo siya”. Kaso hindi eh. Pag nakikita ko siyang nahihirapan, nahihirapan din ako. But again let’s pretend na wala na akong pake.

Nagsink in na sa kanya yung sinayang niya. Malaking sampal sa kanya lahat ng nararating ko ngayon. Dapat matuwa ako at ibrag to pero no.

Eh lagi kasing ganun, after niyang marealize yung mga problema niya sa buhay at irant sakin, babalik na naman siya sa dating buhay. Living the same routine and same shit again. O panong may mababago niyan?

Sinabi ko na sa kanya noon na dapat magbago ang environment niya, as in lahat, yung marerealize niya na walang sasalo sa kanyang pamilya, kaibigan, etc. Kung kinakailangan niyang maging mag isa at dumaan sa physical struggles, why not di ba? Para maappreciate niya yung oras na matagal na niyang sinasayang.

Sabi niya iba daw talaga ako kausap. Malaki ang impact ng mga salitang binibitawan ko.

…..

Heto na naman tayo, yung mga sinasabi niya sakin eh medyo paasa na naman, “Magwowork out tayo siguro ganito ganon,” etc. Di ako sumasagot. Kahit asang-asa na naman ako hahahahaha yikes. Heto na naman siya, di mo mawari kung ano talaga ang gustong mangyari sa buhay.

Nasa point na ako ng buhay ko na gusto ko na talaga magsettle down at isa pa rin siya sa options kaya overwhelmed ako na wow at least there’s someone considering ME. ME. na makasama in the long run (aka maging kabiyak ganon hahahahaha)

But no. Ang kumplikado ng mga bagay bagay ngayon at ayokong mahila na naman ng problema. Lam mo yun pag lumingon na naman ako patalikod, lahat ng meron ako ngayon, mawawala. Ah basta, ayoko na magbigay ng hint.

Sabi niya, “Di ko alam kung may babalikan pa ba ako.” Wala rin ako sinabi about doon. Ayoko na kasi na makita niya na naghihintay ako. Ayoko na yung maging easy to get na naman ako. Tas madali ding bitawan. Di ba? Bawat araw iisipin ko na naman na iiwan niya rin ako balang araw. Sasabihin na naman niya wala pa rin akong tiwala.

Alam mo nanlambot ako nung sinabi niya na, sa bawat picture mo na may kasama kang lalake, lagi kong iniisip na sana ako yon. Kasi lagi ko rin sinasabi to: Sa bawat lugar na pinupuntahan ko, lagi kong iniisip na sana kasama kita para makita mo rin yung mga nakikita ko. Matikman mo yung mga kinakain ko. Maramdaman mo rin yung nararamdaman ko.

But yeah, tulad nga ng sinabi ko noon. We’re reflecting each other, but I was meant to just look at you from the other side 😦

Yan ka na naman Shaira. Tinutulungan mo siya tas pag tinalikuran ka na naman kawawa ka na naman. Di pa rin naman ikaw ang pipiliin niya sa huli.

Pasensya ka na ha. Alam ko ikaw ang problema mo pera, trabaho. Eh ako? Feelings at future ang problema ko.

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.