WC3: Two after-


Under the Weekly Chika Series:

Kahapon, nag-national museum na naman kami nila Jovi at Rea. Pero bago yun, nagsamgyup muna.

Di ko alam kung bakit lagi akong nagipicture ng pagkain kapag ubos na.

Tapos dumiretso kami ng MOA. Pumunta lang ako doon para mag-watsons hahahahaha tapos bumili na ako nung micellar, ngayon ko lang siya susubukang gamitin. Alam mo naman ako tamad na tamad ako magskin care routine di ba.

Tapos eto na, sabi niya gusto niya daw magpa-masahe. Sabi ko san ka hahanap niyan dito? Kung meron man eh panigurado mahal yon. So inikot namin buong MOA para maghanap, kaso wala eh. Sabi ko, sa may MRT marami spa doon, dun na lang tayo. Eh di gumora kami doon. Tapos yung mga nandun spakol pala, jusko!! E di hinanap namin yung pinakamalapit na banahaw spa, (Hilot lang po gusto niya, ayaw niya ng extra service). Nakarating na kami ng Buendia. Kaso naman 11:15 pa daw siya mahihilot, eh 9pm pa lang non. Uwing uwi na ko hahahaha. Bat di ko rin daw itry magpahilot, eh sabi ko ayoko, di ako komportable na may ibang humahawak sa katawan ko kahit babae pa yan haha (char! kala mo virgin). Eh hindi na namin mahihintay so naghanap pa kami ng ibang spa, jusko hindi ko na alam kung saang lupalop yun ng maynila. Pero at least legit na yung napuntahan namin. Gusto niya nga sana tatlo kami magpapahilot haha, e di pinanood ko nalang sila. Sarap daw. Try ko din daw next time. Eh wala na nga ako sa mood antok na ko non, tas kumain pa kami bago umuwi.

Ayoko nung background music nila, relaxing music siya pero bat ganon may naaalala na naman ako hahahaha

May coke glass na ko yey salamat πŸ€—

Iba pang chika:

Naimbitahan ako ng CNN para sa isang diskusyon tungkol sa pagbabago ng klima, well gagawa ako ng hiwalay na post para dito

Naimbitahan din ako ng Commission on Human Rights para sa isang inquiry na isinumite ng Greenpeace tungkol sa mga Carbon Majors, kung may nilalabag ba sila sa karapatang pantao?

 

This entry was posted in ALAALA, KALANDIAN. Bookmark the permalink.

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.