Layp hanks


(Life hacks)

Alam mong tumatanda ka na pag nangongolekta ka na ng mga discount card. Hahahahaha

Ganito na karami naiipon ko haha

So far eto na yung nakukuha ko:

SM Advantage (expired na)
Robinsons
Watsons
Mercury Drug
HappyPlus
24k Plus
Palawan Sukicard
Cliqq
Puregold (expired na rin)
Timezone Powercard

Tapos ipromote ko lang tong mga to:

GCash Mastercard – para pwede ka magwithdraw sa atm mula sa gcash mo di ba

PAG-IBIG Loyalty Card Plus – pwede mo rin gawing atm since nakaconnect siya sa AUB, at discount card sa mcdo at iba pang stores!

At kumuha na kayo ng Pag-ibig MP2! For additional savings din. Tinatamad ako magpaliwanag pero basahin nyo na lang ito haha https://filipiknow.net/pag-ibig-mp2/

Target ko rin kumuha ng PayMaya card.

(Kala mo talaga may laman yung mga account mo ha)

Tas parang gusto ko din kumuha ng catd ng Bench at Starbucks, kaso di pala ako bumibili doon haha wala lang pamparami lang ng card

Habang tumatanda ako mas naaappreciate ko yung online banking haha. Kaya importante na may ganito kang apps para easy withdraw/payment kahit saan ka man mapunta. Naalala ko kasi nung nasa Aboitiz ako nun for meeting, pumunta akong canteen para kumain. Tapos hindi pala sila tumatanggap ng cash, thru gcash lang so sabi ko hala kailangan pala may laman yung account ko. At doon na ko nagsimula na gamitin yon, tas dun na rin ako nagloload ng pangdata ko (1GB for 15 days, 99 pesos lang). Ang daming chika ano.

At importante na marami ka ring ID! Kaya habang may pagkakataon, kuha ka lang ng kuha. Kumuha nga ako ng passport noon pang ID lang eh mema.

Bukod diyan, iinstall mo yung mga apps na connected sa mga services na nabanggit ko sa taas.

Uy asan ang Shopee/Lazada dyan?

Dati may notebook ako na listahan ng mga perang natatanggap ko at nagagastos ko kaya namomonitor ko yung pagiging kuripot ko (char), pero ngayon may app na rin (Money Manager) kaya dun ko na nililista lahat ng paglabas at pagpasok ng pera (naks kala mo talaga may pera).

Tapos ayun kung may masa-suggest ka pa na card na pwede ko kunin, comment mo na lang. Iniisip ko nga mag open ng account sa iba’t ibang banko kaso di ko afford yung minimum balance hahahahaha

Madali na lang yung mga card card kesa magwiwithdraw/deposit ka lagi or ganyan kasi halimbawa pag may concert, madali na lang magpareserve ng ticket online. Pag nagggrocery ako debit card na ang pinapambayad ko (luh). Tsaka pag magbabayad ako ng bills (Renta sa dorm, Home credit, etc.) pwede na rin thru mobile. Di ba hindi ka na pipila pa. Load. Ano pa ba. Pag magpapadala ng pera (sugar mommy eh lol).

Tsaka most of all, importante talaga na maging money-wise ka. Lalo na ngayon magpapasko haha ayan 12.12 na oh, hangga’t maaari iwasan mo na yan hahahaha.

Tsaka di lang dapat ikaw, dapat yung mga nakapaligid sayo eh ok din maghandle ng pera. Kaya mag-asawa/magjowa ka ng same mindset as you, pramis. Kasi ikaw you’re doing everything to keep your shit together samantalang yung family or yung SO mo, akala eh nagtatae ka lang ng pera.

Ayan sa sobrang kuripot ko, hindi talaga ako pala-kain sa labas. Ang luho ko na lang siguro ngayon yung mga ganap ganap ko eh jusko pamasahe lang naman nagagastos ko eh? Pero bat ganon, kahit anong paggutom ko sa sarili ko eh wala pa rin natitira para sakin 😦

10 Replies to “Layp hanks”

  1. Yung sa pag ibig kailangan muna kumuha ka ng loyalty card tas ireregister mo, parang bank app lang din, yung paypal parang gcash lang din, wala pa ako makuhang card eh out of stock 😭

    Sige kaso di ako gaano bumibili sa metro at expressions haha

    Like

  2. Waw naman. Kumpleto ang e-money app ah. Hahaha! Paano pala yung sa pag-ibig app saka paypal?? Di ko lam pano loadan yun amp.

    Kuha ka din ng mga loyalty card sa expression ati. Tas metro card sa metro. Hahahahaha

    Liked by 1 person

  3. kaso mahirap din pala pag yung bibilhan ko cash lang ang tinatanggap, eh hindi na talaga ako naghahawak ng malaking cash kaya takbo takbo pa rin mahahanapan ng withdraw-an haha

    Like

  4. Totoo ‘yung mas na-aappreciate ang online banking pag tumatanda. Hahaha lately, ayoko na rin magdala ng cash puro card nalang para mas madali ko ma-track gastos ko. Sana mas mauso na sa Pinas ‘yung cashless transactions. Dito kasi, kahit mas simpleng parang 7-Eleven Store, pwede na rin cashless eh.

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.