(medyo mabagal magload ang post na to ang dami kasing attached videos)
Do you remember
The 27th night of September?
Gusto kong mag-blog ng mga about sa naging ganap ko pero tinatamad ako magkwento eh hahaha (lagi naman) (masaya ka kasi kaya hindi ka nagbblog). So heto ang entries ko:
September 15, Sunday.
Last day ni Amiel sa work. Mula bahay bumiyahe ulit ako pa-QC. May flight ako neto kinaumagahan pero keri langs. Ayun nag-inom kami. Nalasing ako haha (as in nakatulog na ako doon sa inumart) wala akong maalala, kahit yung sa Jollibee di ko matandaan, basta alam ko lang non 6AM na, pauwi na kami.

Mami-miss ko to haha pero hindi pa ito ang huli nating pagkikita-kita. Marami pang opportunities na naghihintay sa kanya kaya laban lang! Darating din yung career path na tatahakin niya.
So after non, kinuha ko lang yung mga inimpake ko at dumiretso na ng airport, dapat dadaan pa ako sa office para kunin yung laptop at camera pero hindi na kinaya ng oras jusko, so pinabitbit ko na lang kay Hans. Walang tulog, walang ligo, bumiyahe ako pa-Legazpi. Ico-cover namin yung training ng mga local government officials doon. Pagdating ng Bicol eh ayun nagsetup na kami sa event.
September 16. Monday.
Heto na, ngarag ngarag na ko ng araw na to. Dumating na sila Sec, Cabsec Nograles, at iba pang mga VIP. Need namin ma-interview yung mga mayor pero nagsi-alisan sila agad, so taranta talaga ako besh! Pero naka-survive naman kami sa Day 1.
September 17. Tuesday.
Day 2. Normal lang naman yung mga nangyayari dito.
September 18. Wednesday.
Day 3. Ganun pa rin.
September 19. Thursday.
Day 4 ng training. Pinapagalitan na kami hahahahahahha kung ano-ano kasi ang inaatupag ko. Ngayon tinatawanan ko na lang pero nung nandoon ako nag-iiiyak nako sabi ko gusto ko na umuwi, baka pagbalik ko ng maynila tanggal na ako sa trabaho hahahahaha.
Nung gabi nag-socials. Kumanta sa karaoke. Nag-inom. Pero mas nauna malasing yung kasama ko.
September 20. Friday.
Birthday ni mumsh. Nagpa-pizza ako sa bahay pero hindi ako nakakain kasi nga andito pa ako sa Bicol. Last day ng training. Hindi ko mapicturan ng maayos yung mga participants kasi nagloloko na naman ang camera. Nataranta na naman ako ng very light tas medyo trauma pa kasi nabembang ako kahapon. Ayun naitawid naman namin ng maayos ang program. Ginawa ko na rin yung Press Release. Hirap ako magtranscribe ng speech ni CabSec, may part na hindi ko maintindihan.
Nung hapon, pumunta na kami ng Cagsawa Ruins. Kaso masama ang panahon nun kaya hindi nagpapakita si Mayon. Puro ulap lang. Sayang.
Heto pala ang iba pang mga litrato — Legazpi.
September 21. Saturday.
Lumipad na ako pabalik pero dumiretso ako ng Tanay, Rizal. Nag-treasure mountain. Dala dala ko lahat ng gamit ko hahahaha tas ako lang mag-isa nakarating doon. Ang layo. #ACHIEVEMENT. Malubak ang daan. Tapos ang lamig lamig. Akala ko late na ako makakarating pero mas nauna pa pala ako. 5PM ako. 9PM sila. So mga apat na oras akong nakatunganga doon. Nagsetup ng tent. Nagluto. Uminom.
September 22. Sunday.
Ang ganda ng sunrise dito sa treasure mountain β€ ang saya dito haha ang sarap mag-prenup dito hahahahaha. Tas ayun nagswimming kami. Then umuwi na ng hapon.
Heto ang iba pang mga litrato —- Tanay.
September 23. Monday.
Normal office day, ugh, natatakot na ako pumasok kasi bebembangin na naman ako dito hahahaha pero hindi naman, nagegets ko naman kung bakit ganito sila sakin. Sabi ko na lang di ko na po uulitin.
September 24. Tuesday.
Normal office day ulit. Tapos pala naghahanap na ako ng ospital na mura ang MRI. Kailangan ko na yun next month eh. Kaso sa sobrang dami ng biyahe ko. Di ko maasikaso. Tsaka nasa peligro pa ako nito kasi ang dami pang pending sa office haha parang hindi ako makakapagleave ah. Pero buti di pa naman ako ginigisa.
September 25. Wednesday.
