Imahe


Pinagtagpo. Ngunit hindi tinadhana.

Nandito ako sa balkonahe sa hotel na tinutuluyan ko sa Antipolo habang sinusulat ko ito. May writeshop pa kami bukas. Wala akong tulog kagabi kasi I’ve been somewhere else. Pero mag-aalas dose na pala. Hindi pa rin ako inaantok.

Alam mo ba yung 500 days of summer?

Habang nakatambay ako sa 7-11 sa may Concentrix ay nilapitan ako ng isang lalaki. Akala ko wala na siya maupuan, kaya tumayo agad ako at nagsorry. Pero, balak pala talaga akong kausapin neto.

“Hi Ate, do you also work here?”
“Hindi po eh.”

“But you work nearby? Saan ka?”
“Sa QC pa po ako nagwowork.”

“Oh really. You live here no?”
“Hindi po, taga-Cavite ako.”

“Wait what? Then why are you here?”
“?????”

“Dalawang linggo na kitang nakikita rito, you always drink San Mig Apple here. Alam mo bang bawal yon?”
“Alam ko. Kaya nga hindi ko inilalabas ng paper bag eh. Paano mo nalaman?”

“Kasi nga po I always see you here.”
“Ah ganun ba. Okay.”

“Are you lost or something?”
“Lost. Siguro. Charot.”

“Do you need help?”
“Teka, headhunter ka ba? Kakasabi ko lang kanina may work na ko ahh.”

“No. Ang baba naman ng tingin mo sakin.”
“Oyy ikaw lang tong nagbanggit na mababa ang tingin ah. Tsaka bakit mo pala ako kinausap? Anong kailangan mo?”

“I’m curious on why you’re always here the past few days. And, much better if you go to metrowalk, hindi ka malalasing ng San Mig Apple dito.”
“Wala naman akong planong magpakalasing. Pamatid uhaw ko lang to.”

“Oh okay. I’m here to remind you to keep safe. Always. Since you’re not from here naman pala.”
“Ahh. Eh. Salamat.”

“My break’s about to end. Time to go. Ingat ka, bye.”

Nginitian ko, at umalis na siya.

The next night na andito ako, nakita niya na naman ako.

“Oh it’s you again.” Kumuha muna siya ng vitamilk at binayaran sa cashier sabay umupo sa tabi ko.

“Alam mo miss, ikaw siguro ang headhunter ano? Saan ka? Kalaban ka ba? You spying us?”
“Hahahaha grabe ka naman.”

“Bakit nga dalawang linggo ka nang tumatambay dito?”
“Ang galing ah. Pansin mo yun. Well. Wala lang.”

“Imposibleng walang dahilan. Ano nga.”
“Hmmmmm. Alam mo yung kantang The Man Who Can’t Be Moved?”

“Oo.”
“Yun. Yun ang kwento ko.”

“Wait what?”
“Hindi nga lang ako kasing-sipag ni Danny O’Donoghue. Nagtatrabaho pa rin naman ako at umuuwi sa bahay haha. Pumupunta lang ako dito kapag out ko na. Well, yun yung oras ng pasok niya. Kumbaga eto na yung pampalipas-oras ko.”

At dun ko na kinuwento sa kanya ang lahat. Kung paano ako napunta sa lugar na ito. At na-stuck. (Hindi ko na ikukuwento dito, tinatamad ako.) So doon na nag-umpisa yung mahaba naming pag-uusap. Sinasabihan niya ako ng mga cliche na advice sa pagmomoveon and I was like, nope, walang talab. Everyone said that to me. For the first time in a while nag-open up ulit ako sa stranger. Well this wasn’t the first time pala. Kasi dito nga rin pala kami nag-umpisa ng ex ko – Venting out to a stranger. Tapos we ended up as strangers na naman hahahahaha wtf. Natapos na ang break time niya. At naiwan na naman akong mag-isa dito. The next night I was here. I saw him again.

“Hanggang kailan ka babalik-balik dito?”
“Ewan ko. Hanggang sa mapagod ako.”

“Eh hanggang kailan yan?”
“Ewan ko. Basta alam ko mapapagod din ako.”

“Bakit kasi bumabalik-balik ka pa rin dito kahit alam mong imposible na?”
“Malay mo di ba? Posible pa?”

Alam ko napapagod na rin ang estrangherong ito sa mga drama ko. Pero ewan ko bakit sinasamahan niya ako dito. Haha. Hanggang sa mga sumunod na gabi ay dinadaanan niya pa rin ako dito kapag breaktime niya.

Hanggang sa hindi ko namamalayan, bumabalik-balik ako sa 7-11 hindi na dahil sa ex ko. Pumupunta ako para makita ko siya. Narealize ko yun nung isang araw, hindi niya ako pinuntahan during breaktime. Naisip ko, napagod na siguro to sa kaka-rant ko. Nalungkot ako. Lumipas ang mga gabi at hindi na nga siya bumalik pa doon sa 7-11. I’m confused and I don’t even know who was I waiting for.

Hanggang sa isang araw may natanggap akong message request. Galing pala sa kanya. Gulat ako kasi paano niya nalaman ang account ko? Sabi niya kita niya daw sa ID ko. Oh. Then tinanong ko bakit siya nagchat. Gusto niya raw malaman kung ano na ang nangyari sakin. Sabi ko hala buti naalala niya ako. Nalipat na pala siya ng pang-umaga, nakalimutan niyang sabihin nung huling gabing sinamahan niya ako sa 7-11. Bumabalik siya doon pero hindi niya ako matagpuan, kasi nga di ba 8pm pa ako natambay doon. Pero alam mo ba, tinamad na rin akong magpabalik-balik ng 7-11. Eto na nga siguro yung inaantay kong panahon na, Pagod na ako. Finally.

