It’s already a long weekend!
And here’s the recap for last week’s Weekly Chika:
ESGS 2019 highlights.
Kahapon lang na-post to kaya hindi ko na naihabol sa ESGS entry ko.
Attic.
Inayos na namin yung 2nd floor ng bahay haha pero di pa tapos. Pero pwede na magdinner date dyan sa taas, pwede na tumingin ng sunset sa hapon, magstargazing sa gabi. (ayan tulad nung nasa picture, spaghetti plus ikaw lang sapat na wahahahaha). Bibilhan ko na lang ng christmas lights dyan para solb na.
Tumbler.

Karaoke.

Martes pa lang pero kala mo TGIF na haha. Napalaban na naman ang ate mo sa kantahan kahit may sakit pa hahahaha
And hindi kami lasing niyan, yan yung normal mode namin sa office.
Insurance.
Nagkaroon ng orientation sa office about sa HR/Admin/Finance Matters (common government transactions, kung papaano mag cash advance, liquidate, at reimbursement, etc) Tapos mag invite sila ng consultants ba yung tawag dun, basta from Manulife at Prulife. Prinesent nila kung bakit mas essential ang insurance + investment kesa bank savings. So heto na, pagtapos kong tanggihan lahat ng insurance offers sakin eh unti-unti na akong nacoconvince ha, I NEED IT. Kaso kaya di ako makatuloy tuloy kasi una, paano kung hindi ako consistent magbayad? Paano kung keri ko ngayon pero in the next few years wala na ako trabaho? Paano kung hindi ko mapanindigan since ngayon eh wala pa ring natitira sa sinasahod ko. Wala akong naiipon dahil sa demands nila. Tsaka baka pag nalaman ng pamilya ko or future husband ko na insured ako ng milyon milyon eh patayin na lang ako. Hahahahahaha ganon sa mga telenovela di ba. Ang OA. Tapos may naimbitahan ding speaker mula sa PAG-IBIG at diniscuss niya yung about sa MPII at Loyalty Card. Ok din pala yun no, next week kukuha na ako non.
Chicken a la king.
People know me so well na mahilig magluto ng mga unusual na pagkain haha (hal. tokwa + sisig na de lata, etc) So ngayon ituturo ko kung paano ko ginagawa etong isa sa lagi kong niluluto. Ngayon gumamit ako ng chicken nuggets (tinatamad na kasi ako magpalambot ng manok).
Sabi ko ilalagay ko dito yung recipe ng Chicken a la king slash Pastel pala pa rin daw ang tawag dito.
Heto ang mga sangkap:

(Tinatamad na mag-explain) so basically ang paggawa nito ay simple lang:



Tapos ayun choice mo naman kung isasama mo yung nuggets sa sauce. Ako tinopping ko na lang yung sauce eh para magmukha namang mcdo style.
Mama, oooh
Skl: Dalawang magkasunod na araw nang may kinakalong akong bata sa biyahe. Haha. Naeexperience nyo rin ba yon, yung punuan yung bus/jeep, tas makakatiyempo ka na makakasakay, but at the same time may makakasabay kang nanay na may kasamang tatlong maliliit na anak. Eh kaso wala nang space pa, so yung nanay karga yung dalawa, tas sa akin yung isa hahahaha. IS THIS A SIGN π (na magkakaanak ka na next year at may anak ka nang ikakalong sa biyahe)
Tapos ang traffic pa so matagal sa akin nakakandong ang bata, to the point na tulog na siya. Tas ako napapadaydream na naman. Sabi ko hala paano kung ako yung may tatlong junakis na maliliit tas wala man lang asawa jusmiyo, ngayon pa nga lang na malaking bag lang yung bitbit ko pauwi eh nahihirapan na akong bumiyahe, paano pa kaya pag bata. Hala shocks ang tanda ko na talaga, nasa ganitong chapter na ba ako ng buhay? So ang solusyon ko lang ay: Kailangan magkaroon muna ako ng sasakyan bago mag-asawa or mag-aasawa ako ng may sasakyan. Wahahaha
Nahihilo. Nalilito.
Wala heto na naman paggising ko ngayon, nahihilo na naman ako sobra. Pag ibend ko lang konti yung ulo ko ayun ramdam ko na. Yung feeling mo lumilindol lagi ganon. Ganito ako lagi pag nasosobrahan ng tulog/nastuck sa bahay kaya dapat lagi ako nasa labas eh hahahahahaha