So heto na nga. Bumiyahe na ko pa-Palawan. Isang oras sa eroplano. Limang oras naman yung van pa-el nido. Ala una na ng madaling araw ng huwebes kami nakarating sa tutuluyan.
September 26. Thursday.
Heto na ang umpisa ng pagliliwaliw. Nag-island hopping lang kami maghapon. Uh wala na akong maikukuwento.
September 27. Friday.
Very challenging ang araw na to kasi puro motor lang ang inatupag namin hahaha kasi ang lalayo ng mga destinasyon namin, Nacpan, Ille Cave, tapos nagkagulo gulo pa kami kaya natagalan haha pero ang saya β€

Bago pala namin narating yang tuktok na yan, ganito kahirap ang pinagdaanan namin jusko. Mula town proper ng El Nido, nagmotor kami ng ilang oras para makapunta sa mga liblib na lugar na to, 20km from town proper to Nacpan, tas 40km ata from Nacpan to New Ibajay. Puro malubak ang daan kaya feeling ko nagra-ride ako sa Enchanted Kingdom habang nasa motor (buti na lang hindi ako tumitilapon). Ang sakit ng pwet ko haha maghapon ako nasa motor, tapos nung nasa Ille Cave na, aba ganito pala katarik yung aakyatin namin. Sabi ko nung una hindi ako sasama, malulain ako eh baka mahulog ako, kakabagok ko pa lang. Eh kaso lahat sila aakyat na, e di wala akong choice haha kesa naman maiwan ako kasama ng mga paniki sa ibaba.
Inabot na kami ng gabi sa biyahe, ang layo pala talaga ano. Tapos yung mga dinadaanan naming kalsada wala talagang kuryente as in. Makulay lang tong motor ni Ron eh haha. Ang sakit sa pwet talaga jusko.
After nun, ayun nag bar hopping lang kami. Ang daming afam haha.
September 28. Saturday.
Gumala pa ako sa Ilaya, Las Cabanas Resort (yup, that was named after me).
Sunog na sunog ako nung mga araw na to, pero ang saya. Hindi lang dahil pang-instagram shots ang mga tanawin, pero yung mga experiences ko habang naglalakbay sa mga napuntahan namin. I have a lot of memories here.
Heto pa ang iba pang mga litrato mula sa Palawan —- El Nido.
———– AND THAT’S A WRAP ———-
Halatang tinatamad na magkwento hahahaha
I reached for you but you were gone,
I knew I had to go back home.
Lingid sa kaalaman ng lahat, muntik na rin palang maipasara ang El Nido para sa rehabilitasyon (na tulad nung sa Boracay), nung mga nakaraang taon, napakarumi na rin ng mga dagat, maraming basura, etc. So ang ginawa nila, upang hindi tuluyang maisara sa publiko (at syempre mawawalan sila ng kikitain, since yun ang pangunahing ikinabubuhay nila doon – ang turismo), nagsagawa sila ng clean-up drive every week, nagtulong tulong sila na maibalik sa dating kalinisan ang El Nido. And look at it now. Ang dami talagang turista, lalo na mga foreigner. Tuwing disyembre daw sobrang daming tao.
Tapos may mga Badjao din dito, pero hindi sila yung nanghihingi o nanlilimos ah. Nagbebenta sila ng mga perlas. Ayun ang sabi may humahawak din sa kanila, para gawin yung ganitong hanapbuhay.
Nakakatuwang pagmasdan ang mga tao dito. Kasi ang simple lang ng pamumuhay nila. Inimagine ko yung sarili ko na what if hindi ako alipin ng industriyalisasyon? What if magtrabaho na lang din ako bilang tour guide, or barista, sa ganitong klaseng lugar? Yung hindi ko na kailangang kumayod para magbayad ng ganito, tumustos sa ganito? Yung hindi ko na kailangang makipag unahan sa pagsakay sa bus at magtiis sa matinding traffic? Yung hindi na ako maprepressure sa mga extraordinary demands ng boss ko?
Heto yung mga realizations ko sa buhay after kong maglaho sa sibilisasyon.
Napagtanto ko lang yung mga bagay bagay habang nasa biyahe ako pa-Puerto Prinsesa mula El Nido. Ako lang mag-isa ang uuwi, yung mga kasama ko may extra one day pa, ako flight ko na mamaya. Nakaramdam ako ng sepanx, ang lungkot, hindi dahil sa wala akong kasama, pero mamimiss ko ang lugar na ito. Kasi hindi ko alam kung kailan ko ulit masisilayan ang El Nido? O kung ito na ba ang una at huli kong pagpunta? Makakabalik pa ba ako?
Deserve mo ang break na yan! Saya! Nag Puerto-El Nido kami last May hehe
LikeLiked by 1 person