Hanggang sa ayun lagi na kaming magka-chat. Doon ko pa lang siya nakilala ng lubusan. Siya yung laging nagsasabi sakin na iconvert yung negative na pangyayari into a positive outcome, pero never did I know na mas matindi pala ang pinagdadaanan niya. Dumanas siya ng depression.

Hanggang sa hindi ko nga namamalayan, naa-attach na kami sa isa’t isa. Marupok ka talaga girl. Hindi siya sweet na, “Kain ka na po, san ka na po, etc.”, but his mind. His thoughts. Sobrang lalim. Nahulog ako doon. Dun ko ulit naramdaman yung connection na – ‘bago pa lang kayong magkakilala pero you know each other so well’. Is this love? No.

Hanggang sa nagkikita na kami lagi. Kakain sa labas. Matakaw ako kumain pag siya ang nag-aaya. Umiinom. Naglalakad kung saan-saan. We’ve been to Cloud 9 Antipolo. City view. Stargazing. Nangangarap na naman ng sabay, pero walang kami.

“Alam mo, para di ka ma-demotivated, isipin mo na lang yung mga goals mo, yung mga pangarap mo.” sabi niya.
“Wala na akong gana magplano at mangarap eh. Tsaka napaka-imposible naman ng gusto ko.” sagot ko.

“Ano? Yung magkabalikan kayo?”
“Baliw hinde. Alam mo ba, gusto kong maging DJ. Gusto ko gabi-gabi akong tutugtog sa mga club. Gusto ko magproduce ng sarili kong concert, tapos gusto ko lahat ng guests nakikita kong nagsasaya.”

“Ah kaya pala nahilig ka sa mga gig, no?”
“Ah well impluwensiya ng ex ko.”

“O di naman imposible yun ah. Alam ko pwede kang rumaket sa mga ganun.”
“Tsaka alam mo ba, ang pangarap ko talaga eh maging first lady. Kaya ginagalingan ko talaga sa trabaho ko. Kailangan kong umangat sa sarili ko. Para makahanap ako ng katulad ko na hindi lang sarili namin o pamilya namin ang purpose namin. Alam mo ba, bata pa lang ako, ayaw na ayaw ko na kay Imelda. Pero ngayon na-realize ko, I wanted to be like her. Hindi dahil gusto ko mangolekta ng sapatos o magpaparty gabi-gabi sa Malacanang. Ayokong maging plain housewife lang. I have to create my own legacy, not just because I’m someone else’s wife.”

Nung una natameme siya. Tapos sabi niya non, “Kaya nga malabo nang magkabalikan kayo ng ex ko. Di kayo aangat pareho kung ganyan pa rin kayo.”
Tapos nagjoke siya. Sabi niya, “Sakto, tatakbo pa naman akong presidente haha. Halika gagawin kitang first lady.” Tinawanan ko lang siya. Pinagplanuhan na yung mga proyektong gagawin. Sabi ko gusto ko ma-improve yung public transport natin, para yung mga mayayaman, mas maging convenient na sa kanila yung magcommute kesa magdrive ng sarili nilang sasakyan.

Pero alam mo, mas malabo pa yun na mangyari eh. Dahil lahat ng nangyayari, this was all temporary. This summer will sure end soon.
We’re attached to each other. But we can’t be together. Hindi dahil sa hindi pa ako nakaka-moveon. Hindi dahil sa ayoko muna mag-commit at gusto lang mag-play around at lumandi. At hindi dahil sa panget siya kaya ko nirereject. I like him, but..

At age 23, he has a kid. He was married. They went separate ways a few months ago. But he loves his daughter so much that he still have to stay and wait until she turns 7, saka niya kukunin ang custody ng bata. Na-depress siya dahil dito, sa sobrang pagmamahal niya sa anak niya eh ginive-up niya yung future niya. Yung chance na makapag-umpisa ng bagong buhay.

Alam mo sabi niya non, “If only I had met you two years ago, I should’ve marry you instead. I should’ve started a family with you instead. Hindi ka na sana nakilala pa ng ex mo at nasaktan ng ganyan kalala. Hindi na sana ako nakakulong sa sitwasyong ito. Kung nakilala lang kita agad.”

I don’t want to enter the picture at guluhin yung plano niya para sa anak niya. At saka naniniwala ako na baka magkabalikan pa sila ng ex-wife niya, kahit may bago na raw ito. At narealize ko din, kahit magkatuluyan kami, hindi niya matutupad yung pangarap ko na maging first lady, kasi hindi naman kami maikakasal eh. Haha. Wala namang divorce dito sa Pilipinas. Pero di naman yun yung pinaka-reason ko ah. Pero gets mo yun, hanggang kabit na lang ba talaga ako? Paano na yung mga pangarap ko haha. Partially kabit na nga ako ng ex ko. Papayag ba ako na maging kabit in reality?
So yeah. After nun. Nag-umpisa na ang tag-ulan. Tapos na ang panahon ng ‘summer’ namin.

Sayang, it was the best one I’ve never had. Nahigitan ng isang buwan yung isang taon. Sana, sa susunod naming buhay, baka naman pwede na kami. Charot. Pero ano, baka magawan pa ng paraan ngayon. Ah basta. Haha.

Kinalimutan kahit nahihirapan para sa sariling kapakanan,
Kinalimutan kahit nahihirapan, mga oras na hindi na mababalikan.

The end.

2 thoughts on “Imahe

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.