Ang weird, kasi hindi ko na siya nakikita as genuine, pero bakit kapag nagsasalita siya, everything makes sense?
We know each other so well. Lagi ko sinasabi to. Akala ko ako lang ang nakakakilala sa kanya ng lubusan. Pero siya rin pala. Alam na alam niya ako. Alam niya yung dahilan kung bakit hindi ako mapirmi sa lovelife. Alam niyang walang papantay sa kanya. Kahit ako mismo sa sarili ko di ko matanggap na yun ang dahilan. Para akong guinevere na nag-SS, jumping into someone. Then gagamitan ko ng second skill para makatakas, then repeat sa iba.
Alam niyang sa kanya pa rin ako komportable. Siya lang yung nakakakita nung other side ko. Kahit na hindi na ako nagkukuwento gaano ng mga whereabouts ko, alam niya yung pasikot sikot ng buhay ko. Pero yun nga, hindi na ako nagkukuwento kasi my prideβs shouting at the back of my mind: Wala ka na dun.
Lagi niya akong tinatanong, anong plano mo? Lagi ko lang sinasabi na wala. I just go with the flow. Pero yung totoo I have a lot in my mind. Pero tulad ng mga outing, hanggang drawing lang din lahat yon. Sa umpisa lang ako magaling pero hindi ko mapanindigan. Kaya ganito na lang ako. Lagi akong spontaneous. Lagi akong out of the blue. Lol kaya ka nasasaktan eh. Tsaka mas gusto ko na nakikita niya na lang yung mga kaganapan sa buhay ko after nang mangyari. Action speaks louder than words, sabi ko lagi. Kaya ayan, most of the time, siya na ang huling nakakaalam. Hindi niya malalaman hanggat hindi ko binabanggit sa blog.
Hindi ko alam kung tinatanong niya ba to dahil gusto niyang malaman kung bahagi pa rin siya ng mga plano ko? Pero ako eh wala nang lugar sa buhay niya? Na hindi ako bahagi ng priority niya? Na if all of this went well madali na lang ulit ako itapon?
I told him one time. I was there for you all the time. Hindi financially, pero physically. You have my ears na nakinig sa mga hanash mo. I was there nung nag aapply ka, nung nagdedeliver ka. Pero ikaw, asan ka? Hindi mo ako masamahan sa mga eme ko. Sabi niya, ayaw ko daw. Eh paanong ayaw, ang daming excuses. Kesyo wala pamasahe. Kesyo maglilinis. Kesyo ganyan. Pero ngayon pag si eme nag ano, gora agad agad. Pag sa kanya may pagsundo at hatid, tas pag ako hinahayaan lang sa bayan mag isa ng matagal. Paka unfair talaga amp.
Kaya yung mga recognitions ko ngayon, di ko siya maicredit. Kasi I made it all alone by myself. Wala ka doon. Sayang. Ang dami ko nang nararating ngayon. Literally and figuratively. Lagi ko pa rin iniisip na sa bawat pinupuntahan ko, sana nakikita niya rin ngayon yung natatanaw ko. Sana natitikman niya rin yung mga kinakain ko. Sana nararamdaman niya din yung nararamdaman ko char. Gusto ko sana sa bawat milestone ko andyan ka. But it will never be. Kaya heto bumabawi ako at pinalalasap ko rin sa kanya paminsan minsan ang sarap ng success. Abusado nga lang haha
Naalala ko yung sinabi niya noon, hindi na daw ako totoo sa sarili ko, kasi hindi nagtutugma tugma yung mga sinasabi ko sa kanya. Hindi ako honest sa sarili ko kasi di ako honest sa kanya. So ngayon iniisip ko, ano ba tayo? Parang salamin? Konektado sa isaβt isa? I know him. He knows me. Heβs more comfortable opening up to me. Ganon din ako sa kanya. Kaya kilala natin ang isaβt isa.
Hindi na ako naniniwala na gawa ng tadhana to. Ikaw mismo ang gumagawa ng tadhana mo. At itinadhana tayo na parang salamin. Hanggang tanaw na lang ako sayo from the other side. Magkaiba man tayo ng estado, pero iisa lang ang galawan natin. Weβre parallel. Kaya ba kahit ilang beses lumalayo e lumalapit pa rin?
Again, kahit sobrang komportable kami sa isa’isa, hindi ko na to nakikita as genuine. Lagi ko nang iisipin na, de kinakausap niya lang ako kasi may kailangan siya sakin. Iba yung sinasabi niya sakin tas iba din dun sa isa. Hindi ko alam kung ano talaga ang nasa isip niya, kahit kilalang kilala ko siya. Which is kasalanan ko din, kasi passively nilulure ko siya. Di ko intensyon na ganon pero yun ang nararamdaman niya. Kaya hindi rin siya magtugma tugma.
But this is all wrong. Parang jumper. Ilegal na koneksyon. Mahuhuli din to ng Meralco soon.
Ayoko na ng ganitong feeling. Gusto ko yung taong patutulugin ako ng mahimbing sa gabi. Hindi yung ganito na lang iisipin ko lagi. Sana yung walang doubt. Sana yung genuine. Sana yung hindi ako pag iisipin lagi kung ano ang ibig sabihin ng mga ginagawa niya.
And literally, gusto ko talaga yung patutulugin ako ng mahimbing. At masarap.
Kasi anong oras na gising pa rin ako.
PS: Nalaman ko rin na sakin niya lang sinabi na naterminate siya. Ang alam ng jowa niya at pamilya niya eh 5 days lang siya doon hahahahahaha I have the edge