Deactivate


New Year’s Resolution ko nung 2019 ang magdeactivate ng facebook. Nung time na yun kasi nakakadagdag sa anxiety ko yung facebook (sabihin mo nang kaartehan to pero seryoso, ganun ang impact sakin). Lagi akong nakakakita ng mga posts about breakups, etc tas natetempt ako ishare lagi so mukha akong nagkakalat ng basura noon. Tas dumagdag pa yung mga DDS kong friends na anytime ready kong awayin, so bye fb na talaga.

Minsan binubuksan ko pa rin naman, pag may quest sa ML, pag iaadd yung bagong crush, ganern, pero dinedeactivate ko naman ulit within the day. Tapos kanina inopen ko ulit para sa CCC Week.

Binura ko na nga pala lahat lahat ng content ng account ko (mga status, mga pictures) basta lahat ng alaala mula sa nakaraan. Para akong Taylor Swift pre-reputation era.

The old Shaira Mae is dead.

Hinayaan ko na lang talaga mamatay ang apoy ng nakaraan. Naalala ko naiiyak nanghihinayang pa ako habang tinitingnan noon yung mga pictures kasi naaalala ko yung old self ko. Ang taba ko non. Ang healthy ko physically at emotionally char. Sayang ang memories pero there’s no turning back. Back to zero tayo.

Anyways yun nga kasi bago na ang persona natin ngayong 2019 mumsh. Hence the term, ‘nandedemonyo’. Tapos ayun, from that moment on, sa blog na ako nagpopost ng updates sa buhay ko, kaya pasensya na kung puro squammy ang content ko this year. Wala na kasi ako facebook eh. Tapos sa twitter naman ako nagkakalat ng basura aka kadramahan shits.

So ayun pinag iisipan ko kung itutuloy ko hanggang 2020 yung pagkamatay ng reputasyon at facebook ko o muli ko na bang bubuhayin.

Nakapagreflect ako at narealize ko na kinaya ko naman mabuhay ng wala non. Nagugulat lang ako kasi sa sobrang tagal kong walang update sa mga friends ko, meron nang isa nabuntis at nanganak na (ang bilis), yung dating maitim at mataba ngayon ang puti na, yung isa nasa Vietnam na, basta mga ganung update. Masaya ako para sa kanila. Sana ako din maging masaya para sa sarili ko no?

Di naman dahil sa napag iwanan ako. I have my own milestones too. Sayang nga hindi nakikita ng mga kaibigan ko yun. Pero yung old self ko, patuloy akong kinokonsensya. Ieexplain ko na lang to sa year end blog ko.

Ang drama mo naman Shai. Ang daming eme.

Hindi ko alam bakit ayaw madelete nung farmville posts ko noon.

Ok na din yan, sa blog mo na lang din makikita yung fragments ng old self ko na pinatay mo char

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.